 |
| Click Chart for LARGER VIEW |
kakabalik ko lang from RITM ALABANG, while i was totally scared that my CD4 have dropped, i was totally amazed that in fact it has increased to 499. no meds. no nothing,
after hearing about it, a PLHIV friend texted:
L: Wow congrats, ano secreto mo?
Bong: Lot's of safe sex! hahaha!
L: hahaha. adik!
Bong: seriously, i live my life like i don't have it.
L: haha, nice.
___
let me explain that further... syempre hindi naman totally like normal life... of course as much as possible i eat healthy na rin and watch what i eat. kung di man makatulog on time, i make sure i sleep 8 hours a day. minsan stressful pa rin ang trabaho ko, madalas pala... but what i can proudly say that i've been very 'positive' sa pananaw ko sa buhay that sometimes pati ako nagugulat (eversince naman ganun na ako, mas lalo pa ngayon), like nung HABAGAT, bumabaha na lahat, i still felt okay, habang nagkakagulo at nadedepress at nagpapanick na ang lahat. i was so calm and relaxed, naglulutangan na ang mga gamit ko sa tubig, i was sooo cool about it, nasa isip ko lang nun i have to stay "positive and cheerful" and so i did. minsan nagugulat talaga ako sa sarili ko, immune na yata ako sa negative energy.
minsan lang talaga nagwoworry din ako (konti lang) lalo na kapag nagkakasakit ako --- like 1 month ago nagkatrangkaso ako, high fever at sakit ng katawan, 1 week ako house arrest, gumaling ako sa co-amoxiclab --- tapos this week konting ubo at sipon, under antibiotics ulit ako.... eh hindi naman ako sanay sa ganito na nagkakasakit kasi for 30 more years hindi naman ako nagkakalagnat nor sipon talaga, kaya syempre nagwoworry din ako ng konti - baka bumababa na cd4 count ko. nung nagpatest nga ako nung isang araw eh ready na ako sa sarili ko na magsimula ng gamot (ARV) kung talagang bababa ang count ko -
pero ayun nga tumataas pa --- swerte lang siguro ako --- sabi ni doc baka member ako ng mga taong hindi talaga masyado naaapektuhan ng HIV (magdilang anghel ka sana doc) kasi considering na walang meds, eh tumataas pa rin ang CD4 ko at perfect pa rin lahat ng mga baseline laboratory results ko. sabi rin ni doc, ang mga trangkaso at sipon ay normal lang na occurance kahit sa mga healthy na tao lalo na sa panahon ngayon na tag ulan -so i dont have to worry about it. ang importante daw at kumonsulta agad sa duktor everytime may karamdaman para magamot kaagad.
kaya ngayon happy ako, im on the right track, sana eh tuloy tuloy na.
btw. everytime i visit RITM Alabang, maraming revelations, syempre di maiiwasan makasalamuha ang mga pasyente dun, lagi ako may nakikitang malapit na kaibigan, so ayun nakakaron na ng disclosure na di inaasahan. para sa akin okay lang masaya nga...
"ay ikaw din!!!"
tapos ayun chikahan na
ansaya
ito ang aking diary
ako si BONG
..... and yes, i do have lots of safe SEX (hahaha), i dont want to go into details pero masaya ako, super saya, medyo salat sa salapi pero dinadagsa ng pagmamahal!