Thursday, 6 October 2011

WORRIED ABOUT MY FUTURE Ms.UNIVERSE STINT!

39degrees centigrade - yan ang lumabas sa electronic thermometer nung kunin ng resort-nurse yung temperature ko.

kakarating lang namin sa isang resort sa southern luzon ng maramdaman ko na mainit ang pakiramdam ko.  kasama ko si Don at ang boyfriend nyang si Exo.

actually the day before pa lang masakit na ang ulo ko at parang medyo sumasakit ang mga siko at braso ko, pati small joints sa kamay - pero dahil nakaplano na ang maigsing bakasyon na to, kaya naisipan ko na ring tumuloy.  tutal may dala naman sasakyan si Don at maganda naman yung exclusive-resort kung saan may unit sya, tapos miss ko na ang fresh air, tapos si Exo di pa nakakarating dun so mukhang excited sya, at higit sa lahat dahil walang proyekto sa susunod na tatlong araw so wala talaga akong gagawin --- kaya kahit lulugo lugo ako ay tumuloy pa rin akong sumama sa biyahe kinabukasan, naisip ko makakarelaks naman ako dun.  kaya naman matapos ang mahaba habang tulog ay gumising akong maganda ang katawan.
 mahigit 4 na oras din ang biyahe namin, sa kalagitnaan pa lang naramdaman ko agad na parang mainit ang leeg ko, nagsisimula sa dibdib hanggang ulo. gayunpaman wala na ang sakit ng ulo ko at di na masakit ang mga kasukasuan ko, pero parang mainit lang talaga ang pakiramdam ko.  ang ginawa ko , hindi na lang ako masyado naggagalaw sa kinauupuan ko, at pilit na inenjoy ang biyahe.

napansin ko lang, habang iniiwan naming ang maulan at basang basang kamaynilaan at binabagtas ang madulas na south express way ay unti unting uminit at umaaraw naman sa calabarzon, sabay na sabay ng unti unting pag init ng aking katawan at pakiramdam.
 kaya nga pagkarating na pagkarating sa resort at matapos kumain, sumugod kami sa clinic - so ayun na nga 39degrees daw, sinilip nya ang lalamunan ko, mapula daw talaga.  binigyan ako ng nurse ng 3 tableta ng antibiotic na kailangan inumin  2 times a day.  tinanung ko si miss nurse, di ba mataas yung 39?  sa isip ko kasi ang madalas na naririnig ko mabababa, minsan lang ako nakakarinig ng 39degrees na lagnat, lagi naririnig ko 37 or 38 lang yata na lagnat tapos worried na sila, tapos ako biglang 39 degrees na agad. katakot naman.  ang sagot ni miss nurse – “oo nga ang taas nyan, buti nga nakakalakad ka pa eh, usually pag ganyan kataas sobrang sama na pakiramdam nila, nakahiga na lang sila - basta pahinga ka lang at ituloy mo ng 7 araw yang antibiotic mo, kasi may infection ka talaga” tuloy tuloy si ms nurse.

*******
sa totoo lang i am already in my thirties, pero all these small things are brand new to me, fever and joint pains and sore eyes are all foreign to me.  ako na yata ang isa sa pinaka healthy sa mga taong kakilala ko, kahit medyo stocky ako at hindi gym bod, never akong nagkaproblema sa health ko pagdating sa mga lagnat lagnat at trankaso na ganyan.  kahit lahat na yata ng kasama ko sa trabaho ko at kaibigan ko ay nagka sore eyes at sinipon at nagkatrangkaso na every season.  ako….. NEVER!
…until now   L
actually 2nd time na pala ito, the first was first quarter of this year (6months ago) when pinabayaan ko yung pigsa ko - lumala, ayun naospital tuloy ako. nilagnat lang ako on my first night na nakaconfine ako but that was it… pero may clear reason so expected na yung konting lagnat, first time ko rin magkapigsa. 
pero hindi ganito - nagbago lang ang klima tinatrankaso na, maybe normal para sa iba, maybe sa karamihan pa nga - pero not with me, that is not me.
and so i start to worry… konti lang, as in konti lang
konti lang – dahil aside from “i feel hot”, wala akong nararamdamang anumang sakit, walang sakit ng ulo, walang sakit ng katawan, walang kahit anu. Parang tinatamad lang ako at nanlalambot.  AYYYY meron palang  konting sakit sa lalamunan, siguro mga 5% na sakit.  halos di ko nga napapansin kung di pa itatanung kaya parang di counted na yun, para ka lang nabilaukan ng _____, mas worse pa nga yun ;)
konti lang - dahil iniisip ko lang, siguro tumatanda lang talaga ako at hindi dahil sa HIV status ko
konti lang – dahil sabi nga ni miss nurse anlakas ko pa raw for a person who has a 39degrees na fever
konti lang – dahil madali naman tumakbo sa ospital kung anumang mangyari.
konti lang – kasi kung malala man ito dapat ay may iba na akong mas malalang nararamdaman.
konti lang – siguro mga 10% na worry lang.

*******

as of this time of writing I am already on my 3rd day, I’m back in manila and doing some simple tasks, di ako masyado gumagalaw galaw, nagpapakatamad muna.  wala na rin yung on and off na fever that was there during the 1st 2 days, subali’t datapwat na enjoy ko pa rin ang aking saglit na bakasyon sa resort, nakapasyal pasyal pa kami  nakapagbasa ng maigsing libro.  yung sore throat ganun pa rin 5% walang pinagbago.  tuloy pa rin ang antibiotic.  overall I feel good but definitely not perfect. pasalamat talaga ako at walang masakit sa katawan ko. siguro kung meron, yung 10% worry ko eh madadagdagan ng 1% sa bawat aray na masasambit ko. yay. ayoko nun.

---pero hindi ibig sabihin nun eh hindi ko na ipapagwalang bahala ang mga bagay na ito dahil gaano man ako ka positive-thinker alam ko na seryoso ang hiv status ko -

isa itong PATOTOO. ---na ako’y mortal at maaaring matibag

[ hoy bakla hindi ka si darna no, di ka forever malakas, lagi kang puyat, alas tres na ng umaga nagbloblog ka pa rin eh kakapiranggot naman nagbabasa ng blog mo, chat ng chat anchachaka naman, raket ng raket. biyahe ng biyahe --- SLOW DOWN, kung di ka makatulog mag www.youjizz.com ka na lang, tutal hiv advocate ka naman! ]

 isang itong INDIKASYON. ---na mayroong masamang nagyayari sa aking katawan.

[ buti nga me early warning device ang katawan natin, kung hindi, hay naku, biglang ma tegi ka na lang day, maloka ang mga libo libong facebook friends mo at biglang nag #RIPSteveJobs ka na rin, di bali sana kung kasing sikat ka nya no, ga-langgam pa lang ang mark mo sa mundo compared sa kanya, baka pag nategi ka, after isang kembot lang eh “zino sya???” na ang script ng mga twitter followers mo! madepress ka pa sa pugatory  ]

isa itong PAALAALA. ---na minsan sa aking buhay ako’y naging pabaya at mapangahas.

[ hello! kelangan pa bang imemorize yan? isa kang pusit, bagong bagong pusit. ngayon mo lang ba napansin na itim ang dugo mo? nag PNP ka ba naman day, at nakarami ka pa, yan tuloy what do you expect,  a medal of valor? a heroes welcome? no more pointing fingers especially if your fingers are dirty! tanga ka kasi…  di mo ako sinama! naku teh kung sinama mo lang ako at nakita mo ako mag GV, baka binottom pa kita!  ---CHOZ lang gurl! lab kita alam mo naman yun syempre bez tayo, eh ang totoong sinasabi ko lang naman eh,  It’s really not your fault, nagkataon lang ikaw ang buminggo – it’s like the universe all conspired to give it to you at that glorious moment --- ikaw na talaga bakla pinagpala kang tunay! ]

isang itong SIMULA. ---ng isang mahaba habang kalbaryo ng mga pagsubok na kailangan kong harapin.

[ start pa lang yan teh, di pa bonggang bongga - soft opening pa lang kumbaga, parang pre judging lang! bumubuwelo pa lang, nagrerehearse pa lang silang lahat!  tutal pang-international ka naman talaga, alam nila yun kaya naghahanda sila ng bonggang production numbers nila --- parang isang malaking MisU lang yan bakla… isa isa silang lalabas sa tamang cue ---- pero this time para may suspense hindi na sila alphabetical order tatawagin, super random na lang talaga, parang sasadyaing gulatin ka pag di ka nakatingin, pakiramdaman-ever lang sila sa backstage, palakasan ng loob kung sino na ang ready to show-off, tapos pag biglang nag cue ang pamintang stage manager. magugulat ka na lang biglang mag aapear si Ms. Turkeyculosis  at biglang susundan ni Ms. Philippineumonia with her tsunami walk  ever sa harap ng stage - dun sa dapat eh slot mo.  dalawa pa lang yan sa early favorites teh, wala pa yung ibang rare-breeds na paminsan minsan ay nagaagaw ng korona tulad ni Ms. Kaposi Sangola ---sa sobrang tindi ng laban di ka na umabot kahit sa question and answer man lang, di mo kasi binantayan kelangan on-guard ka lagi teh. sa huli  TEGI-GIRL ka na  lang  at hindi ka na nakalaban pa, parang nadulas ka lang sa stage pero di ka na nakapag Miriam Quiambao at nag Kris Aquino ka na lang diretso sa ilalim ng stage of purgatory.  kawawa ang millions of followers mo worldwide ateh, sinayang mo lang ang training mo sa Araneta Gayeway Cubao.  nakakahiya sa mga fans!  pero don’t despair ateh, isa lang talagang award and surelalu na iuuwi at iuuwi mo ---100%! with the wide network of fake and real friends you have online, sayo na talaga, walang duda, ikaw ang automatic Ms. Popularity sa dami ng maglaLIKE sa facebook status mo.  believe  me teh, kahit sadyang di ka naman kagandahan  at di ikaw ang “early favorite” ikaw ang mananalo sa special award na yan dahil sa dami ng magreRETWEET sa performance mo sa TSISMWITTER complete with comments and #tags pah--- bongga debah! yan kasi ang uso ngayon teh – ang tawag dyan VIRAL TSISMISTISING! dedo ka na nga andami pa ring bad publicity! anoh teh  ready ka na ba?  ang saya saya devah! kaloka! ]



kambyo---pero hindi ibig sabihin nun eh hindi ko na ipapagwalang bahala ang mga bagay na ito dahil gaano man ako ka positive-thinker alam ko na seryoso ang hiv status ko -
isa itong PATOTOO, INDIKASYON, PAALAALA, SIMULA - at dahil malay ako sa katotohanang ito,  malay din akong naghahanda at umuusad sa aking pang araw araw na buhay.

maraming pagsubok ang darating
malaking laban ang kailangan paghandaan
ALAM KO ITO

malalim dapat ang aking paghuhugutan ng lakas
matibay dapat ang aking kakapitan pagdating ng panahon
MERON NA AKO NITO

kung kailan –
hindi ko alam

kung hanggang saan –
hindi ko rin alam

sa badang huli, matatalo ako –
tatanggapin ko

sa panahong yun lamang ako susuko –
sa panahong yung lamang ako malulungkot

pero dahil walang makakapagsabi sa akin kung kailan yaon-
walang makapagpapalungkot sa akin


*******

ang importante ngayon masaya ako, okay lang magworry paminsan minsan, sa huli masaya pa rin ako, ganyan yata talaga akong lumaban. deadma parang wala lang.


sa huli ito ang aking tanung -
pag dumating na kaya ang pinakahihintay na beauty pageant ng buhay ko.  anu kaya ang role mo sa maaring bonggang pagtrend ng pangalan ko sa tsismitter? 

ilike mo ba status ko?
ifofollow mo ba ako?
follow anonymously?
subscribe kaya?
ireretwismis mo ba ang status message ko?
iretwismis with comment? (dagdag o bawas?)
good comment? bad comment?
itatag mo ba ang mga friends ko?
itatag mo ba ang mga enemies ko?
direct message?
make favorite?
refresh screen?
donate?
add as friend?
block?
exit?
ignore?
post comment to selected list lang?
control-alt-delete?

maloka ka sa dami ng choices mo!!!!!

medyo madali sagutin kasi si BONG lang naman yan, isang eklaterang blogger di ko naman kilala yan by heart.

pero pag nakilala mo ang tunay na BONG
(syempre echos lang yung BONG no, di ko real name yan gagah!)
at kilala mo pala siya… close friend mo pala sya… o fuck buddy mo pala sya… ex mo pala sya… mortal enemy mo pala sya… soulmate mo pala sya (hoping lang)…

i’m bonggang bonggang sure mag-iiba ang sagot mo sa mga tanung sa itaas…
unfair ka eh…
may bias…

may “dipende”

di ba dapat parepareho lang at standard lang sagot natin?
dapat may isang tamang sagot lang?

ganun naman dapat talaga di ba?

YOU WISH!!!

hindi ganyan sa real world.

worried lang din ako kasi im not alone, maraming pusit sa dagat, di nyo lang alam kasi di pa kayo ready malaman, kaya di namin sinasabi, ang mga pusit kasi nashoshokot na rin kasi ang tigin sa kanila nga karamihan dirty, ewwwww... kaya ayun and tendency namin eh sumama sa mga kapwa ewwwww na lang. it's sad.

siguro pag dumating ang time na uniform na sagot natin lahat sa mga tanung sa itaas irregardless of the conditions…

tsaka lang ako tatakbo sa harap ng stage at sisigaw ng…

MABUHAY! MY NAME IS (insert real name), CALL ME PUSIT FOR SHORT AND IM REPRESENTING THE SEAFOOD COMMUNITY OF MANILA, PHILIPPINES. THANK YOU!



********

note to self:
1. buy an electronic thermometer
2. visit RITM for a check up
3. get my 3rd month cd4 count
4. decide on ARVs asap
5. joujizz.com before bed

5:20am

ito ang aking diary

BONG 


*follow me at twitter --- @ako_si_BONG


1 comment:

  1. nice that you are back..my role? the one who will pray for your success sa iyong pageant...sana maging title holder ka na. hehehe... ingat always! :)

    ReplyDelete