Showing posts with label results. Show all posts
Showing posts with label results. Show all posts

Tuesday, September 30, 2014

AUGUST 2014 REPORT CARD

everything is stable...

but need to watch my sugar and carbs...

otherwise...

i feel good...

i feel great...

 

kayo?

kamusta kayo?

 

ako si BONG

ito ang aking diary

 

Friday, March 21, 2014

NEWBIE SI JOE!

On Mar 17, 2014, at 5:13 PM, Joe wrote:

Hi sir bong,

My name is joe. Bagong enroll po ako sa sagip. Natatakot po ako kasi nitong january ko lng po nalaman na positive din ako. Nung nabasa ko yung blog mo natakot ako sa shingles, kasi may shingles like din ako sa left arm... Diko pa po sure kung shingles ngato kasi di pako nakikita ng doctors. Still waiting padin po ako sa cd4baseline result ko. Pag lmabas nadaw po cd4 ko thats the tym lng na i eeskdyul nila ko sa doctor. Natatakot po ako. Sa blog m po nagkaron ka ng shingles, kumusta napo kayo? Delikado po ba un? Tip naman po on how to deal with it. Wala pa po kasi akong arv e.

Salamat

-joe

----------

On Mar 18, 2014, at 1:53 AM, Bong Lopez wrote:

Shingles ay parang medyo katulad ng chicken pox, kapag nagkachicken pox ka na nasa katawan na natin ito. Sabi ni doc common daw ito sa mga immunocompromised kahit anu pa ang cd4 level. Madalas daw lumalabas ito kapag sobrang stress, naaactivate daw ito na nagiging shingles.

Kung shingles talaga yan dapat masakit at makati at nakikita sa isang side lang ng katawan natin. At dadami ng dadami kung di agad gagamutin.

Dapat pinakita mo kaagad kung sino man ang nurse or duktor sa SAGIP para naagapan.

Medyo mahal ang gamot, almost 8thousand yung nagastos ko. Pero dahil day1 pa lang napacheck ul ki na agad. Di na sya dumami sa akin at di naging masakit. Me maliit na lang na mark sa may tuhod ko ngayon.

Pacheck up mo agad sa duktor.

Bong

----------

On Mar 18, 2014, at 9:46 AM, Joe wrote:

Nawala din po ba sya? I mean after ng gamutan di na sya bumalik. D naman po masakit at makati yung sakin. Ngayon po nag black na sya. Parang sugat na gumagaling na.

----------

On Mar 18, 2014, at 12:06 PM, Bong Lopez wrote:

Mawawala daw yung mark pero medyo matagal yata. In the future pwede pa rin daw bumalik.

Bong

On Mar 18, 2014, at 1:41 PM, Joe wrote:

Nakita nyo napo ba yung bagong news.... 448 new cases daw po of hiv in january 2014. Average age 28 yo. 85% male. Natatakot po ako. Isa ako sa 448. Ang dami masyado.... Kayo po ba malakas pa? I mean na confine napo ba kayo before. May mga naging infections napo ba kayo? Pasensya napo madamim akong question gusto ko po kasing maging aware sa mga common infections and gustong gusto ko po kasi nakakarinig ng mga success stories pampalakas ng loob ko. Ryt now po kasi di pa alam ng family ko even bf ko. :( Salamat

Joe

----------

On Mar 19, 2014, at 2:54 PM, Joe wrote:

Hi ser bong...galing po akong sagip just now. Hindi binigay ni nurse anne yung exact number ng cd4 count ko. Sabin kasi nya doctor ko ang magrereveal sakin. Sabe nya below 350 nako. Per di namn daw sobrang baba :( natakot nnman po ako. Nagwoworry po ako. Sabe nya i-sskedyul padaw nya ko. Regarding namn po sa shingles like na nasa arm ko..... Sabe nila di namn daw po to shingles. So negative po ako sa shingles. Insect bite lng daw to na di gumaling. Haist..... Nkakapag worry tlga tong araw nato.

After nun di po ako napakali so nagpatingin po ako sa derma sa metropolitan medical ctr.. Pinakita ko yung shingles-like sa arm ko gaya ng advise nyo. Ayun bingo.... Ang sabe ng derma is herpes zoster daw so niresetahan nya ko ng gamot. Sabe nman po nya pagaling nayung nasa arm ko pero inadvise padin po ako na inumin yung antibiotic.

Thannk you po sa mga responses nyo.. It helps a lot. Salamat din po sa blog nyo kasi nagiging aware ako sa condition ko.. Plus pag may naririnig po akong mga success stories sa gaya natin lumalakas ang loob ko. Tumatapang ako. At nagkakaron ng will to survive. Salamat po.

-Joe

----------

On 3/19/14, Bong Lopez wrote:

Good news yan. Mabuti at nagpatingin ka sa duktor agad. Just drink the

antibiotic in complete dose. Kung talagang below 350 na ang cd4 mo, most

probably eh irerecommend na ng duktor na mag ARV (gamot) ka na sa susunod na

appointment mo. Mabuti na rin yun para maagapan ang gamutan. Goodluck sa

iyo. Balitaan mo ako ha.

wag masyado magworry. Kasi lalo makakasama ang pagwoworry.

Bong

----------

On Mar 19, 2014, at 4:45 PM, Joe wrote:

ikaw po ba? Kmusta napo pakiramdam nyo? Nakakaramdam din po ba kayo ng

panghihina simula nung nag arv kayo? - salamat

Joe

----------

On Mar 19, 2014, at 7:13 PM, Bong Lopez wrote:

I feel perfectly fine. Wala akong nararamdaman masama sa katawan ko.

Paminsan minsan may fungal and viral infection, which is minor lang naman at common sa mga immunocompromised. Ang kelangan lang masipag magpatingin sa duktor at sundin lagi ang gamot.

Dipende sa ARV na ibibigay sa yo, me kanya kanyang side effects naman, eventually magiging manageable na rin. Ieexplain naman sa iyo ng mabuti yan ng duktor bago ka magsimula.

Makabubuting magresearch ka sa www.thebody.com kasi kumpleto iyan sa lahat ng mga sagot sa mga katanungan ng mga bagong diagnosed.

Yes sagip ako pero semi private clinic ako ni dra kate sa shaw blvd. Di pa ako nakakarating sagip unit ng pgh eh.

San eh eventually magkalakas loob ka ng sabihin kahit sa ilan sa kaibigan, pamilya or BF mo. At wag kakalimutan lagi ang magproteksyon.

Goodluck sa atin.

;)

ito ang aking diary

ako si BONG

 

Thursday, August 8, 2013

ITS TIME!

kasalukuyang nasa canteen ng RITM alabang, naghihintay ng 1 oras bago lamnan ang pangalawang sputum vial.

dahil sa resulta ng huling CD4 count ko kanina, nag request ang aking duktor ng karagdagang chest xray at sputum test.

mukhang kailangan na talagang magsimula at hindi na pwedeng ipagpaliban, dalawang taon din akong naghintay.

meron pa akong mga 2 linggo para gawin ang mga nararapat na lab tests at mga konsultasyon.

maliban duon eh wala naman ibang dapat ikabahala, wala naman akong nararammdaman.

pero bagong adustment na naman.

but i feel great.

i am ready.

329 = arv

;)

ito ang aking diary,

ako si BONG

 

(PS: sira ang aking mobile number, you can reach me sa email)

 

 

 

Thursday, May 30, 2013

THE ELUSIVE 500!

Stats update, i'm back at 498 from a low of 382 two months ago. so am back to "not wanting to get meds" ulit.

it was actually a steady improvement for 1 1/2 years until i got some bacterial infection last february that led to some neuropathic problems (unrelated to my serostatus). i was under medications which is expected to bring my immune system down. fortunately i recovered fast in just a matter of 3 weeks and my doctor said that it's a sign that despite my HIV status my immune system seems strong.

true enough my cd4 went down 382 last february and the doctor recommended that i start ARVs na. i hesitated and decided to wait another 3 months and see if my cd4 count would improve. nevertheless they started me on 6mo of daily doze isoniazid which is a phropylactic medications for TB.

and now the great news --- as of May my cd4 is up at 498 and i should say back on track.

improving without ARV medications.

something that i am very thankful of.

hindi nagpapatalo ang immune system ko, palaban pa rin.

i dont know how long they can hold this fight and i sincerely hope that they would not need medicinal reinforcements soon.

but then again there are a lot of study pointing to early medications as very beneficial to PLHIVs and that it will promise better protection for my sexual partner (bf). kaya mahirap pa rin magdecide i am torn between keeping a status quo and try to live a healthy life free of medications. or starting a new life on medications which can potentially impact my lifestyle.

for now am choosing the easier route of the status quo. i think my immune system deserves a chance to prove itself and fight this virus without reinforcements.

the elusive 500 cd4 count, i hope in another 3 months time i get to that mark or higher. it will surely make my resolve stronger that despite my serostatus, my body is winning the battle, for now.

ito ang aking diary

ako si BONG

 

Thursday, April 11, 2013

Life Expectancy for PLHIV

Many patients taking HIV drugs can now expect to live into their 70s

Michael Carter

Published: 25 July 2008

A large international study has provided evidence that people taking HIV treatment can now expect to live into their 60s and beyond. The study is published in the July 26th edition of The Lancet, and showed that an individual starting successful HIV treatment aged 20 would be expected to live to be 63, and that a patient initiating an anti-HIV drugs regimen aged 35 could live to the age of 67. It also provided evidence of the dramatic and continued decline in the risk of death amongst people with HIV since effective HIV treatment became available.

What is more, the researchers found that starting treatment with a CD4 cell count above 200 cells/mm3 would mean that a person aged 20 could expect to live to be 70, and that a 35 year-old could survive into their 72nd year.

Nevertheless, they still found that even in their most optimistic estimates, the life-expectancy of HIV-positive individuals was approximately ten years shorter than that of an HIV-negative individual. Furthermore injecting drug users and patients who started HIV treatment with lower CD4 cell counts had lower life-expectancies.

The author of an accompanying editorial calls these findings “exciting” and believes that they underline the importance of prompt diagnosis and treatment of HIV. He also suggests that the risk of death would be diminished and overall prognosis further improved by starting anti-HIV drugs with a CD4 cell count of 500 cells/mm3.

Almost immediately after multi-drug antiretroviral therapy became available in 1996, doctors observed dramatic reductions in rates of illness and death in HIV-positive patients treated with such drugs. A number of studies have shown that antiretroviral therapy has the potential to dramatically improve the prognosis of HIV-positive patients, but they have only considered patients in single cohorts or countries.

Therefore researchers from the Antiretroviral Cohort Collaboration which involves 14 large HIV cohort studies in Canada, Europe and the USA, looked at rates of mortality and the life-expectancy of over 43,000 patients who started HIV treatment for the first time between 1996 – 99, 2000 – 02 and 2002 – 05. They also looked at whether there were any patient characteristics which affected the risk of death or prognosis.

A total of 2056 (5%) patients died. The mortality rate fell from 16 deaths per 1000 person years between 1996- 99 to 10 per 1000 person years between 2002 – 05.

They also noted significant improvements in the prognosis for HIV-positive patients in the ten years of the study. Overall, a 20 year-old starting HIV treatment between 1996 and 2005 would be expected to live another 43 years. Between 1996 and 1999, they calculated that such a patient would live to be 56 years old, but in the period 2002 to 2005 this had improved to a little under 70 years.

There were also impressive improvements in the prognosis of 35 year-olds starting treatment, with an expectation of a further 32 years in life after HIV therapy was initiated. But, once more, prognosis improved over time from an expectation of a further 25 years of life in 1996 – 99, to 32 years by 2002- 05.

Patients who started HIV treatment with a low CD4 cell count (below 100 cells/mm3) had much higher mortality rates than patients initiating antiretroviral therapy with a CD4 cell count above 200 cells/mm3 (aged 20 – 44, 20 per 1000 person years vs. five per 1000 person years).

Furthermore a 20 year-old starting treatment with a CD4 cell count below 100 cells/mm3 would have a life-expectancy of 54 years compared to a life-expectancy of 70 years for a 20 year-old starting treatment with a CD4 cell count above 200 cells/mm3. The importance of CD4 cell count at the time of therapy initiation to prognosis was also seen in 35 year-olds, with patients with a CD4 cell count below 100 cells/mm3 expected to live until they were 62 compared to a prognosis of 72 years for patients with a CD4 cell count above 200 cells/mm3.

The investigators also found that women had a better prognosis than men, but that injecting drug users had a life-expectancy that was up to 20 years shorter than non-injecting drug users.

“There has been an improvement of outcomes with combination antiretroviral therapy between 1996 and 2005, characterised by a marked decrease in mortality rates” write the investigators. They attribute such reductions in mortality and improvements in life-expectancy to “improvements in therapy during the first decade of combination therapy.”

But they note that their study suggests that the prognosis of people taking antiretroviral therapy is still not normal. Picking up on this point, the author of the accompanying editorial highlights the findings of the SMART study which showed that patients with lower CD4 cell counts had a higher risk of serious non-HIV-related illnesses. The SMART study’s conclusions were one of the factors leading to HIV treatment guidelines recommending that antiretroviral therapy should be started at a CD4 cell count of 350 cells/mm3. The author notes the “clinical mischief of untreated HIV infection” and looks forward to the results of a clinical trial which could show if there is any benefit in starting HIV treatment at a CD4 cell count of 500 cells/mm3.

Reference

The Antiretroviral Cohort Collaboration. Life expectancy of individuals on combination therapy in high-income countries: a collaborative analysis of 14 cohort studies. The Lancet 372: 293 – 299, 2008.

Cooper DA. Life and death in the cART era. The Lancet 372: 266 – 267, 2008.

 

Friday, August 24, 2012

ANG AKING CD4 CHART!

Click Chart for LARGER VIEW

kakabalik ko lang from RITM ALABANG, while i was totally scared that my CD4 have dropped, i was totally amazed that in fact it has increased to  499.  no meds. no nothing,

after hearing about it, a PLHIV friend texted:

L: Wow congrats, ano secreto mo?
Bong:  Lot's of safe sex! hahaha!
L: hahaha. adik!
Bong: seriously, i live my life like i don't have it.
L: haha, nice.

___

let me explain that further... syempre hindi naman totally like normal life... of course as much as possible i eat healthy na rin and watch what i eat. kung di man makatulog on time, i make sure i sleep 8 hours a day.  minsan stressful pa rin ang trabaho ko, madalas pala... but what i can proudly say that i've been very 'positive' sa pananaw ko sa buhay that sometimes pati ako nagugulat (eversince naman ganun na ako, mas lalo pa ngayon), like nung HABAGAT, bumabaha na lahat, i still felt okay, habang nagkakagulo at nadedepress at nagpapanick na ang lahat. i was so calm and relaxed, naglulutangan na ang mga gamit ko sa tubig, i was sooo cool about it, nasa isip ko lang nun i have to stay "positive and cheerful" and so i did.  minsan nagugulat talaga ako sa sarili ko, immune na yata ako sa negative energy.

minsan lang talaga nagwoworry din ako (konti lang) lalo na kapag nagkakasakit ako --- like 1 month ago nagkatrangkaso ako, high fever at sakit ng katawan, 1 week ako house arrest, gumaling ako sa co-amoxiclab --- tapos this week konting ubo at sipon, under antibiotics ulit ako.... eh hindi naman ako sanay sa ganito na nagkakasakit kasi for 30 more years hindi naman ako nagkakalagnat nor sipon talaga, kaya syempre nagwoworry din ako ng konti - baka bumababa na cd4 count ko.  nung nagpatest nga ako nung isang araw eh ready na ako sa sarili ko na magsimula ng gamot (ARV) kung talagang bababa ang count ko -

pero ayun nga tumataas pa --- swerte lang siguro ako --- sabi ni doc baka member ako ng mga taong hindi talaga masyado naaapektuhan ng HIV (magdilang anghel ka sana doc) kasi considering na walang meds, eh tumataas pa rin ang CD4 ko at perfect pa rin lahat ng mga baseline laboratory results ko.  sabi rin ni doc, ang mga trangkaso at sipon ay normal lang na occurance kahit sa mga healthy na tao lalo na sa panahon ngayon na tag ulan -so i dont have to worry about it. ang importante daw at kumonsulta agad sa duktor everytime may karamdaman para magamot kaagad.

kaya ngayon happy ako, im on the right track, sana eh tuloy tuloy na.

btw. everytime i visit RITM Alabang, maraming revelations, syempre di maiiwasan makasalamuha ang mga pasyente dun, lagi ako may nakikitang malapit na kaibigan, so ayun nakakaron na ng disclosure na di inaasahan.  para sa akin okay lang masaya nga...

"ay ikaw din!!!"

tapos ayun chikahan na

ansaya


ito ang aking diary
ako si BONG


..... and yes, i do have lots of safe SEX (hahaha), i dont want to go into details pero masaya ako, super saya, medyo salat sa salapi pero dinadagsa ng pagmamahal!

Sunday, July 10, 2011

THE NUMBER 12

12 --- paboritong number ko yan, dati pa kahit nung high school pa lang ako, tuwing magpapagawa kami ng uniform para sa P.E. class namin, parating 12 ang nakalagay sa mga uniform ko.  ewan ko ba, para sa akin makahulugan ang numerong yan. para ka lang nagbibilang 1...2...3... nangangahulugan ng pag usog at pagpapatuloy, isang pagpapanimula.

ngayong hapong ito, hindi ko lubos akalain na ang numerong 12 ang magbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan.

bahagi ako ng isang HIV advocacy group na tumutulong para mapalaganap ang edukasyon ng HIV at nagsusulong ng mga libreng HIV testing para sa mga MSM (Men having Sex with Men).  matagal tagal na rin akong aktibo sa ganitong mga advocacy work.  matagal na naming pinaplano ang araw na ito, kahit noong hindi pa ako positive, nakaset na talaga nuon pa ang proyektong ito.

kaninang umaga, masaya ako at sa wakas ay matutuloy ang proyekto ng HIV testing na para sa isang grupo ng mga tao/kabataan na sadyang malalapit sa aking puso.   halos lahat yata ng mga miyembro nila ay personal kong kakilala at madalas nakakasalamuha.  mga kaibigan.

kanina, nag aalinlangan din ako na maging bahagi ng actual na pagsasagawa ng testing dahil sadyang sariwa pa sa akin ang pinagdaanan ko. natatakot ako, baka hindi ko makaya. 


12 ang positibo... mahigit 30% ng dumalo. nakapanlulumo. 12 sa aking mga kakilala. 12 na pandagdag sa statistics ng HIV, ang ilan ay sobrang babata pa.

anu kaya ang kalagayan nila ngayong gabi? may makakausap kaya sila? may lakas loob kaya silang harapin ang ganitong klaseng suliranin.  gusto ko man silang tulungan ay hindi ko magawa, gusto ko sana silang bigyan ng mahihigpit na yakap, ipaabot sa kanila na hindi pa ito ang katapusan ng mundo.  wala akong magawa, statistics lang ang alam ko, hindi ko alam kung sino sa kanila, basta ang sigurado, 12.

tumulo ang aking luha para sa kanila, kung maibabahagi ko lang ang aking lakas ng loob.

ngayong gabi, matutulog akong umiiyak, hindi para sa aking sarili, ngunit para sa akin mga kaibigan.  sana ay maging matatag kayo, nasa ika 10 araw pa lang ako sa aking buhay positive, wala pa akong sapat na karanasan para maging inyong sandigan.

"tonight is your first night, i can only imagine the pain you are going through."

:'(

ito ang aking diary

BONG

Sunday, July 3, 2011

Day 3 - Si Kit

July 3, 2001 – Linggo

okay naman ang gising ko, nakatulog ulit ako ng maayos, marahil dahil sa puyat, mula’t sapul naman ay wala ako problema sa pagtulog ko.

umaga, nagring ang telepono, si Don tumatawag, kahapon ko pa iniintay ang mga sagot nya, medyo nanibago rin ako dahil madalang naman syang tumawag ng umaga at madalas ay tulog pa sya ng ganitong oras.  “hey kuya!” sinagot ko ang telepono.  “o kuya kamusta ka?” ang bungad nya. kuya talaga ang tawagan naming sa isa’t isa.  “okay naman ako so far so good, ikaw ang kamusta? nagtext ako sayo kahapon pero di ka nagpaparamdam, akala ko kong anung nangyari say o, nag worry ako .“ paunang sagot ko.  “ganito lang naman ako kuya, I just need time for myself para mag isip at magpakalungkot, so kahapon yun – ngayon back to normal na ako, nag sink-in na sa akin ang lahat, okay na ako ulit – bipolar nga ako di ba?” dirediretso sya.  patuloy din syang nagkwento sa mga bagong plano sa pagpapaganda ng kanyang condo. dati pa kasing may plano  akong tumira sa pad nya, wala kasing gumagamit ng ibang kwarto sa unit nya.  napagisip isip ko rin siguro ay magandang ideya kung may kasama ako sa bahay just in case. tinanung nya kung gusto kong lumabas. Sabi ko naman, magtratrabaho muna ako dahil may mga tinatapos pa ako.  ganito talaga ang weekends ko, maraming trabaho. Sabi ko na lang kay Don, itetext ko sya pag naisipan kong lumabas.


masaya ako at okay na si Don.  patuloy din ang pagtext ni Migs, kinakamusta ako at parang laging naninigurado kung okay lang ba ako.  nasabi rin nya sa text nung hapon na nabasa na nya ang lahat ng entries dito sa blog ko, at naiiyak daw sya nung mabasa nya ito.  nagpasalamat ako at sinabi ko rin sa kanya  na baka mapadalas ang aming pag uusap dahil siya lang ang maaasahan ko kapag may mga gumugulo sa aking isipan. walang problema at pipilitin daw nya na bigyan ng oras kung kailangan ko sya.

malaki ang naitutulong nila sa akin, sa aking pagtanggap ng maluwag na HIV positive ako --- maaring  marami akong pangamba at may namumuong takot sa king dibdib ngunit dahil alam kong marami akong kaibigan na magiging karamay ko sa aking kinalalagyan, hindi ako nalulungkot. maraming salamat sa kanila.


maliban sa madalas na pagdumi ( 2 to 3x a day siguro) at parating ‘uneasy’ ang aking tiyan, ay maayos naman ang aking pakiramdam. bukod sa trabaho ay wala namang mahalagang nangyari nung araw na yun ng linggo.

kinagabihan dumalaw sa  trabaho ko si Kit, isa sa mga ex-boyfriend ko from 8 or years  ago. malapit lang sya nakatira sa trabaho ko kaya madalas ay nagkikita rin kami. madalas dumaan sa trabaho ko para maki-WIFI at tumambay. nagdinner kami at nagkwentuhan , pilyo pa rin sya.   simula’t sapol eh bata ang turing ko sa kanya, maliit kasi talaga ang frame nya at 18 years old pa lang yata sya nung una kaming magkakilala, estudyante pa sya nun sa UP DIliman, at saka marami syang childish ways pag nagkukulitan kami at nagpapacute sya,  cute naman talaga sya at dahil ilang buwan na rin syang nagwowork out sa gym at talagang gumaganda na ang hubog ng katawan nya.  ngayon, kahit mid-20s na sya eh bata pa rin ang turing ko sa kanya, sa aking isip ay sya pa rin ang ‘baby ko’ hehe.

makikitulog din sya sa pad ko ngayon gabi, maaga daw kasi ang lakad nya kinabukasan at tinatamad yata syang umuwi.  baka biglang may mangyari sa  amin, yun agad ang naisip ko.  sa dinami dami na kasi ng pakikitulog nya sa pad ko, may ilang pagkakataon na may nangyari pa rin sa amin. wala namang anal sex, pana’y oral sex lang.  marahil dahil bata nga ang tingin ko sa kanya, kailanmay di ako nag attempt na makipag-anal sex sa kanya.  pero matagal na rin nung huli kaming mag sex.  madalas kaming nagkukulitan at naglalandian pero hanggang dun lang at walang nagyayari kahit magkatabi kami matulog.  maraming pagkakataon na pwedeng may mangyari pero wala naming naganap, din a rin naman kasi ako kasing libog tulad ng dati at madalas ay ayaw ko naman din mag-initiate.  masaya na siguro akong nakikita sya ng madalas at ako ang kinekwentuhan nya tuwing may mga prublema sya sa buhay at lovelife nya.  parang kapatid na lang ang tuturing ko sa kanya ngayon.


pano kung mag initiate sya ngayon gabi? yun ang naisip ko. bibigay ba ako? hindi muna siguro, ituturn down ko na lang sya at sasabihin pagod ako, at siguradong magtataka yun kasi ako pa ang nag turn down.

buti na lang at hindi sya nag initiate, walang nagyari kagabi.  hindi pa yata ako handa.  kahit na sabihing safe ang oral sex kung walang sugat. di ko pa rin kayang dalhin ang risk na makahawa ako.  hindi pa ngayon, marami pa akong dapat malaman.

ito ang aking diary

BONG

Saturday, July 2, 2011

Day 1 - REVELATIONS

(part 2) mayamaya lamang ay pinatawag ako ni duktora sa kwarto at ng akmang mauupo na ako sa upuan ay nagsalita siya, ‘positibo kasi ang lumabas sa test mo kaya kailangan muna naming ipadala sa san lazaro for confirmatory test ang screening mo’  bigla akong napaupo, parang hindi malinaw ang pagakakarinig ko, bigla akong nawalan ng ulirat at bahagyang gumaralgal ang aking boses, ramdam ko na parang bumabaligtad ang aking sikmura - “so reactive po ang resulta doktora?”  -  “oo kaya kailangang ipadala natin sa lunes for confirmatory testing, it would take 2 weeks to get that result.  nasa loob rin ng room and medtech at si veron na nakamasid.  “kaya pala hindi ini-release kahapon ang resulta dahil nag positive nga” ang sabat ni veron.  sabi ko “so anu po ang next step natin maghihintay na lang o kailangan nap o akong mag gamot?” -  “oo maghihintay tayo, pag positibo pa rin yun, tsaka pa lang natin gagawin ang iba pang mga test pati cd4 count mo para malaman kung anung status ng health mo at kung anung next step natin.” “kailangan mong hintayin ang tawag namin para sa resulta ng confirmatory test, ipatatawag ka ulit namin dito” sunod sunod niyang sinabi” . nagtanung ako “duktora, ano po ang chances or percentage na magnenegative pa ang confirmatory test based duon sa karanasan nyo sa clinic na ito?”.  “base sa karanasan naming wala pang nagnenegative sa confirmatory test na pinapadala namin sa san lazaro.” . “okay” – natame na lang ako. 

pumasok si veron sa loob ng hiwalay na counseling room, nag excuse ako at sinundan siya sa kwarto.  “ate di ba early 2009 ako huling nagpatest at negative ako, so kung positive ako ngayon, possible ba na kung January 2011 ako nagkaunsafe sex eh mag appear na kaagad ngayon ang resulta?” “oo possible na yun” and matipid na sagot ni veron.  nasa isip ko gusto ko lang matrace kung anung pagkakataon ang maaring naging dahilan ng pagiging positive ko ngayon. madaming tanung na biglang nagsusulputan sa isip ko, pilit na inaalala ang mga pagkakataong nagkaroon ako ng sexual contact, sino? saan? paano? kailan? kung positibo ako ngayon? pano ang mga kamakailan ko lang nakasex?  nagblablanko ang isip ko, maraming katanungan…  matapos ang ilan pang mga katanungan at pagpapaalam, pansin ko ang kalungkutan sa mga mata ni duktora, ng medtech at si ms. veron na mukhang worried na worried sa akin “sigurado ka bang okay ka lang bong?” “okay lang po ako ate, andyan naman po ang mga kasama ko eh basta tatawag po ako pag may tanung pa ako” ito lang ang naisagot ko sa kanya.



lumabas ako ng kwarto, kalmado at medyo nakangiti pero ramdam ko na tinatraydor ako ng aking mga paghinga, medyo gumagaralgal and mga panga ko… ramdam ko pa rin ang na nakapilipit ang aking sikmura.  “tara na!” at sumunod sina jamil at jimboy sa akin pababa at palabas ng building papunta sa kanto kung saan nagpark si jamil ng kanilang kotse.  habang pasakay na kami ng kotse wala na kong ibang nasabi kungdi “sinabi ko na sa inyo guys eh” . pagkaupo, hinagilap nila ang aking kamay at mariing pinisil.  nagsimulang tahimik ang aming biyahe pabalik sa coffee shop na pinag almusalan naming.  maya maya ay nagsimula na naman ang diskusyon ukol na potensyal na magnegative pa ang confirmatory test na gagawin.  may suhestiyon si jimboy na kumuha ng panibagong rapid HIV testing sa isang pribadong clinic na malapit sa lugar naming “just to reconfirm the initial findings” sabi nya. hindi na ako  pumayag.  ang sa akin lang, kahapon ko pa natanggap na malaki ang potensyal na maging positive ako, mahirap mang isipin, hindi pa ako umiiyak at wala akong nararamdamang kailangan kong umiyak dahil sa mga pangyayaring ito.  gusto ko lang magsimula na agad na harapin ang kalagayan ko, ayoko ng bigyan pa ng false-hope ang aking sarili sa isang bagay na alam ko naman na maliit na lang ang potensyal na mangyari.  kung kailangan tanggapin na ngayon, tanggapin na lang. oo maghihintay pa ako ng 2 linggo pero ang alam ko sa ngayon POSITIVE ako. yun ang totoo, anu ang gagawin ko mula sa araw na ito.

naintindihan nina jamil ay jimboy ang punto ko at tinaggap na rin nila ang aking argumento.  sabi nila naghihintay na si migs sa coffee shop at tumawag daw sya kanina habang nasa pre counselling pa ako, to check kung anu ng nangyayari.  pagdating sa coffee shop nakangiti ako kay migs, malungkot ang itsura nya, ganun din si jamil at jimboy. “sabi ko na sayo migs!”  tahimik, kaunting diskusyon sa mga kung anung nangyari sa counseling, di ko na matandaan ang aming mga iba pang pinagusapan, maya maya ay pinauwi ko na sina jamil at jimboy dahil alam kong kulang na kulang pa sila sa tulog, nagpasalamat ako ng marami at niyakap sila ng mahigpit na mahigpit, lumisan na rin kami ni migs dala ang kanyang sasakyan, sasamahan daw nya ako today so dumiretso kami sa aking trabaho at duon tumambay, walang patid ang kwentuhan at isineshare ko sa kanya kung anu ang mga plano ko na kahapon ko pa mga pinagiisipan, anu ang mga kailangang gawin, alin ang kailanagan mga bigyan ng importansya. 

Laki ng pasasalamat ko hindi ako iniwan ni migs nung hapon na yun, tumambay lang kami sa trabaho ko at nagonline ng kaunti, nabanggit ko sa kanya na malamang magbubukas ako ng anonymous blog tungkol sa HIV ko, alam ko kasing malaki ang maitutulong ng blog na ito para sa ibang tao, gayundin parang therapy na rin sa akin ito. makailang ulit ko ring binibiro si migs nung hapon na yun, kasi everytime na nakikita kong nalulungkot sya para sa akin, chinecheer-up ko sya, “okay lang yan migs, ikaw pala ang kailangan ng counseling eh, hahaha” matatawa lang kami pareho.  madalas ko syang binibiro.

Nung gabing yun tinagpo naming ni Migs si Don, ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan, parang bestfriend ko sya sa 3 taon na pagkakakilala namin, ang intension ko ay ipaalam na rin sa kanya.  nag shopwise muna kami sa libis, nag dinner ng chinese food, nakipagmeeting pa kami sa greenhills about sa isang project.  buong gabi ay nagpaparamdam at nagjojoke ako tungkol sa HIV at ang importanteng araw na July 1 at pagiging positive, pangiti ngiti lang si migs, mukhang hindi nagegetz ni don na totoo yung mga joke.  marahil ito ay dahil madalas naman talaga kaming magbiro about being hiv positive. ang diperensya lang ngayon totoong positive nga ako, at everytime na indirectly nagpaparamdam ako kay don, nagkakatinginan at nagkakangitian lang kami ni migs.  kahit ako nahirapan, parang hindi ko yata kayang sabihin ng diretsuhan kay don, lalung lalo na sa seryosong paraan, kaya sinasadya kong magjoke about it every chance nung gabing yun.  siguro napansin nya na andaming kong hiv jokes that night, hindi ko alam, pero mukhang hindi pa rin nya nagegetz, hanggang sa huling sandali na patapos na ang meeting naming at dapat ay maguuwian na kami, mga midnight na yata yun.  “hindi nga? hindi nga? wag kayong magbibiro ng ganyan?” sabi ni Don. nakalimang minuto yata kaming ganun bago nag sink in kay Don na hindi na nga kami nagbibiro. nanlulumo sya, pakiramdam ko naaawa ako sa kanya  dahil nararamdaman nya para sa akin, nalungkot ako, hindi sya makapaniwala “eh papaano nangyari yun eh lagi ka ngang safe sex, ikaw nga ang palaging nagbibilin at nangangaral ng condom?” sabi nya na parang naninisi.  “eh ganun talaga eh?” di ko rin alam kung anu ang isasagot ko sa banat nya.

sa halip na naguwian eh bumagsak kami sa isang coffee shop sa timog, nanlulumo si Don at kailangan i-counsel namin sya, kailangan i-process ang kanyang nararamdaman at hindi naming sya basta maiiwanan.  tumagal ang session ng mga isang oras bago kami nag decide na magsipag uwian na. inalok pa ako ni Don na sa condo na nya matulog, worried sya na mag isa ako nuong gabing yun.  sabi ko naman, hindi na kailangan, kaya ko to.  May konting worry din ako, papano kung mapagisa ako, magbrebreak down kaya ako? pero mukhang hindi naman kaya pinauwi ko na sila.

pagdating ko sa bahay kalmado ako, konting lungkot, pero kalmado, wala na yung feeling na baliktad ang sikmura, medyo pagod pero mabilis pa rin ang tibok ng dibdib… kelangan kong magsulat bago ko malimutan ang mga damdamin ko. makapagbukas nga ng blog. kelangan kong irelease to… i need therapy.

4am na yata ako natapos sa aking blog layout at first entry.
ito na yun, makatulog na nga

ito ang aking diary

BONG

DAY 1 - PRE COUNSELING

(part 1) maaga akong nagising ngayon dahil may 730am akong appointment regarding some real estate at call center venture na involved ang kapatid ko na nakabase sa amerika.  saglit lang yung meeting namin sa condo na tinutuluyan ko. 

matapos umalis ang bisita, nataggap ko ang text ni migs na papunta na daw sya sa lugar ko, pero dahil may bigla pala syang appointment ng 11am, baka hindi nya raw ako masamahan, kaya nagpaalam sya sa akin na humingi daw sya ng tulong sa 2 sa aming kaibigan, na kung pwedeng sila na lang ang sumama sa akin sa pagkuha ng resulta.

nung una ay may kaunting pag-aalinlangan pa ako sa ideya na ibukas sa ibang kaibigan ko ang mga pangyayari kahapon pero dahil nakausap na ni migs sina jamil at jimboy (magboyfriend sila) at alam na nila ang aking kinakaharap ngayon ay hinayaan ko na lamang, tutal malalapit ko rin silang kaibigan, at pasasaan ba - maging anu man ang resulta, sila rin ang una kong pagsasabihan.  parehong may karanasan sa counseling at health allied  profession sina jamil at jimboy kaya kampante ako na sila ang tunay na makaka tulong sa akin maging anu man ang resulta, lalo pat walang maayos na impormasyon at counseling na nagyari kahapon sa clinic.

dumating si migs at sumakay kami sa kanyang sasakyan, tumuloy kami sa isang coffee shop at duon tinagpo namin sina jamil at jimboy.  mukhang bagong gising pa sila, alam kong hindi sila sanay gumising ng maaga, medyo sa loob loob ko’y nakakahiya naman at naaabala ko pa sila.  alas 10 ng umaga pa kasi darating si duktora kaya may mga 1 oras pa kaming magpapalipas ng oras.  habang kumakain ng almusal at naghihintay ng oras sa ay isinalaysay ko sa tatlo lahat ng pangyayari kahapon sa clinic at sa trabaho ko.  pareho ng aming nararamdaman ni migs kahapon, may mga pangamba sa isipan nina jamil at jimboy pero pilit pa rin nila itong iwinawaksi at umaasa sa iba pang mas magandang eksplanasyon sa mga pangyayari kahapon.  partikular si jimboy sa pagsasabing maging positibo man ang resulta ay malaki pa rin ang tsansang maging negatibo ang susunod na confirmatory test, ito ay dahil sya mismo ay nakaranas na ng ganun, ang una nyang test at positibo at ang sumunod na test ay negatibo, dahil daw ito sa masyadong sesnsitive ang rapid test at maraming factor ang pwedeng maging dahilan para ito ay magkamali.  nagbigay din si migs ng isang example na ganun din ang nangyari. 

dahil sa mga encouragement na natatanggap ko kina migs, jamil at jimboy, medyo lumuwag ang aking pakiramdam , gayunpaman sinabi ko rin sa kanila na nataggap ko na kahapon pa kung sakaling magiging positibo and resulta ng aking tests.  para sa akin mas magiging madali ang tanggapin na lamang ng maluwag kung positibo man ako, at anu pa mang pagpapalakas nila ng loob sa akin na maaari pang mag-negative ang resulta ay parang hindi masyadong nagmamarka sa aking kalooban.  marahil likas na sa loob ko na maaga pa lang ay tanggapin na kung anu man ang mas malagim na resulta kaysa paniwalain pa ang aking sarili at paasahin na negatibo ako at sa bandang huli’y positibo naman pala talaga.  ng sa ganitong paraan ay magsimula na kaagad ang pagusad ng aking buhay at hindi na paulit ulit na maranasan ang pagkadismaya at pag dadalamhati sa tuwing may darating na bad news.  sinabi ko sa kanila na anuman ang mangyari tanggap ko na kung positive man ako, at kung magiging negative man ay bonus na lang iyon para sa akin…  sa mga pangyayari kahapon, parang mas maliit na lang ang tsansa na magiging maganda ang resulta ng test ko. at pinaghandaan ko na ito.

pagsapit ng 10am , humiwalay na si migs sa coffeeshop (para sa kanyang meeting) at tuluyan na akong inihatid ni jimboy at jamil sa social hygiene clinic, ibinilin din ni migs na tatawagan nya ako as soon as matapos ang konsultasyon.  mabilis ang naging biyahe naming at walang 15 minuto ay nasa clinic na kami.  doon ay nakilala ko si ms. veron (ang nurse na hindi available kahapon) sinabi ko na andun ako para kunin ang resulta ng aking HIV screening at itinanung ko kung pwedeng samahan ako ni jamil sa loob para sa counseling.  sinabi ni veron na mahigpit ang proseso nila at hindi maaring may kasama sa counseling at talaga daw dapat na one-on-one lamang ito.  naiwan sina jamil at jimboy sa reception at ako ay dinala sa loob ng clinic kung saan ako ay pinakilala ni veron kay doktora tuaño, naalala ni doktora na ako yung tumawag kahapon at himingi sya ng paumanhin sa kanyang dagling paglisan dahil sa isang importanteng  meeting sa city hall.  dagling dinala ako ni veron sa isa pang pribadong kwarto at duon ay sinimulan na niya ang pre counseling session, nakita kong hawak na nya ang official form at nakainput na duon ang mga impormasyon na ibinigay ko kahapon, patuloy lang na inisa isa ni veron ang mga sensitibong katanungan  sa form na iyon.  aktibo sa sex? anal o oral? sa babae o sa lalaki?  mutiple partner? paggamit ng drugs? kung nakapagpatest na  dati? anung gagawin kung positibo ang lalabas sa resulta? kung kailan ang huling sex? --- mga madedetayle at sensitibong mga tanung, may panaka nakang hesitasyon si veron sa ilang mga sensitibong tanung na para bang nahihiya at hindi sya sigurado kung bakla ba ako o hindi.  samantalang tuloy tuloy at walang hesitasyon naman ang mga ibinabalik kong sagot sa kanya, mga sagot na wariy pati sya ay di niya inaasahan na mangagaling sa akin.  oo marami na rin akong mga kakaibang karanasan, halos lahat yata naranasan ko na, hindi na ako nahihiyang aminin ito, sa ngayon ay hindi ko na iniisip pa ang magsinungaling, ang nais ko lamang ay malaman kung anu ang katotohanan sa aking kalagayan.  tumagal ng mga 30 minuto ang pre-counselling, sa bawat mga tanung at sagot ay may mga kaukulang eksplanasyon si veron, pero dahil alam nyang health allied din ang propesyon ko dati ay batid nyang hindi na kailangan pang sermunan ako tungkol sa mga kahulugan ng HIV/AIDS at mga moda ng transmisyon nito.  gusto ko si veron, maamo ang mukha niya, malumanay magsalita, kalmado at pwede mo ng ituring na tita o nanay kumbaga, panatag ang kalooban ko sa kanya, epektibo sya sa pag counsel sa akin. makailan beses did nya akong tinanung kung may mga gusto pa akong malaman bago kami pumunta sa resulta, at ng sa wakas ay naubos na aking katanungan ay inilabas nya galing sa drawer ang 8 maliliit na kahon ng condoms, durex ang brand, strawberry flavor pa. naglaro ang aking isip 8 x 3 = 24 branded flavored condoms, hmmmm mahal din ang mga ito, malaki rin pala ang pakinabang ng pagpunta ditto (wahehe).  kinuha nya logbook at akoy pinapirma para sa mga condoms, inalok pa ako ng mga puting condoms na hindi branded na ang suspetsa ko ay galling sa UN-AIDS, katulad nga mga natanggap ko nuon ng minsan ay proyekto ako sa kanila.  tumaggi ako dahil sa palagay ko ay sapat na yung 24 na binigay niya sa akin.  matapos yun ay kagyat na inutusan ako ni veron na kunin ko na ang resulta sa laboratory sa 4th floor at ibaba ko ulit sa kanya para sa susunod na proseso.  lumabas ako ng kwarto ng nakangiti, sa reception nakita ko sina jamil at jimboy na nakikipagkwentuhan sa ilang empleyado ng clinic, pagdaan ko sa harap nila, kagyat kong binaggit  na di ko pa alam ang resulta at kukunin ko pa sa itaas ang resulta at pre-counseling pa lang ang natapos ko.        


                

sa panahong yaon ay magaan ang akin loob dahil halos lahat naman sa loob ng clinic ay masaya at magiliw at sa kadahilanang maganda naman ang kinalabasan ng pre-counseling session, sa isip ko ay ito ang tamang proseso ng testing at unti unti ng umuusad ito. so far so good kumbaga.  dumiretso ako sa 4th floor at pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil may kausap na lalaki ang med tech na narooon, mukhang may pre-counselling din na nangyayari, napansin ko rin na cute si kuya, as in cute talaga.  paintay na lang sa labas sabi ng medtech dahil hindi pa sila natatapos.  naghintay ako sa labas ng pinto at makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ang med tech na may dalang papel at sinabing sundan sya pababa kay doktora.  pagdating sa ibaba pinaupo muna ako kasama sina jamil at jimboy sa reception at dumiretso ang medtech sa loob ng kwarto kung saan nandun si doktora tuaño.  naghintay akong ilang minuto at nakipag kwentuhan ng kaunti kina jamil…

mayamaya lamang ay pinatawag ako ni duktora sa kwarto at ng akmang mauupo na ako sa upuan ay nagsalita siya…

Thursday, June 30, 2011

Day 0 - TESTING

maaga akong nagising masarap ang aking tulog, at dahil wala naman akong lakad ng araw na yun, nag decide akong gawin ang matagal ko ng gustong gawin, at matagal ko ng ipinagpapaliban...

nag log-in ako sa manilagayguy.net para hanapin ang address ng pinakamalapit na social hygiene clinic mula sa aking tinutuluyang condominium.  nakita ko kasi na may pinost siya na listahan ng mga clinics kung saan makakakuha ng free hiv testing na mabilis ang resulta.  dahil walang eksaktong address ang nakalagay sa listahan at meron namang mga landline at cellphone number na nakalagay, tinawagan ko ang numero, nakausap ko si doktora tuaño at madaling nakuha ang kumpletong address, malapit nga.  mabilis naman daw ang resulta at wala silang pasyente nung umagang iyon kaya magandang makadalaw na ako para makapagpatest.

sumakay ako ng taxi at ibinigay ang address sa driver.  marahil ay mga 15 minuto lang ang layo galing sa aking lugar ng social hygiene clinic.  habang nasa taxi ay masaya ako, walang kaba sa aking dibdib, medyo excited dahil matagal ko na nga pinagplaplanuhan ang bagay na ito.  kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si migs, sinabi ko sa kanya na nasa taxi na ako at papunta na sa social hygiene clinic, medyo nagulat siguro sya kasi for the last few weeks na kinukulit nya akong magpatest eh hindi nya ako makidnap kidnap, ang lagi kong dahilan eh busy ako at maraming ginagawa, humahanap lang ng tyempo, totoo naman yun eh.  siya ang una kong pinagsabihan para matuwa sya, sabi nya tawagan ko agad sya pag lumabas ang resulta at ipinagbilin nya na kahit anu man ang resulta “ walang magbabago”.

dumating ako sa social hygiene clinic, isa pala itong barangay health center sa siyudad namin, kulay dilaw at apat na palapag sa isang maliit na kanto. konti lang ang tao so dumiretso ako sa 2nd floor, yun ang sabi ni doktora tuaño.  pagkapasok ko sa kwarto sumalubong sa akin ang isang babaeng receptionist at nakangiti sya, sinabi kong ako yung tumawag na magpapa HIV test.  sumagot sya ng magiliw at sinabing ‘ay oo nabanggit nga ni doktora na tumawag ka, dumiretso ka na daw sa laboratory sa itaas sa 4th floor para makunan ka na ng dugo, nasa loob lang si doktora.’

dumiretso ako sa laboratory sa 4th floor at doon sinalubong ako ni elena (isang medtech) at sinabi ko ang pakay ko. hinanap nya yung form ko, sabi ko walang binigay yung receptionist at basta pina akyat lang niya ako para magpakuha ng dugo. pinaupo nya ako sa harap ng table kumuha sya ng isang form.  nabangit ni elena  na absent ang kanilang nurse dahil nasa burol ng isang kamag-anak at dahil walang mag co-counsel kukunin na lang muna nya ang ilang basic information bago ako kunan ng dugo.  pangalan address telepono trabaho at iba pa, sobrang basic information lang at isinulat nya sa kapirasong papel.



kumuha sya ng syringe at inilagay sa ibabaw ng mesa ang aking kaliwang braso.  average lang din naman yung size ng syringe at di naman ako natakot. matapos ang  pagtusok ng syringe nahirapan yata syang tumbokin ang vein ko at ilang beses pa nyanga nireposisyon ang dulo ng karayom sa loob ng aking balat, hanggang nakita kong unti unting napupuno na ng dugo ang syringe. di naman ako nasaktan matapos nyang hugutin at napuno ang kalahati ng syringe.

pinababa nya ako sa 2nd floor para duon ko na lang hintayin ang resulta matapos daw ang mga 20 to 30 minutos ay ibababa na nya ang resulta.  naupo ako sa reception area at inilabas ang aking telepono, kalmado naman ako at walang pangamba.  ng  makita ako ng receptionist, nakangiti sya at sinabing – ‘lumabas lang si doktora dahil may tumawag ng emergency, umupo ka muna dyan para sa resulta, in-endorse ka na nya sa amin’

matapos ang mga 20 minutos, dumating si elena na may dalang papel nakangiti naman sya nilagpasan ako at dumiretso sa isang kwarto sa loob ng clinic, hinahanap nya si doktora, narinig ko na nagulat sya ng malamang wala si doktora at lumabas at patuloy lang silang nag usap sa loob.  makalipas ang ilang minuto, lumabas si elena at tinawag ako sa loob ng kwarto at pinaupo, nakaupo rin sya at nakaharap sa akin.  may 2 pang babae sa loob ng kwarto, at nakaharap sa amin, yung receptionist at may isa pa na nuon ko lang nakita.  Sinabi ni elena na wala si doktora at dahil duon ay hindi nila mailalabas ang resulta dahil kailangan pa rin ng counseling, kailangan ko raw bumalik bukas ng umaga para andun na ulit si doktora.  medyo natigilan ako at andaming pumasok sa akin isipan nung oras na yun.  maayos naman at normal ang kanilang pagsasalita, pormal at propesyonal, pero pilit na pumapasok sa isip ko na parang may mali sa prosesong nangyayari.  napansin kong hawak ni elena ang papel na resulta sa ibabaw ng table, sa ibabaw nito ay may mas maliit na papel na nakapatong at duon nakapatong ang kanyang kamay. parang sadyang tinatago ang nakasulat

medyo kinabahan ako sa sitwasyon, maraming tanung na pumapasok sa ulo ko pero dahil tatlo sila sa kwarto at biglang natakot akong magtanung sa tunay na resulta, hindi na lang ako nag usyoso sa halip ay kalmado pa ring nakipagusap at nakipagkasundo na babalik ako kinabukasan para sa resulta.  sinigurado pa ng receptionist at ipinagbilin na siguraduhing bumalik ako bukas para sa resulta, bagay na lalong nagpakaba sa aking dibdib.

lumabas na ako ng social hygiene clinic at nagsimulang maglakad sa kalye papunta sa main road kung saan kukuha ako ng taxi.  inilabas ko ang aking telepono at tinawagan ko agad si migs.  ‘tang ina migs, bakit ganun positive yata ako, bakit nila ako pinagbabalik kinabukasan pinaghihintay samantalang hawak na nila yung resulta, ganun ba talaga ang proseso? 30 minutes lang ang rapid test ah?’  ikinuwento ko kay migs lahat ng mga pangyayari sa loob ng clinic, ramdam ko na marami ring katanungan sa kanyang ulo at nagworry din sya sa sitwasyon ko.  bumuhos ang malakas na ulan at sumilong ako sa tindahan sa kanto at naghihintay ng taxi habang patuloy ang aming diskusyon sa telepono kung anu anu ang maaring maging dahilan kung bakit hindi nirelease ang resulta sa akin… dahil wala ang nurse at doktora at walang pipirma… dahil wala pa akong proper counseling… dahil positive ang resulta at di nila alam ang kanilang gagawin… dahil talagang standard operating procedure nila na wag mag release pag walang duktor… at marami pang ibang dahilan, mabilis ang aming diskusyon, pilit ako pinapakalma ni migs, palutoy na malikot ang aking pagiisip, maraming sitwasyon ang gumugulo sa aking diwa, mabuti na lang na andyan si migs para may nakikinig sa akin.  may pumarang taxi at kagyat na sumakay ako para pumunta sa trabaho. 

dahil sa pagaalala ni migs ay napagkasunduan namin na magkita kinabukasan ng umaga para masamahan nya ako sa pagkuha ng aking resulta.

pagdating ko sa trabaho, hindi ako mapakali, kabado ako pero medyo kalmado pa rin, marami lang talagang tanung na pumapasok sa aking isip, bakit ganito, bakit ganyan, pano kung ganito, paano kung ganyan?  siguro mahigit 2 hanggang 3 oras akong nakatulala at taimtim na nagiisip lang, nakaupo at nakaharap sa computer pero blanko ang isip.  matapos ang magmumuni, kahuli hulihan ay nasabi ko na lang sa aking sarili na magkaroon ng open mind at tanggapin kung anu man ang magiging resulta bukas, maging negative or positive man sya, wala na akong magagawa kungdi ang tanggapin ito at maging positibo ang pananaw sa buhay, marami naman akong kaibigan at malakas pa naman ako, naalala ko ang kwento ng pagpapatest ni migs na kanyang sinulat sa kanyang blog kamakailan lamang, sabi nya sobrang nacomfort sya sa reassurance ng ate nya na doktora na okay lang yan. harapin na, para magawaan na ng paraan” - somehow ito rin ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para harapin ang sitwasyong ito at para magpa test, nung minsan sinabi rin ng isa ko pang kaibigan, na ang pilipinas ang isa sa may pinagamagandang HIV treatment program sa mundo, na libre ang mga gamot, at ang importante lang ay 'early detection', na yun daw ang key sa quality and lenght of life ng mga HIV positive. tumatak na sa isip ko ang katagang ito kaya alam ko rin na mahalagang nagpatest na ako agad.kaya kampante ako.


para sa akin... wala na tayong magagawa sa nakaraan, kung infected na, e di ganun, kung hindi naman, e di mabuti basta ang importante malaman na ang katotohanan.

Nagsimula akong magtrabaho at pilit na iwinawaksi sa aking ulo ang mangyayari bukas. Kinagabihan nakipagkita ako sa isang bagong kaibigan para tumambay sa mall at magkape, gayundin para pag usapan kung paano tatapusin ang isang matagal ng nakabinbing proyekto – siguro kailangan ng tapusin ko ito, mahigit 6 na buwan ng hindi umuusad ang proyektong ito at biglang naisip ko matapos ang mga pangyayari ngayong araw… kailangang matapos na ito bago man lang ako mamatay. napangiti lang ako, nakakapagbiro pa…

ito ang aking diary

BONG