Saturday, August 18, 2012
SINO ANG NAKAHAWA SA IYO?
You know Bong, if you have noticed most of the HIV cases in PH, they hardly know where they got it. Very seldom that someone can recall or traced it back from its "ORIGIN".I know for a fact that it will not changed a thing if you have the virus already but then isnt it make you feel better if you know who passed it!
from HIVSLASHAIDS
http://hivslashaids.blogspot.com/
HELLO HIVSLASHAIDS,
totoo, kahit ako, i cannot exactly pinpoint who is the culprit in my case... alam mo kung bakit? kasi mahirap naman talagang malaman kung sino --- unless isa lang ang nakasex (unsafe) mo sa buong buhay mo, or kapag once every 6 months ka lang nakikipagsex at within that period eh magpapaHIV test ka, siguro kapag ganun ang case mo mapipinpoint mo...
it is a FACT na even if you have unsafe sex sa isang PLHIV, may chance pa rin na hindi ka mahahawahan --- hindi automatic na mahahawahan ka agad, may chances pa rin na hindi... maraming factors ang dapat iconsider. ang sabi pa nga ng ibang studies eh mahirap naman daw talaga na maikalat ang HIV, marami lang talagang mga tao ang nagiging mapangahas pagdating sa sex.
so ano yun iisa isahin mo ang mga nakasex mo? pipilitin mo magpatest kung ayaw umamin or kung hindi nila alam? (thats against the law to make-pilit magpatest anybody) tapos kung nag positive nga sila, pano mo mapapatunayan na sya ang nakahawa sa iyo at hindi ikaw ang nakahawa sa kanya? so you have to consider time differences, kelan ka nahawahan? kelan ka nagpatest? kelan sila nahawaan? kelan sila nagpatest? --- eh kung magnegative yung pinagdududahan mo, e di ikaw naman ang babalikan nya, bakit mo siya inilagay sa risk of infection, ikaw naman hahabulin. walang katapusan na counterchecking baka makagawa ka na ng family tree ng HIV sa Pilipinas. gugulo lang ang buhay mo.
sa aking palagay mas makabubuting wag na lang malaman (irrelevant na yung issue), kasi una mahirap maghinala at mahirap magprove ang ebidensya, unless 100 percent sure ka nga, solid facts ang kailangan. at para anu pa? it wouldnt make any difference at all. isa pang pagsisimulan ito ng galit, kung malalaman ko kung sino, baka hindi natin maiwasan na magtanim ng galit sa taong me kasalanan, most of the cases naman eh hindi rin nila sinasadya ang pangyayari.
negative energies ang mga yun, wala na akong panahon sa ganun, i just wanna live a healthy and positive life, anything i do that does not make me productive and will not lengthen my life is a WASTE of TIME - so why bother? ;)
para sa akin, ang katotohanan, kasalanan ko rin ito, nagpabaya ako, tinatanggap ko ng 100% ang responsibilidad na ito, wala akong sinisisi at itinuturo...
sana lahat tayo ganun.
ito ang aking diary
ako si BONG
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
how would it make you feel better...?
ReplyDeleteIn my case, i know whom I got it. i believe i was intentionally infected by someone i met. my case was documented since i am fully aware of the series of events leading to being infected.(of course at the end of the day, i know for a fact, that its my body--its my sole responsibility. but spreading it especially if you know is another story!
ReplyDeletePag inaalam muba makakatulong yan syo sa pag momove on mo?
ReplyDeletetotoo kuya bong, kaya bru mag move kana, hinde yan makakatulong syo.isp ka ng isip..mapapasama lng yun sa ating katawan kakaisip ng mga bagay bagay. Andyan na yan.kahit ba malocate mo yun nanghawa syo e may magagawa kpa ba? Mahirap yun gusto mong mangyari bru. Move on...
ReplyDeletebro,
ReplyDeleteI'm not trying to offend anyone, but would it not be a more "positive life," if you could refrain from unchastity, and lead instead a more Godlike happy life while there is still enough time to do penance and to transform one's life once and for all? Being a member also of third sex, humility aside, despite having a new bf whom I've met thru online chatting since 2006, although I was already tempted several times, I just keep myself satisfied and happy with kinda like of platonic love. Kaya honestly, until now, after more than 5 years of having an illicit affair with him, we still didn't have any kind of actual physical sexual intercourse, but were simply kissing each other on pics and videos. And, since a few months ago, we're already planning a reciprocal understanding to cool off for our very own sake, which means we should totally abstain from sending any form of habitude that signals about our feelings. Until we could gradually relinquish from each other without any hurt feeling, and would rather simply remain friends forever. Besides, since about a year ago, we decided to focus our mutual interests by intensifying our re-discovered LOVE for the holy word of God, which we started to discuss intensely every time we meet. GBU all.
hello bro,
Deletethanks for taking time to comment on my blog. while i adore and commend your values and trust in your religion. sa aking palagay dipende talaga sa tao yan. merong mga tao na masayang mabuhay ayon sa kanilang relihiyon (katulad mo), meron ding mga taong masayang mabuhay ayon sa kanilang sariling paniniwala na labas sa relihiyon, at marami ring tao na nabubuhay ng masaya sa pagitan ng kanilang sariling interes at ng kanilang diyos.
kanya kanya talaga. walang isang sagot.
ang importante and desisyon ay nanggangaling sa kanilang sarili at di sila pinipilit. kapag tunay silang masaya sa kanilang desisyon - yung ang "positive life" para sa kanila.
kung tunay kang masaya sa inyo/inyong ginagawa, ipagpatuloy mo lang yan.
salamat muli
ako si BONG