Showing posts with label discrimination. Show all posts
Showing posts with label discrimination. Show all posts

Sunday, December 29, 2013

TRAVEL RESTRICTIONS!

Pusit Public Service ---

hmmm... US - UK - AUS - TH --- andami ko pang pwede puntahan... Mag migrate kaya ako?

taralets!

 

ako si BONG

ito ang aking diary

 

Saturday, April 20, 2013

I AM NO VICTIM!

These are just words but it means a lot for the HIV community!

Lets do away with stigma!

No discrimination!

 

ako si BONG

 

Saturday, March 16, 2013

ANNIV NI DAN!

 

hi everyone

aun, kaya nga pla ako nagsulat ng story kc aniv ko na sa pagiging HIV + gusto maging memorable ang experience and ma share ito

kc until now marami pa akong d alam at gusto matutunan about HIV

nakakaloka dba pero wla na kong magagwa eto na ko....

ako nga pla si Dan 25 yrs old pero pag nakita nyo ko am look like 17, gaya ng sabi sakin dun sa HIV seminar namin baby face kasi ako eh, small built white complexion tska appealing ( uy am not making my self proud ah hahahahhaha description lang) going back i want to share my story kc gusto maging makabuluhan ang pagintindi ko sa sakit natin at matuto ng sobra.. takot eh... TAKOT AKONG MAMATAY

i was diagnose last 2012 April un the second un ang pinaka malungkot na pangyayari sa buhay ko, gusto ko lang mag patest nun sa HEPA B kc para un sa ojt ko sa hotel requirement eh, so i went to my auntie aun di ko alam she tested me for HIV aun sapul ako, i went to several test lahat positive, nakakalungot dba, ako nga di ko talga alam ang aggawin, i can't even tell it to anyone.

limipas ang mga buwan, days, and weeks, nag start ako mag pa baseline test awa ng diyos lahat negative until now ni hindi ako nag kaka sipon or ubo, even any sympthoms wla. healthy tlga siguro dhl wla pang manifestations, early detection eh

pasensya na pero magiging emotional na ako, gusto ko lang malabas lahat na alam kong un din ang nararamdaman ng marami sa atin...

lumipas ang araw at buwan naramdaman ko na ang sympthoms ng sakit ko i had lymph node sa leeg, sa armpit at sa shoulders siguro mga 10 sila lahat wla nmn akong nararamdaman kya deadma lang... i took anti boitics kc sabi nila mamwawala daw ang lymph pag ng anti bacterial mali pla ako

pang 7month ko na andyan parin sila nakatatak na sa leeg, balikat at dibdib ko, nakakatakot, nakakaalarma

pumunta ako sa treament hub ko sa alabang

pinagpala ako wla nmn findings kc sa totoo lang ni hindi ako nagkasakit or what even khit wla akong vaccine ( thank you lord )

pero di nagtagl nakakaranas na ko ng back pain upper part it almost last for now cguro mga 8 months na di nawawala di nmn ganun kasikt tolerable but mararamdaman mo

natatakot ako, ayoko nmn mag pa xray bka may lumabas at di ko nmn matanggap, kc honestly nung nalaman ko na meron ako gusto ko gumanti at i kalat ito, para patas patas tyo, kso naisip ko ako nga di ko matanggap hahayaan ko pa bang maranasan to ng iba?

di pa ako nag gagamot kc last CD4 ko 567 pa sya naun di ko na alam kung anu scheduled para para sa susunod na CD4

nagyoyosi at nagiimon pa ako

at malala kc di ko na maiwasan mag yosi at maginom

pasensya na pero simula ng malan ko to nalungkot parang ninakaw nya sakin lahat

ung kababtaan ko, ung kagustuhan kong i enjoy ang buhay ko, ang paginom at pakikibarkada

lahat un nawala na

pero alam nyo ba ginawa ko parin sya madalas pa din akong maginom at mag yosi

un na siguro ako

pero natatakot ako madami sa kaibigan ko ang namatay dhl din sa HIV

maswerte ako dhl wla pa akong OI anu ba gagawin ko? para matigil ang mga bisyo kong ito PLEASE HELP ME

naun gagraduate ako sa HRM ang saya ko nga eh, pero malungkot pa din kc wla pa din tyong gamot

nga pla marami akong kilala sa mga kaibigan ko parang positibo pero nahihya ako iapproach to take test anu ba gagagwin ko dun?

gusto ko sana matulungan nyo ko about sa situation ko kc nahihirap ung back shoulders ko may something tlga

atska natatakot tlga ako mamatay alam ko na alam nyo rin di lang ako bka kyo rin may mga kaibigan at mahal sa buhay na namatay dhil dito

natatakot din ako para sa sarili ko, na parang wla na akong karapatan maging bata at ma enjoy ang lahat, ung tipong iinom makikisalamuha ta makikipag yosi sa iba

wla na INAGAW NA NYA

ayoko mamatay, gusto ko mabuhay pero may bisyo ako anu ggwin ko?

naiiyak akokc parang wla na tyong silbi. uu meron tyo HIV pero anu it will eventually become AIDS, mamamatay, tapos paguusapan at pastsitsismisan

nasaksihan ko kc yan sa mga pumanaw kong mga kaibigan na kgayan ntn

alam nyo kapag naginuma kmi at HIV ang topic natatamemme ako, pero pag nagsalita na ko nakiknig sila,sana na aabsorb nila

ang irap noh, ung tipong paniwalain ang sarili mo na wla ka kahit meron ka!

lasing na ko, nagkalakas lang ng ako ng loob na ikwento to dhla natatakot ako sobra... SOBRA d ko na tlga alam ang ggwin

sana di katulad ang istirya ko ng istorya nyo

bsta KAPITBISIG TYO

sana may gamot na

sana paggalingin nila tyo

sana wla na lang ganito

Dan

Hello dan,

salamat sa iyong pagsulat, masaya ako dahil pinagkaabalahan mo ang pagsulat sa akin. hindi madali ang mag share ng ating mga nararamdaman.

lalong masaya ako at mukhang medyo mas upbeat ka na ngayon compared nung makilala kita sa training natin dati. newly diagnosed ka pa lang yata nun di ba at kamamatay lang din ng bestfriend mo? at sa buong batch ikaw nga ang pinaka bata at pinaka maganda! pero ikaw rin ang pinaka mukhang pinagsakluban ng mundo noong panahong yun. kaya sa tono ng sulat mo eh mukhang kinakaya mo naman, kaya masaya na rin ako.

ilang ulit mong sinasabi sa sulat mo na "ayaw mo pang mamatay" - ay maganda yan, ako rin ayaw ko pang mamatay, sinong bang me gusto nun. at sino bang nagsabi sa yo na mamamatay ka na, o mamatay na tayo? hindi ibig sabihin na positive tayo eh mamamatay na tayo. sa panahon ngayon sa tinagal tagal ng panahon na may HIV sa mundo, wala na dapat namamatay sa AIDS related complications. dahil epektibo naman ang mga gamot na available ngayon. kaya lang marami pa rin ang namamatay eh dahil too late na ng madiagnose sila. totally wala silang alam na positive sila, o mas pinili pa nila na wag malaman dahil naduwag sila, or alam nila pero ayaw magpagamot ng maaga, o mas pinili pang madepress, o natatakot sila sa sasabihin ng ibang tao at ituring silang outcast --- pagkaduwag, wala o maling kaalaman, stigma at diskriminasyon sa ating komunidad --- ito ang mga tunay na dahilan kung bakit marami pa rin namamatay sa AIDS. leche kasi ang mga moralista at self-righteous nating kababayan, nakakalungkot nga eh. kung me mga namatay ka ng friends, mas marami sa akin, i lost count na, mga 12 na yata sila. nakita mo ba akong naglulupasay at nawawalan ng pag asa? hinde! dahil the more i feel bad about my being pusit, the more am risking losing points on my cd4 ;) kaya dapat happy lang girl.

maswerte ka, maswerte tayo at maaga pa lang eh alam na natin ang ating status, ngayon pwede na nating alagaan ang ating sarili... sayang naman ang ganda mo kung magmumukmok ka lang dyan.

potah ka! ;) antaas taas nga ng cd4 count mo no. 567 ka pa... pinakamataas ko eh 499 lang. ngayon am down to 382 (feb 2013)... nirerecommend na nga ni doc na mag ARV na ako. sabi ko pagiisipan ko muna. sa next test ko sa august will be my big decision. sana tumaas ulit.

every 6months dapat ang baseline tests teh, baka due ka na for lab tests, go back to alabang na - bakla dont lose your FOCUS, ngayon kelangan mas maging masinsin tayo sa mga health issues natin. pay attention sa lahat ng sinasabi ng duktor.

maganda at ur always paying attention sa mga sakit sa katawan mo, everytime na may nararamdaman, visit your HIV doctor agad, ganyan din ako. madalas nga eh sinasabi ng duktor sa akin na dont worry dahil halos lahat ng ibang nararamdaman ko eh di naman related sa HIV status ko. normal na yatang maging paranoid tayo sa maliliit na bagay. pero dapat iwas stress, wag masyado magworry, basta check up lang lagi ang katapat and trust your doctors.

www.thebody.com --- yan ang bibliya ko sa lahat ng concerns ko, plus meron akong mga kaibigan duktor at nurses na lagi kong napapagtanungan pag kinakailangan. marami ring kaibigan ang nag aalaga sa akin at alam nila ang staus ko kaya kampante ako na di nila ako pababayaan.

sa ngayon am just concentrating on staying happy and living a productive life. living my life as if everyday is my last. masaya lang.

marami akong kilala na mga pusit na matataas ang posisyon sa kumpanya, maganda ang trabaho, malakas, maganda tulad mo. kaya girl wag ka magiinarte na wala ka ng kinabukasan at inagaw na ng HIV (kukurutin kita eh). you have your whole life ahead of you, maaaring mas mahirap ng konti ang landas na tatahakin natin subalit hindi ibig sabihin na sadyang mas kont ang oportunidad na ilalaan sa atin ng mundo. it's all about your attitude sabi nga nila, ikaw lang ang gumagawa ng iyong kinabukasan kaya tigilan na ang kaartehan at rumampa ka na at mabuhay sa matuwid na daan.

matuwid na daan means healthy life, which is what it should be naman, positive or not. minimize if not abolish your bisyo, kung di kaya ng bigla, unti unti. anything na makakapagpababa ng resistensya ng katawan natin, dapat iwasan. ituring mo na lang na mas babasagin ka kesa sa mga tropa mo. mas alagaan mo ang iyong sarili. pwede namang mag enjoy na hindi pinapabayaan ang ating health. sorry na lang tayo dahil pusit tayo, nagkamali tayo, nabawasan ang ating freedom kumbaga, alang alang sa ikahahaba ng ating buhay.

pwede pa rin i enjoy ang sex ng safe, hay naku teh, ang sarap din kaya. ;)

hihi.

madam, baka matagalan pa ang himala! wala pang gamot! how i wish meron na, pero ang kawalan nito ay hindi magiging hadlang para mabuhay ako ng masaya. papaano kung hindi ito dumating sa lifetime natin?

anung gagawin natin?

NGANGANGA*¥^<{}#<~~]{^???

happy anniversary dan, lets hang out soon...

 

ako si BONG

ito ang aking diary

My CD4 Count

 

Saturday, August 18, 2012

SINO ANG NAKAHAWA SA IYO?




You know Bong, if you have noticed most of the HIV cases in PH, they hardly know where they got it. Very seldom that someone can recall or traced it back from its "ORIGIN".I know for a fact that it will not changed a thing if you have the virus already but then isnt it make you feel better if you know who passed it!

from HIVSLASHAIDS
http://hivslashaids.blogspot.com/

HELLO HIVSLASHAIDS,

totoo, kahit ako, i cannot exactly pinpoint who is the culprit in my case... alam mo kung bakit? kasi mahirap naman talagang malaman kung sino --- unless isa lang ang nakasex (unsafe) mo sa buong buhay mo, or kapag once every 6 months ka lang nakikipagsex at within that period eh magpapaHIV test ka, siguro kapag ganun ang case mo mapipinpoint mo...

it is a FACT na even if you have unsafe sex sa isang PLHIV, may chance pa rin na hindi ka mahahawahan --- hindi automatic na mahahawahan ka agad, may chances pa rin na hindi... maraming factors ang dapat iconsider.   ang sabi pa nga ng ibang studies eh mahirap naman daw talaga na maikalat ang HIV, marami lang talagang mga tao ang nagiging mapangahas pagdating sa sex.

so ano yun iisa isahin mo ang mga nakasex mo? pipilitin mo magpatest kung ayaw umamin or kung hindi nila alam? (thats against the law to make-pilit magpatest anybody) tapos kung nag positive nga sila, pano mo mapapatunayan na sya ang nakahawa sa iyo at hindi ikaw ang nakahawa sa kanya?  so you have to consider time differences, kelan ka nahawahan? kelan ka nagpatest? kelan sila nahawaan? kelan sila nagpatest?  ---  eh kung magnegative yung pinagdududahan mo, e di ikaw naman ang babalikan nya, bakit mo siya inilagay sa risk of infection, ikaw naman hahabulin.  walang katapusan na counterchecking baka makagawa ka na ng family tree ng HIV sa Pilipinas.  gugulo lang ang buhay mo.

sa aking palagay mas makabubuting wag na lang malaman (irrelevant na yung issue), kasi una mahirap maghinala at mahirap magprove ang ebidensya, unless 100 percent sure ka nga, solid facts ang kailangan.  at para anu pa? it wouldnt make any difference at all. isa pang pagsisimulan ito ng galit, kung malalaman ko kung sino, baka hindi natin maiwasan na magtanim ng galit sa taong me kasalanan, most of the cases naman eh hindi rin nila sinasadya ang pangyayari.

negative energies ang mga yun, wala na akong panahon sa ganun, i just wanna live a healthy and positive life, anything i do that does not make me productive and will not lengthen my life is a WASTE of TIME - so why bother? ;)

para sa akin, ang katotohanan, kasalanan ko rin ito, nagpabaya ako, tinatanggap ko ng 100% ang responsibilidad na ito, wala akong sinisisi at itinuturo...

sana lahat tayo ganun.

ito ang aking diary

ako si BONG

Monday, May 28, 2012

Si Nol - Spit or Swallow?


Bong,


hi I saw your email on the internet. Ako si NOL ofw sa Saudi arabia. gusto ko lang humingi ng payo regarding sa risk ko. recently may naka oral sex akong syrian dito. nalunok ko yung semen niya. ano ang chance ko na mag karoon ng HIV? Natatakot kasi akong magpatest kasi bawal ang bading dito sa saudi. balak ko sana sa pinas na ako mag pa test pag uwi ko. kaso by december pa uwi ko. I asked the opinion of AIDSMEDS kaso opinion nila wala daw risk ang oral sex. Totoo kaya yon? napaparanaoid na kasi ako. feeling ko mababaliw na ako kaka isp. hirap kasi dito walang anonymous testing center. Ano kayang risk if ever i delay ang testing? or malaki ba talaga ang chance na magkaroon ako ng HIV dahil sa oral sex? Please Ineed some advice thank you.


NOL




_____________________________________________




Hello Nol,


Yes its very low risk, you don't have to worry. Hiv virus will not survive sa stomach because of the gastric acids not unless you have lesions in your mouth or throat during swallowing. I think its okay for you to wait til december and get tested here in manila. 


Next time its always better to spit than to swallow.


Stay safe.


Bong


______________________________________________




Bong,


Thanks po. medyo lumuwag ang loob ko. kaso medyo kabado pa din ako kasi recently may LBM ako then may tumubong mouth sore sa bibig ko. medyo maliit lang pero kinakabahan ako. Hindi kaya symptoms ng HIV yon?


Nol




_______________________________________________




Nol,


Almost anything naman can be a symptom of hiv infection, dipende sa reaction ng katawan ng tao pa rin yan, madalas nga walang kahit anung signs ans symptoms. Taking HIV out of the picture, anybody can have LBM or mouthsore at kahit sabay sabay pa, doesnt necessarily mean meron ka.  There is no way to tell, Hiv test is the only way to know if indeed ur infected. 


Minsan lang medyo napaparanoid tayo. Just take the test the soonest possible time na alam mong safe ka. Don't worry too much. Minsan masama lang talaga ang weather at madalas tayo magkasakit.


Relaks ka lang, kung may makikita kang anonymous testing site dyan, much better para malaman mo na ang katotohanan.


Bong














Monday, January 23, 2012

I NEED HELP!

Hi Bong,

I read your blog today (all of your entries) and made me think of my own status.

Ive been very promiscuous and deep inside me alam ko 99.9% na meron na ako HIV.

First time kong sumulat sa isang blogger and lakas loob lang talaga. I am sure youre wondering nag pa test na ba ako? - hindi pa. Wala akong lakas ng loob para mag pa test. Natatakot ako, nakakahiya...

Kung ngayon pa lang na hindi pa confirmed status ko na discriminate na ako outside. Nasa mall ako with friends, may group of gay guys na naka tambay sa isang coffee shop kung san din kami ng friends ko pumunta. Pag dating naman dun ang rami kaagad parinig.
"gosh, he really looks sick"
"naku sana mawala na sya dito... " Etc...

Nung nakaupo na kami, mas maraming parinig, patama na alam naming lahat para sa akin. Minadali ko coffee ko at umalis kunyari tumawag ang bahay at importante.

Ngayon, sobrang takot ako lumabas, dinner with family and friends dahil sa nangyari na pwede ulet mangyari sa akin.

Nakita ko yung post mo sa hiv travel restrictions... Biglang pumasok sa isip ko eh kung lumabas ako g bansa at mag trabaho sa walang restrictions... Kaya lang, paano yung maiiwan ko dito? Paano yung pamilya ko?

Naisip ko din... Na para matahimik ako, sige mag papatest na ako. Pero saan? Saan walang tao mastado? Saan yung di ka mapapansin? Siguro by now, masasabi mong i really care what other people would think about me - at affected ako, may it be good or bad.
I read several blogs today and chose to write  you a letter, i dont know why. But i hope you can help.

Thanks.

PEDRO

______________________________

hello pedro,

ang pagsulat mo sa akin ay isang malaking step, salamat at naglakas loob ka.

unang una nais kong malaman mo na diskriminasyon ay talamak sa ating kultura.

madalas:
ang mga babae ay nadidiscriminate.
ang mga payat ay nadidiscriminate.
ang mga matataba ay nadidiscriminate.
ang mga mabababa ang height ay nadidiscriminate.
ang mga pangit ay nadidiscriminate.
ang mga bakla at lesbiyana ay nadidiscriminate.
at oo ang mga PLHIV ay nadidiscriminate din.
basta kakaiba, may potensyal na madiscriminate.
dapat nating tanggapin na andyan yan, kaya nga may mga adbokasiya
na lumalaban para ito ay wakasan, dahil hindi ito makatarungan.

ngunit sa ganang aki'y matagal pa o baka imposible pa sa ngayon na ito'y
mabura sa lipunang ating ginagalawan.

at dahil dito, dapat ay hindi dito magtatapos ang ating mundo, ang iyong mundo.
kung may nagdidiscriminate sa yo, tumayo ka at ipaglaban ang iyong sarili.
o maging matatag ka at wag mo silang pansinin.

ANG POINT KO IS - we cant please everyone, halos lahat ng tao may opinyon sa iba.

QUEBER NA! DONT CARE! TATANDA KA AGAD! PROMISE!
DONT RESTRICT YOUR LIFE. INSTEAD START ENJOYING IT.
LIVE IT.
pagmamahal sa sarili, unang una sa lahat.  ito ang pinaka importante. tanggapin ang sarili ng
walang pag  aalinlangan --- kapag tiwala at mahal mo ang iyong sarili,
walang sinumang tao ang makakasira sa iyo.

totoo ngang maraming taong negatibo,
sila ay dapat iwasan.

ngunit totoo ring mas maraming taong sadyang mababait at positibo ang pananaw sa buhay,
siguro sila ang kelangan mong hanapin at samahan.

unang una na rito ang iyong pamilya lalong lao na ang iyong mga magulang,
naniniwala akong sila ang magiging karamay mo sa hirap at ginhawa.
humugot ka sa kanila ng pagmamahal at lakas ng loob.

gayundin ang iyong tunay na mga kaibigan, magtiwala ka sa kanila.
sila ang unang unang makakaunawa sa iyo at nakikilala kang lubusan.

sa isyu naman ng HIV...
dapat tandaan na ang sobrang "promiscuity" per se ay hindi sapat para sabihin
na ikaw ay siguradong may HIV na.

maaaring promiscuous ang isang tao pero siya naman ay may sapat na kaalaman
at naprapraktis ng safe sex.

maaari ring minsan lang lumandi ang isang tao ngunit dahil naging pabayasiya,
ay buminggo na sya ng bonggang bonnga at confeeeermed na sya.

ang katotohanan - ang risk for HIV ay nakasalalay sa maraming bagay, isa na rito ang
"high-risk" sexual behavior tulad ng unprotected penetrative sex. at marami pang iba.

ang lahat ng ito ay matututunan mo kapag nagpa HIV testing ka.
sapagkat ayon sa panuntunan, kaalinsabay dapat ng HIV Testing ang
1. HIV 101, 2. Pre-Test Counseling, at 3. Post-Test Counseling.
ang prosesong ito ang nagsusulong na maipalaganap ang tama at bagong
impormasyon ukol sa HIV/AIDS at iba pang Sexually Transmitted Infection (STIs).
layunin ng prosesong ito na magkaroon ng 'behavioural change'  ang mga
taong daraan dito para makasiguradong maiwasan na ang paglaganap ng
HIV AIDS sa pilipinas (at least for those people who took the test).

kung lahat ng tao lang sana magpapatest. hayyyyy :(

datapwat subalit, hindi lahat ng HIV testing sites and private clinics ay
sumusunod sa ganitong proseso, lalong lalo na ang mga private testing
and diagnostic clinics (base sa aking mga panayam) - ito ang mga clinics
na hindi naman prayoridad at espesyalisasyon ang STI HIV AIDS.
kalimitan rin sa kanila ay may bayad.

para makasiguradong tama ang proseso at maasikaso ng mabuti ang iyong
pangangailangan hinggil sa HIV AIDS at STI, ang rekomendasyon ko ay pumunta
sa pinakamalapit na  SOCIAL HYGIENE CLINICs (libre dito) narito ang listahan
http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/hiv-test-sites.html

gayundin sa mga NGO and advocacy groups na nagbibigay ng mga special testing dates.
halimbawa :

1. ASP (Aids Society of the Philippines) --- FREE HIV Confidential (with Pre and Post) Counseling and Testing every 1st Friday (5pm - 9pm) and 3rd Saturday (10am - 3pm) of the month - 2/F OTM Bldg. No. 71 Scout Tuason Street - Bgy South Triangle, Quezon City - For more info please call 3762541

2. The Love Yourself Project  - nagsasagawa ng FREE testing every quarter (next one is on MARCH 4). http://loveyourself.ph/

narito ang aking blog entry about these groups:
http://parteeandplay.blogspot.com/2012/01/stakehoders-ngos-advocacy-groups.html

sa aking experience, mas kumportable ang pumunta sa mga social hygiene clinics at advocacy groups dahil ito ang kanilang forte (HIV AIDS STI)  gayundin ay sila rin amg mga aktibo sa pagsusulong mga mga anti-disrimination and stigma campaigns kaya sapat lamang na isa alang alang nila ang mga espesyal na pangangailangan at atensyon nga mga tulad natin na sensitibo rito.

kung gusto mo talaga konti lang tao i highly recommend,

Makati Social Hygiene Clinic (discreet tinted & unmarked room at 7th floor of Makati City Hall),
JP Rizal St. Brgy. :Poblacion, Makati City / 8701615
look for Yoyie or Ms. Tess (Nurse)

or

Mandaluyong Social Hygiene Clinic
Dr. Yolanda TuaƱo - Social Hygiene Clinic Physician
Lerma corner Vicencio Sts., Old Zaniga, Mandaluyong City / 5467799; 2115336
Mobile #: 09178424298

or

RITM Satellite Clinic
#1850 Leon Guinto Street, Malate, Manila
Phone: (+63-927) 704-8646
Contact person: Lean
Clinic hours: Mondays thru Saturdays, 9 AM to 6 PM


kung kailangan mo ng further refferal or gusto mong may makasama
pwede pa rin kitang matulungan, just ask.

bothered lang ako sa claims mo na 99.9% alam mong positive ka.
at nadiscriminate ka ---
do you look sickly?
did you lose a lot of weight?
are there any visible signs & symptoms?

and even if you answered YES on all my questions above, hindi pa rin ibig sabihin na may HIV ka na, dahil marami pang ibang sakit na maaaring iyon din ang sintomas.

HIV test lang ang tanging paraan para malaman mo kaya go ka na bilis.

ukol din sa option mo nag mangibang bansa sa mga bansang walang restrictions, malaking konsiderasyon din na dapat mong isipin na kung HIV Positive ka, libre ang gamot sa pilipinas para sa mga pilipino - pag  nangibang bansa ka, maaring hindi libre ang gamot para sa mga dayuhan at ngayon pa lang ay sinasabi ko ng may kamahalan ang mga ARVs (anti-retroviral drugs) kaya dapat mo itong pag isipan.

unang step. magpatest ka. kung kailangan mo nga makakasama, magregister ka dito:
http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/i-want-to-get-tested.html

salamat at ako napili mong sulatan. touched ako promise ;)

okay sya keep me posted kung anu ng nangyari sa yo.

hiling ko na maging maligaya ka.


BONG


(PS:  hiv is a matter of life and death, the key is early detection, for once you should stop thinking about other people and put yourself on top priority, isa lang ang buhay natin - huwag sayangin dahil lamang sa hiya or sa takot sa sasabihin ng iba)