Showing posts with label best. Show all posts
Showing posts with label best. Show all posts

Monday, October 27, 2014

Tuesday, September 30, 2014

AUGUST 2014 REPORT CARD

everything is stable...

but need to watch my sugar and carbs...

otherwise...

i feel good...

i feel great...

 

kayo?

kamusta kayo?

 

ako si BONG

ito ang aking diary

 

Wednesday, May 21, 2014

#BOOMPATEST

Register here --- http://go.loveyourself.ph/boompatest



ako si BONG

ito ang aking diary

 

Friday, April 4, 2014

HI PRECISION ANYONE???

para sa mga may kakayahan sa buhay

para sa mga gusto ng magandang serbisyo

para sa mga ayaw pumila

 

naniniwala ako na ang pagiging positive ay hindi disability

kung maaari at tayo naman ay may kakayahan, wag na po nating iasa lahat ng ating pangangailangan sa gobyerno

hindi po tayo diabled

pwede pa rin po tayong maging successful

 

ang sa akin lang

 

ito ang aking diary

ako si BONG

 

MY NEW REPORT CARD!

April 03, i got an email from my doctor:


Lab results:

1. CBC normal

2. FBS normal, Hgb A1C is controlled (6%)

3. Lipid profile shows bad cholesterol normal, good cholesterol is now at adequate levels, but triglycerides increased compared to previous. need to cut down on carbs. we will repeat in 3 months.

4. Liver and kidney tests normal.

4. cd4 is 429 (14.28%) compared to previous of 329 (13.7%) last august 8.

 

Schedules to keep:

a. flu and pneumo shots soonest

b. next cd4 sep 23, 2014

c. next appt for refill, routine, lipid profile determination on may 26

pls coordinate with nurse carl for schedule confirmation. thanks.

 

Best, Dra. Kate

and so after 7months of ARV. my labs are almost perfect. cd4 are improving. no missed dose of meds except for some some late intake.

time to celebrate.

i am happy!

ito ang aking diary

ako si BONG

 

 

Saturday, March 16, 2013

ANNIV NI DAN!

 

hi everyone

aun, kaya nga pla ako nagsulat ng story kc aniv ko na sa pagiging HIV + gusto maging memorable ang experience and ma share ito

kc until now marami pa akong d alam at gusto matutunan about HIV

nakakaloka dba pero wla na kong magagwa eto na ko....

ako nga pla si Dan 25 yrs old pero pag nakita nyo ko am look like 17, gaya ng sabi sakin dun sa HIV seminar namin baby face kasi ako eh, small built white complexion tska appealing ( uy am not making my self proud ah hahahahhaha description lang) going back i want to share my story kc gusto maging makabuluhan ang pagintindi ko sa sakit natin at matuto ng sobra.. takot eh... TAKOT AKONG MAMATAY

i was diagnose last 2012 April un the second un ang pinaka malungkot na pangyayari sa buhay ko, gusto ko lang mag patest nun sa HEPA B kc para un sa ojt ko sa hotel requirement eh, so i went to my auntie aun di ko alam she tested me for HIV aun sapul ako, i went to several test lahat positive, nakakalungot dba, ako nga di ko talga alam ang aggawin, i can't even tell it to anyone.

limipas ang mga buwan, days, and weeks, nag start ako mag pa baseline test awa ng diyos lahat negative until now ni hindi ako nag kaka sipon or ubo, even any sympthoms wla. healthy tlga siguro dhl wla pang manifestations, early detection eh

pasensya na pero magiging emotional na ako, gusto ko lang malabas lahat na alam kong un din ang nararamdaman ng marami sa atin...

lumipas ang araw at buwan naramdaman ko na ang sympthoms ng sakit ko i had lymph node sa leeg, sa armpit at sa shoulders siguro mga 10 sila lahat wla nmn akong nararamdaman kya deadma lang... i took anti boitics kc sabi nila mamwawala daw ang lymph pag ng anti bacterial mali pla ako

pang 7month ko na andyan parin sila nakatatak na sa leeg, balikat at dibdib ko, nakakatakot, nakakaalarma

pumunta ako sa treament hub ko sa alabang

pinagpala ako wla nmn findings kc sa totoo lang ni hindi ako nagkasakit or what even khit wla akong vaccine ( thank you lord )

pero di nagtagl nakakaranas na ko ng back pain upper part it almost last for now cguro mga 8 months na di nawawala di nmn ganun kasikt tolerable but mararamdaman mo

natatakot ako, ayoko nmn mag pa xray bka may lumabas at di ko nmn matanggap, kc honestly nung nalaman ko na meron ako gusto ko gumanti at i kalat ito, para patas patas tyo, kso naisip ko ako nga di ko matanggap hahayaan ko pa bang maranasan to ng iba?

di pa ako nag gagamot kc last CD4 ko 567 pa sya naun di ko na alam kung anu scheduled para para sa susunod na CD4

nagyoyosi at nagiimon pa ako

at malala kc di ko na maiwasan mag yosi at maginom

pasensya na pero simula ng malan ko to nalungkot parang ninakaw nya sakin lahat

ung kababtaan ko, ung kagustuhan kong i enjoy ang buhay ko, ang paginom at pakikibarkada

lahat un nawala na

pero alam nyo ba ginawa ko parin sya madalas pa din akong maginom at mag yosi

un na siguro ako

pero natatakot ako madami sa kaibigan ko ang namatay dhl din sa HIV

maswerte ako dhl wla pa akong OI anu ba gagawin ko? para matigil ang mga bisyo kong ito PLEASE HELP ME

naun gagraduate ako sa HRM ang saya ko nga eh, pero malungkot pa din kc wla pa din tyong gamot

nga pla marami akong kilala sa mga kaibigan ko parang positibo pero nahihya ako iapproach to take test anu ba gagagwin ko dun?

gusto ko sana matulungan nyo ko about sa situation ko kc nahihirap ung back shoulders ko may something tlga

atska natatakot tlga ako mamatay alam ko na alam nyo rin di lang ako bka kyo rin may mga kaibigan at mahal sa buhay na namatay dhil dito

natatakot din ako para sa sarili ko, na parang wla na akong karapatan maging bata at ma enjoy ang lahat, ung tipong iinom makikisalamuha ta makikipag yosi sa iba

wla na INAGAW NA NYA

ayoko mamatay, gusto ko mabuhay pero may bisyo ako anu ggwin ko?

naiiyak akokc parang wla na tyong silbi. uu meron tyo HIV pero anu it will eventually become AIDS, mamamatay, tapos paguusapan at pastsitsismisan

nasaksihan ko kc yan sa mga pumanaw kong mga kaibigan na kgayan ntn

alam nyo kapag naginuma kmi at HIV ang topic natatamemme ako, pero pag nagsalita na ko nakiknig sila,sana na aabsorb nila

ang irap noh, ung tipong paniwalain ang sarili mo na wla ka kahit meron ka!

lasing na ko, nagkalakas lang ng ako ng loob na ikwento to dhla natatakot ako sobra... SOBRA d ko na tlga alam ang ggwin

sana di katulad ang istirya ko ng istorya nyo

bsta KAPITBISIG TYO

sana may gamot na

sana paggalingin nila tyo

sana wla na lang ganito

Dan

Hello dan,

salamat sa iyong pagsulat, masaya ako dahil pinagkaabalahan mo ang pagsulat sa akin. hindi madali ang mag share ng ating mga nararamdaman.

lalong masaya ako at mukhang medyo mas upbeat ka na ngayon compared nung makilala kita sa training natin dati. newly diagnosed ka pa lang yata nun di ba at kamamatay lang din ng bestfriend mo? at sa buong batch ikaw nga ang pinaka bata at pinaka maganda! pero ikaw rin ang pinaka mukhang pinagsakluban ng mundo noong panahong yun. kaya sa tono ng sulat mo eh mukhang kinakaya mo naman, kaya masaya na rin ako.

ilang ulit mong sinasabi sa sulat mo na "ayaw mo pang mamatay" - ay maganda yan, ako rin ayaw ko pang mamatay, sinong bang me gusto nun. at sino bang nagsabi sa yo na mamamatay ka na, o mamatay na tayo? hindi ibig sabihin na positive tayo eh mamamatay na tayo. sa panahon ngayon sa tinagal tagal ng panahon na may HIV sa mundo, wala na dapat namamatay sa AIDS related complications. dahil epektibo naman ang mga gamot na available ngayon. kaya lang marami pa rin ang namamatay eh dahil too late na ng madiagnose sila. totally wala silang alam na positive sila, o mas pinili pa nila na wag malaman dahil naduwag sila, or alam nila pero ayaw magpagamot ng maaga, o mas pinili pang madepress, o natatakot sila sa sasabihin ng ibang tao at ituring silang outcast --- pagkaduwag, wala o maling kaalaman, stigma at diskriminasyon sa ating komunidad --- ito ang mga tunay na dahilan kung bakit marami pa rin namamatay sa AIDS. leche kasi ang mga moralista at self-righteous nating kababayan, nakakalungkot nga eh. kung me mga namatay ka ng friends, mas marami sa akin, i lost count na, mga 12 na yata sila. nakita mo ba akong naglulupasay at nawawalan ng pag asa? hinde! dahil the more i feel bad about my being pusit, the more am risking losing points on my cd4 ;) kaya dapat happy lang girl.

maswerte ka, maswerte tayo at maaga pa lang eh alam na natin ang ating status, ngayon pwede na nating alagaan ang ating sarili... sayang naman ang ganda mo kung magmumukmok ka lang dyan.

potah ka! ;) antaas taas nga ng cd4 count mo no. 567 ka pa... pinakamataas ko eh 499 lang. ngayon am down to 382 (feb 2013)... nirerecommend na nga ni doc na mag ARV na ako. sabi ko pagiisipan ko muna. sa next test ko sa august will be my big decision. sana tumaas ulit.

every 6months dapat ang baseline tests teh, baka due ka na for lab tests, go back to alabang na - bakla dont lose your FOCUS, ngayon kelangan mas maging masinsin tayo sa mga health issues natin. pay attention sa lahat ng sinasabi ng duktor.

maganda at ur always paying attention sa mga sakit sa katawan mo, everytime na may nararamdaman, visit your HIV doctor agad, ganyan din ako. madalas nga eh sinasabi ng duktor sa akin na dont worry dahil halos lahat ng ibang nararamdaman ko eh di naman related sa HIV status ko. normal na yatang maging paranoid tayo sa maliliit na bagay. pero dapat iwas stress, wag masyado magworry, basta check up lang lagi ang katapat and trust your doctors.

www.thebody.com --- yan ang bibliya ko sa lahat ng concerns ko, plus meron akong mga kaibigan duktor at nurses na lagi kong napapagtanungan pag kinakailangan. marami ring kaibigan ang nag aalaga sa akin at alam nila ang staus ko kaya kampante ako na di nila ako pababayaan.

sa ngayon am just concentrating on staying happy and living a productive life. living my life as if everyday is my last. masaya lang.

marami akong kilala na mga pusit na matataas ang posisyon sa kumpanya, maganda ang trabaho, malakas, maganda tulad mo. kaya girl wag ka magiinarte na wala ka ng kinabukasan at inagaw na ng HIV (kukurutin kita eh). you have your whole life ahead of you, maaaring mas mahirap ng konti ang landas na tatahakin natin subalit hindi ibig sabihin na sadyang mas kont ang oportunidad na ilalaan sa atin ng mundo. it's all about your attitude sabi nga nila, ikaw lang ang gumagawa ng iyong kinabukasan kaya tigilan na ang kaartehan at rumampa ka na at mabuhay sa matuwid na daan.

matuwid na daan means healthy life, which is what it should be naman, positive or not. minimize if not abolish your bisyo, kung di kaya ng bigla, unti unti. anything na makakapagpababa ng resistensya ng katawan natin, dapat iwasan. ituring mo na lang na mas babasagin ka kesa sa mga tropa mo. mas alagaan mo ang iyong sarili. pwede namang mag enjoy na hindi pinapabayaan ang ating health. sorry na lang tayo dahil pusit tayo, nagkamali tayo, nabawasan ang ating freedom kumbaga, alang alang sa ikahahaba ng ating buhay.

pwede pa rin i enjoy ang sex ng safe, hay naku teh, ang sarap din kaya. ;)

hihi.

madam, baka matagalan pa ang himala! wala pang gamot! how i wish meron na, pero ang kawalan nito ay hindi magiging hadlang para mabuhay ako ng masaya. papaano kung hindi ito dumating sa lifetime natin?

anung gagawin natin?

NGANGANGA*¥^<{}#<~~]{^???

happy anniversary dan, lets hang out soon...

 

ako si BONG

ito ang aking diary

My CD4 Count

 

Wednesday, July 4, 2012

Happy Anniversary!



i only remembered now, July 1 was the exact date i was diagnosed.

how could i?

- i was busy (lotsa work to be done)
- i never felt better, my labs are spotless
- cd4 count is steadily improving (next visit this july)
- lovelife is busy (i found someone *wink wink)
- sexlife is amazing
- career is likewise improving

how could anyone remember the bad memories if everything in their life seemed perfect?

i'v always been a happy boy, not even HIV can change that :)

ito ang aking diary

BONG



 

Tuesday, May 29, 2012

BONG's RECOMMENDED FREE TEST SITES





IN ORDER OF IMPORTANCE:  1 being the best recommended site for quality services.

1). LOVEYOURSELF HUB
(RITM Satellite Clinic Manila)
1850 Leon Guinto St. Malate, Manila.
Tel. 5479334 or 09178351038
Monday to Sunday (7x a week)





2). Makati Social Hygiene Clinic
7th Floor, Makati City Hall, J.P. Rizal St., Makati City
Contact - Teresita Pagcaliwagan, RN or YOYIE
Tel: (+632) 870-1615


3). Proj. 7 Social Hygiene Clinic
PROJECT 7 BANSALANGIN STREET
AT THE VETERANCE VILLAGE.
Contact #09082355210,

4). BERNARDO Social Hygiene Clinic
CUBAO QC EDSA ACROSS NEPA Q-MART, 
AT THE BACK OF RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL, CUBAO, QC
Contact #09082355210,

5). BATASAN Social Hygiene Clinic
SANDIGAN BAYAN FAIRVIEW QC
Contact #09082355210

6). ASP iCON Clinic
G/F OTM Building, 71 Scout Tuason St.,
Brgy. South Triangle, Quezon City.
Every Friday, 5PM - 9PM
Saturdays from 10AM - 9PM.
Contact us at (+63) 376-2541
Email them at asp.iconclinic@gmail.com 

7). Mandaluyong City - Social Hygiene Clinic 
Dr. Yolanda TuaƱo - SHC Physician
Lerma corner Vicencio Sts., Old Zaniga, Mandaluyong City / 5467799; 2115336 
Mobile #: 09178424298 




FOR THE VIPs I WOULD RECOMMEND THE MEDICAL CITY - Ortigas Avenue, Pasig City, Metro Manila Philippines. Tel. nos. (632) 988-1000, (632) 988-7000 email us :  mail@medicalcity.com.ph -- i heard they also do home service for full confidentiality --- but their services are not FREE and sobrang mahal daw but hey if money is not a problem, why not.

ALL OTHERS I WOULDN't WANT TO RECOMMEND DUE TO SOME BAD 1st-HAND EXPERIENCES FROM THE PEOPLE I'VE TALKED WITH.

THE WORST PLACE to get tested are the PRIVATE DIAGNOSTIC CLINICS, most of them are not trained and does not follow the pre-test and post-test protocols.  plus it's NOT FREE.

ALSO if you know that you had risky behavior and you need to undergo a medical examination   as a requirement for working abroad which includes HIV testing - its best that you take the test in any of the above facilities and make sure first that you are negative before taking it at the agency-designated diagnostic clinic.  most of them (if not all) have no idea how to deal with a hiv positive diagnosis.  if the result is positive then just choose a country that will not require HIV testing.

hope these updated info helps!

best way to reach me is through my email... i don't usually have load on my phone and occasional lang ako sa twitter.

to all those who have been wondering about my health status --- I AM PERFECTLY FINE, all my labs are spotless, next cd4 count due this July 2012.

naging busy lang sa lovelife --- yes i found a partner, he knows about my status and we are so much in-love.  am very happy ;)


ito ang aking diary

BONG