12 --- paboritong number ko yan, dati pa kahit nung high school pa lang ako, tuwing magpapagawa kami ng uniform para sa P.E. class namin, parating 12 ang nakalagay sa mga uniform ko. ewan ko ba, para sa akin makahulugan ang numerong yan. para ka lang nagbibilang 1...2...3... nangangahulugan ng pag usog at pagpapatuloy, isang pagpapanimula.
ngayong hapong ito, hindi ko lubos akalain na ang numerong 12 ang magbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan.
bahagi ako ng isang HIV advocacy group na tumutulong para mapalaganap ang edukasyon ng HIV at nagsusulong ng mga libreng HIV testing para sa mga MSM (Men having Sex with Men). matagal tagal na rin akong aktibo sa ganitong mga advocacy work. matagal na naming pinaplano ang araw na ito, kahit noong hindi pa ako positive, nakaset na talaga nuon pa ang proyektong ito.
kaninang umaga, masaya ako at sa wakas ay matutuloy ang proyekto ng HIV testing na para sa isang grupo ng mga tao/kabataan na sadyang malalapit sa aking puso. halos lahat yata ng mga miyembro nila ay personal kong kakilala at madalas nakakasalamuha. mga kaibigan.
kanina, nag aalinlangan din ako na maging bahagi ng actual na pagsasagawa ng testing dahil sadyang sariwa pa sa akin ang pinagdaanan ko. natatakot ako, baka hindi ko makaya.
12 ang positibo... mahigit 30% ng dumalo. nakapanlulumo. 12 sa aking mga kakilala. 12 na pandagdag sa statistics ng HIV, ang ilan ay sobrang babata pa.
anu kaya ang kalagayan nila ngayong gabi? may makakausap kaya sila? may lakas loob kaya silang harapin ang ganitong klaseng suliranin. gusto ko man silang tulungan ay hindi ko magawa, gusto ko sana silang bigyan ng mahihigpit na yakap, ipaabot sa kanila na hindi pa ito ang katapusan ng mundo. wala akong magawa, statistics lang ang alam ko, hindi ko alam kung sino sa kanila, basta ang sigurado, 12.
tumulo ang aking luha para sa kanila, kung maibabahagi ko lang ang aking lakas ng loob.
ngayong gabi, matutulog akong umiiyak, hindi para sa aking sarili, ngunit para sa akin mga kaibigan. sana ay maging matatag kayo, nasa ika 10 araw pa lang ako sa aking buhay positive, wala pa akong sapat na karanasan para maging inyong sandigan.
"tonight is your first night, i can only imagine the pain you are going through."
:'(
ito ang aking diary
BONG
Ang unang araw ay ang pinakamasakit na araw sa lahat. Na kung saan, ang pagtanggap o ang pagharap sa sarili at sa bagong tuklas na kaalaman ay siyang magiging daan sa pagbabago, kung tatanggapin man ito o hindi.
ReplyDeleteHindi madali ang malaman, hindi madali ang pagtanggap. Ngunit hindi sila nagiisa, walang nagiisa.
salamat canonista,
ReplyDeletehindi ko mapigilan ang umiyak, some of them are very very young, ngayon lang ako nalungkot ng ganito. sana ay makayanan nila ang pagsubok na ito.
:'(
Gusto mong makatulong hindi ba? May magagawa ka pa, para hindi masayang ang mga luha mo. Samahan mo sila, kung kailanganin man nila ng taong masisilungan ng kanilang mga basang kaluluwa dulo't ng mga luhang dulo't ng kalungkutan.
ReplyDeleteKasama mo ako, sa laban nating ito.
I think more than our blogs and all the online resources, these people need people to talk to. If you guys want to setup a Just Diagnosed hotline or something, you can count me in. It is the most painful night, but it aint the end of it all.
ReplyDeleteI salute you for your advocacy. I wish more people can be selfless like you guys.
@Green: Or like a shelter or a support group for the newly diagnosed. We know how hard it is on the first day and on the coming weeks. However, we already have PAFPI, YAFA, and Pinoy Plus. Those NGOs are the ones that the newly diagnosed must be referred to.
ReplyDeleteYou are correct 'though, that what they need is someone to talk to.
@Canonista.. Do these ngo's have a hotline?
ReplyDeleteTake The Test Group has a hotline. Our advocacy group will also have a hotline soon.
ReplyDeleteHow can I help?
ReplyDelete