Saturday, July 16, 2011

A BIG DAY

Si TOFFEE... ex ko, pinakamatagal kong naging boyfriend, 4 1/2 years kami

Si ED... bestfriend ko for almost 15 years
 
pareho silang nakabase sa malayong lugar
pareho silang nasa maynila ngayon
kaming tatlo ang super close dati
 
imemeet ko sila mamaya, sasabihin ko ang kalagayan ko.

ninenerbiyos ako

ito ang aking diary

BONG

Tuesday, July 12, 2011

AKO SI BONG

13 araw na ang nakalilipas ng malaman ko ang malungkot na balita.  reactive ang resulta HIV screening ko. POSITIVE. 

ako si bong.  nasa 30s. single. isang propesyonal at baguhang businessman. mahilig din ako sa arts.  sabi nila masayahin daw ako at may reputasyon sa pagiging masyadong mabait, parating nakangiti.  ako ang taong hindi mahirap pakisamahan at madaling mag adjust dipende sa mga taong kasama ko.  dahil dito marami akong kaibigan.


mahina ang loob ko sa komprontasyon, hangga’t  maiiwasan ang makipag away ay gagawin ko at ako na lang ang tatalima.  ganun talaga yata ako, sadyang positibo ang pananaw sa buhay.  kung maaring maiwasan ko ang mga negatibong bagay ay gagawin ko.  lagi akong handang umusad at harapin kung anu man ang ipukol sa akin ng tadhana.  sayang ang oras para magmukmok, para umiyak, dapat itong iwasan.


para sa akin ang bawat tao ay unique at may angking kabaitan, at madalas ay kailangan lang nating makita ang kalooban ng bawat isa, walang bias, walang paghuhusga, at tanggapin sila ng buo at isa alang alang na sila ay produkto lamang ng kanilang nakaraan at pinagdaanan.  dahil sa paniniwalang ito, sa mahigit tatlumpong taon ng aking buhay, ay naging maligaya ako, halos wala akong kaaway.  wala akong naging malalaking problema. until now.


masuwerte ako na ipinanganak ako sa above-average na pamilya, napagpaaral kaming magkakapatid ng aming mga magulang at kailanman ay hindi ako pinuwersa ng aking mga magulang na sumuporta o sumustento sa kanilang mga pangangailangan.  naging independent ako at easy-go-lucky. marahil ay sapat na sa akin na maayos ang kininkita sa trabaho at may konting laman ang aking bangko na sapat lamang sa ilang kinakailangan luho sa aking katawan.  paminsan minsang paglabas ng ibang bansa, hobby ko yun, pakiramdam ko na eenergize ako pag bumibiyahe ako, kahit local o intenational trip. pinipilit kong bumiyahe taon taon.


isa akong MSM, PLU, BAKLA, HOMOSEXUAL --- bata pa lang ako alam ko na ito, marahil ramdam na rin ng lahat ang pagiging malambot ko nuong una pa lang.  bagama’t walang harapang tinatanung ang aking kasarian, mula ng magkaroon ako ng maayos na trabaho ay hindi ko na itinatago ang aking sexual preference.  okay na sa mga bagong kaibigan na malaman nilang bakla ako. iniiwasan ko lang na maging out sa aking mga kamaganak at mga lumang kaibigan. marahil ay sadyang naiilang pa rin ako.


sa loob ng 13 araw na iyon, maraming unti unting nagbabago sa aking buhay.  maliban sa masamang balita ng HIV, ay halos magaganda naman lahat ang mga pagbabago sa buhay ko. mga bagay na kusa kong dinesisyunan.  marahil ito ang isa sa pinaka magandang epekto ng HIV sa buhay ko.  ngayon pa lang ay sadyang pinapahalagahan ko ang bawat araw ng aking buhay, bawat minuto.  dahil dito nagsisimula na akong magfocus sa mga bagay na mahalaga sa aking pagkatao. 


kalusugan.    na-renew ko na ang Philhealth ko, malaki daw ang maitutulong nito sa pagdaraanan ko.  nag enroll na rin ako sa gym, tatlong araw na na akong naggygym.  mahigit 4 na taon na yata akong hindi naggigym.  masarap ang pakiramdam.  sana ay unti unting gumanda ang resistensya ko.  nagiging maingat na rin ako sa aking pagkain at pinipilit na lagyan ng limitasyon ang pagpupuyat, di katulad nung dati. 


iwas stress.  lie-low sa trabaho, magbigay ng mas maraming oras sa sarili at magpahinga.  madalas hinahanap ko ang mga barkada ko, basta may mag aya, magkape, mag mall, mag sine – sama kaagad ako. medyo magastos na lifestyle pero sana ay makayanan ko, masaya ako pag kasama ko sila, sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob.  so far so good.


bago pa man ako naging positibo sa HIV, aktibo na ako sa advocacy ng HIV education and prevention.  nagsimula ito mga 3 taon na ang nakakaraan.  nuong una ay hindi ko inaaalintana ang HIV, di ko ito pinapansin, maliban sa napagaralan ko sa kolehiyo, ay wala na akong kaalaman ukol dito. 3 years ago ng may kauna unahang kaso ng HIV/AIDS  sa mga taong personal na kakilala ko. mula nuon namulat ang aking mata sa katotohanang andito na sakit na ito, tunay na nangyayari, at sa aking mga kakilala.  mula nuon, sa mahigit tatlung taon, apat na yata sa aking mga kakilala ang namamatay sa sakit na ito.  may mangilan ngilan na rin akong kilalang positive.  kaya nga mula nuon ay naging aktibo na ako sa advocacy na ito, hanggat may maitutulong ako, ginagawa ko.


kamakailan lamang ay nakatanggap ako ng sertipikasyon para maging  HCCT (HIV Confidential Counseling & Testing) Counselor.  medyo mabigat sa dibdib na mag training para maging counselor dahil mahigit ilang araw pa lang ako na-didiagnose na positive.  pero kinaya ko.  tinapos ko para maipagpatuloy ang advocacy na ito.   during the training may mga nakilala na rin akong mga kapwa positive na mga kaibigan.  tunay ngang marami silang nasa palibot lang natin, hindi lang natin alam. nasa paligid lang sila.  nasa paligid lang KAMI.  kasama ninyo.




ito ang aking diary

BONG

Sunday, July 10, 2011

THE NUMBER 12

12 --- paboritong number ko yan, dati pa kahit nung high school pa lang ako, tuwing magpapagawa kami ng uniform para sa P.E. class namin, parating 12 ang nakalagay sa mga uniform ko.  ewan ko ba, para sa akin makahulugan ang numerong yan. para ka lang nagbibilang 1...2...3... nangangahulugan ng pag usog at pagpapatuloy, isang pagpapanimula.

ngayong hapong ito, hindi ko lubos akalain na ang numerong 12 ang magbibigay sa akin ng sobrang kalungkutan.

bahagi ako ng isang HIV advocacy group na tumutulong para mapalaganap ang edukasyon ng HIV at nagsusulong ng mga libreng HIV testing para sa mga MSM (Men having Sex with Men).  matagal tagal na rin akong aktibo sa ganitong mga advocacy work.  matagal na naming pinaplano ang araw na ito, kahit noong hindi pa ako positive, nakaset na talaga nuon pa ang proyektong ito.

kaninang umaga, masaya ako at sa wakas ay matutuloy ang proyekto ng HIV testing na para sa isang grupo ng mga tao/kabataan na sadyang malalapit sa aking puso.   halos lahat yata ng mga miyembro nila ay personal kong kakilala at madalas nakakasalamuha.  mga kaibigan.

kanina, nag aalinlangan din ako na maging bahagi ng actual na pagsasagawa ng testing dahil sadyang sariwa pa sa akin ang pinagdaanan ko. natatakot ako, baka hindi ko makaya. 


12 ang positibo... mahigit 30% ng dumalo. nakapanlulumo. 12 sa aking mga kakilala. 12 na pandagdag sa statistics ng HIV, ang ilan ay sobrang babata pa.

anu kaya ang kalagayan nila ngayong gabi? may makakausap kaya sila? may lakas loob kaya silang harapin ang ganitong klaseng suliranin.  gusto ko man silang tulungan ay hindi ko magawa, gusto ko sana silang bigyan ng mahihigpit na yakap, ipaabot sa kanila na hindi pa ito ang katapusan ng mundo.  wala akong magawa, statistics lang ang alam ko, hindi ko alam kung sino sa kanila, basta ang sigurado, 12.

tumulo ang aking luha para sa kanila, kung maibabahagi ko lang ang aking lakas ng loob.

ngayong gabi, matutulog akong umiiyak, hindi para sa aking sarili, ngunit para sa akin mga kaibigan.  sana ay maging matatag kayo, nasa ika 10 araw pa lang ako sa aking buhay positive, wala pa akong sapat na karanasan para maging inyong sandigan.

"tonight is your first night, i can only imagine the pain you are going through."

:'(

ito ang aking diary

BONG

Wednesday, July 6, 2011

SAGOT KAY JAKE.

jakejacobss said...

Too bad !!! No matter how safe you think having sex with someone else is, i think you're still imposing danger. If you cannot live without sex, then find someone who's already HIV positive. Where's your conscience? I don't have anything against people with HIV, but please do not let anyone else be infected with that virus!

-------

hello jake,

maraming salamat sa iyong komento. oo hindi ako mabubuhay ng walang sex, at mukhang yan din ang totoo sa halos lahat ng mga taong kilala ko, positive man sila o hindi. marahil ito'y integral na bahagi ng aking pagkatao. at naniniwala ako na karapatan kong mabuhay ng normal sa mundong ito.

nuong isang taon, ng unang beses kong mabasa ang blog ni eric (chronicles of e) ay nagsimula rin akong mabother ng kanyang sexual behavior. hindi naglaon, with proper education and my desire to know hiv  fully led me to understand that we should respect the rights of everyone, and the best thing to do is get tested and always BE SAFE.

to some degree, kunsensya ko ang nagtulak sa akin para magpatest, i cannot continue my life without knowing my hiv status.  ngayong alam ko na i am extra careful on what i do. mas maingat pa nga ako than most of the people i know.

mas nagwoworry ako sa mga taong hindi pa nagpapatest. hindi nila alam.


In the philippines, last 2009 - 835 filipinos tested positive to HIV, last 2010 - 1591 was tested positive and as of today (first 5 months of 2011) - 838 are already positive, and we are just in the first half of the year... do the math di pa ako kasama sa stats na yan.  naniniwala rin sila na ang tunay na figure might be 3x or even 4x more as a safe estimate.

if you dont want to contract the disease, abstain from sex and injecting drugs.  if you choose to engage in sex, then get tested and be responsible and safe.  a key factor in prevention of the spread of hiv is education.  educate yourself.

as for me, i know my status and i know my rights, i am determined to live my life to the fullest. i am very positive. hehe.

lastly, hindi dahil positive na ako ay positive na lang dapat ang makasex ko, although ngayon when i think of a life long partner parang gusto ko someone na positive na rin.  pero ang sabihin na dahil positive ako ay wag na akong makipagsex at sa positive na langdapat ako makipagsex, thats just plain prejudice and discrimination. kahit positive pa ang kasex ko, there is still risk of reinfection dahil may iba pang strain ang hiv.  safe sex is always the utmost importance.

nakapagpatest ka na ba jake?

ito ang aking diary

BONG

Tuesday, July 5, 2011

FIRST STEP

dami kong to-do list, kelangang magsipag, price to pay to stay healthy in this oh so positive world.  pumunta ako kaninang umaga sa pinakamalapit na philhealth office, konti lang naman ang pila, siguro mga 30 minuto lang akong naghintay sa upuan.


pinareactivate ko lang ang account ko, mula kasi nag freelance self employed na ako eh hindi na ako nakapag contribute sa philhealth ko. pinag fill up lang ako ng form at pinagbayad ng Php 300.00 sa cashier.

Php 300 peso contribution para sa 1 quarter (3 months). mura lang din pala parang 100 per month lang, not bad at all.  sabi nung girl activated na ulit ako agad at okay na ang coverage ko after 1 quarter.  pero pag may surgery at iba pang malalaking procedure, after 3 quarters pa daw so bali 9 months. 


ibig sabihin pwede na akong magkasakit starting october, at pwede na akong maoperahan starting april next year 2012, hahaha - looking forward to it!

pero seriously, ito ang unang ibinilin sa akin ng mga friends ko, malaki daw ang pakinabang sa philhealth lalong lalo na sa mga hiv positive people.  bukod sa mga coverage sa karamihan halos ng procedures, mukhang philhealth din daw ang magtatake over sa funding ng HIV program ng pilipinas as soon as maubos ang intenational funding come 2012.  so sabi nila importanteng may coverage ka sa philhealth para maging patuloy ang ARV medications mo for free, if ever nag aARV ka na. 

so ayan binigyan na ako ng bagong card, kailangan ko na lang i laminate.


1 step forward to the right direction, next step... mag enrol sa gym --- parang ayoko na sa Fitness First, i was with them mga 4 years ago.  grabe dati pa lang talamak na ang cruising at hadahan noon, kamusta na kaya ngayon? ganun pa rin ba?  il probably enrol sa Golds Gym na lang, me mga contacts naman ako dun, baka makadiscount pa. promise this week i will start na, buti na lang di masyado toxic ang trabaho ko.

so public service na muna, ito mga nakita ko sa Philhealth Office, might be of help to anyone:



maraming salamat, stay safe everyone!

ito ang aking diary

BONG

ABNORMALLY POSITIVE

matapos kong magbrowse ng mga blogs at personal account ng mga positive na nauna sa akin - napansin ko lang na karamihan sa kanila took a bit of time to accept it at mag move on.

abnormal na yata ang pagkapositive thinker ko. somehow ang pakiramdam ko , dahil sa naging sitwasyon ng pagpapatest ko, na na-accept ko na ang kalagayan ko even a day before they told me i am hiv positive, tapos i started moving-on at hinarap ang bago kong status sa buhay pagkatapos kong matulala ng 2 o 3 oras after he revelation.

oo, after 3 oras ng taimtim na pag iisip, i went back to my computer ang started working on some pending projects. kasabay ng panaka nakang pagsulyap sa aking planetromeo at grindr accounts. hehe


di man lang ako umiyak, sumikip lang ng konti ang dibdib ko, parang nag poppers lang, tapos bumabaliktad ang sikmura ko nung buong hapon na yun. pero buo pa rin ang loob ako at lakas loob na ipinagpatuloy ang aking araw.  pakiwari ko ay katawan ko lang ang apektado at di man lang natinag ang aking kalooban at pag iisip.

marahil ay sobrang nagmarka sa akin ang natutunan ko nung minsang nagtrabaho ako sa colcenter, sabi sa training - attitude is the most important thing at kailangan na always think positve... so ayan naging positive tuloy ako, haha.

kidding aside, likas na yata sa akin ang pagiging masayahin mula ng bata pa ako, alam na alam yan ng mga taong nakakakilala sa akin, may reputasyon din ako na hindi nagagalit at parating nakangiti, asset ko na yata ang aking magagandang ipin.

ngayon, itinatanung ko na sa aking sarili, abnormal na ba ang pagiging positive thinker ko, do i really need to grieve first?  kelangan ko ba munang pumalahaw ng iyak, o madepress for a while???  is that the healthy way to come to terms with the life-threatening disease like HIV?

e kung hindi nga ako maiyak iyak eh, alangan namang pilitin ko? Para sa akin waste of time lang ang madepress, mas marami pang importanteng bagay keysa ang magmukmok sa tabi at magkulong sa kwarto... di naman pagkakakitaan yun.  sa kalagayan ko ngayon, all the more na kailangan kong magisip kung paano magiging produktibo at kikita ng pera, kakailanganin ko yun para sa mga haharapin kong mga pagsubok na dala ng aking HIV.

at dahil ba maaga, o sobrang aga kong maka move-on, should i continue living and enjoying my life just like before???  continue living OO, enjoying life OO, pero just like before - I DONT THINK SO.  my HIV is the ultimate eye-opener, i have it because i was once unsafe, i know the basic but i did not pay attention to the details, siguro may ilang maling akala pa ako noon.

maghapon akong nagbasa at nag research kanina at kahapon... pano ba talaga ang  safe sex? alin ang high risk, low risk at no risk acts? kailangan kong siguraduhin, i should be extra extra careful. i should make sure to exerise every possible way avoid passing the virus to anyone. i even asked some of my friends to reconfirm the facts.  so today i equipped myself to be able to move on and still enjoy my life.

am i ready to have sex? nung isang araw hindi pa - buti na lang di nag initiate si Kit.  pero today i'm pretty sure ready na ako. should i refrain from having sex? lalo naman yata akong madedepress nun, and frankly i dont think i can live without sex.


actually may nag aya kanina, si Daks, minsan minsan lang kami nagsesex ni Daks, last year pa yung huli, nagtext sya kanina, nagaaya, i hesitated a bit but decided to do it anyways.  it was short and fast, i would rate it 7 over 10. i actually enjoyed it, all the while i made sure it's low risk.

na guilty ba ako afterwards? slightly lang because of the fact na di ko sinabi sa kanya.  pero not so much because i know it's safe sex. 

5 days after i found out i am positive, i have moved on and  i had my first sex.  

am i abnormally positive?

ito ang aking diary

BONG

Sunday, July 3, 2011

WHATS NEXT?

Beyond the Test


September/October 2009


Next, decide whether you're going to tell your family, friends, sexual partner(s), boss, etc. Of course, it's up to you to decide who to share this information with, but one thing to think about is that the only way stigma and discrimination can survive is by being perpetuated by the shame and secrecy of those it targets. It may seem inconceivably hard, but if you don't act ashamed, it will be harder for others to make you feel that way.


.....So what are you afraid of? Change? HIV-positive or not, you cannot live your life fully without it. And one of the most wonderful things I've learned from having my life full of people living with HIV/AIDS is not to waste time on the bullshit stuff, but to focus on what really matters. Just because you did turn out to be positive, your life isn't over, it's just different! And many of the differences can be growthful and beneficial for you if you let them. So when the last tear has been shed and you've uncurled and gotten out of bed, look this new life in the eye and, with the courage and curiosity of all great explorers, demand to know "What's next?"


Breathe deep and live long.

_______________

hay oo nga ito ang next step...  i will wait for 2 weeks, after the confirmatory tests results are out. i would have to talk to my diabetes doctor.  


para sa mga magulang ko? hmmmm matatagalan pa siguro, kelangan ko nga konkretong plano kung paano ko aalagaan at bubuhayin ang sarili ko bago ko masabi sa kanila ang katotohanan.  ayaw ko silang magworry, matatanda na sina mama at papa, baka lalo lang silang ma-stress. 




ito ang aking diary


BONG 

Day 3 - Si Kit

July 3, 2001 – Linggo

okay naman ang gising ko, nakatulog ulit ako ng maayos, marahil dahil sa puyat, mula’t sapul naman ay wala ako problema sa pagtulog ko.

umaga, nagring ang telepono, si Don tumatawag, kahapon ko pa iniintay ang mga sagot nya, medyo nanibago rin ako dahil madalang naman syang tumawag ng umaga at madalas ay tulog pa sya ng ganitong oras.  “hey kuya!” sinagot ko ang telepono.  “o kuya kamusta ka?” ang bungad nya. kuya talaga ang tawagan naming sa isa’t isa.  “okay naman ako so far so good, ikaw ang kamusta? nagtext ako sayo kahapon pero di ka nagpaparamdam, akala ko kong anung nangyari say o, nag worry ako .“ paunang sagot ko.  “ganito lang naman ako kuya, I just need time for myself para mag isip at magpakalungkot, so kahapon yun – ngayon back to normal na ako, nag sink-in na sa akin ang lahat, okay na ako ulit – bipolar nga ako di ba?” dirediretso sya.  patuloy din syang nagkwento sa mga bagong plano sa pagpapaganda ng kanyang condo. dati pa kasing may plano  akong tumira sa pad nya, wala kasing gumagamit ng ibang kwarto sa unit nya.  napagisip isip ko rin siguro ay magandang ideya kung may kasama ako sa bahay just in case. tinanung nya kung gusto kong lumabas. Sabi ko naman, magtratrabaho muna ako dahil may mga tinatapos pa ako.  ganito talaga ang weekends ko, maraming trabaho. Sabi ko na lang kay Don, itetext ko sya pag naisipan kong lumabas.


masaya ako at okay na si Don.  patuloy din ang pagtext ni Migs, kinakamusta ako at parang laging naninigurado kung okay lang ba ako.  nasabi rin nya sa text nung hapon na nabasa na nya ang lahat ng entries dito sa blog ko, at naiiyak daw sya nung mabasa nya ito.  nagpasalamat ako at sinabi ko rin sa kanya  na baka mapadalas ang aming pag uusap dahil siya lang ang maaasahan ko kapag may mga gumugulo sa aking isipan. walang problema at pipilitin daw nya na bigyan ng oras kung kailangan ko sya.

malaki ang naitutulong nila sa akin, sa aking pagtanggap ng maluwag na HIV positive ako --- maaring  marami akong pangamba at may namumuong takot sa king dibdib ngunit dahil alam kong marami akong kaibigan na magiging karamay ko sa aking kinalalagyan, hindi ako nalulungkot. maraming salamat sa kanila.


maliban sa madalas na pagdumi ( 2 to 3x a day siguro) at parating ‘uneasy’ ang aking tiyan, ay maayos naman ang aking pakiramdam. bukod sa trabaho ay wala namang mahalagang nangyari nung araw na yun ng linggo.

kinagabihan dumalaw sa  trabaho ko si Kit, isa sa mga ex-boyfriend ko from 8 or years  ago. malapit lang sya nakatira sa trabaho ko kaya madalas ay nagkikita rin kami. madalas dumaan sa trabaho ko para maki-WIFI at tumambay. nagdinner kami at nagkwentuhan , pilyo pa rin sya.   simula’t sapol eh bata ang turing ko sa kanya, maliit kasi talaga ang frame nya at 18 years old pa lang yata sya nung una kaming magkakilala, estudyante pa sya nun sa UP DIliman, at saka marami syang childish ways pag nagkukulitan kami at nagpapacute sya,  cute naman talaga sya at dahil ilang buwan na rin syang nagwowork out sa gym at talagang gumaganda na ang hubog ng katawan nya.  ngayon, kahit mid-20s na sya eh bata pa rin ang turing ko sa kanya, sa aking isip ay sya pa rin ang ‘baby ko’ hehe.

makikitulog din sya sa pad ko ngayon gabi, maaga daw kasi ang lakad nya kinabukasan at tinatamad yata syang umuwi.  baka biglang may mangyari sa  amin, yun agad ang naisip ko.  sa dinami dami na kasi ng pakikitulog nya sa pad ko, may ilang pagkakataon na may nangyari pa rin sa amin. wala namang anal sex, pana’y oral sex lang.  marahil dahil bata nga ang tingin ko sa kanya, kailanmay di ako nag attempt na makipag-anal sex sa kanya.  pero matagal na rin nung huli kaming mag sex.  madalas kaming nagkukulitan at naglalandian pero hanggang dun lang at walang nagyayari kahit magkatabi kami matulog.  maraming pagkakataon na pwedeng may mangyari pero wala naming naganap, din a rin naman kasi ako kasing libog tulad ng dati at madalas ay ayaw ko naman din mag-initiate.  masaya na siguro akong nakikita sya ng madalas at ako ang kinekwentuhan nya tuwing may mga prublema sya sa buhay at lovelife nya.  parang kapatid na lang ang tuturing ko sa kanya ngayon.


pano kung mag initiate sya ngayon gabi? yun ang naisip ko. bibigay ba ako? hindi muna siguro, ituturn down ko na lang sya at sasabihin pagod ako, at siguradong magtataka yun kasi ako pa ang nag turn down.

buti na lang at hindi sya nag initiate, walang nagyari kagabi.  hindi pa yata ako handa.  kahit na sabihing safe ang oral sex kung walang sugat. di ko pa rin kayang dalhin ang risk na makahawa ako.  hindi pa ngayon, marami pa akong dapat malaman.

ito ang aking diary

BONG

Day 2 - WHITE PARTY

July 2, 2011 - Sabado

4am na yata ako nakatulog kaninang madaling araw at tinanghali na ako ng gising, sakto lang para magtrabahong muli, pati sabado may trabaho, hay buhay! dapat siguro eh baguhin ko na ang aking routine sa buhay, kung haharapin ko ang aking kalagayan, marami akong kailangang baguhin - mag hinay hinay sa trabaho, bawasan ang stress, alagaan ang katawan, magsimulang mag gym, magbakasyon sa probinsya.

kinagabihan, nagtext ako kay Don, kinakamusta ko sya. normally eh mabilis syang sumagot sa mga text ko, pero ngayon eh hindi sya sumagot.  matapos kong mag dinner eh  nakatanggap akong ng tawag at mga text galing sa mga barkada,  lahat eh nag-aayang  pumunta sa BED Malate para sa kanilang white party celebrations.  nung una parang tinatamad ako at gusto kong matulog na lang pero natatakot akong mag isa ng matagal na walang ginagawa, baka bigla akong malungkot. kaya napagpasyahan kong pumunta na rin sa malate para mag happy happy.  nagtext ulit ako kay Don para sabihin ang plano ng barkada, wala talagang sagot, nagworry ako ng kaunti.



habang nasa taxi papuntang malate, bigla kong naalala si Ed,  ang aking bestfriend, biglang tumulo ang aking mga luha, pilit kong pinipigilan pero di ko magawa.  konti lang naman ang tumulo per may konting pagdaramdam at kirot sa aking dibdib.

si Ed ang nagiisa kong  bestfriend mula nung  kalagitnaan pa ng 1990s matapos ang aming graduation sa kolehiyo, nakilala ko sya dahil nagkasama kami sa OJT kahit magkaiba kami ng paaralan, mula nuon ay naging matalik na kaming magkaibigan, mabait kasi yun, suuuuuuuper bait nga.  matagal na rin syang nakabase sa Mindanao dahil sa kanyang trabaho.  madalang na lang kami nagkikita. huli ko syang nakita nung kaarawan ko kung saan lumuwas pa sya ng maynila para makipag celebrate sa birthday ko. madalas nyang gawin yun – ang sopresahin ako pag may mga special celebration sa trabaho at sa personal na buhay ko. kaya naman mahal na mahal ko si Ed, walang kapantay.

naalala ko lang, mababaw ang luha ni Ed, madalas ko na syang makitang umiyak sa maliliit na bagay, pusong mamon-mababaw ang luha.  ng maalala ko sya naisip ko ‘anu kaya ang mangyayari kung sabihin ko sa kanya ang HIV status ko?’  bigla na lang akong napaluha sa taxi.  siguradong papalahaw sa lungkot ang lola mo. hay baka di ko rin makayanan at bumigay din ako.  andaming senaryo na pumapasok sa isip ko.  nalulungkot ako sa maaring maramdaman nya.

pagkadating ko sa bed malate, tinext ko si ed:
___
bong:  San ka?
ed:  Davao. Why?
bong: When r u coming to manila?
ed: Wala pa. Why? Any gimik?
bong: La lang miss lang kita
ed: Will try to join one of the meetings in mla within d month
bong: Okay keep me posted
___

siguro ay nanibago sya ng konti, out of the blue nagtext ako at sinabi ko pa na miss ko sya.  ngayon lang yata ako nagsabi sa kanya ng ganun.  siguro nakahalata yun ng konti na may problema ako, kilalang kilala nya ako, siguradong alam nya na kailangan ko sya.

ayaw ko naman sabihin sa text, naisip ko rin na ibigay na lang ang address ng blogspot na ito para mabasa nya lahat. pero natatakot akong baka masyado syang maapektuhan at mawindang ang trabaho nya at biglang sumugod sa maynila.  malakas pa naman ako, wala pa namang emergency, hihintayin ko na lang syang lumuwas ng maynila at saka ko sasabihin ang sitwasyon ko, sabay na lang kaming iiyak.
saka ko lang napansin, unti unti ng napupuno ang Bed Malate, andaming cute, everytime na may makikita akong type ko, may konting kirot at kalungkutan sa aking kalooban, naisip ko ‘dati  nga ang hirap hirap ng makakuha ng mr. right – pano pa kaya ngayon?’  hay buhay.

8 yata kami sa grupo nung gabing yun, halos kumpleto ang mga kaibigan. matagal tagal din akong hindi nakabalik sa Bed, andami kong nakikitang mga dati ng kakilala.  naramdaman kaya nila na mas mahigpit kesa sa dati ang mga yakap-bati na ibinabato ko sa kanila?  pinipilit kong parati akong nakangiti kahit maraming bagay ang pumapasok sa akin isipan.  kasama ko rin sina Jamil at Jimboy nung gabing iyon, pansin ko ang madalas nilang pagsulyap sa akin – parang naninigurado kung okay lang ba ako, paminsan-minsan ay niyayakap ako ng mahigpit.  salamat sa kanila.



masaya nung gabing yun, nageenjoy ang lahat sa kakasayaw at sa kwentuhan.  nag enjoy din naman ako pero wari ko ay parang medyo matamlay ang aking katawan, di ko alam kung pagod ba ako, o tumatanda na lang talaga ako, o  talagang ito lang talaga ang psychological effect ng sitwasyon ko.

medyo nalungkot ako, naisip ko kasi na pag maaga akong namatay, sobrang mamimiss ko ang mga happenings na ganito.  kailangan talagang simula ngayon ay alagaan ko ang aking sarili para di ko mamiss ang mga ito.  magi-gym na talaga ako sa lunes!

naisip ko rin, sino sino kaya sa mga tao na nasa Bed nuong gabing yung and HIV positive?  marami rin kaya kaming nagpapanggap at nagpupumilit na magpakasaya nuong gabing iyon?  wala siguro talagang makakasagot sa mga tanong na yan.  mukhang  lahat naman ng mga tao dun healthy, pati ako mukhang healthy… traydor talaga ang HIV!

alas 5 na yata ng umaga ng makauwi ako sa bahay, pagod na bumulagta sa aking kama, bago ako napapikit naisip ko ‘dapat siguro hindi na ako nagpupuyat ng ganito, dalawang araw na akong puyat. may sakit na ako, baka lalong makasama sa aking katawan.’.

ito ang aking diary

BONG

Saturday, July 2, 2011

Day 2 - THANK YOUs

migs, jamil, jimboy & don,
  
i am very lucky to have friends like you
malakas ako dahil alam kong andyan kayo
salamat ng marami

bong




















bong, 

bilib ako sa tatag mo. Pero sa oras na napapagod ka, nalilito, natatakot, nanghihina, nandito lang ako. Hindi ko man maipapangako na maging kasingtatag mo, kahit pa ako ma'y pagod, takot, o mahina rin -- alamin mong andito ako bilang kasama mo. 

migs