July 3, 2001 – Linggo
okay naman ang gising ko, nakatulog ulit ako ng maayos, marahil dahil sa puyat, mula’t sapul naman ay wala ako problema sa pagtulog ko.
umaga, nagring ang telepono, si Don tumatawag, kahapon ko pa iniintay ang mga sagot nya, medyo nanibago rin ako dahil madalang naman syang tumawag ng umaga at madalas ay tulog pa sya ng ganitong oras. “hey kuya!” sinagot ko ang telepono. “o kuya kamusta ka?” ang bungad nya. kuya talaga ang tawagan naming sa isa’t isa. “okay naman ako so far so good, ikaw ang kamusta? nagtext ako sayo kahapon pero di ka nagpaparamdam, akala ko kong anung nangyari say o, nag worry ako .“ paunang sagot ko. “ganito lang naman ako kuya, I just need time for myself para mag isip at magpakalungkot, so kahapon yun – ngayon back to normal na ako, nag sink-in na sa akin ang lahat, okay na ako ulit – bipolar nga ako di ba?” dirediretso sya. patuloy din syang nagkwento sa mga bagong plano sa pagpapaganda ng kanyang condo. dati pa kasing may plano akong tumira sa pad nya, wala kasing gumagamit ng ibang kwarto sa unit nya. napagisip isip ko rin siguro ay magandang ideya kung may kasama ako sa bahay just in case. tinanung nya kung gusto kong lumabas. Sabi ko naman, magtratrabaho muna ako dahil may mga tinatapos pa ako. ganito talaga ang weekends ko, maraming trabaho. Sabi ko na lang kay Don, itetext ko sya pag naisipan kong lumabas.
masaya ako at okay na si Don. patuloy din ang pagtext ni Migs, kinakamusta ako at parang laging naninigurado kung okay lang ba ako. nasabi rin nya sa text nung hapon na nabasa na nya ang lahat ng entries dito sa blog ko, at naiiyak daw sya nung mabasa nya ito. nagpasalamat ako at sinabi ko rin sa kanya na baka mapadalas ang aming pag uusap dahil siya lang ang maaasahan ko kapag may mga gumugulo sa aking isipan. walang problema at pipilitin daw nya na bigyan ng oras kung kailangan ko sya.
malaki ang naitutulong nila sa akin, sa aking pagtanggap ng maluwag na HIV positive ako --- maaring marami akong pangamba at may namumuong takot sa king dibdib ngunit dahil alam kong marami akong kaibigan na magiging karamay ko sa aking kinalalagyan, hindi ako nalulungkot. maraming salamat sa kanila.
maliban sa madalas na pagdumi ( 2 to 3x a day siguro) at parating ‘uneasy’ ang aking tiyan, ay maayos naman ang aking pakiramdam. bukod sa trabaho ay wala namang mahalagang nangyari nung araw na yun ng linggo.
kinagabihan dumalaw sa trabaho ko si Kit, isa sa mga ex-boyfriend ko from 8 or years ago. malapit lang sya nakatira sa trabaho ko kaya madalas ay nagkikita rin kami. madalas dumaan sa trabaho ko para maki-WIFI at tumambay. nagdinner kami at nagkwentuhan , pilyo pa rin sya. simula’t sapol eh bata ang turing ko sa kanya, maliit kasi talaga ang frame nya at 18 years old pa lang yata sya nung una kaming magkakilala, estudyante pa sya nun sa UP DIliman, at saka marami syang childish ways pag nagkukulitan kami at nagpapacute sya, cute naman talaga sya at dahil ilang buwan na rin syang nagwowork out sa gym at talagang gumaganda na ang hubog ng katawan nya. ngayon, kahit mid-20s na sya eh bata pa rin ang turing ko sa kanya, sa aking isip ay sya pa rin ang ‘baby ko’ hehe.
makikitulog din sya sa pad ko ngayon gabi, maaga daw kasi ang lakad nya kinabukasan at tinatamad yata syang umuwi. baka biglang may mangyari sa amin, yun agad ang naisip ko. sa dinami dami na kasi ng pakikitulog nya sa pad ko, may ilang pagkakataon na may nangyari pa rin sa amin. wala namang anal sex, pana’y oral sex lang. marahil dahil bata nga ang tingin ko sa kanya, kailanmay di ako nag attempt na makipag-anal sex sa kanya. pero matagal na rin nung huli kaming mag sex. madalas kaming nagkukulitan at naglalandian pero hanggang dun lang at walang nagyayari kahit magkatabi kami matulog. maraming pagkakataon na pwedeng may mangyari pero wala naming naganap, din a rin naman kasi ako kasing libog tulad ng dati at madalas ay ayaw ko naman din mag-initiate. masaya na siguro akong nakikita sya ng madalas at ako ang kinekwentuhan nya tuwing may mga prublema sya sa buhay at lovelife nya. parang kapatid na lang ang tuturing ko sa kanya ngayon.
pano kung mag initiate sya ngayon gabi? yun ang naisip ko. bibigay ba ako? hindi muna siguro, ituturn down ko na lang sya at sasabihin pagod ako, at siguradong magtataka yun kasi ako pa ang nag turn down.
buti na lang at hindi sya nag initiate, walang nagyari kagabi. hindi pa yata ako handa. kahit na sabihing safe ang oral sex kung walang sugat. di ko pa rin kayang dalhin ang risk na makahawa ako. hindi pa ngayon, marami pa akong dapat malaman.
ito ang aking diary
BONG
i jst finished reading all of your posts, and now im left with a heavy feeling. but thanks for taking the courage to share your situation. if there'd be more people like you who would share what they are going through as an HIV positive, this would raise the awareness among filipinos regarding the danger of unsafe sex.
ReplyDelete