Showing posts with label blood. Show all posts
Showing posts with label blood. Show all posts

Tuesday, March 31, 2015

GREAT LABS!

I got my routine labs last week... 10cc... It was almost painless...

 

Plus i got my refills...

 

Yesterday i got my results on my email:

 

· Hi we have your labs.

· Your CD4 is 438 (16.35%) from previous of 424 (14.96%). Your percent went up by 2 points, that's great. Your CD4 is stable.

· Your HbA1C is 5.9%, maganda sugar control mo.

· Liver & kidney tests normal

· Your next appointment is on June for checkup, routine, refill, flu vaccine.

· We will be closed this Holy Week (Thu-Fri-Sat). We resume operations on Sunday, 2pm.

Please inform clinic (see numbers and email below) if you want to change your schedule. Thank you.

-------------------------------------------------

SHIP Clinic

 

MY TREATMENT HUB IS SOOOOO EFFICIENT...

AM STILL SPOTLESS...

LOVELIFE NA LANG ANG KULANG!!!

 

#hopia

 

ako si BONG

ito ang aking diary

 

 

 

 

 

Wednesday, September 18, 2013

NEEDLE PRICK & UNIVERSAL PRECAUTION

Bong,

Hi this is kat.. i am a nurse. i got pricked with Hepa B reactive patient through a needle prick injury.. I got tested with baseline diagnostics like HBsAg, Anti-HBs, HCV and HIV Screening tests.. Good thing that I have active titers from Hepatitis B when I was vaccinated in college.. I had negative results from all the labs stated above and had immunity against hepa B.. In this regard, I am being tested again for confirmation, does RITM offer all the above mentioned labs? and wat are the other services they offer? VDRL, etc.. thanks! hope to hear from you.. I hope ur doing fine..

Kat

 

hello kat,

maraming salamat sa iyong pagsulat, we only offer the following 3 tests at the malate hub FOR FREE: 1. HBsAg (HepaB) 2. SY (Syphillis) 3. HIV Antibody Screening. they have other laboratory tests for other STIs but it's not free, please call them on the numbers noted below for more details:

 

LOVEYOURSELF HUB (RITM Satellite Clinic Manila)

1850 Leon Guinto St. Malate, Manila.

Tel. 5479334 or 09178351038

Mondays, Thursdays Fridays & Saturdays 11 AM to 7 PM.

(Cut-off at 5:30 PM)

Sunday 9 AM to 4 PM.

(Cut-off at 2 PM)

Tuesdays & Wednesdays Clinic is CLOSED

indeed these needle prick injuries can happen to health workers and we always encourage the practice of universal precaution at all times, at this time and age, safety is always an utmost priority.

i sincerely wish that your retest results would be non-reactive.

 

ako si BONG

ito ang aking diary

 

Tuesday, July 24, 2012

NEWLY DIAGNOSED!



Hi Bong,

Good day.

I saw your email add thru your blog & I'm really just finding the courage and strength to write you. I'm sorry if this email might be confusing... this is my state of mind right now. I'm just going thru my emotions and write... Here it goes.


I'm a 34 yr-old professional. I had my test, my first & only test last Thursday, July 19th, and I came out positive.
I feel I had it for a long time now and I feel I'm already getting sick. I always get headaches, lagi ako nanghihina. I always get LBM...


I'm still in the process of accepting it. I'm only worried & confused now as to what I should do.
Sorry Bong. Nalilito ako... What should be my next step.


I feel I'm getting sick by the minute.
I really need your advise. I know you've heard this a million times but I feel so alone right now.
I feel I'm not ready yet to tell my family.
I just don't know what to do...


I really want to get healthy & I want to survive this... It's just hard that I don't know who to talk to.
I'm scared & confused that it might be too late for me to get healthy.

Thank you in advance and hoping to hear from you.

I'm leaving here my contact no. just in case... XXXXXXXXX

Thank you again & more power to you. :)

RAVE




hey RAVE,


tough week for you i can imagine. and i feel your confusion.


id like to know where you got your test? and i suppose you got to talk to a counselor?
meron pa bang hindi nacover ang counselor mo?


the usual process is, you should be waiting for your CONFIRMATORY RESULTS in about 2 to 3 weeks.
after the results are confirmed and it is indeed "POSITIVE". you are supposed to be endorsed to a treatment hub
of your choice.


you have to report and register to the HUB and start baseline laboratory tests to asses all your 
health status.


depending on the results of all your laboratory tests, your hiv doctor will recommend that you either start 
ARV treatment or not. 


disclosure to anybody of your friends and family will depend entirely on you as it is a very sensitive matter.
(i only disclosed to the people who i can trust my life with)


i can understand your confusion, its a common stage especially if you still dont know your exact health
status so i suggest you get your baseline laboratory tests asap.  you have to remember that 
help is always available and all you have to do is ask.  there are a lot of positive support group
especially on twitter where you can seek help and still be anonymous.  i am also always here 
to help out if you have any questions.


whatever happened in the past and how long have you had it is already irrelevant.  the important thing
right now is that ALAM MO NA and there is still time to do something about it.  its not the end of the world
all you have to do is compose yourself and face it head on and stay upbeat... kasi pag mas lalo kang 
nalulungkot or nadedepress, mas lalong masama para sa health natin.


i know its easier said than done but there is no other way.  stay "positive" and seek help. you are not alone.


if you have unli calls, you can reach me 09174711979 or tweet me --- ako_si_BONG


welcome to the club - stay strong ;) 


salamat,


BONG




Wednesday, November 9, 2011

RE: DONATING BLOOD


Hi Bong,


I've started reading your blogs and i can feel na mahirap mabuhay sa sakit na HIV/AIDS, everytime na babsahin ko siya sinasamaan ako ng katawan ( seriously ) parang nahihilo ako and i cant explain yung feeling ko...hindi pa din ako nag papatest kasi im scared but every 3 months nag dodonate ako ng blood ko nakasanayan ko na un mag iisang taon na, wla p naman tumatawag sa akin from blood center... you think enough na un or need ko pa din mag pa HIV text ?


tnxs more power


GODBLESS


ken



____________________


REPLY


thanks for you email ken.


need mo talagang magpatest separately. 


the blood testing centers for donated bloods are not allowed to inform or call the donor kung magpositive ang blood na tinetest nila, bawal sa batas yun. dinidispose lang nila yung blood pero di nila tatawagan ang concerned person (donor).


hiv test can only be done with consent - and in those cases you did not give consent to do hiv test on your blood. they are just doing the routinary hiv test for the purpose of protecting the recipient and making sure that the blood is safe. common misconception yan ng mga nagdonate ng blood. mabuti at nagtanung ka.


kaya mo yan, whether positive or negative ka man, you deserve to know ur status.  early detection is the key. hiv is not a death sentence. it only becomes a death sentence if you find out too late.


i hope u find your strength to take the test. Its for your own good.


safe sex always.


Bong 

Thursday, October 13, 2011

Bloody Question

QUESTION: drying of blood. when small drop blood on houshold things and we touched the things then blood goes into open wound..what is the risk to cause hiv ?? small drop of blood of hiv survival outside the body??
RESPONSE: from Dr. McGowan

There is no real risk from the dried blood. There is very little HIV in a drop of blood and CDC laboratory studies have shown that drying HIV reduces the viral amounts by 90 to 99 percent within several hours. No one has ever been infected after exposure to HIV from being exposed to HIV from their surroundings.

Best, Joe

www.thebody.com

Monday, August 1, 2011

Happy 1st Monthsary???

kamusta kayo?  happy ba?

it's my 1st month as an HIV positive person and so far so good naman, i am happy.  grabe andami ko yatang nagawa this past 1 month, sobrang busy... thats why di ako nakakapag update ng blog ko, pasensya na po kasi ayaw ko naman magpuyat kaya i try to get enough sleep as much as i can, kabilin bilinan ni Ate Shola.  ;)
1. SI ED. yes nasabi ko na kay Ed (my bestfriend).  he visited manila (he's from the south) so i took the opportunity to tell him. actually 2 araw na kami magkasama nun, i never got the chance to tell him at first, ayokong malungkot sya so i planned to tell him pag maghihiwalay na kami so when we were at tiendesitas at namamasyal, i decided to pull him aside and we sat sa isang wooden bench doon malapit sa mga pet shop.  hindi ko alam kung paano ko sasabihin and so i pulled out my iPad and have him read the DAY 2 - White Party entry.  yun yung entry where i texted him and i thought about him, my 2nd day.  habang nagbabasa sya, amused pa sya pangiti pangiti --- "hehehe, ako ito ah" tatawa tawa pa sya... tapos nung bandang nasa hulit na sya ng entry, naging quiet na sya, nangingilid ngilid na ang luha sa mga mata nya. so ayun nahawa na rin ako, medyo naluha luha na rin ako.  hindi naman sya sobrang umiyak pero napapansin na kami nung mga tao sa kabilang bench kaya pinigilan namin ang pumalahaw sa iyak.  siguro mga 30minutes kaming andun , di ko na matandaan kung anu pinagusapan namin. so ang ending sa halip na maghiwalay na kami nun at makatulog na sya for his early morning flight, eh di na sya natulog at sumama na lang sya sa aming gumimik at umattend ng isang birthday party.  hes back in the south, calls and text me often, checkin on me. am lucky to have a bestfriend like Ed.


2.  SI TOFFEE.  nasabi ko na rin sa kanya.  he is my longest ex more than 4 years kami.  nasa pilipinas sya for a 6-month vacation.  duktor sya.  ayaw ko rin sabihin sa kanya ng diretso so ang nangyari - 2 weeks after my rapid test, i got a call from Dr. Tuaño na dumating na ang confirmatory test galing San Lazaro, sealed daw ang envelope so i need to come and visit them sa social hygiene clinic nila.  the next morning i texted Toffee, sabi ko may importante lang akong pupuntahan at magpapasama ako sa kanya.  he said yes without asking any more questions.  sa taxi kwentuhan lang kami ng kwentuhan about his life abroad and my life here.  masaya, di ako nagpapahalata na ninenerbiyos ako.  pagdating sa social hygiene clinic dumiretso kami sa 2nd floor and nakita ko si Ate Veron, yung nurse na nagcounsel sa akin.  pinapasok nya ako sa counseling room, sinabi ko sa kanya na kasama ko ang friend ko na duktor at isasama ko sya sa loob.  naupo kami ni Toffee magkaharap sa table ni Ate Veron.  Inabot sa akin ni Ate Veron yung sobre, sinipat ko si Toffee, clueless sya, tahimik lang na nag oobserba.  binuksan ko ang sobre at binuklat ang confirmatory test result.  under sa Western Blot results naka check lahat - gp160, gp120, p66, p55, p51, gp41, p31, p24 at p17 - walang check ang p39 --- halos perfect score --- CONFEEEERMEEEED!    iniabot ko papel kay Toffee.  binasa nya ang mga nakasulat, blanko pa rin ang mukha, walang emosyon.  pinagpatuloy ko ang pakikipag usap kay Ate Veron at kung anu ang next step at paano ang endorsment sa treatment hub.  sa taxi pauwi, maraming tanung si Toffee, sinagot ko naman lahat.  marahil dahil duktor hindi sya mahirap paliwanagan.  ganundin eh sobrang positibo rin ang kanyang pananaw sa mga taong may HIV.  sa kanyang karanasan sa amerika, marami na syang nahandle na HIV patients at alam nya na hindi ito katapusan ng mundo.  sabi nya basta lagaan ko lang ang sarili ko at sa pamamagitan ng healthy living, i will be okay.  syempre importante pa rin daw ang ibayong pagiingat.  pinagusapan rin namin ibang bagay tulad ng sexlife and even party drugs, sobrang open ako sa kanya - sinasabi ko lahat, sometimes i think he knows me better than anybody else in this world.  sana eh siya na lang ang duktor ko forever, sana eh dito na lang sya sa pilipinas. i feel safer when he's around.  

3.  RITM - Research Institute for Tropical Medicine.   ito ang aking treatment hub.  medyo may kalayuan pero kumpara naman sa mga bad stories na naririnig ko about PGH and San Lazaro, i opted to go to RITM instead, mas magastos, mas malayo pero mas maganda ang facility at mas warm ang mga tao.  mababit sila lahat... si Ate Shola... si Ate Letlet, si Dra. Ditangco... i feel safe with them.   mga 2 weeks din ako pabalik balik sa RITM, sankaterbang lab tests for the baseline.  kailangan daw ito para malaman ang health status ko so lahat kailangan i-check.  gumastos ako ng kulang kulang na Php 5,000 to get all the tests done, some are free, some are not.  bawat ospital iba iba ang patakaran.  ang mga first timer daw sa San Lazaro wala pa daw 1k ang babayaran - i actually visited San Lazaro in an attempt to get my baseline tests done without spending too much.  pero my initial visit to San Lazaro just confirmed some horror stories about the place, wala ring available na duktor so i decided to abort the plan.

4.  CD4 Count = 379.   this is my first CD4 count result.  i was hoping it's higher but nevertheless it's a good count na rin.  all my laboratory tests results are also good, am in almost perfect condition except for my HIV. Stage 1 Asymptomatic.  that the BEST news i can get.  maswerte ako nagpatest kaagad ako, ngayon maaagapan ko na ito at magagawan kaagad ng paraan.  sabi ni doktora option ko kung gusto ko ng magsimula ng gamot (ARV's)  sabi ko naman pagisipan ko muna, magreresearch muna ako about it. wala pa naman ako sa standard threshold na 350. so hindi pa urgent ang mag medicate ako...  sa aking isip i will make an informed decision within the next 3 months.  hopefully everything will still be fine by then.

so happy ba ako?  i can say i am very happy, i got one bad news but all the others news that followed are good news.  busy rin ako sa trabaho most especially sa advocacy work ko. in the span of one month i feel like i have become a better person.  feeling ko rin andami kong naaccomplish sa buhay ko... it's a great start... i'm always looking forward to a great day.

HAPEEEEE!!!

ito ang aking diary

BONG


ps... eto pala ang mga tests na kelangan:



Sunday, July 3, 2011

Day 3 - Si Kit

July 3, 2001 – Linggo

okay naman ang gising ko, nakatulog ulit ako ng maayos, marahil dahil sa puyat, mula’t sapul naman ay wala ako problema sa pagtulog ko.

umaga, nagring ang telepono, si Don tumatawag, kahapon ko pa iniintay ang mga sagot nya, medyo nanibago rin ako dahil madalang naman syang tumawag ng umaga at madalas ay tulog pa sya ng ganitong oras.  “hey kuya!” sinagot ko ang telepono.  “o kuya kamusta ka?” ang bungad nya. kuya talaga ang tawagan naming sa isa’t isa.  “okay naman ako so far so good, ikaw ang kamusta? nagtext ako sayo kahapon pero di ka nagpaparamdam, akala ko kong anung nangyari say o, nag worry ako .“ paunang sagot ko.  “ganito lang naman ako kuya, I just need time for myself para mag isip at magpakalungkot, so kahapon yun – ngayon back to normal na ako, nag sink-in na sa akin ang lahat, okay na ako ulit – bipolar nga ako di ba?” dirediretso sya.  patuloy din syang nagkwento sa mga bagong plano sa pagpapaganda ng kanyang condo. dati pa kasing may plano  akong tumira sa pad nya, wala kasing gumagamit ng ibang kwarto sa unit nya.  napagisip isip ko rin siguro ay magandang ideya kung may kasama ako sa bahay just in case. tinanung nya kung gusto kong lumabas. Sabi ko naman, magtratrabaho muna ako dahil may mga tinatapos pa ako.  ganito talaga ang weekends ko, maraming trabaho. Sabi ko na lang kay Don, itetext ko sya pag naisipan kong lumabas.


masaya ako at okay na si Don.  patuloy din ang pagtext ni Migs, kinakamusta ako at parang laging naninigurado kung okay lang ba ako.  nasabi rin nya sa text nung hapon na nabasa na nya ang lahat ng entries dito sa blog ko, at naiiyak daw sya nung mabasa nya ito.  nagpasalamat ako at sinabi ko rin sa kanya  na baka mapadalas ang aming pag uusap dahil siya lang ang maaasahan ko kapag may mga gumugulo sa aking isipan. walang problema at pipilitin daw nya na bigyan ng oras kung kailangan ko sya.

malaki ang naitutulong nila sa akin, sa aking pagtanggap ng maluwag na HIV positive ako --- maaring  marami akong pangamba at may namumuong takot sa king dibdib ngunit dahil alam kong marami akong kaibigan na magiging karamay ko sa aking kinalalagyan, hindi ako nalulungkot. maraming salamat sa kanila.


maliban sa madalas na pagdumi ( 2 to 3x a day siguro) at parating ‘uneasy’ ang aking tiyan, ay maayos naman ang aking pakiramdam. bukod sa trabaho ay wala namang mahalagang nangyari nung araw na yun ng linggo.

kinagabihan dumalaw sa  trabaho ko si Kit, isa sa mga ex-boyfriend ko from 8 or years  ago. malapit lang sya nakatira sa trabaho ko kaya madalas ay nagkikita rin kami. madalas dumaan sa trabaho ko para maki-WIFI at tumambay. nagdinner kami at nagkwentuhan , pilyo pa rin sya.   simula’t sapol eh bata ang turing ko sa kanya, maliit kasi talaga ang frame nya at 18 years old pa lang yata sya nung una kaming magkakilala, estudyante pa sya nun sa UP DIliman, at saka marami syang childish ways pag nagkukulitan kami at nagpapacute sya,  cute naman talaga sya at dahil ilang buwan na rin syang nagwowork out sa gym at talagang gumaganda na ang hubog ng katawan nya.  ngayon, kahit mid-20s na sya eh bata pa rin ang turing ko sa kanya, sa aking isip ay sya pa rin ang ‘baby ko’ hehe.

makikitulog din sya sa pad ko ngayon gabi, maaga daw kasi ang lakad nya kinabukasan at tinatamad yata syang umuwi.  baka biglang may mangyari sa  amin, yun agad ang naisip ko.  sa dinami dami na kasi ng pakikitulog nya sa pad ko, may ilang pagkakataon na may nangyari pa rin sa amin. wala namang anal sex, pana’y oral sex lang.  marahil dahil bata nga ang tingin ko sa kanya, kailanmay di ako nag attempt na makipag-anal sex sa kanya.  pero matagal na rin nung huli kaming mag sex.  madalas kaming nagkukulitan at naglalandian pero hanggang dun lang at walang nagyayari kahit magkatabi kami matulog.  maraming pagkakataon na pwedeng may mangyari pero wala naming naganap, din a rin naman kasi ako kasing libog tulad ng dati at madalas ay ayaw ko naman din mag-initiate.  masaya na siguro akong nakikita sya ng madalas at ako ang kinekwentuhan nya tuwing may mga prublema sya sa buhay at lovelife nya.  parang kapatid na lang ang tuturing ko sa kanya ngayon.


pano kung mag initiate sya ngayon gabi? yun ang naisip ko. bibigay ba ako? hindi muna siguro, ituturn down ko na lang sya at sasabihin pagod ako, at siguradong magtataka yun kasi ako pa ang nag turn down.

buti na lang at hindi sya nag initiate, walang nagyari kagabi.  hindi pa yata ako handa.  kahit na sabihing safe ang oral sex kung walang sugat. di ko pa rin kayang dalhin ang risk na makahawa ako.  hindi pa ngayon, marami pa akong dapat malaman.

ito ang aking diary

BONG

Saturday, July 2, 2011

Day 1 - REVELATIONS

(part 2) mayamaya lamang ay pinatawag ako ni duktora sa kwarto at ng akmang mauupo na ako sa upuan ay nagsalita siya, ‘positibo kasi ang lumabas sa test mo kaya kailangan muna naming ipadala sa san lazaro for confirmatory test ang screening mo’  bigla akong napaupo, parang hindi malinaw ang pagakakarinig ko, bigla akong nawalan ng ulirat at bahagyang gumaralgal ang aking boses, ramdam ko na parang bumabaligtad ang aking sikmura - “so reactive po ang resulta doktora?”  -  “oo kaya kailangang ipadala natin sa lunes for confirmatory testing, it would take 2 weeks to get that result.  nasa loob rin ng room and medtech at si veron na nakamasid.  “kaya pala hindi ini-release kahapon ang resulta dahil nag positive nga” ang sabat ni veron.  sabi ko “so anu po ang next step natin maghihintay na lang o kailangan nap o akong mag gamot?” -  “oo maghihintay tayo, pag positibo pa rin yun, tsaka pa lang natin gagawin ang iba pang mga test pati cd4 count mo para malaman kung anung status ng health mo at kung anung next step natin.” “kailangan mong hintayin ang tawag namin para sa resulta ng confirmatory test, ipatatawag ka ulit namin dito” sunod sunod niyang sinabi” . nagtanung ako “duktora, ano po ang chances or percentage na magnenegative pa ang confirmatory test based duon sa karanasan nyo sa clinic na ito?”.  “base sa karanasan naming wala pang nagnenegative sa confirmatory test na pinapadala namin sa san lazaro.” . “okay” – natame na lang ako. 

pumasok si veron sa loob ng hiwalay na counseling room, nag excuse ako at sinundan siya sa kwarto.  “ate di ba early 2009 ako huling nagpatest at negative ako, so kung positive ako ngayon, possible ba na kung January 2011 ako nagkaunsafe sex eh mag appear na kaagad ngayon ang resulta?” “oo possible na yun” and matipid na sagot ni veron.  nasa isip ko gusto ko lang matrace kung anung pagkakataon ang maaring naging dahilan ng pagiging positive ko ngayon. madaming tanung na biglang nagsusulputan sa isip ko, pilit na inaalala ang mga pagkakataong nagkaroon ako ng sexual contact, sino? saan? paano? kailan? kung positibo ako ngayon? pano ang mga kamakailan ko lang nakasex?  nagblablanko ang isip ko, maraming katanungan…  matapos ang ilan pang mga katanungan at pagpapaalam, pansin ko ang kalungkutan sa mga mata ni duktora, ng medtech at si ms. veron na mukhang worried na worried sa akin “sigurado ka bang okay ka lang bong?” “okay lang po ako ate, andyan naman po ang mga kasama ko eh basta tatawag po ako pag may tanung pa ako” ito lang ang naisagot ko sa kanya.



lumabas ako ng kwarto, kalmado at medyo nakangiti pero ramdam ko na tinatraydor ako ng aking mga paghinga, medyo gumagaralgal and mga panga ko… ramdam ko pa rin ang na nakapilipit ang aking sikmura.  “tara na!” at sumunod sina jamil at jimboy sa akin pababa at palabas ng building papunta sa kanto kung saan nagpark si jamil ng kanilang kotse.  habang pasakay na kami ng kotse wala na kong ibang nasabi kungdi “sinabi ko na sa inyo guys eh” . pagkaupo, hinagilap nila ang aking kamay at mariing pinisil.  nagsimulang tahimik ang aming biyahe pabalik sa coffee shop na pinag almusalan naming.  maya maya ay nagsimula na naman ang diskusyon ukol na potensyal na magnegative pa ang confirmatory test na gagawin.  may suhestiyon si jimboy na kumuha ng panibagong rapid HIV testing sa isang pribadong clinic na malapit sa lugar naming “just to reconfirm the initial findings” sabi nya. hindi na ako  pumayag.  ang sa akin lang, kahapon ko pa natanggap na malaki ang potensyal na maging positive ako, mahirap mang isipin, hindi pa ako umiiyak at wala akong nararamdamang kailangan kong umiyak dahil sa mga pangyayaring ito.  gusto ko lang magsimula na agad na harapin ang kalagayan ko, ayoko ng bigyan pa ng false-hope ang aking sarili sa isang bagay na alam ko naman na maliit na lang ang potensyal na mangyari.  kung kailangan tanggapin na ngayon, tanggapin na lang. oo maghihintay pa ako ng 2 linggo pero ang alam ko sa ngayon POSITIVE ako. yun ang totoo, anu ang gagawin ko mula sa araw na ito.

naintindihan nina jamil ay jimboy ang punto ko at tinaggap na rin nila ang aking argumento.  sabi nila naghihintay na si migs sa coffee shop at tumawag daw sya kanina habang nasa pre counselling pa ako, to check kung anu ng nangyayari.  pagdating sa coffee shop nakangiti ako kay migs, malungkot ang itsura nya, ganun din si jamil at jimboy. “sabi ko na sayo migs!”  tahimik, kaunting diskusyon sa mga kung anung nangyari sa counseling, di ko na matandaan ang aming mga iba pang pinagusapan, maya maya ay pinauwi ko na sina jamil at jimboy dahil alam kong kulang na kulang pa sila sa tulog, nagpasalamat ako ng marami at niyakap sila ng mahigpit na mahigpit, lumisan na rin kami ni migs dala ang kanyang sasakyan, sasamahan daw nya ako today so dumiretso kami sa aking trabaho at duon tumambay, walang patid ang kwentuhan at isineshare ko sa kanya kung anu ang mga plano ko na kahapon ko pa mga pinagiisipan, anu ang mga kailangang gawin, alin ang kailanagan mga bigyan ng importansya. 

Laki ng pasasalamat ko hindi ako iniwan ni migs nung hapon na yun, tumambay lang kami sa trabaho ko at nagonline ng kaunti, nabanggit ko sa kanya na malamang magbubukas ako ng anonymous blog tungkol sa HIV ko, alam ko kasing malaki ang maitutulong ng blog na ito para sa ibang tao, gayundin parang therapy na rin sa akin ito. makailang ulit ko ring binibiro si migs nung hapon na yun, kasi everytime na nakikita kong nalulungkot sya para sa akin, chinecheer-up ko sya, “okay lang yan migs, ikaw pala ang kailangan ng counseling eh, hahaha” matatawa lang kami pareho.  madalas ko syang binibiro.

Nung gabing yun tinagpo naming ni Migs si Don, ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan, parang bestfriend ko sya sa 3 taon na pagkakakilala namin, ang intension ko ay ipaalam na rin sa kanya.  nag shopwise muna kami sa libis, nag dinner ng chinese food, nakipagmeeting pa kami sa greenhills about sa isang project.  buong gabi ay nagpaparamdam at nagjojoke ako tungkol sa HIV at ang importanteng araw na July 1 at pagiging positive, pangiti ngiti lang si migs, mukhang hindi nagegetz ni don na totoo yung mga joke.  marahil ito ay dahil madalas naman talaga kaming magbiro about being hiv positive. ang diperensya lang ngayon totoong positive nga ako, at everytime na indirectly nagpaparamdam ako kay don, nagkakatinginan at nagkakangitian lang kami ni migs.  kahit ako nahirapan, parang hindi ko yata kayang sabihin ng diretsuhan kay don, lalung lalo na sa seryosong paraan, kaya sinasadya kong magjoke about it every chance nung gabing yun.  siguro napansin nya na andaming kong hiv jokes that night, hindi ko alam, pero mukhang hindi pa rin nya nagegetz, hanggang sa huling sandali na patapos na ang meeting naming at dapat ay maguuwian na kami, mga midnight na yata yun.  “hindi nga? hindi nga? wag kayong magbibiro ng ganyan?” sabi ni Don. nakalimang minuto yata kaming ganun bago nag sink in kay Don na hindi na nga kami nagbibiro. nanlulumo sya, pakiramdam ko naaawa ako sa kanya  dahil nararamdaman nya para sa akin, nalungkot ako, hindi sya makapaniwala “eh papaano nangyari yun eh lagi ka ngang safe sex, ikaw nga ang palaging nagbibilin at nangangaral ng condom?” sabi nya na parang naninisi.  “eh ganun talaga eh?” di ko rin alam kung anu ang isasagot ko sa banat nya.

sa halip na naguwian eh bumagsak kami sa isang coffee shop sa timog, nanlulumo si Don at kailangan i-counsel namin sya, kailangan i-process ang kanyang nararamdaman at hindi naming sya basta maiiwanan.  tumagal ang session ng mga isang oras bago kami nag decide na magsipag uwian na. inalok pa ako ni Don na sa condo na nya matulog, worried sya na mag isa ako nuong gabing yun.  sabi ko naman, hindi na kailangan, kaya ko to.  May konting worry din ako, papano kung mapagisa ako, magbrebreak down kaya ako? pero mukhang hindi naman kaya pinauwi ko na sila.

pagdating ko sa bahay kalmado ako, konting lungkot, pero kalmado, wala na yung feeling na baliktad ang sikmura, medyo pagod pero mabilis pa rin ang tibok ng dibdib… kelangan kong magsulat bago ko malimutan ang mga damdamin ko. makapagbukas nga ng blog. kelangan kong irelease to… i need therapy.

4am na yata ako natapos sa aking blog layout at first entry.
ito na yun, makatulog na nga

ito ang aking diary

BONG

DAY 1 - PRE COUNSELING

(part 1) maaga akong nagising ngayon dahil may 730am akong appointment regarding some real estate at call center venture na involved ang kapatid ko na nakabase sa amerika.  saglit lang yung meeting namin sa condo na tinutuluyan ko. 

matapos umalis ang bisita, nataggap ko ang text ni migs na papunta na daw sya sa lugar ko, pero dahil may bigla pala syang appointment ng 11am, baka hindi nya raw ako masamahan, kaya nagpaalam sya sa akin na humingi daw sya ng tulong sa 2 sa aming kaibigan, na kung pwedeng sila na lang ang sumama sa akin sa pagkuha ng resulta.

nung una ay may kaunting pag-aalinlangan pa ako sa ideya na ibukas sa ibang kaibigan ko ang mga pangyayari kahapon pero dahil nakausap na ni migs sina jamil at jimboy (magboyfriend sila) at alam na nila ang aking kinakaharap ngayon ay hinayaan ko na lamang, tutal malalapit ko rin silang kaibigan, at pasasaan ba - maging anu man ang resulta, sila rin ang una kong pagsasabihan.  parehong may karanasan sa counseling at health allied  profession sina jamil at jimboy kaya kampante ako na sila ang tunay na makaka tulong sa akin maging anu man ang resulta, lalo pat walang maayos na impormasyon at counseling na nagyari kahapon sa clinic.

dumating si migs at sumakay kami sa kanyang sasakyan, tumuloy kami sa isang coffee shop at duon tinagpo namin sina jamil at jimboy.  mukhang bagong gising pa sila, alam kong hindi sila sanay gumising ng maaga, medyo sa loob loob ko’y nakakahiya naman at naaabala ko pa sila.  alas 10 ng umaga pa kasi darating si duktora kaya may mga 1 oras pa kaming magpapalipas ng oras.  habang kumakain ng almusal at naghihintay ng oras sa ay isinalaysay ko sa tatlo lahat ng pangyayari kahapon sa clinic at sa trabaho ko.  pareho ng aming nararamdaman ni migs kahapon, may mga pangamba sa isipan nina jamil at jimboy pero pilit pa rin nila itong iwinawaksi at umaasa sa iba pang mas magandang eksplanasyon sa mga pangyayari kahapon.  partikular si jimboy sa pagsasabing maging positibo man ang resulta ay malaki pa rin ang tsansang maging negatibo ang susunod na confirmatory test, ito ay dahil sya mismo ay nakaranas na ng ganun, ang una nyang test at positibo at ang sumunod na test ay negatibo, dahil daw ito sa masyadong sesnsitive ang rapid test at maraming factor ang pwedeng maging dahilan para ito ay magkamali.  nagbigay din si migs ng isang example na ganun din ang nangyari. 

dahil sa mga encouragement na natatanggap ko kina migs, jamil at jimboy, medyo lumuwag ang aking pakiramdam , gayunpaman sinabi ko rin sa kanila na nataggap ko na kahapon pa kung sakaling magiging positibo and resulta ng aking tests.  para sa akin mas magiging madali ang tanggapin na lamang ng maluwag kung positibo man ako, at anu pa mang pagpapalakas nila ng loob sa akin na maaari pang mag-negative ang resulta ay parang hindi masyadong nagmamarka sa aking kalooban.  marahil likas na sa loob ko na maaga pa lang ay tanggapin na kung anu man ang mas malagim na resulta kaysa paniwalain pa ang aking sarili at paasahin na negatibo ako at sa bandang huli’y positibo naman pala talaga.  ng sa ganitong paraan ay magsimula na kaagad ang pagusad ng aking buhay at hindi na paulit ulit na maranasan ang pagkadismaya at pag dadalamhati sa tuwing may darating na bad news.  sinabi ko sa kanila na anuman ang mangyari tanggap ko na kung positive man ako, at kung magiging negative man ay bonus na lang iyon para sa akin…  sa mga pangyayari kahapon, parang mas maliit na lang ang tsansa na magiging maganda ang resulta ng test ko. at pinaghandaan ko na ito.

pagsapit ng 10am , humiwalay na si migs sa coffeeshop (para sa kanyang meeting) at tuluyan na akong inihatid ni jimboy at jamil sa social hygiene clinic, ibinilin din ni migs na tatawagan nya ako as soon as matapos ang konsultasyon.  mabilis ang naging biyahe naming at walang 15 minuto ay nasa clinic na kami.  doon ay nakilala ko si ms. veron (ang nurse na hindi available kahapon) sinabi ko na andun ako para kunin ang resulta ng aking HIV screening at itinanung ko kung pwedeng samahan ako ni jamil sa loob para sa counseling.  sinabi ni veron na mahigpit ang proseso nila at hindi maaring may kasama sa counseling at talaga daw dapat na one-on-one lamang ito.  naiwan sina jamil at jimboy sa reception at ako ay dinala sa loob ng clinic kung saan ako ay pinakilala ni veron kay doktora tuaño, naalala ni doktora na ako yung tumawag kahapon at himingi sya ng paumanhin sa kanyang dagling paglisan dahil sa isang importanteng  meeting sa city hall.  dagling dinala ako ni veron sa isa pang pribadong kwarto at duon ay sinimulan na niya ang pre counseling session, nakita kong hawak na nya ang official form at nakainput na duon ang mga impormasyon na ibinigay ko kahapon, patuloy lang na inisa isa ni veron ang mga sensitibong katanungan  sa form na iyon.  aktibo sa sex? anal o oral? sa babae o sa lalaki?  mutiple partner? paggamit ng drugs? kung nakapagpatest na  dati? anung gagawin kung positibo ang lalabas sa resulta? kung kailan ang huling sex? --- mga madedetayle at sensitibong mga tanung, may panaka nakang hesitasyon si veron sa ilang mga sensitibong tanung na para bang nahihiya at hindi sya sigurado kung bakla ba ako o hindi.  samantalang tuloy tuloy at walang hesitasyon naman ang mga ibinabalik kong sagot sa kanya, mga sagot na wariy pati sya ay di niya inaasahan na mangagaling sa akin.  oo marami na rin akong mga kakaibang karanasan, halos lahat yata naranasan ko na, hindi na ako nahihiyang aminin ito, sa ngayon ay hindi ko na iniisip pa ang magsinungaling, ang nais ko lamang ay malaman kung anu ang katotohanan sa aking kalagayan.  tumagal ng mga 30 minuto ang pre-counselling, sa bawat mga tanung at sagot ay may mga kaukulang eksplanasyon si veron, pero dahil alam nyang health allied din ang propesyon ko dati ay batid nyang hindi na kailangan pang sermunan ako tungkol sa mga kahulugan ng HIV/AIDS at mga moda ng transmisyon nito.  gusto ko si veron, maamo ang mukha niya, malumanay magsalita, kalmado at pwede mo ng ituring na tita o nanay kumbaga, panatag ang kalooban ko sa kanya, epektibo sya sa pag counsel sa akin. makailan beses did nya akong tinanung kung may mga gusto pa akong malaman bago kami pumunta sa resulta, at ng sa wakas ay naubos na aking katanungan ay inilabas nya galing sa drawer ang 8 maliliit na kahon ng condoms, durex ang brand, strawberry flavor pa. naglaro ang aking isip 8 x 3 = 24 branded flavored condoms, hmmmm mahal din ang mga ito, malaki rin pala ang pakinabang ng pagpunta ditto (wahehe).  kinuha nya logbook at akoy pinapirma para sa mga condoms, inalok pa ako ng mga puting condoms na hindi branded na ang suspetsa ko ay galling sa UN-AIDS, katulad nga mga natanggap ko nuon ng minsan ay proyekto ako sa kanila.  tumaggi ako dahil sa palagay ko ay sapat na yung 24 na binigay niya sa akin.  matapos yun ay kagyat na inutusan ako ni veron na kunin ko na ang resulta sa laboratory sa 4th floor at ibaba ko ulit sa kanya para sa susunod na proseso.  lumabas ako ng kwarto ng nakangiti, sa reception nakita ko sina jamil at jimboy na nakikipagkwentuhan sa ilang empleyado ng clinic, pagdaan ko sa harap nila, kagyat kong binaggit  na di ko pa alam ang resulta at kukunin ko pa sa itaas ang resulta at pre-counseling pa lang ang natapos ko.        


                

sa panahong yaon ay magaan ang akin loob dahil halos lahat naman sa loob ng clinic ay masaya at magiliw at sa kadahilanang maganda naman ang kinalabasan ng pre-counseling session, sa isip ko ay ito ang tamang proseso ng testing at unti unti ng umuusad ito. so far so good kumbaga.  dumiretso ako sa 4th floor at pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil may kausap na lalaki ang med tech na narooon, mukhang may pre-counselling din na nangyayari, napansin ko rin na cute si kuya, as in cute talaga.  paintay na lang sa labas sabi ng medtech dahil hindi pa sila natatapos.  naghintay ako sa labas ng pinto at makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ang med tech na may dalang papel at sinabing sundan sya pababa kay doktora.  pagdating sa ibaba pinaupo muna ako kasama sina jamil at jimboy sa reception at dumiretso ang medtech sa loob ng kwarto kung saan nandun si doktora tuaño.  naghintay akong ilang minuto at nakipag kwentuhan ng kaunti kina jamil…

mayamaya lamang ay pinatawag ako ni duktora sa kwarto at ng akmang mauupo na ako sa upuan ay nagsalita siya…

Thursday, June 30, 2011

Day 0 - TESTING

maaga akong nagising masarap ang aking tulog, at dahil wala naman akong lakad ng araw na yun, nag decide akong gawin ang matagal ko ng gustong gawin, at matagal ko ng ipinagpapaliban...

nag log-in ako sa manilagayguy.net para hanapin ang address ng pinakamalapit na social hygiene clinic mula sa aking tinutuluyang condominium.  nakita ko kasi na may pinost siya na listahan ng mga clinics kung saan makakakuha ng free hiv testing na mabilis ang resulta.  dahil walang eksaktong address ang nakalagay sa listahan at meron namang mga landline at cellphone number na nakalagay, tinawagan ko ang numero, nakausap ko si doktora tuaño at madaling nakuha ang kumpletong address, malapit nga.  mabilis naman daw ang resulta at wala silang pasyente nung umagang iyon kaya magandang makadalaw na ako para makapagpatest.

sumakay ako ng taxi at ibinigay ang address sa driver.  marahil ay mga 15 minuto lang ang layo galing sa aking lugar ng social hygiene clinic.  habang nasa taxi ay masaya ako, walang kaba sa aking dibdib, medyo excited dahil matagal ko na nga pinagplaplanuhan ang bagay na ito.  kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si migs, sinabi ko sa kanya na nasa taxi na ako at papunta na sa social hygiene clinic, medyo nagulat siguro sya kasi for the last few weeks na kinukulit nya akong magpatest eh hindi nya ako makidnap kidnap, ang lagi kong dahilan eh busy ako at maraming ginagawa, humahanap lang ng tyempo, totoo naman yun eh.  siya ang una kong pinagsabihan para matuwa sya, sabi nya tawagan ko agad sya pag lumabas ang resulta at ipinagbilin nya na kahit anu man ang resulta “ walang magbabago”.

dumating ako sa social hygiene clinic, isa pala itong barangay health center sa siyudad namin, kulay dilaw at apat na palapag sa isang maliit na kanto. konti lang ang tao so dumiretso ako sa 2nd floor, yun ang sabi ni doktora tuaño.  pagkapasok ko sa kwarto sumalubong sa akin ang isang babaeng receptionist at nakangiti sya, sinabi kong ako yung tumawag na magpapa HIV test.  sumagot sya ng magiliw at sinabing ‘ay oo nabanggit nga ni doktora na tumawag ka, dumiretso ka na daw sa laboratory sa itaas sa 4th floor para makunan ka na ng dugo, nasa loob lang si doktora.’

dumiretso ako sa laboratory sa 4th floor at doon sinalubong ako ni elena (isang medtech) at sinabi ko ang pakay ko. hinanap nya yung form ko, sabi ko walang binigay yung receptionist at basta pina akyat lang niya ako para magpakuha ng dugo. pinaupo nya ako sa harap ng table kumuha sya ng isang form.  nabangit ni elena  na absent ang kanilang nurse dahil nasa burol ng isang kamag-anak at dahil walang mag co-counsel kukunin na lang muna nya ang ilang basic information bago ako kunan ng dugo.  pangalan address telepono trabaho at iba pa, sobrang basic information lang at isinulat nya sa kapirasong papel.



kumuha sya ng syringe at inilagay sa ibabaw ng mesa ang aking kaliwang braso.  average lang din naman yung size ng syringe at di naman ako natakot. matapos ang  pagtusok ng syringe nahirapan yata syang tumbokin ang vein ko at ilang beses pa nyanga nireposisyon ang dulo ng karayom sa loob ng aking balat, hanggang nakita kong unti unting napupuno na ng dugo ang syringe. di naman ako nasaktan matapos nyang hugutin at napuno ang kalahati ng syringe.

pinababa nya ako sa 2nd floor para duon ko na lang hintayin ang resulta matapos daw ang mga 20 to 30 minutos ay ibababa na nya ang resulta.  naupo ako sa reception area at inilabas ang aking telepono, kalmado naman ako at walang pangamba.  ng  makita ako ng receptionist, nakangiti sya at sinabing – ‘lumabas lang si doktora dahil may tumawag ng emergency, umupo ka muna dyan para sa resulta, in-endorse ka na nya sa amin’

matapos ang mga 20 minutos, dumating si elena na may dalang papel nakangiti naman sya nilagpasan ako at dumiretso sa isang kwarto sa loob ng clinic, hinahanap nya si doktora, narinig ko na nagulat sya ng malamang wala si doktora at lumabas at patuloy lang silang nag usap sa loob.  makalipas ang ilang minuto, lumabas si elena at tinawag ako sa loob ng kwarto at pinaupo, nakaupo rin sya at nakaharap sa akin.  may 2 pang babae sa loob ng kwarto, at nakaharap sa amin, yung receptionist at may isa pa na nuon ko lang nakita.  Sinabi ni elena na wala si doktora at dahil duon ay hindi nila mailalabas ang resulta dahil kailangan pa rin ng counseling, kailangan ko raw bumalik bukas ng umaga para andun na ulit si doktora.  medyo natigilan ako at andaming pumasok sa akin isipan nung oras na yun.  maayos naman at normal ang kanilang pagsasalita, pormal at propesyonal, pero pilit na pumapasok sa isip ko na parang may mali sa prosesong nangyayari.  napansin kong hawak ni elena ang papel na resulta sa ibabaw ng table, sa ibabaw nito ay may mas maliit na papel na nakapatong at duon nakapatong ang kanyang kamay. parang sadyang tinatago ang nakasulat

medyo kinabahan ako sa sitwasyon, maraming tanung na pumapasok sa ulo ko pero dahil tatlo sila sa kwarto at biglang natakot akong magtanung sa tunay na resulta, hindi na lang ako nag usyoso sa halip ay kalmado pa ring nakipagusap at nakipagkasundo na babalik ako kinabukasan para sa resulta.  sinigurado pa ng receptionist at ipinagbilin na siguraduhing bumalik ako bukas para sa resulta, bagay na lalong nagpakaba sa aking dibdib.

lumabas na ako ng social hygiene clinic at nagsimulang maglakad sa kalye papunta sa main road kung saan kukuha ako ng taxi.  inilabas ko ang aking telepono at tinawagan ko agad si migs.  ‘tang ina migs, bakit ganun positive yata ako, bakit nila ako pinagbabalik kinabukasan pinaghihintay samantalang hawak na nila yung resulta, ganun ba talaga ang proseso? 30 minutes lang ang rapid test ah?’  ikinuwento ko kay migs lahat ng mga pangyayari sa loob ng clinic, ramdam ko na marami ring katanungan sa kanyang ulo at nagworry din sya sa sitwasyon ko.  bumuhos ang malakas na ulan at sumilong ako sa tindahan sa kanto at naghihintay ng taxi habang patuloy ang aming diskusyon sa telepono kung anu anu ang maaring maging dahilan kung bakit hindi nirelease ang resulta sa akin… dahil wala ang nurse at doktora at walang pipirma… dahil wala pa akong proper counseling… dahil positive ang resulta at di nila alam ang kanilang gagawin… dahil talagang standard operating procedure nila na wag mag release pag walang duktor… at marami pang ibang dahilan, mabilis ang aming diskusyon, pilit ako pinapakalma ni migs, palutoy na malikot ang aking pagiisip, maraming sitwasyon ang gumugulo sa aking diwa, mabuti na lang na andyan si migs para may nakikinig sa akin.  may pumarang taxi at kagyat na sumakay ako para pumunta sa trabaho. 

dahil sa pagaalala ni migs ay napagkasunduan namin na magkita kinabukasan ng umaga para masamahan nya ako sa pagkuha ng aking resulta.

pagdating ko sa trabaho, hindi ako mapakali, kabado ako pero medyo kalmado pa rin, marami lang talagang tanung na pumapasok sa aking isip, bakit ganito, bakit ganyan, pano kung ganito, paano kung ganyan?  siguro mahigit 2 hanggang 3 oras akong nakatulala at taimtim na nagiisip lang, nakaupo at nakaharap sa computer pero blanko ang isip.  matapos ang magmumuni, kahuli hulihan ay nasabi ko na lang sa aking sarili na magkaroon ng open mind at tanggapin kung anu man ang magiging resulta bukas, maging negative or positive man sya, wala na akong magagawa kungdi ang tanggapin ito at maging positibo ang pananaw sa buhay, marami naman akong kaibigan at malakas pa naman ako, naalala ko ang kwento ng pagpapatest ni migs na kanyang sinulat sa kanyang blog kamakailan lamang, sabi nya sobrang nacomfort sya sa reassurance ng ate nya na doktora na okay lang yan. harapin na, para magawaan na ng paraan” - somehow ito rin ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para harapin ang sitwasyong ito at para magpa test, nung minsan sinabi rin ng isa ko pang kaibigan, na ang pilipinas ang isa sa may pinagamagandang HIV treatment program sa mundo, na libre ang mga gamot, at ang importante lang ay 'early detection', na yun daw ang key sa quality and lenght of life ng mga HIV positive. tumatak na sa isip ko ang katagang ito kaya alam ko rin na mahalagang nagpatest na ako agad.kaya kampante ako.


para sa akin... wala na tayong magagawa sa nakaraan, kung infected na, e di ganun, kung hindi naman, e di mabuti basta ang importante malaman na ang katotohanan.

Nagsimula akong magtrabaho at pilit na iwinawaksi sa aking ulo ang mangyayari bukas. Kinagabihan nakipagkita ako sa isang bagong kaibigan para tumambay sa mall at magkape, gayundin para pag usapan kung paano tatapusin ang isang matagal ng nakabinbing proyekto – siguro kailangan ng tapusin ko ito, mahigit 6 na buwan ng hindi umuusad ang proyektong ito at biglang naisip ko matapos ang mga pangyayari ngayong araw… kailangang matapos na ito bago man lang ako mamatay. napangiti lang ako, nakakapagbiro pa…

ito ang aking diary

BONG