Showing posts with label issues. Show all posts
Showing posts with label issues. Show all posts

Friday, March 21, 2014

NEWBIE SI JOE!

On Mar 17, 2014, at 5:13 PM, Joe wrote:

Hi sir bong,

My name is joe. Bagong enroll po ako sa sagip. Natatakot po ako kasi nitong january ko lng po nalaman na positive din ako. Nung nabasa ko yung blog mo natakot ako sa shingles, kasi may shingles like din ako sa left arm... Diko pa po sure kung shingles ngato kasi di pako nakikita ng doctors. Still waiting padin po ako sa cd4baseline result ko. Pag lmabas nadaw po cd4 ko thats the tym lng na i eeskdyul nila ko sa doctor. Natatakot po ako. Sa blog m po nagkaron ka ng shingles, kumusta napo kayo? Delikado po ba un? Tip naman po on how to deal with it. Wala pa po kasi akong arv e.

Salamat

-joe

----------

On Mar 18, 2014, at 1:53 AM, Bong Lopez wrote:

Shingles ay parang medyo katulad ng chicken pox, kapag nagkachicken pox ka na nasa katawan na natin ito. Sabi ni doc common daw ito sa mga immunocompromised kahit anu pa ang cd4 level. Madalas daw lumalabas ito kapag sobrang stress, naaactivate daw ito na nagiging shingles.

Kung shingles talaga yan dapat masakit at makati at nakikita sa isang side lang ng katawan natin. At dadami ng dadami kung di agad gagamutin.

Dapat pinakita mo kaagad kung sino man ang nurse or duktor sa SAGIP para naagapan.

Medyo mahal ang gamot, almost 8thousand yung nagastos ko. Pero dahil day1 pa lang napacheck ul ki na agad. Di na sya dumami sa akin at di naging masakit. Me maliit na lang na mark sa may tuhod ko ngayon.

Pacheck up mo agad sa duktor.

Bong

----------

On Mar 18, 2014, at 9:46 AM, Joe wrote:

Nawala din po ba sya? I mean after ng gamutan di na sya bumalik. D naman po masakit at makati yung sakin. Ngayon po nag black na sya. Parang sugat na gumagaling na.

----------

On Mar 18, 2014, at 12:06 PM, Bong Lopez wrote:

Mawawala daw yung mark pero medyo matagal yata. In the future pwede pa rin daw bumalik.

Bong

On Mar 18, 2014, at 1:41 PM, Joe wrote:

Nakita nyo napo ba yung bagong news.... 448 new cases daw po of hiv in january 2014. Average age 28 yo. 85% male. Natatakot po ako. Isa ako sa 448. Ang dami masyado.... Kayo po ba malakas pa? I mean na confine napo ba kayo before. May mga naging infections napo ba kayo? Pasensya napo madamim akong question gusto ko po kasing maging aware sa mga common infections and gustong gusto ko po kasi nakakarinig ng mga success stories pampalakas ng loob ko. Ryt now po kasi di pa alam ng family ko even bf ko. :( Salamat

Joe

----------

On Mar 19, 2014, at 2:54 PM, Joe wrote:

Hi ser bong...galing po akong sagip just now. Hindi binigay ni nurse anne yung exact number ng cd4 count ko. Sabin kasi nya doctor ko ang magrereveal sakin. Sabe nya below 350 nako. Per di namn daw sobrang baba :( natakot nnman po ako. Nagwoworry po ako. Sabe nya i-sskedyul padaw nya ko. Regarding namn po sa shingles like na nasa arm ko..... Sabe nila di namn daw po to shingles. So negative po ako sa shingles. Insect bite lng daw to na di gumaling. Haist..... Nkakapag worry tlga tong araw nato.

After nun di po ako napakali so nagpatingin po ako sa derma sa metropolitan medical ctr.. Pinakita ko yung shingles-like sa arm ko gaya ng advise nyo. Ayun bingo.... Ang sabe ng derma is herpes zoster daw so niresetahan nya ko ng gamot. Sabe nman po nya pagaling nayung nasa arm ko pero inadvise padin po ako na inumin yung antibiotic.

Thannk you po sa mga responses nyo.. It helps a lot. Salamat din po sa blog nyo kasi nagiging aware ako sa condition ko.. Plus pag may naririnig po akong mga success stories sa gaya natin lumalakas ang loob ko. Tumatapang ako. At nagkakaron ng will to survive. Salamat po.

-Joe

----------

On 3/19/14, Bong Lopez wrote:

Good news yan. Mabuti at nagpatingin ka sa duktor agad. Just drink the

antibiotic in complete dose. Kung talagang below 350 na ang cd4 mo, most

probably eh irerecommend na ng duktor na mag ARV (gamot) ka na sa susunod na

appointment mo. Mabuti na rin yun para maagapan ang gamutan. Goodluck sa

iyo. Balitaan mo ako ha.

wag masyado magworry. Kasi lalo makakasama ang pagwoworry.

Bong

----------

On Mar 19, 2014, at 4:45 PM, Joe wrote:

ikaw po ba? Kmusta napo pakiramdam nyo? Nakakaramdam din po ba kayo ng

panghihina simula nung nag arv kayo? - salamat

Joe

----------

On Mar 19, 2014, at 7:13 PM, Bong Lopez wrote:

I feel perfectly fine. Wala akong nararamdaman masama sa katawan ko.

Paminsan minsan may fungal and viral infection, which is minor lang naman at common sa mga immunocompromised. Ang kelangan lang masipag magpatingin sa duktor at sundin lagi ang gamot.

Dipende sa ARV na ibibigay sa yo, me kanya kanyang side effects naman, eventually magiging manageable na rin. Ieexplain naman sa iyo ng mabuti yan ng duktor bago ka magsimula.

Makabubuting magresearch ka sa www.thebody.com kasi kumpleto iyan sa lahat ng mga sagot sa mga katanungan ng mga bagong diagnosed.

Yes sagip ako pero semi private clinic ako ni dra kate sa shaw blvd. Di pa ako nakakarating sagip unit ng pgh eh.

San eh eventually magkalakas loob ka ng sabihin kahit sa ilan sa kaibigan, pamilya or BF mo. At wag kakalimutan lagi ang magproteksyon.

Goodluck sa atin.

;)

ito ang aking diary

ako si BONG

 

Tuesday, October 22, 2013

MERCURY RETROGRADE BREAK UP!

from http://www.astrologyzone.com/forecasts/mercury.html

At several points throughout the year most of us will be bombarded with the maddening effects of Mercury in retrograde. Mercury is a planet which governs all transportation and communication issues. Mercury is not an emotional planet, but rather a highly objective, truth-seeking one. It rules intelligence, education and truth. When it is in retrograde, some of its power is held back.

When Mercury starts turning in an apparent backward motion, we will start to feel the effects of this event days or even as far as two weeks earlier. When the planet normalizes we will see the tempo of events pick up in our lives as the planet becomes "stationary" and then speeds forward.

Gemini and Virgo are signs ruled by Mercury, so if you are one of those born during those months, you will be complaining especially loudly. If you work in the industries ruled by this planet such as sales, writing, public relations, advertising, publishing, air freight, the post office or express mail, any transportation industry, from the airlines to Amtrak, you'll also be especially vulnerable to this planet's weird motions in September. (If you are a Gemini, for example, who works in publishing, it's no use calling in for a month of mental health days--you can't escape!)

What happens when Mercury retrogrades? You miss appointments, your computer equipment crashes, checks get lost, you find the car you just purchased during Mercury retrograde is a lemon. (Or, you hate your haircut, the lamp you bought shorts out, your sister hates her birthday gift.) There will be countless delays, cancellations and postponements--but know these will benefit you in the long run. Don't fight them, although your frustration level and feeling of restlessness will be hard to cope with at times.

In matters of the heart, if your boyfriend or girlfriend breaks up with you or says something hurtful, take a wait-and-see attitude. Since Mercury rules speech, they may not mean what you think they are saying now. Let them have some space, and wait to see if they mean in October what they said in September.

 

ABOVE EXPLAINS WHAT HAPPENED LAST NIGHT WHICH LED TO MY SMS TO HIM THIS MORNING:

------ I love you so much hon! Di magbabago yun! I am letting you go not because i am giving up but because i want you to be happy. Remember to always reflect on what your goals are and what needs to be done. Sana eh wag mong pababayaan ang sarili. Ang mga boys will just come and go! Most impt is you love and protect urself all the time. I will miss you! Thanks for the most memorable 1 1/2 years of my life.

-------

and so today is the start of my new state of #SINGLEBLESSEDNESS #efavirenz4REBOUND

dont ask me if am okay coz am PERFECTLY FINE :)

ito ang aking diary

ako si BONG

 

Friday, September 6, 2013

SURVIVED DAY 1!

OA naman, parang big big deal. parang nagkasakit... hindi naman. i just survived Day 1 of m ARV medications. am now on day 2. So far so good, its not as bad as i expected.

(SHIP - my new clinic in shaw blvd)

TRANSFERED HUBS

i am now with SAGIP Unit (STI/AIDS Guidance Intervention & Prevention Unit) under UP-PGH. lumipat ako from RITM-ARG at mabilis lang naman ang proseso, napaka accommodating pa rin ng mga taga RITM Alabang and i soooo love them still. pero there are some important considerations why i have to transfer. kaya ayun, wednesday morning i was at RITM Alabang then kinahapunan, dala ko na ang endorsement at medical abstract ko sa clinic sa shaw.

bakit kamo? kasi nga am about to start ARV na. eversince naman eh naisip ko na that when the time comes na kelangan ko ng mag gamot and my CD4 count gets to lower than 350, i would like to have a private doctor, someone who can give my case more attention. syempre lahat naman tayo gusto yung naaalagaan tayo. hassle din kasi minsan ung dami nakapila for consulatation then all you get is a few minutes with the attending doctor. minsan lang feeling ko baka may di mapansin sa case ko at baka may mamiss-out.

and so i found a great doctor, (si Dra. Kate) dahil super duper highly recommended sya ng ilang friends ko. at dahil under sya sa UP-PGH kaya i needed to transfer hubs. ang good news pa eh she holds clinic sa shaw blvd lang, lapit lang sa akin, all labs and dispensing of medications can be done there so super convenient para rin sa akin. syempre dahil sa philhealth libre pa rin lahat ng gamot and labs, mabuti na lang at continuous ang contributions ko. having a private doctor means me consultation fee (not free) and for me its totally fine, so long as ensured ako na naaalagaan ang case ko. Php 550 per consultation, i'd say not bad kasi halos ganun din naman nagagastos ko everytime bumibiyahe ako sa Alabang.

i am going to miss alabang.

DAY 1

after waiting for a few weeks para sa results ng sputum at xray ko, i was finally cleared and ready to start ARVs. all my labs wer great except that medyo mataas daw cholesterol ko - DIET DIET DIET sabi ni dra.!!! kaloka i soooo love her, sya yung duktor na super kwela at masaya kausap, walang ni isa mang hint ng judgement sa pagkatao mo kaya nga because of that i feel soooooo safe to tell her everything even my occassional recreational drug use. tapos super sipag pang sumagot sa mga emal at text, feel ko na she really wants to help out and take care of you.

so i brought my BF during my ARV counseling para maging treatment partner ko. naexplain naman ni doc ang mga gamot ko and possible side effects. sabi nya of all yung EFAV lang talaga ang medyo nakakagroggy kaya sa gabi sya tinatake before sleeping.

(efavirenz -adverse effects)

 

and so yesterday was day 1, TENOFOVIR - LAMIVUDINE - EFAVIRENZ, considered 2nd-line ARV na yata yun because dra thinks its best for my case. i stayed at home the whole day to see what happens.

morning medications did not have any noticeable effect whatsoever. yung efav sa gabi ang medyo nahilo at nagroggy nga ako. parang slight naka ecstasy ka lang pero since nakahiga na rin ako agad 30mins after taking it di ko na siguro naramdaman yung ibang effects. i just noticed mga 3x ako nagising middle of the night at parang medyo restless, pagkagising ko kaninang umaga hilo pa rin ako for about 1hr tapos unti unti rin nawala. itinodo ko na rin yung aircon kagabi kasi sabi nila it can feel hot sometimes. dahil dun di ko naman nafeel kung uminit nga ako.

so ayun success ang day 1 ko ko, i hope tuloy tuloy lang and that after 1 month my labs will show good numbers pa rin. wish me luck.

 

VACCINES

have to save money pala for more vaccines to protect myself from other possible diseases. magastos din but have to do it. IPON IPON IPON!

 

so ayan, alam nyo na na buhay pa rin ako, alive and kicking all over. happy lang. tamad lang talaga ako magblog lately. sensya naman.

o kamusta naman kayo?

 

ako si BONG

ito ang aking diary

 

Thursday, May 30, 2013

THE ELUSIVE 500!

Stats update, i'm back at 498 from a low of 382 two months ago. so am back to "not wanting to get meds" ulit.

it was actually a steady improvement for 1 1/2 years until i got some bacterial infection last february that led to some neuropathic problems (unrelated to my serostatus). i was under medications which is expected to bring my immune system down. fortunately i recovered fast in just a matter of 3 weeks and my doctor said that it's a sign that despite my HIV status my immune system seems strong.

true enough my cd4 went down 382 last february and the doctor recommended that i start ARVs na. i hesitated and decided to wait another 3 months and see if my cd4 count would improve. nevertheless they started me on 6mo of daily doze isoniazid which is a phropylactic medications for TB.

and now the great news --- as of May my cd4 is up at 498 and i should say back on track.

improving without ARV medications.

something that i am very thankful of.

hindi nagpapatalo ang immune system ko, palaban pa rin.

i dont know how long they can hold this fight and i sincerely hope that they would not need medicinal reinforcements soon.

but then again there are a lot of study pointing to early medications as very beneficial to PLHIVs and that it will promise better protection for my sexual partner (bf). kaya mahirap pa rin magdecide i am torn between keeping a status quo and try to live a healthy life free of medications. or starting a new life on medications which can potentially impact my lifestyle.

for now am choosing the easier route of the status quo. i think my immune system deserves a chance to prove itself and fight this virus without reinforcements.

the elusive 500 cd4 count, i hope in another 3 months time i get to that mark or higher. it will surely make my resolve stronger that despite my serostatus, my body is winning the battle, for now.

ito ang aking diary

ako si BONG

 

Wednesday, May 15, 2013

HIV MEDS ADHERENCE???

Exactly what level of adherence to HIV medications is required to maintain virological control?

Dear Dr. Young:

This is a question that has always intrigued me, ever since I started on an effective antiretroviral treatment combination in 1997. Back then we were warned that even missing a single dose of our medications could spell disaster i.e. HIV resistance and subsequent loss of virological control. So I mustered all the self-discipline I could and took my medications as "correctly" as humanly possible and attained virological control (viral load measurements below the limit of quantification using whatever technology at the time) that I have maintained. Recently I undertook a very rigorous audit of my adherence that disclosed that in fact I take about 99 per cent of my doses and completely miss about one per cent in a one-year timeframe. Despite this error and lack of perfection my viral load remains undectable. I was just curious because even with the utmost of care that I bring to the task I still fall short of one hundred per cent perfection. Thank you for any insight you can provide.

Please accept my best regards,

Wayne Toronto, Canada

______________________

Response from Dr. Young

Hi Wayne and thanks for posting from Canada.

Perfection might be a goal, but rarely achieved.

You're adherence is exemplary- 99% is excellent and not associated with any decline in viral suppression. I would not be concerned about a 1% missed dose at all.

While we continue to quote a 95% goal (from a ~1999 study), with current medications, it's quite likely that lower levels of adherence continue to provide very good viral suppression.

In my clinic of less-than-perfect patients, loss of viral control has been exceptionally rare, and often the result of complete discontinuation of medications, rather than the inadvertent missed dose. So, worry not.

Be well, BY


Source: http://www.thebody.com/Forums/AIDS/Meds/Q229268.html?ic=700101

 

Sunday, May 5, 2013

THE CURE! IS IT ALMOST HERE?

By Jake Wallis Simons (6:30PM BST 27 Apr 2013)

Source: http://www.telegraph.co.uk/health/healthnews/10022664/Scientists-hope-for-HIV-cure.html

Researchers are working on "novel strategies" to find a cure for HIV, with the first results expected “within months”.

Danish scientists are hoping for results that will show that “finding a mass-distributable and affordable cure to HIV is possible”.

They are conducting a clinical trial to test a “novel strategy” in which the HIV virus is "reactivated" from its hiding place within human DNA and potentially destroyed permanently by the immune system.

The move would represent a step forward in the attempt to find a cure for the virus, which causes Aids.

The scientists are currently conducting human trials on their treatment, in the hope of proving that it is effective. It has already been found to work in laboratory tests.

The technique involves unmasking the “reservoirs” formed by the HIV virus inside resting immune cells, bringing it to the surface of the cells. Once it comes to the surface, the body’s natural immune system may be able to kill the virus.

In vitro studies — those that use human cells in a laboratory — of the new technique proved so successful that in January, the Danish Research Council awarded the team 12 million Danish kroner (£1.5 million) to pursue their findings in clinical trials with human subjects.

These are now under way, and according to Dr Ole Søgaard, a senior researcher at the Aarhus University Hospital in Denmark and part of the research team, the early signs are “promising”.

“I am almost certain that we will be successful in activating HIV from the reservoirs," he said.

“The challenge will be getting the patients’ immune system to recognise the virus and destroy it. This depends on the strength and sensitivity of individual immune systems, as well as how large a proportion of the hidden HIV is unmasked.”

Fifteen patients are currently taking part in the trials, and ithe first results from the trial are expected to presented in the second half of 2013.

Dr Søgaard stressed that a cure is not the same as a preventative vaccine, and that raising awareness of unsafe behaviour, including unprotected sex and sharing needles, remains of paramount importance in combating HIV.

With modern HIV treatment, a patient can live an almost normal life, even into old age, with limited side effects.

However, if medication is stopped, HIV reservoirs become active and start to produce more of the virus, meaning that symptoms can reappear within two weeks.

Finding a cure would free a patient from the need to take continuous HIV medication, and save health services billions of pounds.

The technique is being researched in Britain, but studies have not yet moved on to the clinical trial stage. Five universities — Oxford, Cambridge, Imperial College, London, University College, London and King’s College, London — have jointly formed the Collaborative HIV Eradication of Reservoirs UK Biomedical Research Centre group (CHERUB), which is dedicated to finding an HIV cure.

They have applied to the Medical Research Council for funding to conduct clinical trials, which will seek to combine techniques to release the reservoirs of HIV with "immunotherapy", which gives patients a better chance of destroying the virus.

In addition, they are focusing on patients that have only recently been infected, as they believe this will improve chances of a cure. The group hopes to receive a funding decision in May.

“When the first patient is cured in this way it will be a spectacular moment,” says Dr John Frater, a clinical research fellow at the Nuffield School of Medicine, Oxford University, and a member of the CHERUB group.

“It will prove that we are heading in the right direction and demonstrate that a cure is possible. But I think it will be five years before we see a cure that can be offered on a large scale.”

The Danish team’s research is among the most advanced and fast moving in the world, as that they have streamlined the process of putting the latest basic science discoveries into clinical testing.

This means that researchers can progress more quickly to clinical trials, accelerating the process and reaching reliable results sooner than many others.

The technique uses drugs called HDAC Inhibitors, which are more commonly used in treating cancer, to drive out the HIV from a patient’s DNA and onto the surface of infected cells. The Danish researchers are using a particularly powerful type of HDAC inhibitor.

Five years ago, the general consensus was that HIV could not be cured. But then Timothy Ray Brown, an HIV sufferer — who has become known in the field as the Berlin Patient — developed leukaemia.

He had a bone marrow transplant from a donor with a rare genetic mutation that made his cells resistant to HIV. As a result, in 2007 Mr Brown became the first man to ever be fully cured of the disease.

Replicating this procedure on a mass scale is impossible. Nevertheless, the Brown case caused a sea change in research, with scientists focusing on finding a cure as well as suppressing the symptoms.

Two principal approaches are currently being pursued. The first, gene therapy, aims to make a patient’s immune system resistant to HIV. This is complex and expensive, and not easily transferrable to diverse gene pools around the world.

The second approach is the one being pursued by Dr Søgaard and his colleagues in Denmark, the CHERUB group in Britain, and by other laboratories in the United States and Europe.

 

Saturday, March 16, 2013

ANNIV NI DAN!

 

hi everyone

aun, kaya nga pla ako nagsulat ng story kc aniv ko na sa pagiging HIV + gusto maging memorable ang experience and ma share ito

kc until now marami pa akong d alam at gusto matutunan about HIV

nakakaloka dba pero wla na kong magagwa eto na ko....

ako nga pla si Dan 25 yrs old pero pag nakita nyo ko am look like 17, gaya ng sabi sakin dun sa HIV seminar namin baby face kasi ako eh, small built white complexion tska appealing ( uy am not making my self proud ah hahahahhaha description lang) going back i want to share my story kc gusto maging makabuluhan ang pagintindi ko sa sakit natin at matuto ng sobra.. takot eh... TAKOT AKONG MAMATAY

i was diagnose last 2012 April un the second un ang pinaka malungkot na pangyayari sa buhay ko, gusto ko lang mag patest nun sa HEPA B kc para un sa ojt ko sa hotel requirement eh, so i went to my auntie aun di ko alam she tested me for HIV aun sapul ako, i went to several test lahat positive, nakakalungot dba, ako nga di ko talga alam ang aggawin, i can't even tell it to anyone.

limipas ang mga buwan, days, and weeks, nag start ako mag pa baseline test awa ng diyos lahat negative until now ni hindi ako nag kaka sipon or ubo, even any sympthoms wla. healthy tlga siguro dhl wla pang manifestations, early detection eh

pasensya na pero magiging emotional na ako, gusto ko lang malabas lahat na alam kong un din ang nararamdaman ng marami sa atin...

lumipas ang araw at buwan naramdaman ko na ang sympthoms ng sakit ko i had lymph node sa leeg, sa armpit at sa shoulders siguro mga 10 sila lahat wla nmn akong nararamdaman kya deadma lang... i took anti boitics kc sabi nila mamwawala daw ang lymph pag ng anti bacterial mali pla ako

pang 7month ko na andyan parin sila nakatatak na sa leeg, balikat at dibdib ko, nakakatakot, nakakaalarma

pumunta ako sa treament hub ko sa alabang

pinagpala ako wla nmn findings kc sa totoo lang ni hindi ako nagkasakit or what even khit wla akong vaccine ( thank you lord )

pero di nagtagl nakakaranas na ko ng back pain upper part it almost last for now cguro mga 8 months na di nawawala di nmn ganun kasikt tolerable but mararamdaman mo

natatakot ako, ayoko nmn mag pa xray bka may lumabas at di ko nmn matanggap, kc honestly nung nalaman ko na meron ako gusto ko gumanti at i kalat ito, para patas patas tyo, kso naisip ko ako nga di ko matanggap hahayaan ko pa bang maranasan to ng iba?

di pa ako nag gagamot kc last CD4 ko 567 pa sya naun di ko na alam kung anu scheduled para para sa susunod na CD4

nagyoyosi at nagiimon pa ako

at malala kc di ko na maiwasan mag yosi at maginom

pasensya na pero simula ng malan ko to nalungkot parang ninakaw nya sakin lahat

ung kababtaan ko, ung kagustuhan kong i enjoy ang buhay ko, ang paginom at pakikibarkada

lahat un nawala na

pero alam nyo ba ginawa ko parin sya madalas pa din akong maginom at mag yosi

un na siguro ako

pero natatakot ako madami sa kaibigan ko ang namatay dhl din sa HIV

maswerte ako dhl wla pa akong OI anu ba gagawin ko? para matigil ang mga bisyo kong ito PLEASE HELP ME

naun gagraduate ako sa HRM ang saya ko nga eh, pero malungkot pa din kc wla pa din tyong gamot

nga pla marami akong kilala sa mga kaibigan ko parang positibo pero nahihya ako iapproach to take test anu ba gagagwin ko dun?

gusto ko sana matulungan nyo ko about sa situation ko kc nahihirap ung back shoulders ko may something tlga

atska natatakot tlga ako mamatay alam ko na alam nyo rin di lang ako bka kyo rin may mga kaibigan at mahal sa buhay na namatay dhil dito

natatakot din ako para sa sarili ko, na parang wla na akong karapatan maging bata at ma enjoy ang lahat, ung tipong iinom makikisalamuha ta makikipag yosi sa iba

wla na INAGAW NA NYA

ayoko mamatay, gusto ko mabuhay pero may bisyo ako anu ggwin ko?

naiiyak akokc parang wla na tyong silbi. uu meron tyo HIV pero anu it will eventually become AIDS, mamamatay, tapos paguusapan at pastsitsismisan

nasaksihan ko kc yan sa mga pumanaw kong mga kaibigan na kgayan ntn

alam nyo kapag naginuma kmi at HIV ang topic natatamemme ako, pero pag nagsalita na ko nakiknig sila,sana na aabsorb nila

ang irap noh, ung tipong paniwalain ang sarili mo na wla ka kahit meron ka!

lasing na ko, nagkalakas lang ng ako ng loob na ikwento to dhla natatakot ako sobra... SOBRA d ko na tlga alam ang ggwin

sana di katulad ang istirya ko ng istorya nyo

bsta KAPITBISIG TYO

sana may gamot na

sana paggalingin nila tyo

sana wla na lang ganito

Dan

Hello dan,

salamat sa iyong pagsulat, masaya ako dahil pinagkaabalahan mo ang pagsulat sa akin. hindi madali ang mag share ng ating mga nararamdaman.

lalong masaya ako at mukhang medyo mas upbeat ka na ngayon compared nung makilala kita sa training natin dati. newly diagnosed ka pa lang yata nun di ba at kamamatay lang din ng bestfriend mo? at sa buong batch ikaw nga ang pinaka bata at pinaka maganda! pero ikaw rin ang pinaka mukhang pinagsakluban ng mundo noong panahong yun. kaya sa tono ng sulat mo eh mukhang kinakaya mo naman, kaya masaya na rin ako.

ilang ulit mong sinasabi sa sulat mo na "ayaw mo pang mamatay" - ay maganda yan, ako rin ayaw ko pang mamatay, sinong bang me gusto nun. at sino bang nagsabi sa yo na mamamatay ka na, o mamatay na tayo? hindi ibig sabihin na positive tayo eh mamamatay na tayo. sa panahon ngayon sa tinagal tagal ng panahon na may HIV sa mundo, wala na dapat namamatay sa AIDS related complications. dahil epektibo naman ang mga gamot na available ngayon. kaya lang marami pa rin ang namamatay eh dahil too late na ng madiagnose sila. totally wala silang alam na positive sila, o mas pinili pa nila na wag malaman dahil naduwag sila, or alam nila pero ayaw magpagamot ng maaga, o mas pinili pang madepress, o natatakot sila sa sasabihin ng ibang tao at ituring silang outcast --- pagkaduwag, wala o maling kaalaman, stigma at diskriminasyon sa ating komunidad --- ito ang mga tunay na dahilan kung bakit marami pa rin namamatay sa AIDS. leche kasi ang mga moralista at self-righteous nating kababayan, nakakalungkot nga eh. kung me mga namatay ka ng friends, mas marami sa akin, i lost count na, mga 12 na yata sila. nakita mo ba akong naglulupasay at nawawalan ng pag asa? hinde! dahil the more i feel bad about my being pusit, the more am risking losing points on my cd4 ;) kaya dapat happy lang girl.

maswerte ka, maswerte tayo at maaga pa lang eh alam na natin ang ating status, ngayon pwede na nating alagaan ang ating sarili... sayang naman ang ganda mo kung magmumukmok ka lang dyan.

potah ka! ;) antaas taas nga ng cd4 count mo no. 567 ka pa... pinakamataas ko eh 499 lang. ngayon am down to 382 (feb 2013)... nirerecommend na nga ni doc na mag ARV na ako. sabi ko pagiisipan ko muna. sa next test ko sa august will be my big decision. sana tumaas ulit.

every 6months dapat ang baseline tests teh, baka due ka na for lab tests, go back to alabang na - bakla dont lose your FOCUS, ngayon kelangan mas maging masinsin tayo sa mga health issues natin. pay attention sa lahat ng sinasabi ng duktor.

maganda at ur always paying attention sa mga sakit sa katawan mo, everytime na may nararamdaman, visit your HIV doctor agad, ganyan din ako. madalas nga eh sinasabi ng duktor sa akin na dont worry dahil halos lahat ng ibang nararamdaman ko eh di naman related sa HIV status ko. normal na yatang maging paranoid tayo sa maliliit na bagay. pero dapat iwas stress, wag masyado magworry, basta check up lang lagi ang katapat and trust your doctors.

www.thebody.com --- yan ang bibliya ko sa lahat ng concerns ko, plus meron akong mga kaibigan duktor at nurses na lagi kong napapagtanungan pag kinakailangan. marami ring kaibigan ang nag aalaga sa akin at alam nila ang staus ko kaya kampante ako na di nila ako pababayaan.

sa ngayon am just concentrating on staying happy and living a productive life. living my life as if everyday is my last. masaya lang.

marami akong kilala na mga pusit na matataas ang posisyon sa kumpanya, maganda ang trabaho, malakas, maganda tulad mo. kaya girl wag ka magiinarte na wala ka ng kinabukasan at inagaw na ng HIV (kukurutin kita eh). you have your whole life ahead of you, maaaring mas mahirap ng konti ang landas na tatahakin natin subalit hindi ibig sabihin na sadyang mas kont ang oportunidad na ilalaan sa atin ng mundo. it's all about your attitude sabi nga nila, ikaw lang ang gumagawa ng iyong kinabukasan kaya tigilan na ang kaartehan at rumampa ka na at mabuhay sa matuwid na daan.

matuwid na daan means healthy life, which is what it should be naman, positive or not. minimize if not abolish your bisyo, kung di kaya ng bigla, unti unti. anything na makakapagpababa ng resistensya ng katawan natin, dapat iwasan. ituring mo na lang na mas babasagin ka kesa sa mga tropa mo. mas alagaan mo ang iyong sarili. pwede namang mag enjoy na hindi pinapabayaan ang ating health. sorry na lang tayo dahil pusit tayo, nagkamali tayo, nabawasan ang ating freedom kumbaga, alang alang sa ikahahaba ng ating buhay.

pwede pa rin i enjoy ang sex ng safe, hay naku teh, ang sarap din kaya. ;)

hihi.

madam, baka matagalan pa ang himala! wala pang gamot! how i wish meron na, pero ang kawalan nito ay hindi magiging hadlang para mabuhay ako ng masaya. papaano kung hindi ito dumating sa lifetime natin?

anung gagawin natin?

NGANGANGA*¥^<{}#<~~]{^???

happy anniversary dan, lets hang out soon...

 

ako si BONG

ito ang aking diary

My CD4 Count

 

Tuesday, January 29, 2013

Use of Poppers

Jan 13, 2013

I have an undetectable viral load and high CD4 count. I now want to try to try to put myself back into the dating scene. I know that if it gets sexual I need to wear condoms. I just need to know is it safe to take poppers to loosen up before sex. I am currently on Isentress and Complera. Would it be a deadly cocktail and what can I do, because I can't normally maintain an erection being penetrated nor do I ejaculate. I heard men with HIV should not to use poppers. Please advise.

 

Response from Dr. David Fawcett

Thanks for writing. Poppers should be used with caution. They don't mix with protease inhibitors (although neither Isentress nor Complera contain PIs) because of interference with liver enzymes, creating the potential for increased blood levels of certain medications. You mention erectile dysfunction. Poppers are a dangerous mix with ED drugs such as Viagra. The combination can cause a drop in blood pressure, increased heart rate, and even more serious problems like heart attack or stroke.

In my practice I see a high number of men who rarely or never have sex without poppers and/or mood altering drugs. Sex without the benefit of something to "loosen up" can be intimidating and intense for some, but a drug-free experience will ultimately be more much more satisfying (and safer).

Enjoy!

David

www.thebody.com

 

Sunday, November 4, 2012

HELLO ARG!

its been 3 months

biglaan ang pagbisita

mag isa lang ako

wala si bf, nasa trabaho

---

lightheadedness

nilalamig

slight shortness of breath

me konting plema

----

am i sick?

or am i just getting paranoid?

---

mabuti na yung sigurado

so here i am

waiting for my turn

free consultation

---

familiar faces

new faces

---

wish me luck!

 

 

ako si BONG

ito ang aking diary

 

Sunday, September 16, 2012

Self Empowerment Training - DONE!

16 new poz friends...

16 enlightening life stories disclosed...

16 more reasons to celebrate life...

with

a more open mind,

a more caring self,

a more loving heart,

and

a brighter and more productive future

ahead of us.

thanks to RITM and DOH!

i feel affirmed

i feel empowered

a great weekend

indeed!

 

ako si BONG

ito ang aking diary

Sunday, November 20, 2011

GOD LOVES BAKLA

andito ako sa isang malayong lugar, mag isa lang ako, looking for directions, trying to find peace- i decided to bring ramond's book - matagal ko na rin gustong ipagpatuloy ang pagbabasa nito - raymond gave this personalized signed copy to me when we met in one event.

...at page 58 (god loves bakla), this caught my attention

--------------
God, when i die, i'll have many questions to ask You, but there'll be a most important one which You'll really have to answer well. Because i could never see the logic of why You had done what You had done with me. The biggest burden a man could ever have is n my frail shoulders.  I don't want to fail my friends and family. I know you help those who help themselves, but it seems I can't already help myself.  I need a miracle, Jess. Please... (17 May 1984) - Raymond Alikpala
--------------

p.s.  i'm a non practicing catholic ---  err... agnostic is more accurately i can define it. --- and if that's the case who do i turn to instead???

ito ang aking diary

BONG