Showing posts with label reactive. Show all posts
Showing posts with label reactive. Show all posts

Tuesday, September 30, 2014

AUGUST 2014 REPORT CARD

everything is stable...

but need to watch my sugar and carbs...

otherwise...

i feel good...

i feel great...

 

kayo?

kamusta kayo?

 

ako si BONG

ito ang aking diary

 

Friday, March 21, 2014

NEWBIE SI JOE!

On Mar 17, 2014, at 5:13 PM, Joe wrote:

Hi sir bong,

My name is joe. Bagong enroll po ako sa sagip. Natatakot po ako kasi nitong january ko lng po nalaman na positive din ako. Nung nabasa ko yung blog mo natakot ako sa shingles, kasi may shingles like din ako sa left arm... Diko pa po sure kung shingles ngato kasi di pako nakikita ng doctors. Still waiting padin po ako sa cd4baseline result ko. Pag lmabas nadaw po cd4 ko thats the tym lng na i eeskdyul nila ko sa doctor. Natatakot po ako. Sa blog m po nagkaron ka ng shingles, kumusta napo kayo? Delikado po ba un? Tip naman po on how to deal with it. Wala pa po kasi akong arv e.

Salamat

-joe

----------

On Mar 18, 2014, at 1:53 AM, Bong Lopez wrote:

Shingles ay parang medyo katulad ng chicken pox, kapag nagkachicken pox ka na nasa katawan na natin ito. Sabi ni doc common daw ito sa mga immunocompromised kahit anu pa ang cd4 level. Madalas daw lumalabas ito kapag sobrang stress, naaactivate daw ito na nagiging shingles.

Kung shingles talaga yan dapat masakit at makati at nakikita sa isang side lang ng katawan natin. At dadami ng dadami kung di agad gagamutin.

Dapat pinakita mo kaagad kung sino man ang nurse or duktor sa SAGIP para naagapan.

Medyo mahal ang gamot, almost 8thousand yung nagastos ko. Pero dahil day1 pa lang napacheck ul ki na agad. Di na sya dumami sa akin at di naging masakit. Me maliit na lang na mark sa may tuhod ko ngayon.

Pacheck up mo agad sa duktor.

Bong

----------

On Mar 18, 2014, at 9:46 AM, Joe wrote:

Nawala din po ba sya? I mean after ng gamutan di na sya bumalik. D naman po masakit at makati yung sakin. Ngayon po nag black na sya. Parang sugat na gumagaling na.

----------

On Mar 18, 2014, at 12:06 PM, Bong Lopez wrote:

Mawawala daw yung mark pero medyo matagal yata. In the future pwede pa rin daw bumalik.

Bong

On Mar 18, 2014, at 1:41 PM, Joe wrote:

Nakita nyo napo ba yung bagong news.... 448 new cases daw po of hiv in january 2014. Average age 28 yo. 85% male. Natatakot po ako. Isa ako sa 448. Ang dami masyado.... Kayo po ba malakas pa? I mean na confine napo ba kayo before. May mga naging infections napo ba kayo? Pasensya napo madamim akong question gusto ko po kasing maging aware sa mga common infections and gustong gusto ko po kasi nakakarinig ng mga success stories pampalakas ng loob ko. Ryt now po kasi di pa alam ng family ko even bf ko. :( Salamat

Joe

----------

On Mar 19, 2014, at 2:54 PM, Joe wrote:

Hi ser bong...galing po akong sagip just now. Hindi binigay ni nurse anne yung exact number ng cd4 count ko. Sabin kasi nya doctor ko ang magrereveal sakin. Sabe nya below 350 nako. Per di namn daw sobrang baba :( natakot nnman po ako. Nagwoworry po ako. Sabe nya i-sskedyul padaw nya ko. Regarding namn po sa shingles like na nasa arm ko..... Sabe nila di namn daw po to shingles. So negative po ako sa shingles. Insect bite lng daw to na di gumaling. Haist..... Nkakapag worry tlga tong araw nato.

After nun di po ako napakali so nagpatingin po ako sa derma sa metropolitan medical ctr.. Pinakita ko yung shingles-like sa arm ko gaya ng advise nyo. Ayun bingo.... Ang sabe ng derma is herpes zoster daw so niresetahan nya ko ng gamot. Sabe nman po nya pagaling nayung nasa arm ko pero inadvise padin po ako na inumin yung antibiotic.

Thannk you po sa mga responses nyo.. It helps a lot. Salamat din po sa blog nyo kasi nagiging aware ako sa condition ko.. Plus pag may naririnig po akong mga success stories sa gaya natin lumalakas ang loob ko. Tumatapang ako. At nagkakaron ng will to survive. Salamat po.

-Joe

----------

On 3/19/14, Bong Lopez wrote:

Good news yan. Mabuti at nagpatingin ka sa duktor agad. Just drink the

antibiotic in complete dose. Kung talagang below 350 na ang cd4 mo, most

probably eh irerecommend na ng duktor na mag ARV (gamot) ka na sa susunod na

appointment mo. Mabuti na rin yun para maagapan ang gamutan. Goodluck sa

iyo. Balitaan mo ako ha.

wag masyado magworry. Kasi lalo makakasama ang pagwoworry.

Bong

----------

On Mar 19, 2014, at 4:45 PM, Joe wrote:

ikaw po ba? Kmusta napo pakiramdam nyo? Nakakaramdam din po ba kayo ng

panghihina simula nung nag arv kayo? - salamat

Joe

----------

On Mar 19, 2014, at 7:13 PM, Bong Lopez wrote:

I feel perfectly fine. Wala akong nararamdaman masama sa katawan ko.

Paminsan minsan may fungal and viral infection, which is minor lang naman at common sa mga immunocompromised. Ang kelangan lang masipag magpatingin sa duktor at sundin lagi ang gamot.

Dipende sa ARV na ibibigay sa yo, me kanya kanyang side effects naman, eventually magiging manageable na rin. Ieexplain naman sa iyo ng mabuti yan ng duktor bago ka magsimula.

Makabubuting magresearch ka sa www.thebody.com kasi kumpleto iyan sa lahat ng mga sagot sa mga katanungan ng mga bagong diagnosed.

Yes sagip ako pero semi private clinic ako ni dra kate sa shaw blvd. Di pa ako nakakarating sagip unit ng pgh eh.

San eh eventually magkalakas loob ka ng sabihin kahit sa ilan sa kaibigan, pamilya or BF mo. At wag kakalimutan lagi ang magproteksyon.

Goodluck sa atin.

;)

ito ang aking diary

ako si BONG

 

Saturday, March 16, 2013

ANNIV NI DAN!

 

hi everyone

aun, kaya nga pla ako nagsulat ng story kc aniv ko na sa pagiging HIV + gusto maging memorable ang experience and ma share ito

kc until now marami pa akong d alam at gusto matutunan about HIV

nakakaloka dba pero wla na kong magagwa eto na ko....

ako nga pla si Dan 25 yrs old pero pag nakita nyo ko am look like 17, gaya ng sabi sakin dun sa HIV seminar namin baby face kasi ako eh, small built white complexion tska appealing ( uy am not making my self proud ah hahahahhaha description lang) going back i want to share my story kc gusto maging makabuluhan ang pagintindi ko sa sakit natin at matuto ng sobra.. takot eh... TAKOT AKONG MAMATAY

i was diagnose last 2012 April un the second un ang pinaka malungkot na pangyayari sa buhay ko, gusto ko lang mag patest nun sa HEPA B kc para un sa ojt ko sa hotel requirement eh, so i went to my auntie aun di ko alam she tested me for HIV aun sapul ako, i went to several test lahat positive, nakakalungot dba, ako nga di ko talga alam ang aggawin, i can't even tell it to anyone.

limipas ang mga buwan, days, and weeks, nag start ako mag pa baseline test awa ng diyos lahat negative until now ni hindi ako nag kaka sipon or ubo, even any sympthoms wla. healthy tlga siguro dhl wla pang manifestations, early detection eh

pasensya na pero magiging emotional na ako, gusto ko lang malabas lahat na alam kong un din ang nararamdaman ng marami sa atin...

lumipas ang araw at buwan naramdaman ko na ang sympthoms ng sakit ko i had lymph node sa leeg, sa armpit at sa shoulders siguro mga 10 sila lahat wla nmn akong nararamdaman kya deadma lang... i took anti boitics kc sabi nila mamwawala daw ang lymph pag ng anti bacterial mali pla ako

pang 7month ko na andyan parin sila nakatatak na sa leeg, balikat at dibdib ko, nakakatakot, nakakaalarma

pumunta ako sa treament hub ko sa alabang

pinagpala ako wla nmn findings kc sa totoo lang ni hindi ako nagkasakit or what even khit wla akong vaccine ( thank you lord )

pero di nagtagl nakakaranas na ko ng back pain upper part it almost last for now cguro mga 8 months na di nawawala di nmn ganun kasikt tolerable but mararamdaman mo

natatakot ako, ayoko nmn mag pa xray bka may lumabas at di ko nmn matanggap, kc honestly nung nalaman ko na meron ako gusto ko gumanti at i kalat ito, para patas patas tyo, kso naisip ko ako nga di ko matanggap hahayaan ko pa bang maranasan to ng iba?

di pa ako nag gagamot kc last CD4 ko 567 pa sya naun di ko na alam kung anu scheduled para para sa susunod na CD4

nagyoyosi at nagiimon pa ako

at malala kc di ko na maiwasan mag yosi at maginom

pasensya na pero simula ng malan ko to nalungkot parang ninakaw nya sakin lahat

ung kababtaan ko, ung kagustuhan kong i enjoy ang buhay ko, ang paginom at pakikibarkada

lahat un nawala na

pero alam nyo ba ginawa ko parin sya madalas pa din akong maginom at mag yosi

un na siguro ako

pero natatakot ako madami sa kaibigan ko ang namatay dhl din sa HIV

maswerte ako dhl wla pa akong OI anu ba gagawin ko? para matigil ang mga bisyo kong ito PLEASE HELP ME

naun gagraduate ako sa HRM ang saya ko nga eh, pero malungkot pa din kc wla pa din tyong gamot

nga pla marami akong kilala sa mga kaibigan ko parang positibo pero nahihya ako iapproach to take test anu ba gagagwin ko dun?

gusto ko sana matulungan nyo ko about sa situation ko kc nahihirap ung back shoulders ko may something tlga

atska natatakot tlga ako mamatay alam ko na alam nyo rin di lang ako bka kyo rin may mga kaibigan at mahal sa buhay na namatay dhil dito

natatakot din ako para sa sarili ko, na parang wla na akong karapatan maging bata at ma enjoy ang lahat, ung tipong iinom makikisalamuha ta makikipag yosi sa iba

wla na INAGAW NA NYA

ayoko mamatay, gusto ko mabuhay pero may bisyo ako anu ggwin ko?

naiiyak akokc parang wla na tyong silbi. uu meron tyo HIV pero anu it will eventually become AIDS, mamamatay, tapos paguusapan at pastsitsismisan

nasaksihan ko kc yan sa mga pumanaw kong mga kaibigan na kgayan ntn

alam nyo kapag naginuma kmi at HIV ang topic natatamemme ako, pero pag nagsalita na ko nakiknig sila,sana na aabsorb nila

ang irap noh, ung tipong paniwalain ang sarili mo na wla ka kahit meron ka!

lasing na ko, nagkalakas lang ng ako ng loob na ikwento to dhla natatakot ako sobra... SOBRA d ko na tlga alam ang ggwin

sana di katulad ang istirya ko ng istorya nyo

bsta KAPITBISIG TYO

sana may gamot na

sana paggalingin nila tyo

sana wla na lang ganito

Dan

Hello dan,

salamat sa iyong pagsulat, masaya ako dahil pinagkaabalahan mo ang pagsulat sa akin. hindi madali ang mag share ng ating mga nararamdaman.

lalong masaya ako at mukhang medyo mas upbeat ka na ngayon compared nung makilala kita sa training natin dati. newly diagnosed ka pa lang yata nun di ba at kamamatay lang din ng bestfriend mo? at sa buong batch ikaw nga ang pinaka bata at pinaka maganda! pero ikaw rin ang pinaka mukhang pinagsakluban ng mundo noong panahong yun. kaya sa tono ng sulat mo eh mukhang kinakaya mo naman, kaya masaya na rin ako.

ilang ulit mong sinasabi sa sulat mo na "ayaw mo pang mamatay" - ay maganda yan, ako rin ayaw ko pang mamatay, sinong bang me gusto nun. at sino bang nagsabi sa yo na mamamatay ka na, o mamatay na tayo? hindi ibig sabihin na positive tayo eh mamamatay na tayo. sa panahon ngayon sa tinagal tagal ng panahon na may HIV sa mundo, wala na dapat namamatay sa AIDS related complications. dahil epektibo naman ang mga gamot na available ngayon. kaya lang marami pa rin ang namamatay eh dahil too late na ng madiagnose sila. totally wala silang alam na positive sila, o mas pinili pa nila na wag malaman dahil naduwag sila, or alam nila pero ayaw magpagamot ng maaga, o mas pinili pang madepress, o natatakot sila sa sasabihin ng ibang tao at ituring silang outcast --- pagkaduwag, wala o maling kaalaman, stigma at diskriminasyon sa ating komunidad --- ito ang mga tunay na dahilan kung bakit marami pa rin namamatay sa AIDS. leche kasi ang mga moralista at self-righteous nating kababayan, nakakalungkot nga eh. kung me mga namatay ka ng friends, mas marami sa akin, i lost count na, mga 12 na yata sila. nakita mo ba akong naglulupasay at nawawalan ng pag asa? hinde! dahil the more i feel bad about my being pusit, the more am risking losing points on my cd4 ;) kaya dapat happy lang girl.

maswerte ka, maswerte tayo at maaga pa lang eh alam na natin ang ating status, ngayon pwede na nating alagaan ang ating sarili... sayang naman ang ganda mo kung magmumukmok ka lang dyan.

potah ka! ;) antaas taas nga ng cd4 count mo no. 567 ka pa... pinakamataas ko eh 499 lang. ngayon am down to 382 (feb 2013)... nirerecommend na nga ni doc na mag ARV na ako. sabi ko pagiisipan ko muna. sa next test ko sa august will be my big decision. sana tumaas ulit.

every 6months dapat ang baseline tests teh, baka due ka na for lab tests, go back to alabang na - bakla dont lose your FOCUS, ngayon kelangan mas maging masinsin tayo sa mga health issues natin. pay attention sa lahat ng sinasabi ng duktor.

maganda at ur always paying attention sa mga sakit sa katawan mo, everytime na may nararamdaman, visit your HIV doctor agad, ganyan din ako. madalas nga eh sinasabi ng duktor sa akin na dont worry dahil halos lahat ng ibang nararamdaman ko eh di naman related sa HIV status ko. normal na yatang maging paranoid tayo sa maliliit na bagay. pero dapat iwas stress, wag masyado magworry, basta check up lang lagi ang katapat and trust your doctors.

www.thebody.com --- yan ang bibliya ko sa lahat ng concerns ko, plus meron akong mga kaibigan duktor at nurses na lagi kong napapagtanungan pag kinakailangan. marami ring kaibigan ang nag aalaga sa akin at alam nila ang staus ko kaya kampante ako na di nila ako pababayaan.

sa ngayon am just concentrating on staying happy and living a productive life. living my life as if everyday is my last. masaya lang.

marami akong kilala na mga pusit na matataas ang posisyon sa kumpanya, maganda ang trabaho, malakas, maganda tulad mo. kaya girl wag ka magiinarte na wala ka ng kinabukasan at inagaw na ng HIV (kukurutin kita eh). you have your whole life ahead of you, maaaring mas mahirap ng konti ang landas na tatahakin natin subalit hindi ibig sabihin na sadyang mas kont ang oportunidad na ilalaan sa atin ng mundo. it's all about your attitude sabi nga nila, ikaw lang ang gumagawa ng iyong kinabukasan kaya tigilan na ang kaartehan at rumampa ka na at mabuhay sa matuwid na daan.

matuwid na daan means healthy life, which is what it should be naman, positive or not. minimize if not abolish your bisyo, kung di kaya ng bigla, unti unti. anything na makakapagpababa ng resistensya ng katawan natin, dapat iwasan. ituring mo na lang na mas babasagin ka kesa sa mga tropa mo. mas alagaan mo ang iyong sarili. pwede namang mag enjoy na hindi pinapabayaan ang ating health. sorry na lang tayo dahil pusit tayo, nagkamali tayo, nabawasan ang ating freedom kumbaga, alang alang sa ikahahaba ng ating buhay.

pwede pa rin i enjoy ang sex ng safe, hay naku teh, ang sarap din kaya. ;)

hihi.

madam, baka matagalan pa ang himala! wala pang gamot! how i wish meron na, pero ang kawalan nito ay hindi magiging hadlang para mabuhay ako ng masaya. papaano kung hindi ito dumating sa lifetime natin?

anung gagawin natin?

NGANGANGA*¥^<{}#<~~]{^???

happy anniversary dan, lets hang out soon...

 

ako si BONG

ito ang aking diary

My CD4 Count

 

Saturday, August 18, 2012

SINO ANG NAKAHAWA SA IYO?




You know Bong, if you have noticed most of the HIV cases in PH, they hardly know where they got it. Very seldom that someone can recall or traced it back from its "ORIGIN".I know for a fact that it will not changed a thing if you have the virus already but then isnt it make you feel better if you know who passed it!

from HIVSLASHAIDS
http://hivslashaids.blogspot.com/

HELLO HIVSLASHAIDS,

totoo, kahit ako, i cannot exactly pinpoint who is the culprit in my case... alam mo kung bakit? kasi mahirap naman talagang malaman kung sino --- unless isa lang ang nakasex (unsafe) mo sa buong buhay mo, or kapag once every 6 months ka lang nakikipagsex at within that period eh magpapaHIV test ka, siguro kapag ganun ang case mo mapipinpoint mo...

it is a FACT na even if you have unsafe sex sa isang PLHIV, may chance pa rin na hindi ka mahahawahan --- hindi automatic na mahahawahan ka agad, may chances pa rin na hindi... maraming factors ang dapat iconsider.   ang sabi pa nga ng ibang studies eh mahirap naman daw talaga na maikalat ang HIV, marami lang talagang mga tao ang nagiging mapangahas pagdating sa sex.

so ano yun iisa isahin mo ang mga nakasex mo? pipilitin mo magpatest kung ayaw umamin or kung hindi nila alam? (thats against the law to make-pilit magpatest anybody) tapos kung nag positive nga sila, pano mo mapapatunayan na sya ang nakahawa sa iyo at hindi ikaw ang nakahawa sa kanya?  so you have to consider time differences, kelan ka nahawahan? kelan ka nagpatest? kelan sila nahawaan? kelan sila nagpatest?  ---  eh kung magnegative yung pinagdududahan mo, e di ikaw naman ang babalikan nya, bakit mo siya inilagay sa risk of infection, ikaw naman hahabulin.  walang katapusan na counterchecking baka makagawa ka na ng family tree ng HIV sa Pilipinas.  gugulo lang ang buhay mo.

sa aking palagay mas makabubuting wag na lang malaman (irrelevant na yung issue), kasi una mahirap maghinala at mahirap magprove ang ebidensya, unless 100 percent sure ka nga, solid facts ang kailangan.  at para anu pa? it wouldnt make any difference at all. isa pang pagsisimulan ito ng galit, kung malalaman ko kung sino, baka hindi natin maiwasan na magtanim ng galit sa taong me kasalanan, most of the cases naman eh hindi rin nila sinasadya ang pangyayari.

negative energies ang mga yun, wala na akong panahon sa ganun, i just wanna live a healthy and positive life, anything i do that does not make me productive and will not lengthen my life is a WASTE of TIME - so why bother? ;)

para sa akin, ang katotohanan, kasalanan ko rin ito, nagpabaya ako, tinatanggap ko ng 100% ang responsibilidad na ito, wala akong sinisisi at itinuturo...

sana lahat tayo ganun.

ito ang aking diary

ako si BONG

Thursday, August 2, 2012

PLHIVs --- OUR HELP IS NEEDED BADLY!



di ba matagal na tayong nagtatanung ngayon PLHIV (People Living with HIV) na tayo, kung may magagawa pa tayo, kung may maitutulong pa tayo? without divulging our identity to the general public???


this is the opportunity, kaya sign up na kayo, most especially for US who are active online in the different social media anonymously -- marami tayong maaaring itulong, all we need is proper training, i am sure maraming lumalapit sa atin online para magtanung, mahirap sumagot pag hindi tayo sigurado, hindi natin alam kung saan irereffer --- this training will answer all these issues and we can finally be confident in helping others, and know that our efforts are making our community safer and more aware.


sana ay makasama namin kayo dito...


ako si BONG
ito ang aking diary






Peer Educators Training for PLHIV


CALL FOR APPLICATION


The Department of Health, through the National AIDS STI Prevention and Control Program (NASPCP) under the Infectious Disease Office (IDO) of the National Center for Disease Prevention and Control (NCDPC), invites applicants for the TRAINING ON PEER EDUCATION FOR PEOPLE LIVING WITH HIV (PLHIV) on September 2012. This training aims to: (1) capacitate PLHIV to become peer educators; and (2) provide support services and continuum of care to PLHIV through the formation of a support group. Details of the training will be sent to the qualified applicants.


To qualify, he/she must:
1. be a PLHIV
2. be empowered and actively involved in support groups or care and support organization
3. have at least one year experience/involvement in providing care and support services to PLHIV
4. have good writing / speaking skills
5. be capable of preparing client profile and narrative report of client intervention
6. have undergone training on Sex, Gender and Sexuality
7. be articulate in Tagalog and English (or local dialect)
8. have a spirit of volunteerism


Requirements:
1. Application letter addressed to NCDPC-NASPCP
2. Essay on unforgettable experience(s) as a peer educator. State issues and how these were addressed.
3. Separate Recommendation/Endorsement from the Superior / Head of Organization and Two (2) peers/colleagues
4. Supporting documents for training attended
Considerations for Selection of Applicants:


Knowledge:
Basic Course on General Counseling
Updated on programs implemented by national government and NGOs
aware of referral mechanism
Has basic knowledge on HIV and STI, ART, RA 8504,TCS services
Must be familiar with human anatomy
has undergone formal training on peer education and group facilitation




Skills:
Capable of preparing client profile and activity report
Articulate in Tagalog and English (or local dialect)




Atttitude:
Sensitive, emphatic, open-minded, good listener, good communicator, trustworthy
Committed to serve peers on a voluntary basis








Interested applicants must submit all documents on or before Friday, August 17, 2012 to:
Peer Education for PLHIV Training Secretariat
National AIDS STI Prevention and Control Program (NASPCP)
3rd Floor, Bldg. 14
Department of Health
San Lazaro Compound
Sta. Cruz, Manila


For further details, please contact NASPCP at (632) 495-0149 or email 


naspcp@yahoo.com





Monday, August 1, 2011

Happy 1st Monthsary???

kamusta kayo?  happy ba?

it's my 1st month as an HIV positive person and so far so good naman, i am happy.  grabe andami ko yatang nagawa this past 1 month, sobrang busy... thats why di ako nakakapag update ng blog ko, pasensya na po kasi ayaw ko naman magpuyat kaya i try to get enough sleep as much as i can, kabilin bilinan ni Ate Shola.  ;)
1. SI ED. yes nasabi ko na kay Ed (my bestfriend).  he visited manila (he's from the south) so i took the opportunity to tell him. actually 2 araw na kami magkasama nun, i never got the chance to tell him at first, ayokong malungkot sya so i planned to tell him pag maghihiwalay na kami so when we were at tiendesitas at namamasyal, i decided to pull him aside and we sat sa isang wooden bench doon malapit sa mga pet shop.  hindi ko alam kung paano ko sasabihin and so i pulled out my iPad and have him read the DAY 2 - White Party entry.  yun yung entry where i texted him and i thought about him, my 2nd day.  habang nagbabasa sya, amused pa sya pangiti pangiti --- "hehehe, ako ito ah" tatawa tawa pa sya... tapos nung bandang nasa hulit na sya ng entry, naging quiet na sya, nangingilid ngilid na ang luha sa mga mata nya. so ayun nahawa na rin ako, medyo naluha luha na rin ako.  hindi naman sya sobrang umiyak pero napapansin na kami nung mga tao sa kabilang bench kaya pinigilan namin ang pumalahaw sa iyak.  siguro mga 30minutes kaming andun , di ko na matandaan kung anu pinagusapan namin. so ang ending sa halip na maghiwalay na kami nun at makatulog na sya for his early morning flight, eh di na sya natulog at sumama na lang sya sa aming gumimik at umattend ng isang birthday party.  hes back in the south, calls and text me often, checkin on me. am lucky to have a bestfriend like Ed.


2.  SI TOFFEE.  nasabi ko na rin sa kanya.  he is my longest ex more than 4 years kami.  nasa pilipinas sya for a 6-month vacation.  duktor sya.  ayaw ko rin sabihin sa kanya ng diretso so ang nangyari - 2 weeks after my rapid test, i got a call from Dr. Tuaño na dumating na ang confirmatory test galing San Lazaro, sealed daw ang envelope so i need to come and visit them sa social hygiene clinic nila.  the next morning i texted Toffee, sabi ko may importante lang akong pupuntahan at magpapasama ako sa kanya.  he said yes without asking any more questions.  sa taxi kwentuhan lang kami ng kwentuhan about his life abroad and my life here.  masaya, di ako nagpapahalata na ninenerbiyos ako.  pagdating sa social hygiene clinic dumiretso kami sa 2nd floor and nakita ko si Ate Veron, yung nurse na nagcounsel sa akin.  pinapasok nya ako sa counseling room, sinabi ko sa kanya na kasama ko ang friend ko na duktor at isasama ko sya sa loob.  naupo kami ni Toffee magkaharap sa table ni Ate Veron.  Inabot sa akin ni Ate Veron yung sobre, sinipat ko si Toffee, clueless sya, tahimik lang na nag oobserba.  binuksan ko ang sobre at binuklat ang confirmatory test result.  under sa Western Blot results naka check lahat - gp160, gp120, p66, p55, p51, gp41, p31, p24 at p17 - walang check ang p39 --- halos perfect score --- CONFEEEERMEEEED!    iniabot ko papel kay Toffee.  binasa nya ang mga nakasulat, blanko pa rin ang mukha, walang emosyon.  pinagpatuloy ko ang pakikipag usap kay Ate Veron at kung anu ang next step at paano ang endorsment sa treatment hub.  sa taxi pauwi, maraming tanung si Toffee, sinagot ko naman lahat.  marahil dahil duktor hindi sya mahirap paliwanagan.  ganundin eh sobrang positibo rin ang kanyang pananaw sa mga taong may HIV.  sa kanyang karanasan sa amerika, marami na syang nahandle na HIV patients at alam nya na hindi ito katapusan ng mundo.  sabi nya basta lagaan ko lang ang sarili ko at sa pamamagitan ng healthy living, i will be okay.  syempre importante pa rin daw ang ibayong pagiingat.  pinagusapan rin namin ibang bagay tulad ng sexlife and even party drugs, sobrang open ako sa kanya - sinasabi ko lahat, sometimes i think he knows me better than anybody else in this world.  sana eh siya na lang ang duktor ko forever, sana eh dito na lang sya sa pilipinas. i feel safer when he's around.  

3.  RITM - Research Institute for Tropical Medicine.   ito ang aking treatment hub.  medyo may kalayuan pero kumpara naman sa mga bad stories na naririnig ko about PGH and San Lazaro, i opted to go to RITM instead, mas magastos, mas malayo pero mas maganda ang facility at mas warm ang mga tao.  mababit sila lahat... si Ate Shola... si Ate Letlet, si Dra. Ditangco... i feel safe with them.   mga 2 weeks din ako pabalik balik sa RITM, sankaterbang lab tests for the baseline.  kailangan daw ito para malaman ang health status ko so lahat kailangan i-check.  gumastos ako ng kulang kulang na Php 5,000 to get all the tests done, some are free, some are not.  bawat ospital iba iba ang patakaran.  ang mga first timer daw sa San Lazaro wala pa daw 1k ang babayaran - i actually visited San Lazaro in an attempt to get my baseline tests done without spending too much.  pero my initial visit to San Lazaro just confirmed some horror stories about the place, wala ring available na duktor so i decided to abort the plan.

4.  CD4 Count = 379.   this is my first CD4 count result.  i was hoping it's higher but nevertheless it's a good count na rin.  all my laboratory tests results are also good, am in almost perfect condition except for my HIV. Stage 1 Asymptomatic.  that the BEST news i can get.  maswerte ako nagpatest kaagad ako, ngayon maaagapan ko na ito at magagawan kaagad ng paraan.  sabi ni doktora option ko kung gusto ko ng magsimula ng gamot (ARV's)  sabi ko naman pagisipan ko muna, magreresearch muna ako about it. wala pa naman ako sa standard threshold na 350. so hindi pa urgent ang mag medicate ako...  sa aking isip i will make an informed decision within the next 3 months.  hopefully everything will still be fine by then.

so happy ba ako?  i can say i am very happy, i got one bad news but all the others news that followed are good news.  busy rin ako sa trabaho most especially sa advocacy work ko. in the span of one month i feel like i have become a better person.  feeling ko rin andami kong naaccomplish sa buhay ko... it's a great start... i'm always looking forward to a great day.

HAPEEEEE!!!

ito ang aking diary

BONG


ps... eto pala ang mga tests na kelangan:



Tuesday, July 12, 2011

AKO SI BONG

13 araw na ang nakalilipas ng malaman ko ang malungkot na balita.  reactive ang resulta HIV screening ko. POSITIVE. 

ako si bong.  nasa 30s. single. isang propesyonal at baguhang businessman. mahilig din ako sa arts.  sabi nila masayahin daw ako at may reputasyon sa pagiging masyadong mabait, parating nakangiti.  ako ang taong hindi mahirap pakisamahan at madaling mag adjust dipende sa mga taong kasama ko.  dahil dito marami akong kaibigan.


mahina ang loob ko sa komprontasyon, hangga’t  maiiwasan ang makipag away ay gagawin ko at ako na lang ang tatalima.  ganun talaga yata ako, sadyang positibo ang pananaw sa buhay.  kung maaring maiwasan ko ang mga negatibong bagay ay gagawin ko.  lagi akong handang umusad at harapin kung anu man ang ipukol sa akin ng tadhana.  sayang ang oras para magmukmok, para umiyak, dapat itong iwasan.


para sa akin ang bawat tao ay unique at may angking kabaitan, at madalas ay kailangan lang nating makita ang kalooban ng bawat isa, walang bias, walang paghuhusga, at tanggapin sila ng buo at isa alang alang na sila ay produkto lamang ng kanilang nakaraan at pinagdaanan.  dahil sa paniniwalang ito, sa mahigit tatlumpong taon ng aking buhay, ay naging maligaya ako, halos wala akong kaaway.  wala akong naging malalaking problema. until now.


masuwerte ako na ipinanganak ako sa above-average na pamilya, napagpaaral kaming magkakapatid ng aming mga magulang at kailanman ay hindi ako pinuwersa ng aking mga magulang na sumuporta o sumustento sa kanilang mga pangangailangan.  naging independent ako at easy-go-lucky. marahil ay sapat na sa akin na maayos ang kininkita sa trabaho at may konting laman ang aking bangko na sapat lamang sa ilang kinakailangan luho sa aking katawan.  paminsan minsang paglabas ng ibang bansa, hobby ko yun, pakiramdam ko na eenergize ako pag bumibiyahe ako, kahit local o intenational trip. pinipilit kong bumiyahe taon taon.


isa akong MSM, PLU, BAKLA, HOMOSEXUAL --- bata pa lang ako alam ko na ito, marahil ramdam na rin ng lahat ang pagiging malambot ko nuong una pa lang.  bagama’t walang harapang tinatanung ang aking kasarian, mula ng magkaroon ako ng maayos na trabaho ay hindi ko na itinatago ang aking sexual preference.  okay na sa mga bagong kaibigan na malaman nilang bakla ako. iniiwasan ko lang na maging out sa aking mga kamaganak at mga lumang kaibigan. marahil ay sadyang naiilang pa rin ako.


sa loob ng 13 araw na iyon, maraming unti unting nagbabago sa aking buhay.  maliban sa masamang balita ng HIV, ay halos magaganda naman lahat ang mga pagbabago sa buhay ko. mga bagay na kusa kong dinesisyunan.  marahil ito ang isa sa pinaka magandang epekto ng HIV sa buhay ko.  ngayon pa lang ay sadyang pinapahalagahan ko ang bawat araw ng aking buhay, bawat minuto.  dahil dito nagsisimula na akong magfocus sa mga bagay na mahalaga sa aking pagkatao. 


kalusugan.    na-renew ko na ang Philhealth ko, malaki daw ang maitutulong nito sa pagdaraanan ko.  nag enroll na rin ako sa gym, tatlong araw na na akong naggygym.  mahigit 4 na taon na yata akong hindi naggigym.  masarap ang pakiramdam.  sana ay unti unting gumanda ang resistensya ko.  nagiging maingat na rin ako sa aking pagkain at pinipilit na lagyan ng limitasyon ang pagpupuyat, di katulad nung dati. 


iwas stress.  lie-low sa trabaho, magbigay ng mas maraming oras sa sarili at magpahinga.  madalas hinahanap ko ang mga barkada ko, basta may mag aya, magkape, mag mall, mag sine – sama kaagad ako. medyo magastos na lifestyle pero sana ay makayanan ko, masaya ako pag kasama ko sila, sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob.  so far so good.


bago pa man ako naging positibo sa HIV, aktibo na ako sa advocacy ng HIV education and prevention.  nagsimula ito mga 3 taon na ang nakakaraan.  nuong una ay hindi ko inaaalintana ang HIV, di ko ito pinapansin, maliban sa napagaralan ko sa kolehiyo, ay wala na akong kaalaman ukol dito. 3 years ago ng may kauna unahang kaso ng HIV/AIDS  sa mga taong personal na kakilala ko. mula nuon namulat ang aking mata sa katotohanang andito na sakit na ito, tunay na nangyayari, at sa aking mga kakilala.  mula nuon, sa mahigit tatlung taon, apat na yata sa aking mga kakilala ang namamatay sa sakit na ito.  may mangilan ngilan na rin akong kilalang positive.  kaya nga mula nuon ay naging aktibo na ako sa advocacy na ito, hanggat may maitutulong ako, ginagawa ko.


kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng sertipikasyon para maging  HCCT (HIV Confidential Counseling & Testing) Counselor.  medyo mabigat sa dibdib na mag training para maging counselor dahil mahigit ilang araw pa lang ako na-didiagnose na positive.  pero kinaya ko.  tinapos ko para maipagpatuloy ang advocacy na ito.   during the training may mga nakilala na rin akong mga kapwa positive na mga kaibigan.  tunay ngang marami silang nasa palibot lang natin, hindi lang natin alam. nasa paligid lang sila.  nasa paligid lang KAMI.  kasama ninyo.




ito ang aking diary

BONG

Sunday, July 10, 2011

THE NUMBER 12

12 --- paboritong number ko yan, dati pa kahit nung high school pa lang ako, tuwing magpapagawa kami ng uniform para sa P.E. class namin, parating 12 ang nakalagay sa mga uniform ko.  ewan ko ba, para sa akin makahulugan ang numerong yan. para ka lang nagbibilang 1...2...3... nangangahulugan ng pag usog at pagpapatuloy, isang pagpapanimula.

ngayong hapong ito, hindi ko lubos akalain na ang numerong 12 ang magbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan.

bahagi ako ng isang HIV advocacy group na tumutulong para mapalaganap ang edukasyon ng HIV at nagsusulong ng mga libreng HIV testing para sa mga MSM (Men having Sex with Men).  matagal tagal na rin akong aktibo sa ganitong mga advocacy work.  matagal na naming pinaplano ang araw na ito, kahit noong hindi pa ako positive, nakaset na talaga nuon pa ang proyektong ito.

kaninang umaga, masaya ako at sa wakas ay matutuloy ang proyekto ng HIV testing na para sa isang grupo ng mga tao/kabataan na sadyang malalapit sa aking puso.   halos lahat yata ng mga miyembro nila ay personal kong kakilala at madalas nakakasalamuha.  mga kaibigan.

kanina, nag aalinlangan din ako na maging bahagi ng actual na pagsasagawa ng testing dahil sadyang sariwa pa sa akin ang pinagdaanan ko. natatakot ako, baka hindi ko makaya. 


12 ang positibo... mahigit 30% ng dumalo. nakapanlulumo. 12 sa aking mga kakilala. 12 na pandagdag sa statistics ng HIV, ang ilan ay sobrang babata pa.

anu kaya ang kalagayan nila ngayong gabi? may makakausap kaya sila? may lakas loob kaya silang harapin ang ganitong klaseng suliranin.  gusto ko man silang tulungan ay hindi ko magawa, gusto ko sana silang bigyan ng mahihigpit na yakap, ipaabot sa kanila na hindi pa ito ang katapusan ng mundo.  wala akong magawa, statistics lang ang alam ko, hindi ko alam kung sino sa kanila, basta ang sigurado, 12.

tumulo ang aking luha para sa kanila, kung maibabahagi ko lang ang aking lakas ng loob.

ngayong gabi, matutulog akong umiiyak, hindi para sa aking sarili, ngunit para sa akin mga kaibigan.  sana ay maging matatag kayo, nasa ika 10 araw pa lang ako sa aking buhay positive, wala pa akong sapat na karanasan para maging inyong sandigan.

"tonight is your first night, i can only imagine the pain you are going through."

:'(

ito ang aking diary

BONG

Saturday, July 2, 2011

Day 1 - REVELATIONS

(part 2) mayamaya lamang ay pinatawag ako ni duktora sa kwarto at ng akmang mauupo na ako sa upuan ay nagsalita siya, ‘positibo kasi ang lumabas sa test mo kaya kailangan muna naming ipadala sa san lazaro for confirmatory test ang screening mo’  bigla akong napaupo, parang hindi malinaw ang pagakakarinig ko, bigla akong nawalan ng ulirat at bahagyang gumaralgal ang aking boses, ramdam ko na parang bumabaligtad ang aking sikmura - “so reactive po ang resulta doktora?”  -  “oo kaya kailangang ipadala natin sa lunes for confirmatory testing, it would take 2 weeks to get that result.  nasa loob rin ng room and medtech at si veron na nakamasid.  “kaya pala hindi ini-release kahapon ang resulta dahil nag positive nga” ang sabat ni veron.  sabi ko “so anu po ang next step natin maghihintay na lang o kailangan nap o akong mag gamot?” -  “oo maghihintay tayo, pag positibo pa rin yun, tsaka pa lang natin gagawin ang iba pang mga test pati cd4 count mo para malaman kung anung status ng health mo at kung anung next step natin.” “kailangan mong hintayin ang tawag namin para sa resulta ng confirmatory test, ipatatawag ka ulit namin dito” sunod sunod niyang sinabi” . nagtanung ako “duktora, ano po ang chances or percentage na magnenegative pa ang confirmatory test based duon sa karanasan nyo sa clinic na ito?”.  “base sa karanasan naming wala pang nagnenegative sa confirmatory test na pinapadala namin sa san lazaro.” . “okay” – natame na lang ako. 

pumasok si veron sa loob ng hiwalay na counseling room, nag excuse ako at sinundan siya sa kwarto.  “ate di ba early 2009 ako huling nagpatest at negative ako, so kung positive ako ngayon, possible ba na kung January 2011 ako nagkaunsafe sex eh mag appear na kaagad ngayon ang resulta?” “oo possible na yun” and matipid na sagot ni veron.  nasa isip ko gusto ko lang matrace kung anung pagkakataon ang maaring naging dahilan ng pagiging positive ko ngayon. madaming tanung na biglang nagsusulputan sa isip ko, pilit na inaalala ang mga pagkakataong nagkaroon ako ng sexual contact, sino? saan? paano? kailan? kung positibo ako ngayon? pano ang mga kamakailan ko lang nakasex?  nagblablanko ang isip ko, maraming katanungan…  matapos ang ilan pang mga katanungan at pagpapaalam, pansin ko ang kalungkutan sa mga mata ni duktora, ng medtech at si ms. veron na mukhang worried na worried sa akin “sigurado ka bang okay ka lang bong?” “okay lang po ako ate, andyan naman po ang mga kasama ko eh basta tatawag po ako pag may tanung pa ako” ito lang ang naisagot ko sa kanya.



lumabas ako ng kwarto, kalmado at medyo nakangiti pero ramdam ko na tinatraydor ako ng aking mga paghinga, medyo gumagaralgal and mga panga ko… ramdam ko pa rin ang na nakapilipit ang aking sikmura.  “tara na!” at sumunod sina jamil at jimboy sa akin pababa at palabas ng building papunta sa kanto kung saan nagpark si jamil ng kanilang kotse.  habang pasakay na kami ng kotse wala na kong ibang nasabi kungdi “sinabi ko na sa inyo guys eh” . pagkaupo, hinagilap nila ang aking kamay at mariing pinisil.  nagsimulang tahimik ang aming biyahe pabalik sa coffee shop na pinag almusalan naming.  maya maya ay nagsimula na naman ang diskusyon ukol na potensyal na magnegative pa ang confirmatory test na gagawin.  may suhestiyon si jimboy na kumuha ng panibagong rapid HIV testing sa isang pribadong clinic na malapit sa lugar naming “just to reconfirm the initial findings” sabi nya. hindi na ako  pumayag.  ang sa akin lang, kahapon ko pa natanggap na malaki ang potensyal na maging positive ako, mahirap mang isipin, hindi pa ako umiiyak at wala akong nararamdamang kailangan kong umiyak dahil sa mga pangyayaring ito.  gusto ko lang magsimula na agad na harapin ang kalagayan ko, ayoko ng bigyan pa ng false-hope ang aking sarili sa isang bagay na alam ko naman na maliit na lang ang potensyal na mangyari.  kung kailangan tanggapin na ngayon, tanggapin na lang. oo maghihintay pa ako ng 2 linggo pero ang alam ko sa ngayon POSITIVE ako. yun ang totoo, anu ang gagawin ko mula sa araw na ito.

naintindihan nina jamil ay jimboy ang punto ko at tinaggap na rin nila ang aking argumento.  sabi nila naghihintay na si migs sa coffee shop at tumawag daw sya kanina habang nasa pre counselling pa ako, to check kung anu ng nangyayari.  pagdating sa coffee shop nakangiti ako kay migs, malungkot ang itsura nya, ganun din si jamil at jimboy. “sabi ko na sayo migs!”  tahimik, kaunting diskusyon sa mga kung anung nangyari sa counseling, di ko na matandaan ang aming mga iba pang pinagusapan, maya maya ay pinauwi ko na sina jamil at jimboy dahil alam kong kulang na kulang pa sila sa tulog, nagpasalamat ako ng marami at niyakap sila ng mahigpit na mahigpit, lumisan na rin kami ni migs dala ang kanyang sasakyan, sasamahan daw nya ako today so dumiretso kami sa aking trabaho at duon tumambay, walang patid ang kwentuhan at isineshare ko sa kanya kung anu ang mga plano ko na kahapon ko pa mga pinagiisipan, anu ang mga kailangang gawin, alin ang kailanagan mga bigyan ng importansya. 

Laki ng pasasalamat ko hindi ako iniwan ni migs nung hapon na yun, tumambay lang kami sa trabaho ko at nagonline ng kaunti, nabanggit ko sa kanya na malamang magbubukas ako ng anonymous blog tungkol sa HIV ko, alam ko kasing malaki ang maitutulong ng blog na ito para sa ibang tao, gayundin parang therapy na rin sa akin ito. makailang ulit ko ring binibiro si migs nung hapon na yun, kasi everytime na nakikita kong nalulungkot sya para sa akin, chinecheer-up ko sya, “okay lang yan migs, ikaw pala ang kailangan ng counseling eh, hahaha” matatawa lang kami pareho.  madalas ko syang binibiro.

Nung gabing yun tinagpo naming ni Migs si Don, ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan, parang bestfriend ko sya sa 3 taon na pagkakakilala namin, ang intension ko ay ipaalam na rin sa kanya.  nag shopwise muna kami sa libis, nag dinner ng chinese food, nakipagmeeting pa kami sa greenhills about sa isang project.  buong gabi ay nagpaparamdam at nagjojoke ako tungkol sa HIV at ang importanteng araw na July 1 at pagiging positive, pangiti ngiti lang si migs, mukhang hindi nagegetz ni don na totoo yung mga joke.  marahil ito ay dahil madalas naman talaga kaming magbiro about being hiv positive. ang diperensya lang ngayon totoong positive nga ako, at everytime na indirectly nagpaparamdam ako kay don, nagkakatinginan at nagkakangitian lang kami ni migs.  kahit ako nahirapan, parang hindi ko yata kayang sabihin ng diretsuhan kay don, lalung lalo na sa seryosong paraan, kaya sinasadya kong magjoke about it every chance nung gabing yun.  siguro napansin nya na andaming kong hiv jokes that night, hindi ko alam, pero mukhang hindi pa rin nya nagegetz, hanggang sa huling sandali na patapos na ang meeting naming at dapat ay maguuwian na kami, mga midnight na yata yun.  “hindi nga? hindi nga? wag kayong magbibiro ng ganyan?” sabi ni Don. nakalimang minuto yata kaming ganun bago nag sink in kay Don na hindi na nga kami nagbibiro. nanlulumo sya, pakiramdam ko naaawa ako sa kanya  dahil nararamdaman nya para sa akin, nalungkot ako, hindi sya makapaniwala “eh papaano nangyari yun eh lagi ka ngang safe sex, ikaw nga ang palaging nagbibilin at nangangaral ng condom?” sabi nya na parang naninisi.  “eh ganun talaga eh?” di ko rin alam kung anu ang isasagot ko sa banat nya.

sa halip na naguwian eh bumagsak kami sa isang coffee shop sa timog, nanlulumo si Don at kailangan i-counsel namin sya, kailangan i-process ang kanyang nararamdaman at hindi naming sya basta maiiwanan.  tumagal ang session ng mga isang oras bago kami nag decide na magsipag uwian na. inalok pa ako ni Don na sa condo na nya matulog, worried sya na mag isa ako nuong gabing yun.  sabi ko naman, hindi na kailangan, kaya ko to.  May konting worry din ako, papano kung mapagisa ako, magbrebreak down kaya ako? pero mukhang hindi naman kaya pinauwi ko na sila.

pagdating ko sa bahay kalmado ako, konting lungkot, pero kalmado, wala na yung feeling na baliktad ang sikmura, medyo pagod pero mabilis pa rin ang tibok ng dibdib… kelangan kong magsulat bago ko malimutan ang mga damdamin ko. makapagbukas nga ng blog. kelangan kong irelease to… i need therapy.

4am na yata ako natapos sa aking blog layout at first entry.
ito na yun, makatulog na nga

ito ang aking diary

BONG

DAY 1 - PRE COUNSELING

(part 1) maaga akong nagising ngayon dahil may 730am akong appointment regarding some real estate at call center venture na involved ang kapatid ko na nakabase sa amerika.  saglit lang yung meeting namin sa condo na tinutuluyan ko. 

matapos umalis ang bisita, nataggap ko ang text ni migs na papunta na daw sya sa lugar ko, pero dahil may bigla pala syang appointment ng 11am, baka hindi nya raw ako masamahan, kaya nagpaalam sya sa akin na humingi daw sya ng tulong sa 2 sa aming kaibigan, na kung pwedeng sila na lang ang sumama sa akin sa pagkuha ng resulta.

nung una ay may kaunting pag-aalinlangan pa ako sa ideya na ibukas sa ibang kaibigan ko ang mga pangyayari kahapon pero dahil nakausap na ni migs sina jamil at jimboy (magboyfriend sila) at alam na nila ang aking kinakaharap ngayon ay hinayaan ko na lamang, tutal malalapit ko rin silang kaibigan, at pasasaan ba - maging anu man ang resulta, sila rin ang una kong pagsasabihan.  parehong may karanasan sa counseling at health allied  profession sina jamil at jimboy kaya kampante ako na sila ang tunay na makaka tulong sa akin maging anu man ang resulta, lalo pat walang maayos na impormasyon at counseling na nagyari kahapon sa clinic.

dumating si migs at sumakay kami sa kanyang sasakyan, tumuloy kami sa isang coffee shop at duon tinagpo namin sina jamil at jimboy.  mukhang bagong gising pa sila, alam kong hindi sila sanay gumising ng maaga, medyo sa loob loob ko’y nakakahiya naman at naaabala ko pa sila.  alas 10 ng umaga pa kasi darating si duktora kaya may mga 1 oras pa kaming magpapalipas ng oras.  habang kumakain ng almusal at naghihintay ng oras sa ay isinalaysay ko sa tatlo lahat ng pangyayari kahapon sa clinic at sa trabaho ko.  pareho ng aming nararamdaman ni migs kahapon, may mga pangamba sa isipan nina jamil at jimboy pero pilit pa rin nila itong iwinawaksi at umaasa sa iba pang mas magandang eksplanasyon sa mga pangyayari kahapon.  partikular si jimboy sa pagsasabing maging positibo man ang resulta ay malaki pa rin ang tsansang maging negatibo ang susunod na confirmatory test, ito ay dahil sya mismo ay nakaranas na ng ganun, ang una nyang test at positibo at ang sumunod na test ay negatibo, dahil daw ito sa masyadong sesnsitive ang rapid test at maraming factor ang pwedeng maging dahilan para ito ay magkamali.  nagbigay din si migs ng isang example na ganun din ang nangyari. 

dahil sa mga encouragement na natatanggap ko kina migs, jamil at jimboy, medyo lumuwag ang aking pakiramdam , gayunpaman sinabi ko rin sa kanila na nataggap ko na kahapon pa kung sakaling magiging positibo and resulta ng aking tests.  para sa akin mas magiging madali ang tanggapin na lamang ng maluwag kung positibo man ako, at anu pa mang pagpapalakas nila ng loob sa akin na maaari pang mag-negative ang resulta ay parang hindi masyadong nagmamarka sa aking kalooban.  marahil likas na sa loob ko na maaga pa lang ay tanggapin na kung anu man ang mas malagim na resulta kaysa paniwalain pa ang aking sarili at paasahin na negatibo ako at sa bandang huli’y positibo naman pala talaga.  ng sa ganitong paraan ay magsimula na kaagad ang pagusad ng aking buhay at hindi na paulit ulit na maranasan ang pagkadismaya at pag dadalamhati sa tuwing may darating na bad news.  sinabi ko sa kanila na anuman ang mangyari tanggap ko na kung positive man ako, at kung magiging negative man ay bonus na lang iyon para sa akin…  sa mga pangyayari kahapon, parang mas maliit na lang ang tsansa na magiging maganda ang resulta ng test ko. at pinaghandaan ko na ito.

pagsapit ng 10am , humiwalay na si migs sa coffeeshop (para sa kanyang meeting) at tuluyan na akong inihatid ni jimboy at jamil sa social hygiene clinic, ibinilin din ni migs na tatawagan nya ako as soon as matapos ang konsultasyon.  mabilis ang naging biyahe naming at walang 15 minuto ay nasa clinic na kami.  doon ay nakilala ko si ms. veron (ang nurse na hindi available kahapon) sinabi ko na andun ako para kunin ang resulta ng aking HIV screening at itinanung ko kung pwedeng samahan ako ni jamil sa loob para sa counseling.  sinabi ni veron na mahigpit ang proseso nila at hindi maaring may kasama sa counseling at talaga daw dapat na one-on-one lamang ito.  naiwan sina jamil at jimboy sa reception at ako ay dinala sa loob ng clinic kung saan ako ay pinakilala ni veron kay doktora tuaño, naalala ni doktora na ako yung tumawag kahapon at himingi sya ng paumanhin sa kanyang dagling paglisan dahil sa isang importanteng  meeting sa city hall.  dagling dinala ako ni veron sa isa pang pribadong kwarto at duon ay sinimulan na niya ang pre counseling session, nakita kong hawak na nya ang official form at nakainput na duon ang mga impormasyon na ibinigay ko kahapon, patuloy lang na inisa isa ni veron ang mga sensitibong katanungan  sa form na iyon.  aktibo sa sex? anal o oral? sa babae o sa lalaki?  mutiple partner? paggamit ng drugs? kung nakapagpatest na  dati? anung gagawin kung positibo ang lalabas sa resulta? kung kailan ang huling sex? --- mga madedetayle at sensitibong mga tanung, may panaka nakang hesitasyon si veron sa ilang mga sensitibong tanung na para bang nahihiya at hindi sya sigurado kung bakla ba ako o hindi.  samantalang tuloy tuloy at walang hesitasyon naman ang mga ibinabalik kong sagot sa kanya, mga sagot na wariy pati sya ay di niya inaasahan na mangagaling sa akin.  oo marami na rin akong mga kakaibang karanasan, halos lahat yata naranasan ko na, hindi na ako nahihiyang aminin ito, sa ngayon ay hindi ko na iniisip pa ang magsinungaling, ang nais ko lamang ay malaman kung anu ang katotohanan sa aking kalagayan.  tumagal ng mga 30 minuto ang pre-counselling, sa bawat mga tanung at sagot ay may mga kaukulang eksplanasyon si veron, pero dahil alam nyang health allied din ang propesyon ko dati ay batid nyang hindi na kailangan pang sermunan ako tungkol sa mga kahulugan ng HIV/AIDS at mga moda ng transmisyon nito.  gusto ko si veron, maamo ang mukha niya, malumanay magsalita, kalmado at pwede mo ng ituring na tita o nanay kumbaga, panatag ang kalooban ko sa kanya, epektibo sya sa pag counsel sa akin. makailan beses did nya akong tinanung kung may mga gusto pa akong malaman bago kami pumunta sa resulta, at ng sa wakas ay naubos na aking katanungan ay inilabas nya galing sa drawer ang 8 maliliit na kahon ng condoms, durex ang brand, strawberry flavor pa. naglaro ang aking isip 8 x 3 = 24 branded flavored condoms, hmmmm mahal din ang mga ito, malaki rin pala ang pakinabang ng pagpunta ditto (wahehe).  kinuha nya logbook at akoy pinapirma para sa mga condoms, inalok pa ako ng mga puting condoms na hindi branded na ang suspetsa ko ay galling sa UN-AIDS, katulad nga mga natanggap ko nuon ng minsan ay proyekto ako sa kanila.  tumaggi ako dahil sa palagay ko ay sapat na yung 24 na binigay niya sa akin.  matapos yun ay kagyat na inutusan ako ni veron na kunin ko na ang resulta sa laboratory sa 4th floor at ibaba ko ulit sa kanya para sa susunod na proseso.  lumabas ako ng kwarto ng nakangiti, sa reception nakita ko sina jamil at jimboy na nakikipagkwentuhan sa ilang empleyado ng clinic, pagdaan ko sa harap nila, kagyat kong binaggit  na di ko pa alam ang resulta at kukunin ko pa sa itaas ang resulta at pre-counseling pa lang ang natapos ko.        


                

sa panahong yaon ay magaan ang akin loob dahil halos lahat naman sa loob ng clinic ay masaya at magiliw at sa kadahilanang maganda naman ang kinalabasan ng pre-counseling session, sa isip ko ay ito ang tamang proseso ng testing at unti unti ng umuusad ito. so far so good kumbaga.  dumiretso ako sa 4th floor at pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil may kausap na lalaki ang med tech na narooon, mukhang may pre-counselling din na nangyayari, napansin ko rin na cute si kuya, as in cute talaga.  paintay na lang sa labas sabi ng medtech dahil hindi pa sila natatapos.  naghintay ako sa labas ng pinto at makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ang med tech na may dalang papel at sinabing sundan sya pababa kay doktora.  pagdating sa ibaba pinaupo muna ako kasama sina jamil at jimboy sa reception at dumiretso ang medtech sa loob ng kwarto kung saan nandun si doktora tuaño.  naghintay akong ilang minuto at nakipag kwentuhan ng kaunti kina jamil…

mayamaya lamang ay pinatawag ako ni duktora sa kwarto at ng akmang mauupo na ako sa upuan ay nagsalita siya…

Friday, July 1, 2011

Day 1 - POSITIVE

ngayong araw na ito, lumabas ang resulta ng HIV screening ko, "REACTIVE" daw sabi ni doktora. POSITIVE daw ako - medyo gumaralgal ang aking boses at parang saglit na bumaligtad ang aking sikmura...

sabi ko na nga ba! yun lang ang nasabi ko sa aking sarili.















ito ang aking diary

BONG