Monday, August 1, 2011

HOW TO GET TO RITM (Research Institure for Tropical Medicine)



From Alabang interchange via FX taxis: Look for the FX taxi terminal at the Alabang  Rotonda.


From South Luzon Expressway, coming from Manila via private vehicle:
Exit at Filinvest toll gate  (after Alabang toll plaza) and turn left  at the next intersection.


From Zapote:
Enter Filinvest Corporate Avenue and go straight ahead.


From South Luzon Expressway, coming from Laguna:
Exit at Filinvest toll gate and turn left at the next intersection.


From the Ninoy Aquino International Airport:
Go to the taxi service counter just across the road immediately after the exit door of the arrival area and ask the taxi service person to take you to Filinvest Corporate City in Alabang in the area of the Festival Mall. (The taxi driver can choose any of the options above, except the last.)


OR

take the BUS to ALABANG via Skyway
bumaba ka sa SOUTH STATION
maglakad papunta sa CITY TERMINAL (near HENLIN)
sa tapat lang ito ng Starmall Alabang (across the street)
hanapin nyo lang ang mga Shuttle na papunta RITM





THE MANILA SOCIAL HYGIENE CLINIC



Social Hygiene Clinic - Manila Health Department, 2nd Floor of 208 Quiricada Street, Sta. Cruz, Manila(green building across the main gate of San Lazaro Hospital, between LRT Bambang and LRT Tayuman Station)


Contact Details: For inquiries, call 711-6942 and look for Dra. Diana Mendoza or Ms. Malou Tan, Monday to Friday only from 8:00 a.m. to 4:30 p.m.



Happy 1st Monthsary???

kamusta kayo?  happy ba?

it's my 1st month as an HIV positive person and so far so good naman, i am happy.  grabe andami ko yatang nagawa this past 1 month, sobrang busy... thats why di ako nakakapag update ng blog ko, pasensya na po kasi ayaw ko naman magpuyat kaya i try to get enough sleep as much as i can, kabilin bilinan ni Ate Shola.  ;)
1. SI ED. yes nasabi ko na kay Ed (my bestfriend).  he visited manila (he's from the south) so i took the opportunity to tell him. actually 2 araw na kami magkasama nun, i never got the chance to tell him at first, ayokong malungkot sya so i planned to tell him pag maghihiwalay na kami so when we were at tiendesitas at namamasyal, i decided to pull him aside and we sat sa isang wooden bench doon malapit sa mga pet shop.  hindi ko alam kung paano ko sasabihin and so i pulled out my iPad and have him read the DAY 2 - White Party entry.  yun yung entry where i texted him and i thought about him, my 2nd day.  habang nagbabasa sya, amused pa sya pangiti pangiti --- "hehehe, ako ito ah" tatawa tawa pa sya... tapos nung bandang nasa hulit na sya ng entry, naging quiet na sya, nangingilid ngilid na ang luha sa mga mata nya. so ayun nahawa na rin ako, medyo naluha luha na rin ako.  hindi naman sya sobrang umiyak pero napapansin na kami nung mga tao sa kabilang bench kaya pinigilan namin ang pumalahaw sa iyak.  siguro mga 30minutes kaming andun , di ko na matandaan kung anu pinagusapan namin. so ang ending sa halip na maghiwalay na kami nun at makatulog na sya for his early morning flight, eh di na sya natulog at sumama na lang sya sa aming gumimik at umattend ng isang birthday party.  hes back in the south, calls and text me often, checkin on me. am lucky to have a bestfriend like Ed.


2.  SI TOFFEE.  nasabi ko na rin sa kanya.  he is my longest ex more than 4 years kami.  nasa pilipinas sya for a 6-month vacation.  duktor sya.  ayaw ko rin sabihin sa kanya ng diretso so ang nangyari - 2 weeks after my rapid test, i got a call from Dr. Tuaño na dumating na ang confirmatory test galing San Lazaro, sealed daw ang envelope so i need to come and visit them sa social hygiene clinic nila.  the next morning i texted Toffee, sabi ko may importante lang akong pupuntahan at magpapasama ako sa kanya.  he said yes without asking any more questions.  sa taxi kwentuhan lang kami ng kwentuhan about his life abroad and my life here.  masaya, di ako nagpapahalata na ninenerbiyos ako.  pagdating sa social hygiene clinic dumiretso kami sa 2nd floor and nakita ko si Ate Veron, yung nurse na nagcounsel sa akin.  pinapasok nya ako sa counseling room, sinabi ko sa kanya na kasama ko ang friend ko na duktor at isasama ko sya sa loob.  naupo kami ni Toffee magkaharap sa table ni Ate Veron.  Inabot sa akin ni Ate Veron yung sobre, sinipat ko si Toffee, clueless sya, tahimik lang na nag oobserba.  binuksan ko ang sobre at binuklat ang confirmatory test result.  under sa Western Blot results naka check lahat - gp160, gp120, p66, p55, p51, gp41, p31, p24 at p17 - walang check ang p39 --- halos perfect score --- CONFEEEERMEEEED!    iniabot ko papel kay Toffee.  binasa nya ang mga nakasulat, blanko pa rin ang mukha, walang emosyon.  pinagpatuloy ko ang pakikipag usap kay Ate Veron at kung anu ang next step at paano ang endorsment sa treatment hub.  sa taxi pauwi, maraming tanung si Toffee, sinagot ko naman lahat.  marahil dahil duktor hindi sya mahirap paliwanagan.  ganundin eh sobrang positibo rin ang kanyang pananaw sa mga taong may HIV.  sa kanyang karanasan sa amerika, marami na syang nahandle na HIV patients at alam nya na hindi ito katapusan ng mundo.  sabi nya basta lagaan ko lang ang sarili ko at sa pamamagitan ng healthy living, i will be okay.  syempre importante pa rin daw ang ibayong pagiingat.  pinagusapan rin namin ibang bagay tulad ng sexlife and even party drugs, sobrang open ako sa kanya - sinasabi ko lahat, sometimes i think he knows me better than anybody else in this world.  sana eh siya na lang ang duktor ko forever, sana eh dito na lang sya sa pilipinas. i feel safer when he's around.  

3.  RITM - Research Institute for Tropical Medicine.   ito ang aking treatment hub.  medyo may kalayuan pero kumpara naman sa mga bad stories na naririnig ko about PGH and San Lazaro, i opted to go to RITM instead, mas magastos, mas malayo pero mas maganda ang facility at mas warm ang mga tao.  mababit sila lahat... si Ate Shola... si Ate Letlet, si Dra. Ditangco... i feel safe with them.   mga 2 weeks din ako pabalik balik sa RITM, sankaterbang lab tests for the baseline.  kailangan daw ito para malaman ang health status ko so lahat kailangan i-check.  gumastos ako ng kulang kulang na Php 5,000 to get all the tests done, some are free, some are not.  bawat ospital iba iba ang patakaran.  ang mga first timer daw sa San Lazaro wala pa daw 1k ang babayaran - i actually visited San Lazaro in an attempt to get my baseline tests done without spending too much.  pero my initial visit to San Lazaro just confirmed some horror stories about the place, wala ring available na duktor so i decided to abort the plan.

4.  CD4 Count = 379.   this is my first CD4 count result.  i was hoping it's higher but nevertheless it's a good count na rin.  all my laboratory tests results are also good, am in almost perfect condition except for my HIV. Stage 1 Asymptomatic.  that the BEST news i can get.  maswerte ako nagpatest kaagad ako, ngayon maaagapan ko na ito at magagawan kaagad ng paraan.  sabi ni doktora option ko kung gusto ko ng magsimula ng gamot (ARV's)  sabi ko naman pagisipan ko muna, magreresearch muna ako about it. wala pa naman ako sa standard threshold na 350. so hindi pa urgent ang mag medicate ako...  sa aking isip i will make an informed decision within the next 3 months.  hopefully everything will still be fine by then.

so happy ba ako?  i can say i am very happy, i got one bad news but all the others news that followed are good news.  busy rin ako sa trabaho most especially sa advocacy work ko. in the span of one month i feel like i have become a better person.  feeling ko rin andami kong naaccomplish sa buhay ko... it's a great start... i'm always looking forward to a great day.

HAPEEEEE!!!

ito ang aking diary

BONG


ps... eto pala ang mga tests na kelangan:



Saturday, July 16, 2011

A BIG DAY

Si TOFFEE... ex ko, pinakamatagal kong naging boyfriend, 4 1/2 years kami

Si ED... bestfriend ko for almost 15 years
 
pareho silang nakabase sa malayong lugar
pareho silang nasa maynila ngayon
kaming tatlo ang super close dati
 
imemeet ko sila mamaya, sasabihin ko ang kalagayan ko.

ninenerbiyos ako

ito ang aking diary

BONG

Tuesday, July 12, 2011

AKO SI BONG

13 araw na ang nakalilipas ng malaman ko ang malungkot na balita.  reactive ang resulta HIV screening ko. POSITIVE. 

ako si bong.  nasa 30s. single. isang propesyonal at baguhang businessman. mahilig din ako sa arts.  sabi nila masayahin daw ako at may reputasyon sa pagiging masyadong mabait, parating nakangiti.  ako ang taong hindi mahirap pakisamahan at madaling mag adjust dipende sa mga taong kasama ko.  dahil dito marami akong kaibigan.


mahina ang loob ko sa komprontasyon, hangga’t  maiiwasan ang makipag away ay gagawin ko at ako na lang ang tatalima.  ganun talaga yata ako, sadyang positibo ang pananaw sa buhay.  kung maaring maiwasan ko ang mga negatibong bagay ay gagawin ko.  lagi akong handang umusad at harapin kung anu man ang ipukol sa akin ng tadhana.  sayang ang oras para magmukmok, para umiyak, dapat itong iwasan.


para sa akin ang bawat tao ay unique at may angking kabaitan, at madalas ay kailangan lang nating makita ang kalooban ng bawat isa, walang bias, walang paghuhusga, at tanggapin sila ng buo at isa alang alang na sila ay produkto lamang ng kanilang nakaraan at pinagdaanan.  dahil sa paniniwalang ito, sa mahigit tatlumpong taon ng aking buhay, ay naging maligaya ako, halos wala akong kaaway.  wala akong naging malalaking problema. until now.


masuwerte ako na ipinanganak ako sa above-average na pamilya, napagpaaral kaming magkakapatid ng aming mga magulang at kailanman ay hindi ako pinuwersa ng aking mga magulang na sumuporta o sumustento sa kanilang mga pangangailangan.  naging independent ako at easy-go-lucky. marahil ay sapat na sa akin na maayos ang kininkita sa trabaho at may konting laman ang aking bangko na sapat lamang sa ilang kinakailangan luho sa aking katawan.  paminsan minsang paglabas ng ibang bansa, hobby ko yun, pakiramdam ko na eenergize ako pag bumibiyahe ako, kahit local o intenational trip. pinipilit kong bumiyahe taon taon.


isa akong MSM, PLU, BAKLA, HOMOSEXUAL --- bata pa lang ako alam ko na ito, marahil ramdam na rin ng lahat ang pagiging malambot ko nuong una pa lang.  bagama’t walang harapang tinatanung ang aking kasarian, mula ng magkaroon ako ng maayos na trabaho ay hindi ko na itinatago ang aking sexual preference.  okay na sa mga bagong kaibigan na malaman nilang bakla ako. iniiwasan ko lang na maging out sa aking mga kamaganak at mga lumang kaibigan. marahil ay sadyang naiilang pa rin ako.


sa loob ng 13 araw na iyon, maraming unti unting nagbabago sa aking buhay.  maliban sa masamang balita ng HIV, ay halos magaganda naman lahat ang mga pagbabago sa buhay ko. mga bagay na kusa kong dinesisyunan.  marahil ito ang isa sa pinaka magandang epekto ng HIV sa buhay ko.  ngayon pa lang ay sadyang pinapahalagahan ko ang bawat araw ng aking buhay, bawat minuto.  dahil dito nagsisimula na akong magfocus sa mga bagay na mahalaga sa aking pagkatao. 


kalusugan.    na-renew ko na ang Philhealth ko, malaki daw ang maitutulong nito sa pagdaraanan ko.  nag enroll na rin ako sa gym, tatlong araw na na akong naggygym.  mahigit 4 na taon na yata akong hindi naggigym.  masarap ang pakiramdam.  sana ay unti unting gumanda ang resistensya ko.  nagiging maingat na rin ako sa aking pagkain at pinipilit na lagyan ng limitasyon ang pagpupuyat, di katulad nung dati. 


iwas stress.  lie-low sa trabaho, magbigay ng mas maraming oras sa sarili at magpahinga.  madalas hinahanap ko ang mga barkada ko, basta may mag aya, magkape, mag mall, mag sine – sama kaagad ako. medyo magastos na lifestyle pero sana ay makayanan ko, masaya ako pag kasama ko sila, sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob.  so far so good.


bago pa man ako naging positibo sa HIV, aktibo na ako sa advocacy ng HIV education and prevention.  nagsimula ito mga 3 taon na ang nakakaraan.  nuong una ay hindi ko inaaalintana ang HIV, di ko ito pinapansin, maliban sa napagaralan ko sa kolehiyo, ay wala na akong kaalaman ukol dito. 3 years ago ng may kauna unahang kaso ng HIV/AIDS  sa mga taong personal na kakilala ko. mula nuon namulat ang aking mata sa katotohanang andito na sakit na ito, tunay na nangyayari, at sa aking mga kakilala.  mula nuon, sa mahigit tatlung taon, apat na yata sa aking mga kakilala ang namamatay sa sakit na ito.  may mangilan ngilan na rin akong kilalang positive.  kaya nga mula nuon ay naging aktibo na ako sa advocacy na ito, hanggat may maitutulong ako, ginagawa ko.


kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng sertipikasyon para maging  HCCT (HIV Confidential Counseling & Testing) Counselor.  medyo mabigat sa dibdib na mag training para maging counselor dahil mahigit ilang araw pa lang ako na-didiagnose na positive.  pero kinaya ko.  tinapos ko para maipagpatuloy ang advocacy na ito.   during the training may mga nakilala na rin akong mga kapwa positive na mga kaibigan.  tunay ngang marami silang nasa palibot lang natin, hindi lang natin alam. nasa paligid lang sila.  nasa paligid lang KAMI.  kasama ninyo.




ito ang aking diary

BONG

Sunday, July 10, 2011

THE NUMBER 12

12 --- paboritong number ko yan, dati pa kahit nung high school pa lang ako, tuwing magpapagawa kami ng uniform para sa P.E. class namin, parating 12 ang nakalagay sa mga uniform ko.  ewan ko ba, para sa akin makahulugan ang numerong yan. para ka lang nagbibilang 1...2...3... nangangahulugan ng pag usog at pagpapatuloy, isang pagpapanimula.

ngayong hapong ito, hindi ko lubos akalain na ang numerong 12 ang magbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan.

bahagi ako ng isang HIV advocacy group na tumutulong para mapalaganap ang edukasyon ng HIV at nagsusulong ng mga libreng HIV testing para sa mga MSM (Men having Sex with Men).  matagal tagal na rin akong aktibo sa ganitong mga advocacy work.  matagal na naming pinaplano ang araw na ito, kahit noong hindi pa ako positive, nakaset na talaga nuon pa ang proyektong ito.

kaninang umaga, masaya ako at sa wakas ay matutuloy ang proyekto ng HIV testing na para sa isang grupo ng mga tao/kabataan na sadyang malalapit sa aking puso.   halos lahat yata ng mga miyembro nila ay personal kong kakilala at madalas nakakasalamuha.  mga kaibigan.

kanina, nag aalinlangan din ako na maging bahagi ng actual na pagsasagawa ng testing dahil sadyang sariwa pa sa akin ang pinagdaanan ko. natatakot ako, baka hindi ko makaya. 


12 ang positibo... mahigit 30% ng dumalo. nakapanlulumo. 12 sa aking mga kakilala. 12 na pandagdag sa statistics ng HIV, ang ilan ay sobrang babata pa.

anu kaya ang kalagayan nila ngayong gabi? may makakausap kaya sila? may lakas loob kaya silang harapin ang ganitong klaseng suliranin.  gusto ko man silang tulungan ay hindi ko magawa, gusto ko sana silang bigyan ng mahihigpit na yakap, ipaabot sa kanila na hindi pa ito ang katapusan ng mundo.  wala akong magawa, statistics lang ang alam ko, hindi ko alam kung sino sa kanila, basta ang sigurado, 12.

tumulo ang aking luha para sa kanila, kung maibabahagi ko lang ang aking lakas ng loob.

ngayong gabi, matutulog akong umiiyak, hindi para sa aking sarili, ngunit para sa akin mga kaibigan.  sana ay maging matatag kayo, nasa ika 10 araw pa lang ako sa aking buhay positive, wala pa akong sapat na karanasan para maging inyong sandigan.

"tonight is your first night, i can only imagine the pain you are going through."

:'(

ito ang aking diary

BONG

Wednesday, July 6, 2011

SAGOT KAY JAKE.

jakejacobss said...

Too bad !!! No matter how safe you think having sex with someone else is, i think you're still imposing danger. If you cannot live without sex, then find someone who's already HIV positive. Where's your conscience? I don't have anything against people with HIV, but please do not let anyone else be infected with that virus!

-------

hello jake,

maraming salamat sa iyong komento. oo hindi ako mabubuhay ng walang sex, at mukhang yan din ang totoo sa halos lahat ng mga taong kilala ko, positive man sila o hindi. marahil ito'y integral na bahagi ng aking pagkatao. at naniniwala ako na karapatan kong mabuhay ng normal sa mundong ito.

nuong isang taon, ng unang beses kong mabasa ang blog ni eric (chronicles of e) ay nagsimula rin akong mabother ng kanyang sexual behavior. hindi naglaon, with proper education and my desire to know hiv  fully led me to understand that we should respect the rights of everyone, and the best thing to do is get tested and always BE SAFE.

to some degree, kunsensya ko ang nagtulak sa akin para magpatest, i cannot continue my life without knowing my hiv status.  ngayong alam ko na i am extra careful on what i do. mas maingat pa nga ako than most of the people i know.

mas nagwoworry ako sa mga taong hindi pa nagpapatest. hindi nila alam.


In the philippines, last 2009 - 835 filipinos tested positive to HIV, last 2010 - 1591 was tested positive and as of today (first 5 months of 2011) - 838 are already positive, and we are just in the first half of the year... do the math di pa ako kasama sa stats na yan.  naniniwala rin sila na ang tunay na figure might be 3x or even 4x more as a safe estimate.

if you dont want to contract the disease, abstain from sex and injecting drugs.  if you choose to engage in sex, then get tested and be responsible and safe.  a key factor in prevention of the spread of hiv is education.  educate yourself.

as for me, i know my status and i know my rights, i am determined to live my life to the fullest. i am very positive. hehe.

lastly, hindi dahil positive na ako ay positive na lang dapat ang makasex ko, although ngayon when i think of a life long partner parang gusto ko someone na positive na rin.  pero ang sabihin na dahil positive ako ay wag na akong makipagsex at sa positive na langdapat ako makipagsex, thats just plain prejudice and discrimination. kahit positive pa ang kasex ko, there is still risk of reinfection dahil may iba pang strain ang hiv.  safe sex is always the utmost importance.

nakapagpatest ka na ba jake?

ito ang aking diary

BONG

Tuesday, July 5, 2011

FIRST STEP

dami kong to-do list, kelangang magsipag, price to pay to stay healthy in this oh so positive world.  pumunta ako kaninang umaga sa pinakamalapit na philhealth office, konti lang naman ang pila, siguro mga 30 minuto lang akong naghintay sa upuan.


pinareactivate ko lang ang account ko, mula kasi nag freelance self employed na ako eh hindi na ako nakapag contribute sa philhealth ko. pinag fill up lang ako ng form at pinagbayad ng Php 300.00 sa cashier.

Php 300 peso contribution para sa 1 quarter (3 months). mura lang din pala parang 100 per month lang, not bad at all.  sabi nung girl activated na ulit ako agad at okay na ang coverage ko after 1 quarter.  pero pag may surgery at iba pang malalaking procedure, after 3 quarters pa daw so bali 9 months. 


ibig sabihin pwede na akong magkasakit starting october, at pwede na akong maoperahan starting april next year 2012, hahaha - looking forward to it!

pero seriously, ito ang unang ibinilin sa akin ng mga friends ko, malaki daw ang pakinabang sa philhealth lalong lalo na sa mga hiv positive people.  bukod sa mga coverage sa karamihan halos ng procedures, mukhang philhealth din daw ang magtatake over sa funding ng HIV program ng pilipinas as soon as maubos ang intenational funding come 2012.  so sabi nila importanteng may coverage ka sa philhealth para maging patuloy ang ARV medications mo for free, if ever nag aARV ka na. 

so ayan binigyan na ako ng bagong card, kailangan ko na lang i laminate.


1 step forward to the right direction, next step... mag enrol sa gym --- parang ayoko na sa Fitness First, i was with them mga 4 years ago.  grabe dati pa lang talamak na ang cruising at hadahan noon, kamusta na kaya ngayon? ganun pa rin ba?  il probably enrol sa Golds Gym na lang, me mga contacts naman ako dun, baka makadiscount pa. promise this week i will start na, buti na lang di masyado toxic ang trabaho ko.

so public service na muna, ito mga nakita ko sa Philhealth Office, might be of help to anyone:



maraming salamat, stay safe everyone!

ito ang aking diary

BONG

ABNORMALLY POSITIVE

matapos kong magbrowse ng mga blogs at personal account ng mga positive na nauna sa akin - napansin ko lang na karamihan sa kanila took a bit of time to accept it at mag move on.

abnormal na yata ang pagkapositive thinker ko. somehow ang pakiramdam ko , dahil sa naging sitwasyon ng pagpapatest ko, na na-accept ko na ang kalagayan ko even a day before they told me i am hiv positive, tapos i started moving-on at hinarap ang bago kong status sa buhay pagkatapos kong matulala ng 2 o 3 oras after he revelation.

oo, after 3 oras ng taimtim na pag iisip, i went back to my computer ang started working on some pending projects. kasabay ng panaka nakang pagsulyap sa aking planetromeo at grindr accounts. hehe


di man lang ako umiyak, sumikip lang ng konti ang dibdib ko, parang nag poppers lang, tapos bumabaliktad ang sikmura ko nung buong hapon na yun. pero buo pa rin ang loob ako at lakas loob na ipinagpatuloy ang aking araw.  pakiwari ko ay katawan ko lang ang apektado at di man lang natinag ang aking kalooban at pag iisip.

marahil ay sobrang nagmarka sa akin ang natutunan ko nung minsang nagtrabaho ako sa colcenter, sabi sa training - attitude is the most important thing at kailangan na always think positve... so ayan naging positive tuloy ako, haha.

kidding aside, likas na yata sa akin ang pagiging masayahin mula ng bata pa ako, alam na alam yan ng mga taong nakakakilala sa akin, may reputasyon din ako na hindi nagagalit at parating nakangiti, asset ko na yata ang aking magagandang ipin.

ngayon, itinatanung ko na sa aking sarili, abnormal na ba ang pagiging positive thinker ko, do i really need to grieve first?  kelangan ko ba munang pumalahaw ng iyak, o madepress for a while???  is that the healthy way to come to terms with the life-threatening disease like HIV?

e kung hindi nga ako maiyak iyak eh, alangan namang pilitin ko? Para sa akin waste of time lang ang madepress, mas marami pang importanteng bagay keysa ang magmukmok sa tabi at magkulong sa kwarto... di naman pagkakakitaan yun.  sa kalagayan ko ngayon, all the more na kailangan kong magisip kung paano magiging produktibo at kikita ng pera, kakailanganin ko yun para sa mga haharapin kong mga pagsubok na dala ng aking HIV.

at dahil ba maaga, o sobrang aga kong maka move-on, should i continue living and enjoying my life just like before???  continue living OO, enjoying life OO, pero just like before - I DONT THINK SO.  my HIV is the ultimate eye-opener, i have it because i was once unsafe, i know the basic but i did not pay attention to the details, siguro may ilang maling akala pa ako noon.

maghapon akong nagbasa at nag research kanina at kahapon... pano ba talaga ang  safe sex? alin ang high risk, low risk at no risk acts? kailangan kong siguraduhin, i should be extra extra careful. i should make sure to exerise every possible way avoid passing the virus to anyone. i even asked some of my friends to reconfirm the facts.  so today i equipped myself to be able to move on and still enjoy my life.

am i ready to have sex? nung isang araw hindi pa - buti na lang di nag initiate si Kit.  pero today i'm pretty sure ready na ako. should i refrain from having sex? lalo naman yata akong madedepress nun, and frankly i dont think i can live without sex.


actually may nag aya kanina, si Daks, minsan minsan lang kami nagsesex ni Daks, last year pa yung huli, nagtext sya kanina, nagaaya, i hesitated a bit but decided to do it anyways.  it was short and fast, i would rate it 7 over 10. i actually enjoyed it, all the while i made sure it's low risk.

na guilty ba ako afterwards? slightly lang because of the fact na di ko sinabi sa kanya.  pero not so much because i know it's safe sex. 

5 days after i found out i am positive, i have moved on and  i had my first sex.  

am i abnormally positive?

ito ang aking diary

BONG

Sunday, July 3, 2011

WHATS NEXT?

Beyond the Test


September/October 2009


Next, decide whether you're going to tell your family, friends, sexual partner(s), boss, etc. Of course, it's up to you to decide who to share this information with, but one thing to think about is that the only way stigma and discrimination can survive is by being perpetuated by the shame and secrecy of those it targets. It may seem inconceivably hard, but if you don't act ashamed, it will be harder for others to make you feel that way.


.....So what are you afraid of? Change? HIV-positive or not, you cannot live your life fully without it. And one of the most wonderful things I've learned from having my life full of people living with HIV/AIDS is not to waste time on the bullshit stuff, but to focus on what really matters. Just because you did turn out to be positive, your life isn't over, it's just different! And many of the differences can be growthful and beneficial for you if you let them. So when the last tear has been shed and you've uncurled and gotten out of bed, look this new life in the eye and, with the courage and curiosity of all great explorers, demand to know "What's next?"


Breathe deep and live long.

_______________

hay oo nga ito ang next step...  i will wait for 2 weeks, after the confirmatory tests results are out. i would have to talk to my diabetes doctor.  


para sa mga magulang ko? hmmmm matatagalan pa siguro, kelangan ko nga konkretong plano kung paano ko aalagaan at bubuhayin ang sarili ko bago ko masabi sa kanila ang katotohanan.  ayaw ko silang magworry, matatanda na sina mama at papa, baka lalo lang silang ma-stress. 




ito ang aking diary


BONG