Im Amber,Lagi kong binabasa ang story dito.Dito ako nagkaroon ng lakas ng loob para magpatest,Isang taon nakong gustong gusto magpa-test pero sobrang takot ako at nahihiya at hindi ako handa na tanggapin kung Positive man ako..
My 2years live in Partner turns out na marami pala syang kinakasiping nalaman ko lang nung pahuli na namay isa pala syang YAHOO at dun sya nakikipagchat sa mga babaeng nakakasiping nia pinag-uusapan pa nila how they did it,
Nakapaghiwalay ako agad, 1.5 years na ang nakakalipas since huli kaming nagsiping and he never used condom.Palagi akong nag-aalala na baka may HIV ako..Sobrang paranoid ko na.. Finally yesterday nagkaroon din ako ng lakas ng loob makapag pa test sa MAKATI SOCIAL HYGIENE and it turns out "REACTIVE" Sa mga pagkakataong yun hindi ako makapaniwala na sinasabi ng Nurse sakin na "REACTIVE daw" Hindi ako makatayo nanginginig ang mga tuhod ko..Sabi nia hintayin ko daw yung Confirmatory test after 2-3 weeks.
Kapag "REACTIVE ba means malaki ang chance na Positive ???I dont feel sick wala akong symptoms na nararamdaman walang rash or lymph nodes,,wala ring LBM akong nararanasan hindi ko matanggap na REACTIVE yung results pinapaniwala ko pa rin sarili na magiging Negative yung Confirmatory.Gulong gulo ako hindi ko alam ang gagawin ko.Di ko alam kung sino ang kakausapin ko.
Salamat at Pasensya kana ang haba na ng message ko
Amber
Hello Amber,
Masaya ako at malungkot.
Masaya dahil kahit papaano, ang aking blog ang naging daan para magkaroon ka ng lakas ng loob para tanggapin sa iyong sarili na maaaring nagkaroon ka ng RISK sa HIV, at lakas ng loob to take the first step and had yourself tested. Sana sa proseso ay mas naliwanagan ka na kung ano ang katotohanan ng HIV at AIDS.
Malungkot dahil hindi naging maganda ang resulta ng screening test mo sa Makati. Totoo na mahirap ang sitwasyon mo ngayon lalo na at naghihintay ka ng CONFIRMATORY TEST mo, marami sa mga kakilala ko ang ganun din at gulong gulo ang isip during that time. Para sagutin ang iyong tanung, because our screening tests now have greatly improved through the years there is only a very slim chance that you can turn out NEGATIVE on your confirmatory tests. There is but its really very very rare - that I would not want you to bank on it and get disappointed again after a few weeks. (some might not agree with me, let me tell you why this is my view)
Naalala ko pa nung nakuha ko na ang result ng confirmatory test ko -----
JULY 2, 2011 “ REVELATIONS --- habang pasakay na kami ng kotse wala na kong ibang nasabi kungdi “sinabi ko na sa inyo guys eh” . pagkaupo, hinagilap nila ang aking kamay at mariing pinisil. nagsimulang tahimik ang aming biyahe pabalik sa coffee shop na pinag almusalan naming. maya maya ay nagsimula na naman ang diskusyon ukol na potensyal na magnegative pa ang confirmatory test na gagawin. may suhestiyon si jimboy na kumuha ng panibagong rapid HIV testing sa isang pribadong clinic na malapit sa lugar naming “just to reconfirm the initial findings” sabi nya. hindi na ako pumayag. ang sa akin lang, kahapon ko pa natanggap na malaki ang potensyal na maging positive ako, mahirap mang isipin, hindi pa ako umiiyak at wala akong nararamdamang kailangan kong umiyak dahil sa mga pangyayaring ito. gusto ko lang magsimula na agad na harapin ang kalagayan ko, ayoko ng bigyan pa ng false-hope ang aking sarili sa isang bagay na alam ko naman na maliit na lang ang potensyal na mangyari. kung kailangan tanggapin na ngayon, tanggapin na lang. oo maghihintay pa ako ng 2 linggo pero ang alam ko sa ngayon POSITIVE ako. yun ang totoo, anu ang gagawin ko mula sa araw na ito. naintindihan nina jamil ay jimboy ang punto ko at tinaggap na rin nila ang aking argumento. ---
------------
Amber, I sincerely hope that your case can be part of that rare cases where the confirmatory tests will reveal negative results. Pero sa ngayon mas magiging mas advantageous para sa iyo na tanggapin na lang kaagad ang resulta at magsimula sa panibagong buhay na kailangan mong harapin (tulad ng ginawa ko) ng sa gayun ay mabawasan na ng pag aalala at lalong depresyon sa buhayh mo ngayon. Kung sakaling maging maswerte ka sa confirmatory result mo, then we can celebrate and treat it as a bonus. Kung hindi naman at talagang POSITIVE ka na eh maaga pa lang ay nakapag move on ka na and you start taking care of yourself (at hindi na nasayang ang 2 buwan sa pagaalala at mga negative thoughts). Dapat mong tandaan na sa iyong kalagayan ngayon, the last thing you need to to feel depress and feel bad. Andyan na yan at di na natin mababago ang nakaraan. The more you spend time getting depressed and “feel negative” about the situation, it will further take its toll on your immune system and your health.
Napakadaling sabihin pero sobrang hirap gawin, may ilang tao akong kilala na it took months and sometimes even years before they were able to move on with their life and start feeling good about themselves again. Ako it took me 1 day of sadness and feeling ”lost” after which nakamove on na ako agad. Alam mo kung bakit??? Dahil sa simula pa lang ay educated na ako about HIV and AIDS, malawak na ang kaalamam ko sa isyung ito, PLUS sadyang masayahin at “positive thinker” lang talaga akong tao, I always look at the positive side of things, marami na akong napagdaanang bagay sa buhay ko and nothing can pull me down, not even HIV. Hiling ko ay sana ay maging madali para sa iyo na maka move on.
Base sa mga bagong diagnosed na nakasalamuha ko, kahit pala dumaan naman sila na proper POST TEST COUNSELNG, pero dahil nga sa biglang masamang balita ay tila wala silang naintindihan at maalala sa mga sinabi ng COUNSELR after nilang malaman ang resulta. Normal ito na nasa state of shock tayo at kahit nai explain na sa atin ang mga dapat gawin, ay tila confused na confused pa rin tayo. Dahil siguro hindi natin nasabi or naisip agad ang mga sitwaysyon na kinalalagyan natin at hindi ito direktang nasagot ng counselor. (paano ako? Paano ang anak ko? Paano ang trabaho ko? Paano wala akong pera? At marami pang iba) .
Kaya inirerekumenda ko na
1. after a few days at mas malinaw na ang iyong pagiisip, ay makipagusap ulit sa iyong counselor, o kaya sa isang counselor na PLHIV (people living with HIV) din kung saan mas mailalatag mo ang iyong mga katanungan at kalituhan para masagot isa isa. Hanggat hindi mo ito nagagawa ay hindi mawawala ang iyong pag ka “lost” sa sitwasyon mo.
2. kung ayaw mong makipag usap, pwede ka ring magresearch – may kumpletong impormasyon tungkol sa NEWLY DIAGNOSED sa www.thebody.com, halos lahat ng tanung natin nasagot na nila you can go directly here --- http://www.thebody.com/content/49985/just-diagnosed-with-hiv-aids.html?ic=3001 --- maari lang may ibang detalye na hindi angkop sa sitwasyon natin sa pilipinas kaya para sa akin mas mahalaga pa rin na makipag usap o magtanung ng personal na isang tao na nakakaalam tungkol dito, a PLHIV na Counselor or just plain PLHIV.
3. Research and educate yourself completely on HIV & AIDS (same website).
4. Start living a Healthy Life. (which is the way it should be PLHIV or not)
5. Consider having a PLHIV Support Group (BABAE PLUS, PINOY PLUS, CEBU PLUS, PAFPI etc..) kasi sila ang magiging katuwang mo sa lahat ng iyong katanungan. Sobrang dami ring anonymous PLHIV Twitter users, if you want to belong but still keep your identity anonymous and share your story - there is a lot to learn from our PLHIV colleagues and to know that there are hundreds and thousands of us out there is PRICELESS. I can introduce you to them, tweet me at --- ako_si_BONG
6. Consider disclosure to key people. importante ito pero hindi naman requirement.
7. Have you Philhealth documents ready. malaki ang maitutulong nito sa ating bagong buhay. kung wala ka pa, make sure you enroll immediately.
8. Seek medical attention and follow the crucial next steps after you receive your Confirmatory Results. – CHOOSING & REFERRAL TO TREATMENT HUB – BASELINE LABORATORY TESTS – QUARTERLY OR BI-ANNUAL CHECK UP WITH AN HIV DOCTOR.
9. Most importantly Love Yourself above all.
EMBRACE POSITIVITY:
a. You took the test and now you know your status, you can finally stop wondering and start to move on --- this is good!
b. Mukhang just a few years lang yung risky sex relationship mo, means a few years lang din nung ma acquire mo ito… meaning there is still a plenty of time to move and seek proper medical attention…. Some people took 5 to 10 years to find out their status, and sometimes its already too late for them.
c. You are perfecty healthy at wala kang anumang sakit. Meaning wala pang kahit anung opportunistic infections. This is great, more good news. --- dipende sa tao at sa kanilang immune system, a person can last 2 to 10 years without any signs and symptoms before they realize that they are infected --- PLUS chances of living a productive life dramatically increases with proper ARV treamments which is now available for you (30 to 40 years is no longer rare for PLHIV). This is GREAT.
d. Di ito cancer, walang taning ang buhay natin. Masuwerte pa rin tayo.
Focus lang ang kailangan, presence of mind at ilang taong iyong masasandalan. Step by step. You can surpass all these.
AMBER, i give you a “Virtual HUG” – know that its not the end of the world and we will be here for you, all you have to do is ask.
ito ang aking diary
ako si BONG
email: playingpositive@gmail.com
twitter: ako_si_BONG
Bhong
ReplyDeleteThank so much at sinagot mo ang Email ko..sa mga pagkakataong binabasa ko ang sagot mo naramdaman kong meron akong nasandalan ,nakausap na nakakaunawa sakin, Parang panaginip lang kahapon nung nagpunta ako sa Makati para magpa-test.hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko na talagang Positive nga..ako ,Pano na ko mag isa lang wala akong kaibigan na makakausap,hindi ko alam kung sasabihin ko sa Parents ko.Pano na yung future ko,sa sitwasyon ko hindi na rin ako pwedeng mag-baby in the future.Wala nang lalaking magmamahal sakin
I dont drink,i dont smoke i never go to disco,i dont party pero bakit ako pa,tadhana nga naman!mapagbiro! Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin hindi ako makapaniwalang sick na ako..
Gulong gulo ang utak ko parang sasabog na.
Maraming salamat sa Website na binigay mo ,,its very helpful
Amber
Hi Amber, Bong,
DeleteFirst off, thanks to Bong for this blog. It gives me strength to take the test.
Amber, i have slightly similar scenario. I met a girl and had her for quite sometime. She's lovely and loving. But i've learned she had several encounters with men with her previous work. We still talk and i kept asking her to take the test with me, but she doesnt want to.
I wanted to take the test in RITM, soon to kill this paranoia. Amber, i know this is too much to ask, but if ever you'd need to visit RITM for CD4 or regular check up, can you let me know, and i want to come with you there and get tested. (i'll leave here my contact email)
Be strong and hang in there. In US there's already a cure being test to minimize, if not, kills the virus. http://articles.nydailynews.com/2012-08-28/news/33456963_1_truvada-hiv-drugs-gilead-sciences
Its a daily single dose medication. I hope it comes here on our shore..
-Ben geekspeak@outlook.com
BABAE PLUS is a support group for PLHIV na Babae. email me privately if you need referrals kung paano mo sila makokontact.
ReplyDeletewe can talk sa phone if you want that, just email me first.
you dont have to tell anybody unless you are ready, dadating ang oras para dyan, sa ngayon mas makakabuting pag aralan mo muna ang sitwasyon mo para pag dumating ang panahon na kailangan mo ng mag disclose (sa pamilya o kaibigan), alam mo rin ang isasagot sa marami nilang katanungan.
pwede pa ring magkaanak ang isang babaeng PLHIV, may mga paraan, at ituturo ito sa iyo ng iyong duktor na espesyalista sa ganito.
maari ka pa ring magka boyfriend, pwedeng sa kapwa positive or sa isang negative. syempre hindi na ganoon kadali tulad ng taong walang HIV dahil marami na ng konsiderasyon ang dapat isaalang alang pero ang lahat naman ay napapagaralan at napapagusapan. maraming PLHIV ang may mga karelasyon at nagkaka asawa pa.
walang epekto ang HIV sa pisikal na anyo ng isang tao, hindi mababawasan ang ganda mo, hindi mababawasan ang ganda ng kalooban mo, hindi mababawasan ang pagmamahal na laman ng puso mo. marami pang lalaki ang magmamahal sa yo.
bakit tayo pa? ganun lang talaga ang buhay, minsan swerte, minsan malas, ang pinaka importante sa lahat ay kung paano ka babangon sa sitwasyon mo ngayon. there is no reason for you to give up. this is just a start of a new life, it can be a happy productive life, or it can be a miserable one --- sa iyo pa rin nakasalalay ito, it's your choice.
dont lose hope.
one step at a time.
good pm
ako si BONG
Hi Bhong
ReplyDeleteReally ? You think may tatanggap pa sakin kahit na sick na ako..Parang bigla akong nagkaroon ng pag-asa, I am 23 years old only and this is what happened to me..I felt so alone..I dont know what to say anymore..
Amber
of course naman, marami akong kakilala na nagkakaBF or GF pa, kahit PLHIV na sila --- pwedeng pwede.
DeleteBong
You know Bong, if you have noticed most of the HIV cases in PH, they hardly know where they got it. Very seldom that someone can recall or traced it back from its "ORIGIN".I know for a fact that it will not changed a thing if you have the virus already but then isnt it make you feel better if you know who passed it!
ReplyDeletetotoo, kahit ako, i cannot exactly pinpoint who is the culprit in my case... alam mo kung bakit? kasi mahirap naman talagang malaman kung sino --- unless isa lang ang nakasex (unsafe) mo sa buong buhay mo, or kapag once every 6 months ka lang nakikipagsex at within that period eh magpapaHIV test ka, siguro kapag ganun ang case mapipinpoint mo...
Deleteit is a FACT na even if you have unsafe sex sa isang PLHIV, may chance pa rin na hindi ka mahahawahan --- hindi automatic na mahahawahan ka agad, may chances pa rin na hindi... maraming factors ang dapat iconsider.
so ano yun iisa isahin mo ang mga nakasex mo? pipilitin mo magpatest kung ayaw umamin? tapos kung nag positive nga sila, pano mo mapaptunayan na sya ang nakahawa sa iyo at hindi ikaw ang nakahawa sa kanya??? malaking gulo yan?
sa aking palagay mas makabubuting wag na lang malaman, kasi una mahirap maghinala, unless 100 percent sure nga, biruin mo iisa isahin mo ang mga nakasex mo... eh maging sila, baka hindi nila alam ang status nila... gugulo talaga ang buhay
isa pang pagsisimulan ito ng galit, kung malalaman ko kung sino, baka hindi ko maiwasan na magtanim ng galit sa taong me kasalanan.
ang katotohanan, kasalanan ko rin ito, nagpabaya ako, tinatanggap ko ng 100% ang responsibilidad na ito, wala akong sinisisi at itinuturo...
negative energies ang mga yun, wala na akong panahon sa ganun, i just wanna live a healthy and positive life, anything i do that does not make me productive and will not lengthen my life is a WASTE of TIME - so why bother? ;)
Bong