Showing posts with label infection. Show all posts
Showing posts with label infection. Show all posts

Friday, March 21, 2014

NEWBIE SI JOE!

On Mar 17, 2014, at 5:13 PM, Joe wrote:

Hi sir bong,

My name is joe. Bagong enroll po ako sa sagip. Natatakot po ako kasi nitong january ko lng po nalaman na positive din ako. Nung nabasa ko yung blog mo natakot ako sa shingles, kasi may shingles like din ako sa left arm... Diko pa po sure kung shingles ngato kasi di pako nakikita ng doctors. Still waiting padin po ako sa cd4baseline result ko. Pag lmabas nadaw po cd4 ko thats the tym lng na i eeskdyul nila ko sa doctor. Natatakot po ako. Sa blog m po nagkaron ka ng shingles, kumusta napo kayo? Delikado po ba un? Tip naman po on how to deal with it. Wala pa po kasi akong arv e.

Salamat

-joe

----------

On Mar 18, 2014, at 1:53 AM, Bong Lopez wrote:

Shingles ay parang medyo katulad ng chicken pox, kapag nagkachicken pox ka na nasa katawan na natin ito. Sabi ni doc common daw ito sa mga immunocompromised kahit anu pa ang cd4 level. Madalas daw lumalabas ito kapag sobrang stress, naaactivate daw ito na nagiging shingles.

Kung shingles talaga yan dapat masakit at makati at nakikita sa isang side lang ng katawan natin. At dadami ng dadami kung di agad gagamutin.

Dapat pinakita mo kaagad kung sino man ang nurse or duktor sa SAGIP para naagapan.

Medyo mahal ang gamot, almost 8thousand yung nagastos ko. Pero dahil day1 pa lang napacheck ul ki na agad. Di na sya dumami sa akin at di naging masakit. Me maliit na lang na mark sa may tuhod ko ngayon.

Pacheck up mo agad sa duktor.

Bong

----------

On Mar 18, 2014, at 9:46 AM, Joe wrote:

Nawala din po ba sya? I mean after ng gamutan di na sya bumalik. D naman po masakit at makati yung sakin. Ngayon po nag black na sya. Parang sugat na gumagaling na.

----------

On Mar 18, 2014, at 12:06 PM, Bong Lopez wrote:

Mawawala daw yung mark pero medyo matagal yata. In the future pwede pa rin daw bumalik.

Bong

On Mar 18, 2014, at 1:41 PM, Joe wrote:

Nakita nyo napo ba yung bagong news.... 448 new cases daw po of hiv in january 2014. Average age 28 yo. 85% male. Natatakot po ako. Isa ako sa 448. Ang dami masyado.... Kayo po ba malakas pa? I mean na confine napo ba kayo before. May mga naging infections napo ba kayo? Pasensya napo madamim akong question gusto ko po kasing maging aware sa mga common infections and gustong gusto ko po kasi nakakarinig ng mga success stories pampalakas ng loob ko. Ryt now po kasi di pa alam ng family ko even bf ko. :( Salamat

Joe

----------

On Mar 19, 2014, at 2:54 PM, Joe wrote:

Hi ser bong...galing po akong sagip just now. Hindi binigay ni nurse anne yung exact number ng cd4 count ko. Sabin kasi nya doctor ko ang magrereveal sakin. Sabe nya below 350 nako. Per di namn daw sobrang baba :( natakot nnman po ako. Nagwoworry po ako. Sabe nya i-sskedyul padaw nya ko. Regarding namn po sa shingles like na nasa arm ko..... Sabe nila di namn daw po to shingles. So negative po ako sa shingles. Insect bite lng daw to na di gumaling. Haist..... Nkakapag worry tlga tong araw nato.

After nun di po ako napakali so nagpatingin po ako sa derma sa metropolitan medical ctr.. Pinakita ko yung shingles-like sa arm ko gaya ng advise nyo. Ayun bingo.... Ang sabe ng derma is herpes zoster daw so niresetahan nya ko ng gamot. Sabe nman po nya pagaling nayung nasa arm ko pero inadvise padin po ako na inumin yung antibiotic.

Thannk you po sa mga responses nyo.. It helps a lot. Salamat din po sa blog nyo kasi nagiging aware ako sa condition ko.. Plus pag may naririnig po akong mga success stories sa gaya natin lumalakas ang loob ko. Tumatapang ako. At nagkakaron ng will to survive. Salamat po.

-Joe

----------

On 3/19/14, Bong Lopez wrote:

Good news yan. Mabuti at nagpatingin ka sa duktor agad. Just drink the

antibiotic in complete dose. Kung talagang below 350 na ang cd4 mo, most

probably eh irerecommend na ng duktor na mag ARV (gamot) ka na sa susunod na

appointment mo. Mabuti na rin yun para maagapan ang gamutan. Goodluck sa

iyo. Balitaan mo ako ha.

wag masyado magworry. Kasi lalo makakasama ang pagwoworry.

Bong

----------

On Mar 19, 2014, at 4:45 PM, Joe wrote:

ikaw po ba? Kmusta napo pakiramdam nyo? Nakakaramdam din po ba kayo ng

panghihina simula nung nag arv kayo? - salamat

Joe

----------

On Mar 19, 2014, at 7:13 PM, Bong Lopez wrote:

I feel perfectly fine. Wala akong nararamdaman masama sa katawan ko.

Paminsan minsan may fungal and viral infection, which is minor lang naman at common sa mga immunocompromised. Ang kelangan lang masipag magpatingin sa duktor at sundin lagi ang gamot.

Dipende sa ARV na ibibigay sa yo, me kanya kanyang side effects naman, eventually magiging manageable na rin. Ieexplain naman sa iyo ng mabuti yan ng duktor bago ka magsimula.

Makabubuting magresearch ka sa www.thebody.com kasi kumpleto iyan sa lahat ng mga sagot sa mga katanungan ng mga bagong diagnosed.

Yes sagip ako pero semi private clinic ako ni dra kate sa shaw blvd. Di pa ako nakakarating sagip unit ng pgh eh.

San eh eventually magkalakas loob ka ng sabihin kahit sa ilan sa kaibigan, pamilya or BF mo. At wag kakalimutan lagi ang magproteksyon.

Goodluck sa atin.

;)

ito ang aking diary

ako si BONG

 

Thursday, August 8, 2013

ITS TIME!

kasalukuyang nasa canteen ng RITM alabang, naghihintay ng 1 oras bago lamnan ang pangalawang sputum vial.

dahil sa resulta ng huling CD4 count ko kanina, nag request ang aking duktor ng karagdagang chest xray at sputum test.

mukhang kailangan na talagang magsimula at hindi na pwedeng ipagpaliban, dalawang taon din akong naghintay.

meron pa akong mga 2 linggo para gawin ang mga nararapat na lab tests at mga konsultasyon.

maliban duon eh wala naman ibang dapat ikabahala, wala naman akong nararammdaman.

pero bagong adustment na naman.

but i feel great.

i am ready.

329 = arv

;)

ito ang aking diary,

ako si BONG

 

(PS: sira ang aking mobile number, you can reach me sa email)

 

 

 

Friday, August 24, 2012

INFO ON TREATMENT CARE & SUPPORT!


yan nag-positve ka na --- pano ka na ngayon???

MUST READ!
I SAW THIS FROM JAKE  (http://www.jakepositive.blogspot.com)
SOME VERY HELPFUL INFO FOR PLHIVs


HIV and AIDS Treatment Care and Support in The Philippines
                               

Upon diagnosis of a person as HIV + he/she needs to prioritize and secure these important things to ensure that he/she is able to access proper treatment and support.

1. Secure copy of your Confirmatory/Western Blot Test and present it to a Doctor preferably an Infectious Disease Doctor. He is the right Doctor that could help you and plan out your treatment. If you don't know any then ask for someone in a healthcare facility that you trust that could direct you to one.

2. Secure and Pay your PhilHealth membership. A Person Living with HIV here in the Philippines is entitled access of the OHAT (Outpatient HIV and AIDS Treatment) Package given by PhilHealth all you need to do is to pay your PhilHealth membership fees on time.

     In support of the United Nation's Millennium Development Goal Number 6 to halt or
     reverse the incidence of Human Immunodeficiency Virus (HIV)/Acquired Immune
     Deficiency Virus (AIDS) by 2015, PhilHealth through Board Resolution No. 1331, series of
     2009 has approved die implementation of an outpatient HIV/AIDS treatment package. This
     benefit aims to increase the proportion of the population having access to effective
     HIV/AIDS treatment and patient education measures.

      A. General Rules

          1.The Outpatient HIV/AIDS Treatment (OHAT) Package will be paid through a case
          payment scheme. Annual reimbursement is set at 30,000 pesos per year.

          2.Only confirmed HIV/AIDS cases requiring treatment shall be covered by the package.

          3.Package shall be based on Department of Health (DOH) guidelines on anti-retro viral therapy
          among adults and adolescents with human immunodeficiency virus infection. All
          treatment hubs in accredited facilities are required to follow the guidelines set by the DOH.

     B. Specific Rules

          1.Covered items under this benefit are drugs and medicines, laboratory examinations including Cluster
          Difference 4 (CD4) level determination test and test for monitoring of anti-retro viral drugs (ARA7)
          toxicity and professional fees of providers

          2.The package will be released in four (4) quarterly payments; each sub-package is worth 7,500
          pesos payable to the recognized treatment hub of accredited facilities. A maximum of four (4)
          treatment sub-packages per year may be claimed by the treatment hub.

          3.Each quarterly claim is covered by the rule on single period of confinement computed from die date
          of consultation. Any additional claims filed within this same period for the same reason will be denied.

          4.Only die actual quarters wherein services were provided in a year will be reimbursed.

         5.Each quarterly claim shall be charged one (1) day against the 45-day annual limit or a sum of 4 days
         per year.
         6.In cases of transfer from one treatment hub to another, PhilHealth will still reimburse provided:

               a.The facility that the patient was transferred to is also PhilHealth accredited.

               b.A referral letter from the referring facility to the receiving facility is accomplished.

               c. The Corporation will reimburse the facility prior to the transfer .



3. Baseline tests such as CD4, Viral Load, Blood Chemistry and other tests requested by the doctor are the most crucial tests of all because this will be recorded and will be a basis to your future tests result in order to know the disease progression.

          CD4 (Cluster Difference 4)

          Usually, the CD4 test is used to determine when a person should start treatment.
       
          HIV attacks a type of immune system cell called the T-helper cell. The T-helper cell plays an essential
          part in the immune system by helping to co-ordinate all the other cells to fight illnesses. HIV damages
          and destroys T-helper cells; as a result, there are fewer cells available to help the immune system. A
          major reduction in the number of T-helper cells can have a serious effect on the immune system.

         A CD4 test measures the number of T-helper cells (in a cubic millimetre of blood) which is known as
         a CD4 count. Someone who is not infected with HIV normally has between 500 and 1200cells/mm3.
         In a person infected with HIV, the CD4 count often declines over a number of years. HIV drug
         treatment is generally recommended when the CD4 test shows fewer than 350 cells/mm3. World
         Health Organization (WHO) 2010 guidelines recommend starting treatment for all patients with CD4
         counts of less than 350 cells/mm3 in all countries. Although most resource-limited countries aim to
         follow these guidelines, a number still observe the WHO's 2006 guidelines, which recommend starting
         treatment at less than 200 cells/mm3.

        Some countries may have treatment guidelines which differ from WHO recommendations.
        For example, although USA treatment guidelines state that treatment should be initiated in all patients
        with a CD4 count less than 350 cells/mm3 they also recommend treatment for patients with a CD4
        count between 350 and 500 cells/mm3.

        If there are complications, such as if the patient has hepatitis B, an AIDS-defining illness or is pregnant,
        guidelines usually recommend that treatment is started earlier.



        VIRAL LOAD (VL)

        Viral load refers to the amount of HIV in the blood. If the viral load is high, T-helper cells tend to be
        destroyed more quickly. Therefore, the aim of antiretroviral treatment is to keep the viral load as low
        as possible.

        In places where it is available, a viral load test is carried out shortly after antiretroviral treatment is
        started. If the treatment is working effectively, the viral load will drop to the undetectable level – below
        50 copies/ml. Ideally this will happen within 24 weeks of starting treatment, but for some it can take
        3 to 6 months. On the other hand, some people never reach undetectable.

        Viral load tests are then carried out every few months. As some viral load tests can produce slightly  
        different results on the same sample of blood, the results are monitored over a period of time.


        FOR MORE INFORMATION ON THESE, PLEASE CONSULT YOUR DOCTOR.


4. Plan out your Healthy Lifestyle. Proper Diet, Exercise, 8hours of Sleep, etc. and an Optimistic Outlook in life would really help you to improve your immune system. Also having diversion techniques to avoid Stress and Depression will also help improve your immune System as well.

5.  Look for a SUPPORT GROUP. Weather disclosing to a person whom you can trust, it could be a member of the family or a close friend. It is best if you look for a Support Group for PLHIV nearest to your area. HIV Support Groups are brought up to help us and to provide us the over-all support that we need.

List of Support Groups

The Positive Action Foundation Philippines Incorporated, better known as PAFPI, is an organization that is devoted into helping those Person Living With HIV/AIDS (PLWHAs) and their families in coping with their situation involving the HIV/AIDS virus. PAFPI was formed in 1998 by persons living with HIV and AIDS and uninfected persons with a view to empower persons with HIV and AIDS and their families to live a normal, happy and productive life in the mainstream of supported society.

Pinoy Plus Association is the pioneer organization of PLHIV in the Philippines. It is a support group dedicated to the welfare of PLHIV in the country.
Pinoy Plus as an organized community of positive individuals, answering to the needs of peer HIV positive is the pioneer national organization of Filipinos living with HIV and AIDS in the country. Fighting for the rights of positive individuals. PPA are now in the forefront of further enriching the organization, documenting violations, evaluating access to every available services including all kinds of treatment, care and support. Gone beyond Metro Manila, creating chapters all over the country to address the needs and offer support to individuals in need either directly or indirectly affected by the epidemic. They have learned to teach one another on how to live with HIV and how to fight for their rights.

Babae Plus, the first and only existing support group of women living with HIV in the Philippines was established in 2004. Their vision is to create An Independent Lead Organization of Empowered and Supportive Women Living with HIV/AIDS.

Cavite Support Group

Cebuplus Association, Inc. (CPAI) is a non-profit, non business oriented support group run and organized by concerned individuals in Cebu to help, educate and support the people living with HIV/AIDS(PLHA), their affected families (AF) and significant others (SO).

CPAI envision greater and meaningful engagement of people living with HIV, their affected families and significant others towards improving wellness and quality of life in a supportive environment.

CPAI aim to be an independent, sustainable organization that contributes to gender and age responsive, universal access to positive prevention, treatment, care and support through enhanced multi-level, multi-sectored and culturally competent partnership and programs.

CORE VALUES:
S - Service
P - Passion for People
I - Integrity
R - Respect
I - Innovation
T - Teamwork


United Western Visayas Incorporated (UWVI), is a community-based group (CBG) of people living with HIV based in Iloilo and operating in Panay and Guimaras areas with Ilonggo members across the country. The organization is active in both prevention of HIV and promotion of treatment and care among its members who are HIV positive as well as affected families. It strives to address stigma and discrimination in order to
build confidence among the newly diagnosed to access services at the local treatment hub based in the Western Visayas Medical Center.
The growing number of PLHIV in the region is driven by the large number of OFWs particularly seafarers in the region which host the highest number of Maritime Schools in the country and the flourishing – yet hidden sex industry and trafficking enroute the striving nautical highway as entry and exist points for the tourism super region in the Philippines.

The organization has a rich history since its inception in 2005 during the global fund round 5 project. The strong membership and advocacy of the group has helped the Western Visayas Medical Center to have its own CD4 machine, the first outside Manila and a half-way house based in Santa Barbara in Iloilo

Crossbreeds, Inc.

Vida Vivo Zamboanga 

Mindanao Advocates


If you want to know more about the support groups please do contact me for further info. jakepositive@gmail.com www.facebook.com/jakepositive 09278230300 09323298893

jake's source: http://www.avert.org/antiretroviral.htm

Tuesday, August 14, 2012

SI AMBER

Hi Bong


Im Amber,Lagi kong binabasa ang story dito.Dito ako nagkaroon ng lakas ng loob para magpatest,Isang taon nakong gustong gusto magpa-test pero sobrang takot ako at nahihiya at hindi ako handa na tanggapin kung Positive man ako.. 

My 2years live in Partner turns out na marami pala syang kinakasiping nalaman ko lang nung pahuli na namay isa pala syang YAHOO at dun sya nakikipagchat sa mga babaeng nakakasiping nia pinag-uusapan pa nila how they did it, 

Nakapaghiwalay ako agad, 1.5 years na ang nakakalipas since huli kaming nagsiping and he never used condom.Palagi akong nag-aalala na baka may HIV ako..Sobrang paranoid ko na.. Finally yesterday nagkaroon din ako ng lakas ng loob makapag pa test sa MAKATI SOCIAL HYGIENE and it turns out "REACTIVE" Sa mga pagkakataong yun hindi ako makapaniwala na sinasabi ng Nurse sakin na "REACTIVE daw" Hindi ako makatayo nanginginig ang mga tuhod ko..Sabi nia hintayin ko daw yung Confirmatory test after 2-3 weeks.

Kapag "REACTIVE ba means malaki ang chance na Positive ???I dont feel sick wala akong symptoms na nararamdaman walang rash or lymph nodes,,wala ring LBM akong nararanasan hindi ko matanggap na REACTIVE yung results pinapaniwala ko pa rin sarili na magiging Negative yung Confirmatory.Gulong gulo ako hindi ko alam ang gagawin ko.Di ko alam kung sino ang kakausapin ko.
Salamat at Pasensya kana ang haba na ng message ko 

Amber



Hello Amber,

Masaya ako at malungkot.

Masaya dahil kahit papaano, ang aking blog ang naging daan para magkaroon ka ng lakas ng loob para tanggapin sa iyong sarili na maaaring nagkaroon ka ng RISK sa HIV, at lakas ng loob to take the first step and had yourself tested.  Sana sa proseso ay mas naliwanagan ka na kung ano ang katotohanan ng HIV at AIDS.  

Malungkot dahil hindi naging maganda ang resulta ng screening test mo sa Makati. Totoo na mahirap ang sitwasyon mo ngayon lalo na at naghihintay ka ng CONFIRMATORY TEST mo, marami sa mga kakilala ko ang ganun din at gulong gulo ang isip during that time.  Para sagutin ang iyong tanung, because our screening tests now have greatly improved through the years there is only a very slim chance that you can turn out NEGATIVE on your confirmatory tests.  There is but its really very very rare - that I would not want you to bank on it and get disappointed again after a few weeks.  (some might not agree with me, let me tell you why this is my view)

Naalala ko pa nung nakuha ko na ang result ng confirmatory test ko  -----

JULY 2, 2011 “ REVELATIONS --- habang pasakay na kami ng kotse wala na kong ibang nasabi kungdi “sinabi ko na sa inyo guys eh” . pagkaupo, hinagilap nila ang aking kamay at mariing pinisil.  nagsimulang tahimik ang aming biyahe pabalik sa coffee shop na pinag almusalan naming.  maya maya ay nagsimula na naman ang diskusyon ukol na potensyal na magnegative pa ang confirmatory test na gagawin.  may suhestiyon si jimboy na kumuha ng panibagong rapid HIV testing sa isang pribadong clinic na malapit sa lugar naming “just to reconfirm the initial findings” sabi nya. hindi na ako  pumayag.  ang sa akin lang, kahapon ko pa natanggap na malaki ang potensyal na maging positive ako, mahirap mang isipin, hindi pa ako umiiyak at wala akong nararamdamang kailangan kong umiyak dahil sa mga pangyayaring ito.  gusto ko lang magsimula na agad na harapin ang kalagayan ko, ayoko ng bigyan pa ng false-hope ang aking sarili sa isang bagay na alam ko naman na maliit na lang ang potensyal na mangyari.  kung kailangan tanggapin na ngayon, tanggapin na lang. oo maghihintay pa ako ng 2 linggo pero ang alam ko sa ngayon POSITIVE ako. yun ang totoo, anu ang gagawin ko mula sa araw na ito. naintindihan nina jamil ay jimboy ang punto ko at tinaggap na rin nila ang aking argumento. ---
------------

Amber, I sincerely hope that your case can be part of that rare cases where the confirmatory tests will reveal negative results.  Pero sa ngayon mas magiging mas advantageous para sa iyo na tanggapin na lang kaagad ang resulta at magsimula sa panibagong buhay na kailangan mong harapin (tulad ng ginawa ko) ng sa gayun ay mabawasan na  ng pag aalala at lalong depresyon sa buhayh mo ngayon.  Kung sakaling maging maswerte ka sa confirmatory result mo, then we can celebrate and treat it as a  bonus. Kung hindi naman at talagang POSITIVE ka na eh maaga pa lang ay nakapag move on ka na and you start taking care of yourself (at hindi na nasayang ang 2 buwan sa pagaalala at mga negative thoughts).  Dapat mong tandaan na sa iyong kalagayan ngayon, the last thing you need to to feel depress and feel bad.  Andyan na yan at di na natin mababago ang nakaraan.  The more you spend time getting depressed and “feel negative” about the situation, it will further take its toll on your immune system and your health.  

Napakadaling sabihin pero sobrang hirap gawin, may ilang tao akong kilala na it took months and sometimes even years before they were able to move on with their life and start feeling good about themselves again.  Ako it took me 1 day of sadness and feeling ”lost” after which nakamove on na ako agad.  Alam mo kung bakit??? Dahil sa simula pa lang ay educated na ako about HIV and AIDS, malawak na ang kaalamam ko sa isyung ito, PLUS sadyang  masayahin at “positive thinker” lang talaga akong tao, I always look at the positive side of things, marami na akong napagdaanang bagay sa buhay ko and nothing can pull me down, not even HIV.  Hiling ko ay sana ay maging madali para sa iyo na maka move on.

Base sa mga bagong diagnosed na nakasalamuha ko, kahit pala dumaan naman sila na proper POST TEST COUNSELNG, pero dahil nga sa biglang masamang balita ay tila wala silang naintindihan at maalala sa mga sinabi ng COUNSELR after nilang malaman ang resulta.  Normal ito na nasa state of shock tayo at kahit nai explain na sa atin ang mga dapat gawin, ay tila confused na confused pa rin tayo.  Dahil siguro hindi natin nasabi or naisip agad ang mga sitwaysyon na kinalalagyan natin at hindi ito direktang nasagot ng counselor. (paano ako? Paano ang anak ko? Paano ang trabaho ko? Paano wala akong pera? At marami pang iba) .  

Kaya inirerekumenda ko na 

1. after a few days at mas malinaw na ang iyong pagiisip, ay makipagusap ulit sa iyong counselor, o kaya sa isang counselor na PLHIV (people living with HIV) din kung saan mas mailalatag mo ang iyong mga katanungan at kalituhan para masagot isa isa.   Hanggat hindi mo ito nagagawa ay hindi mawawala ang iyong pag ka “lost” sa sitwasyon mo. 

2. kung ayaw mong makipag usap, pwede ka ring magresearch – may kumpletong impormasyon tungkol sa NEWLY DIAGNOSED sa www.thebody.com, halos lahat ng tanung natin nasagot na nila you can go directly here --- http://www.thebody.com/content/49985/just-diagnosed-with-hiv-aids.html?ic=3001 --- maari lang may ibang detalye na hindi angkop sa sitwasyon natin sa pilipinas kaya para sa akin mas mahalaga pa rin na makipag usap o magtanung ng personal na isang tao na nakakaalam tungkol dito, a PLHIV na Counselor or just plain PLHIV.

3. Research and educate yourself completely on HIV & AIDS (same website).

4. Start living a Healthy Life. (which is the way it should be PLHIV or not)

5. Consider having a PLHIV Support Group (BABAE PLUS, PINOY PLUS, CEBU PLUS, PAFPI etc..) kasi sila ang magiging katuwang mo sa lahat ng iyong katanungan. Sobrang dami ring anonymous PLHIV Twitter users, if you want to belong but still keep your identity anonymous and share your story - there is a lot to learn from our PLHIV colleagues and to know that there are hundreds and thousands of us out there is PRICELESS.   I can introduce you to them, tweet me at --- ako_si_BONG

6. Consider disclosure to key people. importante ito pero hindi naman requirement.

7. Have you Philhealth documents ready.  malaki ang maitutulong nito sa ating bagong buhay. kung wala ka pa, make sure you enroll immediately.

8. Seek medical attention and follow the crucial next steps after you receive your Confirmatory Results.  – CHOOSING & REFERRAL TO TREATMENT HUB – BASELINE LABORATORY TESTS – QUARTERLY OR BI-ANNUAL CHECK UP WITH AN HIV DOCTOR.

9. Most importantly Love Yourself above all. 

EMBRACE POSITIVITY:

a. You took the test and now you know your status, you can finally stop wondering and start to move on --- this is good!

b. Mukhang just a few years lang yung risky sex relationship mo, means a few years lang din nung ma acquire mo ito… meaning there is still a plenty of time to move and seek proper  medical attention…. Some people took 5 to 10 years to find out their status, and sometimes its already too late for them.

c. You are perfecty healthy at wala kang anumang sakit.  Meaning wala pang kahit anung opportunistic infections.  This is great, more good news.  --- dipende sa tao at sa kanilang immune system, a person can last 2 to 10 years without any signs and symptoms before they realize that they are infected --- PLUS chances of living a productive life dramatically increases with proper ARV treamments which is now available for you (30 to 40 years is no longer rare for PLHIV).  This is GREAT.

d. Di ito cancer, walang taning ang buhay natin.  Masuwerte pa rin tayo.   

Focus lang ang kailangan, presence of mind at ilang taong iyong masasandalan.  Step by step. You can surpass all these.

AMBER, i give you a “Virtual HUG” – know that  its not the end of the world and we will be here for you, all you have to do is ask.


ito ang aking diary

ako si BONG

email: playingpositive@gmail.com

twitter: ako_si_BONG






Tuesday, May 29, 2012

BONG's RECOMMENDED FREE TEST SITES





IN ORDER OF IMPORTANCE:  1 being the best recommended site for quality services.

1). LOVEYOURSELF HUB
(RITM Satellite Clinic Manila)
1850 Leon Guinto St. Malate, Manila.
Tel. 5479334 or 09178351038
Monday to Sunday (7x a week)





2). Makati Social Hygiene Clinic
7th Floor, Makati City Hall, J.P. Rizal St., Makati City
Contact - Teresita Pagcaliwagan, RN or YOYIE
Tel: (+632) 870-1615


3). Proj. 7 Social Hygiene Clinic
PROJECT 7 BANSALANGIN STREET
AT THE VETERANCE VILLAGE.
Contact #09082355210,

4). BERNARDO Social Hygiene Clinic
CUBAO QC EDSA ACROSS NEPA Q-MART, 
AT THE BACK OF RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL, CUBAO, QC
Contact #09082355210,

5). BATASAN Social Hygiene Clinic
SANDIGAN BAYAN FAIRVIEW QC
Contact #09082355210

6). ASP iCON Clinic
G/F OTM Building, 71 Scout Tuason St.,
Brgy. South Triangle, Quezon City.
Every Friday, 5PM - 9PM
Saturdays from 10AM - 9PM.
Contact us at (+63) 376-2541
Email them at asp.iconclinic@gmail.com 

7). Mandaluyong City - Social Hygiene Clinic 
Dr. Yolanda Tuaño - SHC Physician
Lerma corner Vicencio Sts., Old Zaniga, Mandaluyong City / 5467799; 2115336 
Mobile #: 09178424298 




FOR THE VIPs I WOULD RECOMMEND THE MEDICAL CITY - Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila Philippines. Tel. nos. (632) 988-1000, (632) 988-7000 email us :  mail@medicalcity.com.ph -- i heard they also do home service for full confidentiality --- but their services are not FREE and sobrang mahal daw but hey if money is not a problem, why not.

ALL OTHERS I WOULDN't WANT TO RECOMMEND DUE TO SOME BAD 1st-HAND EXPERIENCES FROM THE PEOPLE I'VE TALKED WITH.

THE WORST PLACE to get tested are the PRIVATE DIAGNOSTIC CLINICS, most of them are not trained and does not follow the pre-test and post-test protocols.  plus it's NOT FREE.

ALSO if you know that you had risky behavior and you need to undergo a medical examination   as a requirement for working abroad which includes HIV testing - its best that you take the test in any of the above facilities and make sure first that you are negative before taking it at the agency-designated diagnostic clinic.  most of them (if not all) have no idea how to deal with a hiv positive diagnosis.  if the result is positive then just choose a country that will not require HIV testing.

hope these updated info helps!

best way to reach me is through my email... i don't usually have load on my phone and occasional lang ako sa twitter.

to all those who have been wondering about my health status --- I AM PERFECTLY FINE, all my labs are spotless, next cd4 count due this July 2012.

naging busy lang sa lovelife --- yes i found a partner, he knows about my status and we are so much in-love.  am very happy ;)


ito ang aking diary

BONG

Sunday, January 1, 2012

CHLAMYDIA!


hi po ! I'm M 18 yrs . old from pasig..
may tanung po aq sau ..huhuhuhu :(
nkipag sex po kc aq sa foreigner last dec.3 this yr.
at nd po kme gumamit ng condom..
tas after that ... nagkaroon po aq ng rushes at lagnat.. dahil dun
nag pa check up aq sa derma. tas kweninto q ung ngyare sakin
tas sbi nya babalik daw aq after 3months sa march po un . pero pinakuha nya muna ung dugo ko at
ihi pra daw malaman nya kung saan nang gagaling ung lagnat ko ,. then after that
binigay q na ung result sa kanya then he said.. may CHLAMYDIA daw ako..
tas binigyan nya aq ng gamot na INOFLOX 2times a day for 5days..
pero ngaun po ubos na ung gamot.. but still I have fever and rushes.. huhuhuhu
anu po gagawin ko ?plss advice me .huhuhuhu
at takot po aqng mahawaan ang aking family,.
nakakahawa po ba un ? if possible na I have HIV?
is't possible na ..kahit may chlamydia aq ay mag HIV din? huhuhu

thanx po .. god bless



hello M,

maligayang bagong taon, natutuwa ako at may lakas ka ng loob na sumulat at magtanong...

--- Ang klamidia (Ingles: chlamydia) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na sanhi ng isang impeksyong bakterya. Lumalabas ang sakit na ito mula pito hanggang dalawampu’t isang araw pagkatapos na mahawa. Tinatawag din itong sakit na tulo. ----

mas makabubuting komunsulta ka kaagad sa isang Infectious Disease Doctor, at hindi sa dermatologist. mas specialization kasi nila ang STI at HIV. Dahil ang chlamydia ay isang STI (sexually transmitted infection) mas makakatulong ang isang infectious disease doctor sa iyo.

Gayundin ang pagkakaroon ng STI ay isa sa malaking risk factor for HIV kaya mas makakabuting magpa HIV testing ka na rin para malaman mo ang resulta kaagad, para maagapan.

ang pinakaaccessible na maaring puntahan ay ang mga Social Hygiene Clinics sa iyong siyudad o sa mga kalapit na siyudad na rin (kung saan ka mas malapit), karamihan sa kanila ay nagbibigay din ng libreng gamot para sa mga STI.

ito ang mga options mo:

Pasig City --- Social Hygiene Clinic
Dr. Rocylene Roque - Social Hygiene Clinic Physician
Address: Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City / 6400111

Mandaluyong City --- Social Hygiene Clinic
Dr. Yolanda Tuaño - Social Hygiene Clinic Physician
Lerma corner Vicencio Sts., Old Zaniga, Mandaluyong City / 5467799; 2115336
Mobile #: 09178424298

makabubuting tumawag ka muna sa kanila para humingi ng direksyon at siguraduhing bukas sila.

para sa iba pa pumunta rito:  http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/hiv-test-sites.html

at palaging tatandaan na magsuot ng proteksyon ALL THE TIME.

salamat,

Bong

Tuesday, July 12, 2011

AKO SI BONG

13 araw na ang nakalilipas ng malaman ko ang malungkot na balita.  reactive ang resulta HIV screening ko. POSITIVE. 

ako si bong.  nasa 30s. single. isang propesyonal at baguhang businessman. mahilig din ako sa arts.  sabi nila masayahin daw ako at may reputasyon sa pagiging masyadong mabait, parating nakangiti.  ako ang taong hindi mahirap pakisamahan at madaling mag adjust dipende sa mga taong kasama ko.  dahil dito marami akong kaibigan.


mahina ang loob ko sa komprontasyon, hangga’t  maiiwasan ang makipag away ay gagawin ko at ako na lang ang tatalima.  ganun talaga yata ako, sadyang positibo ang pananaw sa buhay.  kung maaring maiwasan ko ang mga negatibong bagay ay gagawin ko.  lagi akong handang umusad at harapin kung anu man ang ipukol sa akin ng tadhana.  sayang ang oras para magmukmok, para umiyak, dapat itong iwasan.


para sa akin ang bawat tao ay unique at may angking kabaitan, at madalas ay kailangan lang nating makita ang kalooban ng bawat isa, walang bias, walang paghuhusga, at tanggapin sila ng buo at isa alang alang na sila ay produkto lamang ng kanilang nakaraan at pinagdaanan.  dahil sa paniniwalang ito, sa mahigit tatlumpong taon ng aking buhay, ay naging maligaya ako, halos wala akong kaaway.  wala akong naging malalaking problema. until now.


masuwerte ako na ipinanganak ako sa above-average na pamilya, napagpaaral kaming magkakapatid ng aming mga magulang at kailanman ay hindi ako pinuwersa ng aking mga magulang na sumuporta o sumustento sa kanilang mga pangangailangan.  naging independent ako at easy-go-lucky. marahil ay sapat na sa akin na maayos ang kininkita sa trabaho at may konting laman ang aking bangko na sapat lamang sa ilang kinakailangan luho sa aking katawan.  paminsan minsang paglabas ng ibang bansa, hobby ko yun, pakiramdam ko na eenergize ako pag bumibiyahe ako, kahit local o intenational trip. pinipilit kong bumiyahe taon taon.


isa akong MSM, PLU, BAKLA, HOMOSEXUAL --- bata pa lang ako alam ko na ito, marahil ramdam na rin ng lahat ang pagiging malambot ko nuong una pa lang.  bagama’t walang harapang tinatanung ang aking kasarian, mula ng magkaroon ako ng maayos na trabaho ay hindi ko na itinatago ang aking sexual preference.  okay na sa mga bagong kaibigan na malaman nilang bakla ako. iniiwasan ko lang na maging out sa aking mga kamaganak at mga lumang kaibigan. marahil ay sadyang naiilang pa rin ako.


sa loob ng 13 araw na iyon, maraming unti unting nagbabago sa aking buhay.  maliban sa masamang balita ng HIV, ay halos magaganda naman lahat ang mga pagbabago sa buhay ko. mga bagay na kusa kong dinesisyunan.  marahil ito ang isa sa pinaka magandang epekto ng HIV sa buhay ko.  ngayon pa lang ay sadyang pinapahalagahan ko ang bawat araw ng aking buhay, bawat minuto.  dahil dito nagsisimula na akong magfocus sa mga bagay na mahalaga sa aking pagkatao. 


kalusugan.    na-renew ko na ang Philhealth ko, malaki daw ang maitutulong nito sa pagdaraanan ko.  nag enroll na rin ako sa gym, tatlong araw na na akong naggygym.  mahigit 4 na taon na yata akong hindi naggigym.  masarap ang pakiramdam.  sana ay unti unting gumanda ang resistensya ko.  nagiging maingat na rin ako sa aking pagkain at pinipilit na lagyan ng limitasyon ang pagpupuyat, di katulad nung dati. 


iwas stress.  lie-low sa trabaho, magbigay ng mas maraming oras sa sarili at magpahinga.  madalas hinahanap ko ang mga barkada ko, basta may mag aya, magkape, mag mall, mag sine – sama kaagad ako. medyo magastos na lifestyle pero sana ay makayanan ko, masaya ako pag kasama ko sila, sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob.  so far so good.


bago pa man ako naging positibo sa HIV, aktibo na ako sa advocacy ng HIV education and prevention.  nagsimula ito mga 3 taon na ang nakakaraan.  nuong una ay hindi ko inaaalintana ang HIV, di ko ito pinapansin, maliban sa napagaralan ko sa kolehiyo, ay wala na akong kaalaman ukol dito. 3 years ago ng may kauna unahang kaso ng HIV/AIDS  sa mga taong personal na kakilala ko. mula nuon namulat ang aking mata sa katotohanang andito na sakit na ito, tunay na nangyayari, at sa aking mga kakilala.  mula nuon, sa mahigit tatlung taon, apat na yata sa aking mga kakilala ang namamatay sa sakit na ito.  may mangilan ngilan na rin akong kilalang positive.  kaya nga mula nuon ay naging aktibo na ako sa advocacy na ito, hanggat may maitutulong ako, ginagawa ko.


kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng sertipikasyon para maging  HCCT (HIV Confidential Counseling & Testing) Counselor.  medyo mabigat sa dibdib na mag training para maging counselor dahil mahigit ilang araw pa lang ako na-didiagnose na positive.  pero kinaya ko.  tinapos ko para maipagpatuloy ang advocacy na ito.   during the training may mga nakilala na rin akong mga kapwa positive na mga kaibigan.  tunay ngang marami silang nasa palibot lang natin, hindi lang natin alam. nasa paligid lang sila.  nasa paligid lang KAMI.  kasama ninyo.




ito ang aking diary

BONG

Sunday, July 10, 2011

THE NUMBER 12

12 --- paboritong number ko yan, dati pa kahit nung high school pa lang ako, tuwing magpapagawa kami ng uniform para sa P.E. class namin, parating 12 ang nakalagay sa mga uniform ko.  ewan ko ba, para sa akin makahulugan ang numerong yan. para ka lang nagbibilang 1...2...3... nangangahulugan ng pag usog at pagpapatuloy, isang pagpapanimula.

ngayong hapong ito, hindi ko lubos akalain na ang numerong 12 ang magbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan.

bahagi ako ng isang HIV advocacy group na tumutulong para mapalaganap ang edukasyon ng HIV at nagsusulong ng mga libreng HIV testing para sa mga MSM (Men having Sex with Men).  matagal tagal na rin akong aktibo sa ganitong mga advocacy work.  matagal na naming pinaplano ang araw na ito, kahit noong hindi pa ako positive, nakaset na talaga nuon pa ang proyektong ito.

kaninang umaga, masaya ako at sa wakas ay matutuloy ang proyekto ng HIV testing na para sa isang grupo ng mga tao/kabataan na sadyang malalapit sa aking puso.   halos lahat yata ng mga miyembro nila ay personal kong kakilala at madalas nakakasalamuha.  mga kaibigan.

kanina, nag aalinlangan din ako na maging bahagi ng actual na pagsasagawa ng testing dahil sadyang sariwa pa sa akin ang pinagdaanan ko. natatakot ako, baka hindi ko makaya. 


12 ang positibo... mahigit 30% ng dumalo. nakapanlulumo. 12 sa aking mga kakilala. 12 na pandagdag sa statistics ng HIV, ang ilan ay sobrang babata pa.

anu kaya ang kalagayan nila ngayong gabi? may makakausap kaya sila? may lakas loob kaya silang harapin ang ganitong klaseng suliranin.  gusto ko man silang tulungan ay hindi ko magawa, gusto ko sana silang bigyan ng mahihigpit na yakap, ipaabot sa kanila na hindi pa ito ang katapusan ng mundo.  wala akong magawa, statistics lang ang alam ko, hindi ko alam kung sino sa kanila, basta ang sigurado, 12.

tumulo ang aking luha para sa kanila, kung maibabahagi ko lang ang aking lakas ng loob.

ngayong gabi, matutulog akong umiiyak, hindi para sa aking sarili, ngunit para sa akin mga kaibigan.  sana ay maging matatag kayo, nasa ika 10 araw pa lang ako sa aking buhay positive, wala pa akong sapat na karanasan para maging inyong sandigan.

"tonight is your first night, i can only imagine the pain you are going through."

:'(

ito ang aking diary

BONG

Sunday, July 3, 2011

Day 3 - Si Kit

July 3, 2001 – Linggo

okay naman ang gising ko, nakatulog ulit ako ng maayos, marahil dahil sa puyat, mula’t sapul naman ay wala ako problema sa pagtulog ko.

umaga, nagring ang telepono, si Don tumatawag, kahapon ko pa iniintay ang mga sagot nya, medyo nanibago rin ako dahil madalang naman syang tumawag ng umaga at madalas ay tulog pa sya ng ganitong oras.  “hey kuya!” sinagot ko ang telepono.  “o kuya kamusta ka?” ang bungad nya. kuya talaga ang tawagan naming sa isa’t isa.  “okay naman ako so far so good, ikaw ang kamusta? nagtext ako sayo kahapon pero di ka nagpaparamdam, akala ko kong anung nangyari say o, nag worry ako .“ paunang sagot ko.  “ganito lang naman ako kuya, I just need time for myself para mag isip at magpakalungkot, so kahapon yun – ngayon back to normal na ako, nag sink-in na sa akin ang lahat, okay na ako ulit – bipolar nga ako di ba?” dirediretso sya.  patuloy din syang nagkwento sa mga bagong plano sa pagpapaganda ng kanyang condo. dati pa kasing may plano  akong tumira sa pad nya, wala kasing gumagamit ng ibang kwarto sa unit nya.  napagisip isip ko rin siguro ay magandang ideya kung may kasama ako sa bahay just in case. tinanung nya kung gusto kong lumabas. Sabi ko naman, magtratrabaho muna ako dahil may mga tinatapos pa ako.  ganito talaga ang weekends ko, maraming trabaho. Sabi ko na lang kay Don, itetext ko sya pag naisipan kong lumabas.


masaya ako at okay na si Don.  patuloy din ang pagtext ni Migs, kinakamusta ako at parang laging naninigurado kung okay lang ba ako.  nasabi rin nya sa text nung hapon na nabasa na nya ang lahat ng entries dito sa blog ko, at naiiyak daw sya nung mabasa nya ito.  nagpasalamat ako at sinabi ko rin sa kanya  na baka mapadalas ang aming pag uusap dahil siya lang ang maaasahan ko kapag may mga gumugulo sa aking isipan. walang problema at pipilitin daw nya na bigyan ng oras kung kailangan ko sya.

malaki ang naitutulong nila sa akin, sa aking pagtanggap ng maluwag na HIV positive ako --- maaring  marami akong pangamba at may namumuong takot sa king dibdib ngunit dahil alam kong marami akong kaibigan na magiging karamay ko sa aking kinalalagyan, hindi ako nalulungkot. maraming salamat sa kanila.


maliban sa madalas na pagdumi ( 2 to 3x a day siguro) at parating ‘uneasy’ ang aking tiyan, ay maayos naman ang aking pakiramdam. bukod sa trabaho ay wala namang mahalagang nangyari nung araw na yun ng linggo.

kinagabihan dumalaw sa  trabaho ko si Kit, isa sa mga ex-boyfriend ko from 8 or years  ago. malapit lang sya nakatira sa trabaho ko kaya madalas ay nagkikita rin kami. madalas dumaan sa trabaho ko para maki-WIFI at tumambay. nagdinner kami at nagkwentuhan , pilyo pa rin sya.   simula’t sapol eh bata ang turing ko sa kanya, maliit kasi talaga ang frame nya at 18 years old pa lang yata sya nung una kaming magkakilala, estudyante pa sya nun sa UP DIliman, at saka marami syang childish ways pag nagkukulitan kami at nagpapacute sya,  cute naman talaga sya at dahil ilang buwan na rin syang nagwowork out sa gym at talagang gumaganda na ang hubog ng katawan nya.  ngayon, kahit mid-20s na sya eh bata pa rin ang turing ko sa kanya, sa aking isip ay sya pa rin ang ‘baby ko’ hehe.

makikitulog din sya sa pad ko ngayon gabi, maaga daw kasi ang lakad nya kinabukasan at tinatamad yata syang umuwi.  baka biglang may mangyari sa  amin, yun agad ang naisip ko.  sa dinami dami na kasi ng pakikitulog nya sa pad ko, may ilang pagkakataon na may nangyari pa rin sa amin. wala namang anal sex, pana’y oral sex lang.  marahil dahil bata nga ang tingin ko sa kanya, kailanmay di ako nag attempt na makipag-anal sex sa kanya.  pero matagal na rin nung huli kaming mag sex.  madalas kaming nagkukulitan at naglalandian pero hanggang dun lang at walang nagyayari kahit magkatabi kami matulog.  maraming pagkakataon na pwedeng may mangyari pero wala naming naganap, din a rin naman kasi ako kasing libog tulad ng dati at madalas ay ayaw ko naman din mag-initiate.  masaya na siguro akong nakikita sya ng madalas at ako ang kinekwentuhan nya tuwing may mga prublema sya sa buhay at lovelife nya.  parang kapatid na lang ang tuturing ko sa kanya ngayon.


pano kung mag initiate sya ngayon gabi? yun ang naisip ko. bibigay ba ako? hindi muna siguro, ituturn down ko na lang sya at sasabihin pagod ako, at siguradong magtataka yun kasi ako pa ang nag turn down.

buti na lang at hindi sya nag initiate, walang nagyari kagabi.  hindi pa yata ako handa.  kahit na sabihing safe ang oral sex kung walang sugat. di ko pa rin kayang dalhin ang risk na makahawa ako.  hindi pa ngayon, marami pa akong dapat malaman.

ito ang aking diary

BONG

Day 2 - WHITE PARTY

July 2, 2011 - Sabado

4am na yata ako nakatulog kaninang madaling araw at tinanghali na ako ng gising, sakto lang para magtrabahong muli, pati sabado may trabaho, hay buhay! dapat siguro eh baguhin ko na ang aking routine sa buhay, kung haharapin ko ang aking kalagayan, marami akong kailangang baguhin - mag hinay hinay sa trabaho, bawasan ang stress, alagaan ang katawan, magsimulang mag gym, magbakasyon sa probinsya.

kinagabihan, nagtext ako kay Don, kinakamusta ko sya. normally eh mabilis syang sumagot sa mga text ko, pero ngayon eh hindi sya sumagot.  matapos kong mag dinner eh  nakatanggap akong ng tawag at mga text galing sa mga barkada,  lahat eh nag-aayang  pumunta sa BED Malate para sa kanilang white party celebrations.  nung una parang tinatamad ako at gusto kong matulog na lang pero natatakot akong mag isa ng matagal na walang ginagawa, baka bigla akong malungkot. kaya napagpasyahan kong pumunta na rin sa malate para mag happy happy.  nagtext ulit ako kay Don para sabihin ang plano ng barkada, wala talagang sagot, nagworry ako ng kaunti.



habang nasa taxi papuntang malate, bigla kong naalala si Ed,  ang aking bestfriend, biglang tumulo ang aking mga luha, pilit kong pinipigilan pero di ko magawa.  konti lang naman ang tumulo per may konting pagdaramdam at kirot sa aking dibdib.

si Ed ang nagiisa kong  bestfriend mula nung  kalagitnaan pa ng 1990s matapos ang aming graduation sa kolehiyo, nakilala ko sya dahil nagkasama kami sa OJT kahit magkaiba kami ng paaralan, mula nuon ay naging matalik na kaming magkaibigan, mabait kasi yun, suuuuuuuper bait nga.  matagal na rin syang nakabase sa Mindanao dahil sa kanyang trabaho.  madalang na lang kami nagkikita. huli ko syang nakita nung kaarawan ko kung saan lumuwas pa sya ng maynila para makipag celebrate sa birthday ko. madalas nyang gawin yun – ang sopresahin ako pag may mga special celebration sa trabaho at sa personal na buhay ko. kaya naman mahal na mahal ko si Ed, walang kapantay.

naalala ko lang, mababaw ang luha ni Ed, madalas ko na syang makitang umiyak sa maliliit na bagay, pusong mamon-mababaw ang luha.  ng maalala ko sya naisip ko ‘anu kaya ang mangyayari kung sabihin ko sa kanya ang HIV status ko?’  bigla na lang akong napaluha sa taxi.  siguradong papalahaw sa lungkot ang lola mo. hay baka di ko rin makayanan at bumigay din ako.  andaming senaryo na pumapasok sa isip ko.  nalulungkot ako sa maaring maramdaman nya.

pagkadating ko sa bed malate, tinext ko si ed:
___
bong:  San ka?
ed:  Davao. Why?
bong: When r u coming to manila?
ed: Wala pa. Why? Any gimik?
bong: La lang miss lang kita
ed: Will try to join one of the meetings in mla within d month
bong: Okay keep me posted
___

siguro ay nanibago sya ng konti, out of the blue nagtext ako at sinabi ko pa na miss ko sya.  ngayon lang yata ako nagsabi sa kanya ng ganun.  siguro nakahalata yun ng konti na may problema ako, kilalang kilala nya ako, siguradong alam nya na kailangan ko sya.

ayaw ko naman sabihin sa text, naisip ko rin na ibigay na lang ang address ng blogspot na ito para mabasa nya lahat. pero natatakot akong baka masyado syang maapektuhan at mawindang ang trabaho nya at biglang sumugod sa maynila.  malakas pa naman ako, wala pa namang emergency, hihintayin ko na lang syang lumuwas ng maynila at saka ko sasabihin ang sitwasyon ko, sabay na lang kaming iiyak.
saka ko lang napansin, unti unti ng napupuno ang Bed Malate, andaming cute, everytime na may makikita akong type ko, may konting kirot at kalungkutan sa aking kalooban, naisip ko ‘dati  nga ang hirap hirap ng makakuha ng mr. right – pano pa kaya ngayon?’  hay buhay.

8 yata kami sa grupo nung gabing yun, halos kumpleto ang mga kaibigan. matagal tagal din akong hindi nakabalik sa Bed, andami kong nakikitang mga dati ng kakilala.  naramdaman kaya nila na mas mahigpit kesa sa dati ang mga yakap-bati na ibinabato ko sa kanila?  pinipilit kong parati akong nakangiti kahit maraming bagay ang pumapasok sa akin isipan.  kasama ko rin sina Jamil at Jimboy nung gabing iyon, pansin ko ang madalas nilang pagsulyap sa akin – parang naninigurado kung okay lang ba ako, paminsan-minsan ay niyayakap ako ng mahigpit.  salamat sa kanila.



masaya nung gabing yun, nageenjoy ang lahat sa kakasayaw at sa kwentuhan.  nag enjoy din naman ako pero wari ko ay parang medyo matamlay ang aking katawan, di ko alam kung pagod ba ako, o tumatanda na lang talaga ako, o  talagang ito lang talaga ang psychological effect ng sitwasyon ko.

medyo nalungkot ako, naisip ko kasi na pag maaga akong namatay, sobrang mamimiss ko ang mga happenings na ganito.  kailangan talagang simula ngayon ay alagaan ko ang aking sarili para di ko mamiss ang mga ito.  magi-gym na talaga ako sa lunes!

naisip ko rin, sino sino kaya sa mga tao na nasa Bed nuong gabing yung and HIV positive?  marami rin kaya kaming nagpapanggap at nagpupumilit na magpakasaya nuong gabing iyon?  wala siguro talagang makakasagot sa mga tanong na yan.  mukhang  lahat naman ng mga tao dun healthy, pati ako mukhang healthy… traydor talaga ang HIV!

alas 5 na yata ng umaga ng makauwi ako sa bahay, pagod na bumulagta sa aking kama, bago ako napapikit naisip ko ‘dapat siguro hindi na ako nagpupuyat ng ganito, dalawang araw na akong puyat. may sakit na ako, baka lalong makasama sa aking katawan.’.

ito ang aking diary

BONG

Saturday, July 2, 2011

Day 1 - REVELATIONS

(part 2) mayamaya lamang ay pinatawag ako ni duktora sa kwarto at ng akmang mauupo na ako sa upuan ay nagsalita siya, ‘positibo kasi ang lumabas sa test mo kaya kailangan muna naming ipadala sa san lazaro for confirmatory test ang screening mo’  bigla akong napaupo, parang hindi malinaw ang pagakakarinig ko, bigla akong nawalan ng ulirat at bahagyang gumaralgal ang aking boses, ramdam ko na parang bumabaligtad ang aking sikmura - “so reactive po ang resulta doktora?”  -  “oo kaya kailangang ipadala natin sa lunes for confirmatory testing, it would take 2 weeks to get that result.  nasa loob rin ng room and medtech at si veron na nakamasid.  “kaya pala hindi ini-release kahapon ang resulta dahil nag positive nga” ang sabat ni veron.  sabi ko “so anu po ang next step natin maghihintay na lang o kailangan nap o akong mag gamot?” -  “oo maghihintay tayo, pag positibo pa rin yun, tsaka pa lang natin gagawin ang iba pang mga test pati cd4 count mo para malaman kung anung status ng health mo at kung anung next step natin.” “kailangan mong hintayin ang tawag namin para sa resulta ng confirmatory test, ipatatawag ka ulit namin dito” sunod sunod niyang sinabi” . nagtanung ako “duktora, ano po ang chances or percentage na magnenegative pa ang confirmatory test based duon sa karanasan nyo sa clinic na ito?”.  “base sa karanasan naming wala pang nagnenegative sa confirmatory test na pinapadala namin sa san lazaro.” . “okay” – natame na lang ako. 

pumasok si veron sa loob ng hiwalay na counseling room, nag excuse ako at sinundan siya sa kwarto.  “ate di ba early 2009 ako huling nagpatest at negative ako, so kung positive ako ngayon, possible ba na kung January 2011 ako nagkaunsafe sex eh mag appear na kaagad ngayon ang resulta?” “oo possible na yun” and matipid na sagot ni veron.  nasa isip ko gusto ko lang matrace kung anung pagkakataon ang maaring naging dahilan ng pagiging positive ko ngayon. madaming tanung na biglang nagsusulputan sa isip ko, pilit na inaalala ang mga pagkakataong nagkaroon ako ng sexual contact, sino? saan? paano? kailan? kung positibo ako ngayon? pano ang mga kamakailan ko lang nakasex?  nagblablanko ang isip ko, maraming katanungan…  matapos ang ilan pang mga katanungan at pagpapaalam, pansin ko ang kalungkutan sa mga mata ni duktora, ng medtech at si ms. veron na mukhang worried na worried sa akin “sigurado ka bang okay ka lang bong?” “okay lang po ako ate, andyan naman po ang mga kasama ko eh basta tatawag po ako pag may tanung pa ako” ito lang ang naisagot ko sa kanya.



lumabas ako ng kwarto, kalmado at medyo nakangiti pero ramdam ko na tinatraydor ako ng aking mga paghinga, medyo gumagaralgal and mga panga ko… ramdam ko pa rin ang na nakapilipit ang aking sikmura.  “tara na!” at sumunod sina jamil at jimboy sa akin pababa at palabas ng building papunta sa kanto kung saan nagpark si jamil ng kanilang kotse.  habang pasakay na kami ng kotse wala na kong ibang nasabi kungdi “sinabi ko na sa inyo guys eh” . pagkaupo, hinagilap nila ang aking kamay at mariing pinisil.  nagsimulang tahimik ang aming biyahe pabalik sa coffee shop na pinag almusalan naming.  maya maya ay nagsimula na naman ang diskusyon ukol na potensyal na magnegative pa ang confirmatory test na gagawin.  may suhestiyon si jimboy na kumuha ng panibagong rapid HIV testing sa isang pribadong clinic na malapit sa lugar naming “just to reconfirm the initial findings” sabi nya. hindi na ako  pumayag.  ang sa akin lang, kahapon ko pa natanggap na malaki ang potensyal na maging positive ako, mahirap mang isipin, hindi pa ako umiiyak at wala akong nararamdamang kailangan kong umiyak dahil sa mga pangyayaring ito.  gusto ko lang magsimula na agad na harapin ang kalagayan ko, ayoko ng bigyan pa ng false-hope ang aking sarili sa isang bagay na alam ko naman na maliit na lang ang potensyal na mangyari.  kung kailangan tanggapin na ngayon, tanggapin na lang. oo maghihintay pa ako ng 2 linggo pero ang alam ko sa ngayon POSITIVE ako. yun ang totoo, anu ang gagawin ko mula sa araw na ito.

naintindihan nina jamil ay jimboy ang punto ko at tinaggap na rin nila ang aking argumento.  sabi nila naghihintay na si migs sa coffee shop at tumawag daw sya kanina habang nasa pre counselling pa ako, to check kung anu ng nangyayari.  pagdating sa coffee shop nakangiti ako kay migs, malungkot ang itsura nya, ganun din si jamil at jimboy. “sabi ko na sayo migs!”  tahimik, kaunting diskusyon sa mga kung anung nangyari sa counseling, di ko na matandaan ang aming mga iba pang pinagusapan, maya maya ay pinauwi ko na sina jamil at jimboy dahil alam kong kulang na kulang pa sila sa tulog, nagpasalamat ako ng marami at niyakap sila ng mahigpit na mahigpit, lumisan na rin kami ni migs dala ang kanyang sasakyan, sasamahan daw nya ako today so dumiretso kami sa aking trabaho at duon tumambay, walang patid ang kwentuhan at isineshare ko sa kanya kung anu ang mga plano ko na kahapon ko pa mga pinagiisipan, anu ang mga kailangang gawin, alin ang kailanagan mga bigyan ng importansya. 

Laki ng pasasalamat ko hindi ako iniwan ni migs nung hapon na yun, tumambay lang kami sa trabaho ko at nagonline ng kaunti, nabanggit ko sa kanya na malamang magbubukas ako ng anonymous blog tungkol sa HIV ko, alam ko kasing malaki ang maitutulong ng blog na ito para sa ibang tao, gayundin parang therapy na rin sa akin ito. makailang ulit ko ring binibiro si migs nung hapon na yun, kasi everytime na nakikita kong nalulungkot sya para sa akin, chinecheer-up ko sya, “okay lang yan migs, ikaw pala ang kailangan ng counseling eh, hahaha” matatawa lang kami pareho.  madalas ko syang binibiro.

Nung gabing yun tinagpo naming ni Migs si Don, ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan, parang bestfriend ko sya sa 3 taon na pagkakakilala namin, ang intension ko ay ipaalam na rin sa kanya.  nag shopwise muna kami sa libis, nag dinner ng chinese food, nakipagmeeting pa kami sa greenhills about sa isang project.  buong gabi ay nagpaparamdam at nagjojoke ako tungkol sa HIV at ang importanteng araw na July 1 at pagiging positive, pangiti ngiti lang si migs, mukhang hindi nagegetz ni don na totoo yung mga joke.  marahil ito ay dahil madalas naman talaga kaming magbiro about being hiv positive. ang diperensya lang ngayon totoong positive nga ako, at everytime na indirectly nagpaparamdam ako kay don, nagkakatinginan at nagkakangitian lang kami ni migs.  kahit ako nahirapan, parang hindi ko yata kayang sabihin ng diretsuhan kay don, lalung lalo na sa seryosong paraan, kaya sinasadya kong magjoke about it every chance nung gabing yun.  siguro napansin nya na andaming kong hiv jokes that night, hindi ko alam, pero mukhang hindi pa rin nya nagegetz, hanggang sa huling sandali na patapos na ang meeting naming at dapat ay maguuwian na kami, mga midnight na yata yun.  “hindi nga? hindi nga? wag kayong magbibiro ng ganyan?” sabi ni Don. nakalimang minuto yata kaming ganun bago nag sink in kay Don na hindi na nga kami nagbibiro. nanlulumo sya, pakiramdam ko naaawa ako sa kanya  dahil nararamdaman nya para sa akin, nalungkot ako, hindi sya makapaniwala “eh papaano nangyari yun eh lagi ka ngang safe sex, ikaw nga ang palaging nagbibilin at nangangaral ng condom?” sabi nya na parang naninisi.  “eh ganun talaga eh?” di ko rin alam kung anu ang isasagot ko sa banat nya.

sa halip na naguwian eh bumagsak kami sa isang coffee shop sa timog, nanlulumo si Don at kailangan i-counsel namin sya, kailangan i-process ang kanyang nararamdaman at hindi naming sya basta maiiwanan.  tumagal ang session ng mga isang oras bago kami nag decide na magsipag uwian na. inalok pa ako ni Don na sa condo na nya matulog, worried sya na mag isa ako nuong gabing yun.  sabi ko naman, hindi na kailangan, kaya ko to.  May konting worry din ako, papano kung mapagisa ako, magbrebreak down kaya ako? pero mukhang hindi naman kaya pinauwi ko na sila.

pagdating ko sa bahay kalmado ako, konting lungkot, pero kalmado, wala na yung feeling na baliktad ang sikmura, medyo pagod pero mabilis pa rin ang tibok ng dibdib… kelangan kong magsulat bago ko malimutan ang mga damdamin ko. makapagbukas nga ng blog. kelangan kong irelease to… i need therapy.

4am na yata ako natapos sa aking blog layout at first entry.
ito na yun, makatulog na nga

ito ang aking diary

BONG