Thursday, September 22, 2011
House of Numbers
matagal tagal din akong di nakapagsulat, marahil nagtataka kayo --- busy lang ;) i am nearing my 3rd monthsary and so far so good 'almost' perfect health condition... ang tanung hanggang kailan???
HOUSE OF NUMBERS --- a friend showed me this documentary film and there has been some issues there that has troubled me a lot. if you have a chance to see it, i am highly recommending it. you will know what i'm talking about when you see it.
yaman din lamang at napaguusapan ang mga NUMERO, naisipan kong magbilang...
alas5 na ng umaga di pa ako makatulog maraming numero ang naglalaro at bumabagabag sa aking isipan. kaya nga naisipan kong magsulat...
2 sa aking kakilala/kaibigan ang magkasunod na namatay 2 weeks ago, magkasunod na araw. although the family would not announce or admit it --- they died due to complications of AIDS. 2 burol ang dinalaw ko. nakalulungkot.
nasabi ko nga na nung JULY lamang 12 ang nag positive sa mga kakilala ko nung um-attend ako HIV testing na inisponsoran ng isang advocacy group. kamusta na kaya sila ngayon?
ngayong SEPTEMBER lamang 6 naman ang nagpositive sa bagong testing ng isa pang advocacy group na aking dinaluhan din. tapos 6 din ang nagpositive sa isang testing ng ASP na pinuntahan ko rin. welcome to the club sorry at buminggo kayo.
kanina dahil sobrang nabobother na ako sa dami ng nagiging positive sa mga personal na kakilala ko at tuwing isisipin ko kung sino sino sila - parati akong nawawala sa bilang, di ko na macount lahat, kaya nga nagpasiya akong konsultahin ang phonebook sa aking cellphone at itag sila isa isa for proper reference (ika nga) - nanlamig ako sa final result - out of 3198 sa contacts ko --- 20 sa kanila ang positive. nawala ang antok ko.
6 sa kanila patay na. di ko pa rin tinataggal sa phonebook ko.
14 ang buhay pa
plus ako pa 1 so
15 na kami
3 dun sa mga nagpositive nung JULY eh nasa phonebook ko at buhay pa nga, so nai-tag ko na sila.
so bali 9 ang wala sa phonebook ko na nag-positive din nuon.
so 20 plus 9 equals 29, lahat sila kakilala ko
plus ako pa, so 30 na kami
kaso patay na nga yung 6
so 24 na nga lang kami
1 na lang PASKO na!
nasusundan nyo pa ba ako???
nakakalito na di ba?
kayo, nagsimula na ba kayong magbilang?
maybe we should all start counting before we lose track of the numbers.
pero baka eventually mapagod kayo sa pagbibilang --- dahil sa aking lagay nga ngayon linggo linggo yata ay nagbabago ang mga numero na yan, pinakaayaw ko pa namang subject eh math.
basta ang alam ko, something has to be done... am trying to do my best to help out and be part of the solution... i am happy that i have decided to be part of the solution even before i found out that i am positive, and my being positive have just sealed my resolve that this is the right thing to do, and i will not stop on helping out and doing it, until my last breath.
ito ang aking diary
BONG
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Salamat that you're raising awareness effectively, judging from the numbers who troop to your testing venues. A small effort really goes a long, long way. The numbers are eye-opening. I'm part of the statistics too. Just got diagnosed last May, and like you, I know it's not the end of the world.
ReplyDeletethanks too 2ndlease
ReplyDeletelet us be strong and stay healthy
btw, just today may plus 2 na naman ako
now we are 26, friends and acquaintances who disclosed to me.
sad that they have to be part of the stats,
at the same time happy that they know their status and living a healthy life still.
stay safe everyone!