Tuesday, December 27, 2011

MGA TANUNG NI KOJIE

Hello Bong,

My name is KOJIE from pque 23. At my age, I also have the same blessing. Dont want to mention the magic word. I have so many thoughts in my mind. After knowing that I have obtained the blessing, my plans in life suddenly changed. I need some pieces of advice if its okay:

I planned to work abroad some day when I reach the age of at least 27-28 but knowing I have it I guess its no longer possible, can it be detected from my requirement?

I planned to establish my own family when I reach 30 but having it made me changed to stay single forever and not to put someone at risk and also to pass this on my child.

I decided to stay with my current job, just worried if it can be detected with CBC.

Sorry for the confusion, I am indeterminate and I have researched o  it and its going there after a month so I am just preparing myself. Will have to visit mid of Jan 2012.

Regards,
KOJIE





hello kojie,

maligaya ka sana ngayong pasko at bagong taon, alam ko na matapos ang ganitong 'bad news' eh medyo mas mahirap ng magpakasaya --- pero hindi imposible na sumaya pa tayo, if fact maraming dapat ipagpasalamat sa ating buhay at sangkaterba pa ang dahilan para maging masaya tayo.

working abroad ---  oo maaari ka pang makapagtrabaho abroad, pero hindi lahat ng bansa ay pwede, may mga bansang ipinagbabawal ang magtrabaho ang dayuhan na PLHIV (people living with HIV), makabubuting pag aralan mo muna ang batas ng bansang iyong gustong pagtrabahuhan at kung nagrerequire sila ng HIV testing.  sa US pwede pwede, sa Singapore at ibang Arab Countries hindi na pwede.   pero kung tourist visit lang naman, alam ko na pwede ka pa rin makapunta kahit saan mo gusto dahil wala namang bansa na nagrerequire ng HIV testing sa tourist visa applicants.

establishing a family --- oo maari ka pa ring magkaroon ng pamilya, dahil sa galing ng sensya ngayon ay maari ng magkaroon ng maayos na pamilya ang isang PLHIV.  hindi ito madali ngunit may mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang mahawaan ang iyong asawa, gayundin ang inyong magiging anak.  maari kang magtanung sa mga duktor na espesyalista sa HIV/AIDS (sa mga treatment hubs) tungkol dito.


keeping current job ---  nakapaloob sa ating batas (Republic Act 8504) na bawal ang diskriminasyon gayundin ang pagtanggal sa trabaho ng dahil lamang na ang isang tao at PLHIV.  gayundin walang karapatan ang sinuman na pilitin ang isang tao para magpatest ng HIV.  dapat ito ay voluntary.  dahil dito walang kahit sinong kumpanya sa pilipinas ang makakapag-require ng HIV testing sa kanyang mga empleyado, ito ay labag sa batas sa ating karapatang pantao.  ang iyong HIV status ay hindi malalaman sa pamamagitan ng ibang mga blood test tulad ng CBC kaya wala kang dapat na ipangamba.  HIV test lang ang makakapagsabi nito.

indeterminate --- nangyayari ang ganitong resulta kung may mga pag-aalinlangan ang resulta ng ating mga test procedures, maaring hindi pa sapat ang mga antibodies sa iyong katawan (window period), at may iba pang kadahilanan.  mas makabubuting magpatest kang muli sa itinakdang panahon para malaman kung anu ang tunay na resulta.

maganda ang naghahanda.  hiling ko ay maging (negative) ang resulta ng iyong mga darating na tests pero nais ko ring ipaabot sa iyo na kahit positive man ang lumabas, hindi ito katapusan ng mundo.  goodluck sa iyo at sana ay matagpuan mo ang kapayapaan at katatagan ng kalooban ngayong bagong taon.

salamat

BONG


TIMELINE (without ARV treatment):

Sunday, November 20, 2011

GOD LOVES BAKLA

andito ako sa isang malayong lugar, mag isa lang ako, looking for directions, trying to find peace- i decided to bring ramond's book - matagal ko na rin gustong ipagpatuloy ang pagbabasa nito - raymond gave this personalized signed copy to me when we met in one event.

...at page 58 (god loves bakla), this caught my attention

--------------
God, when i die, i'll have many questions to ask You, but there'll be a most important one which You'll really have to answer well. Because i could never see the logic of why You had done what You had done with me. The biggest burden a man could ever have is n my frail shoulders.  I don't want to fail my friends and family. I know you help those who help themselves, but it seems I can't already help myself.  I need a miracle, Jess. Please... (17 May 1984) - Raymond Alikpala
--------------

p.s.  i'm a non practicing catholic ---  err... agnostic is more accurately i can define it. --- and if that's the case who do i turn to instead???

ito ang aking diary

BONG

Friday, November 11, 2011

KEEPING MY MOUTH SHUT!

sometimes dumadating sa buhay mo yung may nararamdaman kang pain sa iyong puso...

wala sa lugar pero yun ang nararamdaman mo...

sometimes parang gusto mong sumigaw...

pero wala kang magawa kasi sadyang mahina ka...

at maiisip mo na lang... you get what you deserve...

minsan parang andaming salita na gustong kumawala sa bibig mo...

pero alam mong mas nakabubuting itikom mo na lang ang iyong bibig...

dahil wala ka sa lugar...

pero punong puno pa rin ang iyong dibdib...

at wala kang gumawa kundi ang lumuha...

wala kang masabihan...

kahit kaibigan mo...

hay buhay...

tang-ina!

ganito pala yun...


ito ang aking diary

BONG


Wednesday, November 9, 2011

RE: DONATING BLOOD


Hi Bong,


I've started reading your blogs and i can feel na mahirap mabuhay sa sakit na HIV/AIDS, everytime na babsahin ko siya sinasamaan ako ng katawan ( seriously ) parang nahihilo ako and i cant explain yung feeling ko...hindi pa din ako nag papatest kasi im scared but every 3 months nag dodonate ako ng blood ko nakasanayan ko na un mag iisang taon na, wla p naman tumatawag sa akin from blood center... you think enough na un or need ko pa din mag pa HIV text ?


tnxs more power


GODBLESS


ken



____________________


REPLY


thanks for you email ken.


need mo talagang magpatest separately. 


the blood testing centers for donated bloods are not allowed to inform or call the donor kung magpositive ang blood na tinetest nila, bawal sa batas yun. dinidispose lang nila yung blood pero di nila tatawagan ang concerned person (donor).


hiv test can only be done with consent - and in those cases you did not give consent to do hiv test on your blood. they are just doing the routinary hiv test for the purpose of protecting the recipient and making sure that the blood is safe. common misconception yan ng mga nagdonate ng blood. mabuti at nagtanung ka.


kaya mo yan, whether positive or negative ka man, you deserve to know ur status.  early detection is the key. hiv is not a death sentence. it only becomes a death sentence if you find out too late.


i hope u find your strength to take the test. Its for your own good.


safe sex always.


Bong 

Monday, November 7, 2011

SAFE PARTEEEING?

bilang isang aktibong advocate sa hiv/aids awareness, bahagi ng aking mga ginagawa ang bigyang suporta and mga taong nangangailangan ng tulong at impormasyon tungkol sa usapin ng hiv/aids sa pilipinas.  kasama na rito ang magbigay suporta sa mga taong bagong diagnose na hiv positive.

noong isang araw, dahil matagal ko na rin di nakakamusta ang isang kliyenteng newly diagnosed na pusit, naisipan ko syang i-text ---

____________
bong:  hello mike, kamusta ka na?

mike: i am good po! parteed yesterday, but made sure i wore a condom. kawawa naman madadali ko eh. LOL!

bong: thats cool. are you done with ur baseline  lab tests na? are you under arvs na?

(no response)



____________

i felt disappointed with mike, mukhang he's back in his old ways, even his condition does not stop him from changing his ways.

at the same time i felt so helpless, nalulungkot at sobrang naaapektuhan ako, kasi alam ko there's a 90% chance this mode of transmission is exactly how i got infected.

i hope soon i get the chance to talk to him sincerely, i dont know his real story pa mahirap mangaral, he doesnt trust me yet, he doesn't know me.  wish ko na lang pag nangailangan sya ng makakausap at tulong, sa akin sya lumapit.

ito ang aking diary

BONG
  

Thursday, October 13, 2011

Bloody Question

QUESTION: drying of blood. when small drop blood on houshold things and we touched the things then blood goes into open wound..what is the risk to cause hiv ?? small drop of blood of hiv survival outside the body??
RESPONSE: from Dr. McGowan

There is no real risk from the dried blood. There is very little HIV in a drop of blood and CDC laboratory studies have shown that drying HIV reduces the viral amounts by 90 to 99 percent within several hours. No one has ever been infected after exposure to HIV from being exposed to HIV from their surroundings.

Best, Joe

www.thebody.com

Monday, September 26, 2011

MYTHS VS REALITIES





1. Myth: Having HIV means I am going to die.

Fact:
With today’s HIV medicines, you can live a healthier life and have a positive outlook. HIV can be managed as a chronic (ongoing) disease, and people with HIV can lead healthier lives.


2. Myth: If I don’t feel sick; I don’t need to start HIV treatment.

Fact:
Just because you do not feel sick does not mean that HIV isn’t harming your body. The current U.S. Department of Health and Human Services (DHHS) guidelines advise, along with other factors, starting HIV treatment when the CD4 count is 500 or lower. The guidelines also state that treatment should be considered for people whose CD4 counts are above 500. Studies show that starting treatment earlier may help protect your immune system and help you live a longer life. Don't wait until you feel sick to start. (In the Philippines the old threshold of 350 CD4 Count is still being practiced.)


3. Myth: If I start HIV treatment, my body will start changing and I am going to look sick.

Fact:
Some HIV medicines may have an impact on body shape. But today there are many HIV medicines that are less likely to cause body shape changes. If you are concerned, work with your healthcare provider to decide on a treatment that is right for you.


4. Myth: I'm going to have to take too many pills.

Fact:
In the past, people may have taken 20 or 30 pills a day for their HIV. Today there are once daily treatments with fewer pills. Talk with your healthcare provider about HIV treatment choices that fit your lifestyle.


5. Myth: I'm strong - I’ll be fine without HIV treatment.

Fact:
You may hope to stay healthier without ever having to take medicine for your HIV. But, HIV will damage your immune system if you leave it untreated. Without treatment, it is very rare for someone with HIV to keep the amount of HIV in their blood at an undetectable level over the long term. If left untreated long enough, HIV can turn into AIDS. Starting treatment may not be something you want to do. But it can give you the chance to live a longer, healthier life.


6. Myth: Taking HIV medicines is a constant reminder that I am sick and that I have HIV.

Fact:
Try not to see HIV medicines as a reminder of being sick. Think of them as part of your desire to stay healthy. Remember, HIV medicines are a way to keep your CD4 count up and your immune system strong. When started early in the disease, HIV medicines can help preserve your immune system, reduce the risk of certain diseases, and reduce the risk of death.


7. Myth: I can't afford HIV treatment.

Fact:
There are several programs that can help you pay for HIV medicines. Don't let cost prevent you from starting treatment. If you are worried about how you will pay for your HIV medicines, here are some ideas:
*Under Global Fund, currently ARVs are 100% FREE.
*in 2012, after the Global Fund is depleted, PHILHEALTH will take over the provision of ARVs, so it's important that you have PHILHEALTH.
*Talk to your HIV HelpDesk in the different Treatment Hubs for more details.


[source -- www.treathivnow.com]

Sunday, September 25, 2011

AT YOUR SERVICE




call me
but text me first
i can talk when im not busy
follow me on twitter
ask me quick questions
i will answer when i can
ask me anything about my status 
lets talk about hiv/aids
lets talk about your fears
lets talk about your status
lets be friends
lets be safe
lets help
you
&
me


this is my special project in celebration of my very healthy 3rd monthsary
i am so blessed with an amazing support group
because of them i would like to give support to others too 
in any way i can
thank you

Thursday, September 22, 2011

House of Numbers


matagal tagal din akong di nakapagsulat, marahil nagtataka kayo --- busy lang ;)  i am nearing my 3rd monthsary and so far so good 'almost' perfect health condition... ang tanung hanggang kailan???

HOUSE OF NUMBERS --- a friend showed me this documentary film and there has been some issues there that has troubled me a lot.  if you have a chance to see it, i am highly recommending it.  you will know what i'm talking about when you see it.

yaman din lamang at napaguusapan ang mga NUMERO, naisipan kong magbilang...


alas5 na ng umaga di pa ako makatulog maraming numero ang naglalaro at bumabagabag sa aking isipan. kaya nga naisipan kong magsulat...

 
2 sa aking kakilala/kaibigan ang magkasunod na namatay 2 weeks ago, magkasunod na araw.  although the family would not announce or admit it --- they died due to complications of AIDS.  2 burol ang dinalaw ko.  nakalulungkot.



nasabi ko nga na nung JULY lamang 12 ang nag positive sa mga kakilala ko nung um-attend ako HIV testing na inisponsoran ng isang advocacy group. kamusta na kaya sila ngayon?



ngayong SEPTEMBER lamang naman ang nagpositive sa bagong testing ng isa pang advocacy group na aking dinaluhan din.  tapos 6 din ang nagpositive sa isang testing ng ASP na pinuntahan ko rin. welcome to the club sorry at buminggo kayo.



kanina dahil sobrang nabobother na ako sa dami ng nagiging positive sa mga personal na kakilala ko at tuwing isisipin ko kung sino sino sila - parati akong nawawala sa bilang, di ko na macount lahat, kaya nga nagpasiya akong konsultahin ang phonebook sa aking cellphone at itag sila isa isa for proper reference (ika nga) - nanlamig ako sa final result - out of 3198 sa contacts ko --- 20 sa kanila ang positive.  nawala ang antok ko.



6 sa kanila patay na. di ko pa rin tinataggal sa phonebook ko.



14  ang buhay pa



plus ako pa 1 so



15 na kami



3 dun sa mga nagpositive nung JULY eh nasa phonebook ko at buhay pa nga, so nai-tag ko na sila.


so bali 9 ang wala sa phonebook ko na nag-positive din nuon.



so 20 plus 9 equals 29, lahat sila kakilala ko



plus ako pa, so 30 na kami



kaso patay na nga yung 6



so 24 na nga lang kami




1 na lang PASKO na!


nasusundan nyo pa ba ako???

nakakalito na di ba?

kayo, nagsimula na ba kayong magbilang?

maybe we should all start counting before we lose track of the numbers.

pero baka eventually mapagod kayo sa pagbibilang --- dahil sa aking lagay nga ngayon linggo linggo yata ay nagbabago ang mga numero na yan, pinakaayaw ko pa namang subject eh math.

basta ang alam ko, something has to be done... am trying to do my best to help out and be part of the solution...  i am happy that i have decided to be part of the solution even before i found out that i am positive, and my being positive have just sealed my resolve that this is the right thing to do, and i will not stop on helping out and doing it, until my last breath.


ito ang aking diary

BONG

Tuesday, September 6, 2011

Get that baggage off your chest – on Sunday, 9/11


35 West Avenue, Quezon City

Playroom is located inside a discreet building complex between Quezon Avenue and Del Monte Avenue. Between the restaurants ‘Mister Kebab’ and ‘Mang Inasal’.
The front of the building complex has establishments such as ‘Slice n’ Dice’ and ‘Don Esteban’.
[Poster credit: Edwin Lacap]

Monday, August 1, 2011

HOW TO GET TO RITM (Research Institure for Tropical Medicine)



From Alabang interchange via FX taxis: Look for the FX taxi terminal at the Alabang  Rotonda.


From South Luzon Expressway, coming from Manila via private vehicle:
Exit at Filinvest toll gate  (after Alabang toll plaza) and turn left  at the next intersection.


From Zapote:
Enter Filinvest Corporate Avenue and go straight ahead.


From South Luzon Expressway, coming from Laguna:
Exit at Filinvest toll gate and turn left at the next intersection.


From the Ninoy Aquino International Airport:
Go to the taxi service counter just across the road immediately after the exit door of the arrival area and ask the taxi service person to take you to Filinvest Corporate City in Alabang in the area of the Festival Mall. (The taxi driver can choose any of the options above, except the last.)


OR

take the BUS to ALABANG via Skyway
bumaba ka sa SOUTH STATION
maglakad papunta sa CITY TERMINAL (near HENLIN)
sa tapat lang ito ng Starmall Alabang (across the street)
hanapin nyo lang ang mga Shuttle na papunta RITM





THE MANILA SOCIAL HYGIENE CLINIC



Social Hygiene Clinic - Manila Health Department, 2nd Floor of 208 Quiricada Street, Sta. Cruz, Manila(green building across the main gate of San Lazaro Hospital, between LRT Bambang and LRT Tayuman Station)


Contact Details: For inquiries, call 711-6942 and look for Dra. Diana Mendoza or Ms. Malou Tan, Monday to Friday only from 8:00 a.m. to 4:30 p.m.



Happy 1st Monthsary???

kamusta kayo?  happy ba?

it's my 1st month as an HIV positive person and so far so good naman, i am happy.  grabe andami ko yatang nagawa this past 1 month, sobrang busy... thats why di ako nakakapag update ng blog ko, pasensya na po kasi ayaw ko naman magpuyat kaya i try to get enough sleep as much as i can, kabilin bilinan ni Ate Shola.  ;)
1. SI ED. yes nasabi ko na kay Ed (my bestfriend).  he visited manila (he's from the south) so i took the opportunity to tell him. actually 2 araw na kami magkasama nun, i never got the chance to tell him at first, ayokong malungkot sya so i planned to tell him pag maghihiwalay na kami so when we were at tiendesitas at namamasyal, i decided to pull him aside and we sat sa isang wooden bench doon malapit sa mga pet shop.  hindi ko alam kung paano ko sasabihin and so i pulled out my iPad and have him read the DAY 2 - White Party entry.  yun yung entry where i texted him and i thought about him, my 2nd day.  habang nagbabasa sya, amused pa sya pangiti pangiti --- "hehehe, ako ito ah" tatawa tawa pa sya... tapos nung bandang nasa hulit na sya ng entry, naging quiet na sya, nangingilid ngilid na ang luha sa mga mata nya. so ayun nahawa na rin ako, medyo naluha luha na rin ako.  hindi naman sya sobrang umiyak pero napapansin na kami nung mga tao sa kabilang bench kaya pinigilan namin ang pumalahaw sa iyak.  siguro mga 30minutes kaming andun , di ko na matandaan kung anu pinagusapan namin. so ang ending sa halip na maghiwalay na kami nun at makatulog na sya for his early morning flight, eh di na sya natulog at sumama na lang sya sa aming gumimik at umattend ng isang birthday party.  hes back in the south, calls and text me often, checkin on me. am lucky to have a bestfriend like Ed.


2.  SI TOFFEE.  nasabi ko na rin sa kanya.  he is my longest ex more than 4 years kami.  nasa pilipinas sya for a 6-month vacation.  duktor sya.  ayaw ko rin sabihin sa kanya ng diretso so ang nangyari - 2 weeks after my rapid test, i got a call from Dr. Tuaño na dumating na ang confirmatory test galing San Lazaro, sealed daw ang envelope so i need to come and visit them sa social hygiene clinic nila.  the next morning i texted Toffee, sabi ko may importante lang akong pupuntahan at magpapasama ako sa kanya.  he said yes without asking any more questions.  sa taxi kwentuhan lang kami ng kwentuhan about his life abroad and my life here.  masaya, di ako nagpapahalata na ninenerbiyos ako.  pagdating sa social hygiene clinic dumiretso kami sa 2nd floor and nakita ko si Ate Veron, yung nurse na nagcounsel sa akin.  pinapasok nya ako sa counseling room, sinabi ko sa kanya na kasama ko ang friend ko na duktor at isasama ko sya sa loob.  naupo kami ni Toffee magkaharap sa table ni Ate Veron.  Inabot sa akin ni Ate Veron yung sobre, sinipat ko si Toffee, clueless sya, tahimik lang na nag oobserba.  binuksan ko ang sobre at binuklat ang confirmatory test result.  under sa Western Blot results naka check lahat - gp160, gp120, p66, p55, p51, gp41, p31, p24 at p17 - walang check ang p39 --- halos perfect score --- CONFEEEERMEEEED!    iniabot ko papel kay Toffee.  binasa nya ang mga nakasulat, blanko pa rin ang mukha, walang emosyon.  pinagpatuloy ko ang pakikipag usap kay Ate Veron at kung anu ang next step at paano ang endorsment sa treatment hub.  sa taxi pauwi, maraming tanung si Toffee, sinagot ko naman lahat.  marahil dahil duktor hindi sya mahirap paliwanagan.  ganundin eh sobrang positibo rin ang kanyang pananaw sa mga taong may HIV.  sa kanyang karanasan sa amerika, marami na syang nahandle na HIV patients at alam nya na hindi ito katapusan ng mundo.  sabi nya basta lagaan ko lang ang sarili ko at sa pamamagitan ng healthy living, i will be okay.  syempre importante pa rin daw ang ibayong pagiingat.  pinagusapan rin namin ibang bagay tulad ng sexlife and even party drugs, sobrang open ako sa kanya - sinasabi ko lahat, sometimes i think he knows me better than anybody else in this world.  sana eh siya na lang ang duktor ko forever, sana eh dito na lang sya sa pilipinas. i feel safer when he's around.  

3.  RITM - Research Institute for Tropical Medicine.   ito ang aking treatment hub.  medyo may kalayuan pero kumpara naman sa mga bad stories na naririnig ko about PGH and San Lazaro, i opted to go to RITM instead, mas magastos, mas malayo pero mas maganda ang facility at mas warm ang mga tao.  mababit sila lahat... si Ate Shola... si Ate Letlet, si Dra. Ditangco... i feel safe with them.   mga 2 weeks din ako pabalik balik sa RITM, sankaterbang lab tests for the baseline.  kailangan daw ito para malaman ang health status ko so lahat kailangan i-check.  gumastos ako ng kulang kulang na Php 5,000 to get all the tests done, some are free, some are not.  bawat ospital iba iba ang patakaran.  ang mga first timer daw sa San Lazaro wala pa daw 1k ang babayaran - i actually visited San Lazaro in an attempt to get my baseline tests done without spending too much.  pero my initial visit to San Lazaro just confirmed some horror stories about the place, wala ring available na duktor so i decided to abort the plan.

4.  CD4 Count = 379.   this is my first CD4 count result.  i was hoping it's higher but nevertheless it's a good count na rin.  all my laboratory tests results are also good, am in almost perfect condition except for my HIV. Stage 1 Asymptomatic.  that the BEST news i can get.  maswerte ako nagpatest kaagad ako, ngayon maaagapan ko na ito at magagawan kaagad ng paraan.  sabi ni doktora option ko kung gusto ko ng magsimula ng gamot (ARV's)  sabi ko naman pagisipan ko muna, magreresearch muna ako about it. wala pa naman ako sa standard threshold na 350. so hindi pa urgent ang mag medicate ako...  sa aking isip i will make an informed decision within the next 3 months.  hopefully everything will still be fine by then.

so happy ba ako?  i can say i am very happy, i got one bad news but all the others news that followed are good news.  busy rin ako sa trabaho most especially sa advocacy work ko. in the span of one month i feel like i have become a better person.  feeling ko rin andami kong naaccomplish sa buhay ko... it's a great start... i'm always looking forward to a great day.

HAPEEEEE!!!

ito ang aking diary

BONG


ps... eto pala ang mga tests na kelangan:



Saturday, July 16, 2011

A BIG DAY

Si TOFFEE... ex ko, pinakamatagal kong naging boyfriend, 4 1/2 years kami

Si ED... bestfriend ko for almost 15 years
 
pareho silang nakabase sa malayong lugar
pareho silang nasa maynila ngayon
kaming tatlo ang super close dati
 
imemeet ko sila mamaya, sasabihin ko ang kalagayan ko.

ninenerbiyos ako

ito ang aking diary

BONG

Tuesday, July 12, 2011

AKO SI BONG

13 araw na ang nakalilipas ng malaman ko ang malungkot na balita.  reactive ang resulta HIV screening ko. POSITIVE. 

ako si bong.  nasa 30s. single. isang propesyonal at baguhang businessman. mahilig din ako sa arts.  sabi nila masayahin daw ako at may reputasyon sa pagiging masyadong mabait, parating nakangiti.  ako ang taong hindi mahirap pakisamahan at madaling mag adjust dipende sa mga taong kasama ko.  dahil dito marami akong kaibigan.


mahina ang loob ko sa komprontasyon, hangga’t  maiiwasan ang makipag away ay gagawin ko at ako na lang ang tatalima.  ganun talaga yata ako, sadyang positibo ang pananaw sa buhay.  kung maaring maiwasan ko ang mga negatibong bagay ay gagawin ko.  lagi akong handang umusad at harapin kung anu man ang ipukol sa akin ng tadhana.  sayang ang oras para magmukmok, para umiyak, dapat itong iwasan.


para sa akin ang bawat tao ay unique at may angking kabaitan, at madalas ay kailangan lang nating makita ang kalooban ng bawat isa, walang bias, walang paghuhusga, at tanggapin sila ng buo at isa alang alang na sila ay produkto lamang ng kanilang nakaraan at pinagdaanan.  dahil sa paniniwalang ito, sa mahigit tatlumpong taon ng aking buhay, ay naging maligaya ako, halos wala akong kaaway.  wala akong naging malalaking problema. until now.


masuwerte ako na ipinanganak ako sa above-average na pamilya, napagpaaral kaming magkakapatid ng aming mga magulang at kailanman ay hindi ako pinuwersa ng aking mga magulang na sumuporta o sumustento sa kanilang mga pangangailangan.  naging independent ako at easy-go-lucky. marahil ay sapat na sa akin na maayos ang kininkita sa trabaho at may konting laman ang aking bangko na sapat lamang sa ilang kinakailangan luho sa aking katawan.  paminsan minsang paglabas ng ibang bansa, hobby ko yun, pakiramdam ko na eenergize ako pag bumibiyahe ako, kahit local o intenational trip. pinipilit kong bumiyahe taon taon.


isa akong MSM, PLU, BAKLA, HOMOSEXUAL --- bata pa lang ako alam ko na ito, marahil ramdam na rin ng lahat ang pagiging malambot ko nuong una pa lang.  bagama’t walang harapang tinatanung ang aking kasarian, mula ng magkaroon ako ng maayos na trabaho ay hindi ko na itinatago ang aking sexual preference.  okay na sa mga bagong kaibigan na malaman nilang bakla ako. iniiwasan ko lang na maging out sa aking mga kamaganak at mga lumang kaibigan. marahil ay sadyang naiilang pa rin ako.


sa loob ng 13 araw na iyon, maraming unti unting nagbabago sa aking buhay.  maliban sa masamang balita ng HIV, ay halos magaganda naman lahat ang mga pagbabago sa buhay ko. mga bagay na kusa kong dinesisyunan.  marahil ito ang isa sa pinaka magandang epekto ng HIV sa buhay ko.  ngayon pa lang ay sadyang pinapahalagahan ko ang bawat araw ng aking buhay, bawat minuto.  dahil dito nagsisimula na akong magfocus sa mga bagay na mahalaga sa aking pagkatao. 


kalusugan.    na-renew ko na ang Philhealth ko, malaki daw ang maitutulong nito sa pagdaraanan ko.  nag enroll na rin ako sa gym, tatlong araw na na akong naggygym.  mahigit 4 na taon na yata akong hindi naggigym.  masarap ang pakiramdam.  sana ay unti unting gumanda ang resistensya ko.  nagiging maingat na rin ako sa aking pagkain at pinipilit na lagyan ng limitasyon ang pagpupuyat, di katulad nung dati. 


iwas stress.  lie-low sa trabaho, magbigay ng mas maraming oras sa sarili at magpahinga.  madalas hinahanap ko ang mga barkada ko, basta may mag aya, magkape, mag mall, mag sine – sama kaagad ako. medyo magastos na lifestyle pero sana ay makayanan ko, masaya ako pag kasama ko sila, sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob.  so far so good.


bago pa man ako naging positibo sa HIV, aktibo na ako sa advocacy ng HIV education and prevention.  nagsimula ito mga 3 taon na ang nakakaraan.  nuong una ay hindi ko inaaalintana ang HIV, di ko ito pinapansin, maliban sa napagaralan ko sa kolehiyo, ay wala na akong kaalaman ukol dito. 3 years ago ng may kauna unahang kaso ng HIV/AIDS  sa mga taong personal na kakilala ko. mula nuon namulat ang aking mata sa katotohanang andito na sakit na ito, tunay na nangyayari, at sa aking mga kakilala.  mula nuon, sa mahigit tatlung taon, apat na yata sa aking mga kakilala ang namamatay sa sakit na ito.  may mangilan ngilan na rin akong kilalang positive.  kaya nga mula nuon ay naging aktibo na ako sa advocacy na ito, hanggat may maitutulong ako, ginagawa ko.


kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng sertipikasyon para maging  HCCT (HIV Confidential Counseling & Testing) Counselor.  medyo mabigat sa dibdib na mag training para maging counselor dahil mahigit ilang araw pa lang ako na-didiagnose na positive.  pero kinaya ko.  tinapos ko para maipagpatuloy ang advocacy na ito.   during the training may mga nakilala na rin akong mga kapwa positive na mga kaibigan.  tunay ngang marami silang nasa palibot lang natin, hindi lang natin alam. nasa paligid lang sila.  nasa paligid lang KAMI.  kasama ninyo.




ito ang aking diary

BONG