Showing posts with label questions. Show all posts
Showing posts with label questions. Show all posts

Thursday, August 2, 2012

SI ANDREW FROM MINDANAO

Hello bong 


I'm andrew... For the past six years jan ako sa manila nagtatatrabaho. Naging sexually active ako at hindi safe sex yung practice ko. Sa ngayon dito na ako sa mindanao. May boyfriend ako taga jan sa manila, pero sigurado ako na safe sya sa hiv kasi bago nya ako nakilala he's not into men talaga. Nagkikita naman kami minsan pag nagbabasyon kami at minsan pumupunta sya dito. Pagnagsesex kami oral sex lang, as in ako lang yung magtatatrabaho. Ayaw nya rin yung anal sex at never nagyari sa amin yun. Pero twice nangyari na pinutok ko yung semen ko sa ari nya at ginawa ko itong lubricant habang inistroke ko yung ari nya gang labasan siya. Kunyari positive ako posible bang mahawa siya dahil sa ginawa kong yun? Sana may time ka sagutin itong tanong ko. Natatakot kasi ako para sa kanya. Takot din ako magpatest at hindi pa ready. Siguro darating din ang time na lumakas loob koagpatest. Basta ang lage ko lang pinagdarasal na kung may sakit man ako sa akin nalang ito. 


Maraming salamat sayo bong at more power sa blog mo God BLess us all!


Andrew


hello andrew,



let me comment/answer point by point:


Naging sexually active ako at hindi safe sex yung practice ko. --- UNSAFE SEX MEANS RISK FOR HIV, YOU SHOULD GET YOURSELF TESTED.


pero sigurado ako na safe sya sa hiv kasi bago nya ako nakilala he's not into men talaga --- HINDI IBIG SABIHIN NA HINDI SYA MAHILIG LALAKI (OR MAYBE STR8 SYA) AY HINDI NA SYA MAGKAKA HIV, HIV CAN ALSO BE TRANSFERRED SA HETEROSEXUAL ENCOUNTER, ANG TANUNG EH DOES HE PRACTICE SAFE SEX SA MGA PREVIOUS SEX ENCOUNTERS NYA WHETHER MALE OR FEMALE, IF NOT SAFE THEN HE HAS TO GET TESTED TOO.


Pagnagsesex kami oral sex lang, as in ako lang yung magtatatrabaho. Ayaw nya rin yung anal sex at never nagyari sa amin yun. --- ORAL SEX IS RELATIVELY SAFE PROVIDED WALANG SUGAT SA BIBIG MO AND AS MUCH AS POSSIBLE ALWAYS SPIT THE SEMEN OR WAG MAGPAPALABAS SA BIBIG.   


Pero twice nangyari na pinutok ko yung semen ko sa ari nya at ginawa ko itong lubricant habang inistroke ko yung ari nya gang labasan siya. --- ALTHOUGH THE URETHRA IS LINED BY MUCOUS MEMBRANE, TECHNICALLY THERE IS RISK OF TRANSFER, PROVIDED YOU HAVE HIV AND MAYBE AN OPEN WOUND SA DICK NYA, BUT THE CHANCES OF HIM GETTING IT IS VERY SLIM BECAUSE HIV IN THE SEMEN MAY NOT BE SUFFICIENT AND THE VIRUS MIGHT NOT SURVIVE THE CONDITION ITS IN (EXPOSURE TO AIR)... VERY VERY SLIM CHANCE, IF NOT ZERO.  BUT IT WOULDN'T HURT KUNG MAGPAPATEST KAYO. ;)


Takot din ako magpatest at hindi pa ready. Siguro darating din ang time na lumakas loob ko magpatest. Basta ang lage ko lang pinagdarasal na kung may sakit man ako sa akin nalang ito. --- PINAKAMAHIRAP TALAGA YUNG FIRST STEP AND I UNDERSTAND YOUR FEARFUL SITUATION COMPLETELY, PAALALA KO LANG SA YO, YUNG TESTING CAN BE STEP 2, RIGHT NOW THE MOST IMPORTANT THING FOR YOU IS TO GET EDUCATED ABOUT HIV, THAT SHOULD BE YOUR FIRST STEP (MAS MADALI) SO YOU GET TO KNOW UPDATED INFORMATION ABOUT HIV AND STILL ENJOY SEX WITHOUT PUTTING YOURSELF AT RISK - IF YOU HAVE A CHANCE TO ATTEND ANY HIV 101 LECTURE, PLEASE DONT HESITATE TO ATTEND.  KASI USUALLY NATATAKOT TAYO SA MGA BAGAY NA HINDI NATIN ALAM. I WILL BE QUITE SURE THAT ONCE EDUCATED YOUR VIEWS ON HIV WILL DRAMATICALLY CHANGE FOR THE BETTER. HINDI ITO DAPAT KATAKUTAN AT HINDI ITO KATAPUSAN NG MUNDO, THERE WILL BE NO REASON FOR YOUR TO KEEP IT TO YOURSELF WHILE WITH PROPER MEDICAL ATTENTION YOU CAN STILL LIVE A FULL LIFE.  SANA AT LEAST TAKE THE FIRST STEP VERY SOON.  HELP YOURSELF. LOVE YOURSELF.


salamat sa iyong pagsulat andrew,


ako si BONG

ito ang aking diary

Monday, January 23, 2012

I NEED HELP!

Hi Bong,

I read your blog today (all of your entries) and made me think of my own status.

Ive been very promiscuous and deep inside me alam ko 99.9% na meron na ako HIV.

First time kong sumulat sa isang blogger and lakas loob lang talaga. I am sure youre wondering nag pa test na ba ako? - hindi pa. Wala akong lakas ng loob para mag pa test. Natatakot ako, nakakahiya...

Kung ngayon pa lang na hindi pa confirmed status ko na discriminate na ako outside. Nasa mall ako with friends, may group of gay guys na naka tambay sa isang coffee shop kung san din kami ng friends ko pumunta. Pag dating naman dun ang rami kaagad parinig.
"gosh, he really looks sick"
"naku sana mawala na sya dito... " Etc...

Nung nakaupo na kami, mas maraming parinig, patama na alam naming lahat para sa akin. Minadali ko coffee ko at umalis kunyari tumawag ang bahay at importante.

Ngayon, sobrang takot ako lumabas, dinner with family and friends dahil sa nangyari na pwede ulet mangyari sa akin.

Nakita ko yung post mo sa hiv travel restrictions... Biglang pumasok sa isip ko eh kung lumabas ako g bansa at mag trabaho sa walang restrictions... Kaya lang, paano yung maiiwan ko dito? Paano yung pamilya ko?

Naisip ko din... Na para matahimik ako, sige mag papatest na ako. Pero saan? Saan walang tao mastado? Saan yung di ka mapapansin? Siguro by now, masasabi mong i really care what other people would think about me - at affected ako, may it be good or bad.
I read several blogs today and chose to write  you a letter, i dont know why. But i hope you can help.

Thanks.

PEDRO

______________________________

hello pedro,

ang pagsulat mo sa akin ay isang malaking step, salamat at naglakas loob ka.

unang una nais kong malaman mo na diskriminasyon ay talamak sa ating kultura.

madalas:
ang mga babae ay nadidiscriminate.
ang mga payat ay nadidiscriminate.
ang mga matataba ay nadidiscriminate.
ang mga mabababa ang height ay nadidiscriminate.
ang mga pangit ay nadidiscriminate.
ang mga bakla at lesbiyana ay nadidiscriminate.
at oo ang mga PLHIV ay nadidiscriminate din.
basta kakaiba, may potensyal na madiscriminate.
dapat nating tanggapin na andyan yan, kaya nga may mga adbokasiya
na lumalaban para ito ay wakasan, dahil hindi ito makatarungan.

ngunit sa ganang aki'y matagal pa o baka imposible pa sa ngayon na ito'y
mabura sa lipunang ating ginagalawan.

at dahil dito, dapat ay hindi dito magtatapos ang ating mundo, ang iyong mundo.
kung may nagdidiscriminate sa yo, tumayo ka at ipaglaban ang iyong sarili.
o maging matatag ka at wag mo silang pansinin.

ANG POINT KO IS - we cant please everyone, halos lahat ng tao may opinyon sa iba.

QUEBER NA! DONT CARE! TATANDA KA AGAD! PROMISE!
DONT RESTRICT YOUR LIFE. INSTEAD START ENJOYING IT.
LIVE IT.
pagmamahal sa sarili, unang una sa lahat.  ito ang pinaka importante. tanggapin ang sarili ng
walang pag  aalinlangan --- kapag tiwala at mahal mo ang iyong sarili,
walang sinumang tao ang makakasira sa iyo.

totoo ngang maraming taong negatibo,
sila ay dapat iwasan.

ngunit totoo ring mas maraming taong sadyang mababait at positibo ang pananaw sa buhay,
siguro sila ang kelangan mong hanapin at samahan.

unang una na rito ang iyong pamilya lalong lao na ang iyong mga magulang,
naniniwala akong sila ang magiging karamay mo sa hirap at ginhawa.
humugot ka sa kanila ng pagmamahal at lakas ng loob.

gayundin ang iyong tunay na mga kaibigan, magtiwala ka sa kanila.
sila ang unang unang makakaunawa sa iyo at nakikilala kang lubusan.

sa isyu naman ng HIV...
dapat tandaan na ang sobrang "promiscuity" per se ay hindi sapat para sabihin
na ikaw ay siguradong may HIV na.

maaaring promiscuous ang isang tao pero siya naman ay may sapat na kaalaman
at naprapraktis ng safe sex.

maaari ring minsan lang lumandi ang isang tao ngunit dahil naging pabayasiya,
ay buminggo na sya ng bonggang bonnga at confeeeermed na sya.

ang katotohanan - ang risk for HIV ay nakasalalay sa maraming bagay, isa na rito ang
"high-risk" sexual behavior tulad ng unprotected penetrative sex. at marami pang iba.

ang lahat ng ito ay matututunan mo kapag nagpa HIV testing ka.
sapagkat ayon sa panuntunan, kaalinsabay dapat ng HIV Testing ang
1. HIV 101, 2. Pre-Test Counseling, at 3. Post-Test Counseling.
ang prosesong ito ang nagsusulong na maipalaganap ang tama at bagong
impormasyon ukol sa HIV/AIDS at iba pang Sexually Transmitted Infection (STIs).
layunin ng prosesong ito na magkaroon ng 'behavioural change'  ang mga
taong daraan dito para makasiguradong maiwasan na ang paglaganap ng
HIV AIDS sa pilipinas (at least for those people who took the test).

kung lahat ng tao lang sana magpapatest. hayyyyy :(

datapwat subalit, hindi lahat ng HIV testing sites and private clinics ay
sumusunod sa ganitong proseso, lalong lalo na ang mga private testing
and diagnostic clinics (base sa aking mga panayam) - ito ang mga clinics
na hindi naman prayoridad at espesyalisasyon ang STI HIV AIDS.
kalimitan rin sa kanila ay may bayad.

para makasiguradong tama ang proseso at maasikaso ng mabuti ang iyong
pangangailangan hinggil sa HIV AIDS at STI, ang rekomendasyon ko ay pumunta
sa pinakamalapit na  SOCIAL HYGIENE CLINICs (libre dito) narito ang listahan
http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/hiv-test-sites.html

gayundin sa mga NGO and advocacy groups na nagbibigay ng mga special testing dates.
halimbawa :

1. ASP (Aids Society of the Philippines) --- FREE HIV Confidential (with Pre and Post) Counseling and Testing every 1st Friday (5pm - 9pm) and 3rd Saturday (10am - 3pm) of the month - 2/F OTM Bldg. No. 71 Scout Tuason Street - Bgy South Triangle, Quezon City - For more info please call 3762541

2. The Love Yourself Project  - nagsasagawa ng FREE testing every quarter (next one is on MARCH 4). http://loveyourself.ph/

narito ang aking blog entry about these groups:
http://parteeandplay.blogspot.com/2012/01/stakehoders-ngos-advocacy-groups.html

sa aking experience, mas kumportable ang pumunta sa mga social hygiene clinics at advocacy groups dahil ito ang kanilang forte (HIV AIDS STI)  gayundin ay sila rin amg mga aktibo sa pagsusulong mga mga anti-disrimination and stigma campaigns kaya sapat lamang na isa alang alang nila ang mga espesyal na pangangailangan at atensyon nga mga tulad natin na sensitibo rito.

kung gusto mo talaga konti lang tao i highly recommend,

Makati Social Hygiene Clinic (discreet tinted & unmarked room at 7th floor of Makati City Hall),
JP Rizal St. Brgy. :Poblacion, Makati City / 8701615
look for Yoyie or Ms. Tess (Nurse)

or

Mandaluyong Social Hygiene Clinic
Dr. Yolanda Tuaño - Social Hygiene Clinic Physician
Lerma corner Vicencio Sts., Old Zaniga, Mandaluyong City / 5467799; 2115336
Mobile #: 09178424298

or

RITM Satellite Clinic
#1850 Leon Guinto Street, Malate, Manila
Phone: (+63-927) 704-8646
Contact person: Lean
Clinic hours: Mondays thru Saturdays, 9 AM to 6 PM


kung kailangan mo ng further refferal or gusto mong may makasama
pwede pa rin kitang matulungan, just ask.

bothered lang ako sa claims mo na 99.9% alam mong positive ka.
at nadiscriminate ka ---
do you look sickly?
did you lose a lot of weight?
are there any visible signs & symptoms?

and even if you answered YES on all my questions above, hindi pa rin ibig sabihin na may HIV ka na, dahil marami pang ibang sakit na maaaring iyon din ang sintomas.

HIV test lang ang tanging paraan para malaman mo kaya go ka na bilis.

ukol din sa option mo nag mangibang bansa sa mga bansang walang restrictions, malaking konsiderasyon din na dapat mong isipin na kung HIV Positive ka, libre ang gamot sa pilipinas para sa mga pilipino - pag  nangibang bansa ka, maaring hindi libre ang gamot para sa mga dayuhan at ngayon pa lang ay sinasabi ko ng may kamahalan ang mga ARVs (anti-retroviral drugs) kaya dapat mo itong pag isipan.

unang step. magpatest ka. kung kailangan mo nga makakasama, magregister ka dito:
http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/i-want-to-get-tested.html

salamat at ako napili mong sulatan. touched ako promise ;)

okay sya keep me posted kung anu ng nangyari sa yo.

hiling ko na maging maligaya ka.


BONG


(PS:  hiv is a matter of life and death, the key is early detection, for once you should stop thinking about other people and put yourself on top priority, isa lang ang buhay natin - huwag sayangin dahil lamang sa hiya or sa takot sa sasabihin ng iba)

Tuesday, December 27, 2011

MGA TANUNG NI KOJIE

Hello Bong,

My name is KOJIE from pque 23. At my age, I also have the same blessing. Dont want to mention the magic word. I have so many thoughts in my mind. After knowing that I have obtained the blessing, my plans in life suddenly changed. I need some pieces of advice if its okay:

I planned to work abroad some day when I reach the age of at least 27-28 but knowing I have it I guess its no longer possible, can it be detected from my requirement?

I planned to establish my own family when I reach 30 but having it made me changed to stay single forever and not to put someone at risk and also to pass this on my child.

I decided to stay with my current job, just worried if it can be detected with CBC.

Sorry for the confusion, I am indeterminate and I have researched o  it and its going there after a month so I am just preparing myself. Will have to visit mid of Jan 2012.

Regards,
KOJIE





hello kojie,

maligaya ka sana ngayong pasko at bagong taon, alam ko na matapos ang ganitong 'bad news' eh medyo mas mahirap ng magpakasaya --- pero hindi imposible na sumaya pa tayo, if fact maraming dapat ipagpasalamat sa ating buhay at sangkaterba pa ang dahilan para maging masaya tayo.

working abroad ---  oo maaari ka pang makapagtrabaho abroad, pero hindi lahat ng bansa ay pwede, may mga bansang ipinagbabawal ang magtrabaho ang dayuhan na PLHIV (people living with HIV), makabubuting pag aralan mo muna ang batas ng bansang iyong gustong pagtrabahuhan at kung nagrerequire sila ng HIV testing.  sa US pwede pwede, sa Singapore at ibang Arab Countries hindi na pwede.   pero kung tourist visit lang naman, alam ko na pwede ka pa rin makapunta kahit saan mo gusto dahil wala namang bansa na nagrerequire ng HIV testing sa tourist visa applicants.

establishing a family --- oo maari ka pa ring magkaroon ng pamilya, dahil sa galing ng sensya ngayon ay maari ng magkaroon ng maayos na pamilya ang isang PLHIV.  hindi ito madali ngunit may mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang mahawaan ang iyong asawa, gayundin ang inyong magiging anak.  maari kang magtanung sa mga duktor na espesyalista sa HIV/AIDS (sa mga treatment hubs) tungkol dito.


keeping current job ---  nakapaloob sa ating batas (Republic Act 8504) na bawal ang diskriminasyon gayundin ang pagtanggal sa trabaho ng dahil lamang na ang isang tao at PLHIV.  gayundin walang karapatan ang sinuman na pilitin ang isang tao para magpatest ng HIV.  dapat ito ay voluntary.  dahil dito walang kahit sinong kumpanya sa pilipinas ang makakapag-require ng HIV testing sa kanyang mga empleyado, ito ay labag sa batas sa ating karapatang pantao.  ang iyong HIV status ay hindi malalaman sa pamamagitan ng ibang mga blood test tulad ng CBC kaya wala kang dapat na ipangamba.  HIV test lang ang makakapagsabi nito.

indeterminate --- nangyayari ang ganitong resulta kung may mga pag-aalinlangan ang resulta ng ating mga test procedures, maaring hindi pa sapat ang mga antibodies sa iyong katawan (window period), at may iba pang kadahilanan.  mas makabubuting magpatest kang muli sa itinakdang panahon para malaman kung anu ang tunay na resulta.

maganda ang naghahanda.  hiling ko ay maging (negative) ang resulta ng iyong mga darating na tests pero nais ko ring ipaabot sa iyo na kahit positive man ang lumabas, hindi ito katapusan ng mundo.  goodluck sa iyo at sana ay matagpuan mo ang kapayapaan at katatagan ng kalooban ngayong bagong taon.

salamat

BONG


TIMELINE (without ARV treatment):

Monday, September 26, 2011

MYTHS VS REALITIES





1. Myth: Having HIV means I am going to die.

Fact:
With today’s HIV medicines, you can live a healthier life and have a positive outlook. HIV can be managed as a chronic (ongoing) disease, and people with HIV can lead healthier lives.


2. Myth: If I don’t feel sick; I don’t need to start HIV treatment.

Fact:
Just because you do not feel sick does not mean that HIV isn’t harming your body. The current U.S. Department of Health and Human Services (DHHS) guidelines advise, along with other factors, starting HIV treatment when the CD4 count is 500 or lower. The guidelines also state that treatment should be considered for people whose CD4 counts are above 500. Studies show that starting treatment earlier may help protect your immune system and help you live a longer life. Don't wait until you feel sick to start. (In the Philippines the old threshold of 350 CD4 Count is still being practiced.)


3. Myth: If I start HIV treatment, my body will start changing and I am going to look sick.

Fact:
Some HIV medicines may have an impact on body shape. But today there are many HIV medicines that are less likely to cause body shape changes. If you are concerned, work with your healthcare provider to decide on a treatment that is right for you.


4. Myth: I'm going to have to take too many pills.

Fact:
In the past, people may have taken 20 or 30 pills a day for their HIV. Today there are once daily treatments with fewer pills. Talk with your healthcare provider about HIV treatment choices that fit your lifestyle.


5. Myth: I'm strong - I’ll be fine without HIV treatment.

Fact:
You may hope to stay healthier without ever having to take medicine for your HIV. But, HIV will damage your immune system if you leave it untreated. Without treatment, it is very rare for someone with HIV to keep the amount of HIV in their blood at an undetectable level over the long term. If left untreated long enough, HIV can turn into AIDS. Starting treatment may not be something you want to do. But it can give you the chance to live a longer, healthier life.


6. Myth: Taking HIV medicines is a constant reminder that I am sick and that I have HIV.

Fact:
Try not to see HIV medicines as a reminder of being sick. Think of them as part of your desire to stay healthy. Remember, HIV medicines are a way to keep your CD4 count up and your immune system strong. When started early in the disease, HIV medicines can help preserve your immune system, reduce the risk of certain diseases, and reduce the risk of death.


7. Myth: I can't afford HIV treatment.

Fact:
There are several programs that can help you pay for HIV medicines. Don't let cost prevent you from starting treatment. If you are worried about how you will pay for your HIV medicines, here are some ideas:
*Under Global Fund, currently ARVs are 100% FREE.
*in 2012, after the Global Fund is depleted, PHILHEALTH will take over the provision of ARVs, so it's important that you have PHILHEALTH.
*Talk to your HIV HelpDesk in the different Treatment Hubs for more details.


[source -- www.treathivnow.com]