Monday, January 23, 2012

I NEED HELP!

Hi Bong,

I read your blog today (all of your entries) and made me think of my own status.

Ive been very promiscuous and deep inside me alam ko 99.9% na meron na ako HIV.

First time kong sumulat sa isang blogger and lakas loob lang talaga. I am sure youre wondering nag pa test na ba ako? - hindi pa. Wala akong lakas ng loob para mag pa test. Natatakot ako, nakakahiya...

Kung ngayon pa lang na hindi pa confirmed status ko na discriminate na ako outside. Nasa mall ako with friends, may group of gay guys na naka tambay sa isang coffee shop kung san din kami ng friends ko pumunta. Pag dating naman dun ang rami kaagad parinig.
"gosh, he really looks sick"
"naku sana mawala na sya dito... " Etc...

Nung nakaupo na kami, mas maraming parinig, patama na alam naming lahat para sa akin. Minadali ko coffee ko at umalis kunyari tumawag ang bahay at importante.

Ngayon, sobrang takot ako lumabas, dinner with family and friends dahil sa nangyari na pwede ulet mangyari sa akin.

Nakita ko yung post mo sa hiv travel restrictions... Biglang pumasok sa isip ko eh kung lumabas ako g bansa at mag trabaho sa walang restrictions... Kaya lang, paano yung maiiwan ko dito? Paano yung pamilya ko?

Naisip ko din... Na para matahimik ako, sige mag papatest na ako. Pero saan? Saan walang tao mastado? Saan yung di ka mapapansin? Siguro by now, masasabi mong i really care what other people would think about me - at affected ako, may it be good or bad.
I read several blogs today and chose to write  you a letter, i dont know why. But i hope you can help.

Thanks.

PEDRO

______________________________

hello pedro,

ang pagsulat mo sa akin ay isang malaking step, salamat at naglakas loob ka.

unang una nais kong malaman mo na diskriminasyon ay talamak sa ating kultura.

madalas:
ang mga babae ay nadidiscriminate.
ang mga payat ay nadidiscriminate.
ang mga matataba ay nadidiscriminate.
ang mga mabababa ang height ay nadidiscriminate.
ang mga pangit ay nadidiscriminate.
ang mga bakla at lesbiyana ay nadidiscriminate.
at oo ang mga PLHIV ay nadidiscriminate din.
basta kakaiba, may potensyal na madiscriminate.
dapat nating tanggapin na andyan yan, kaya nga may mga adbokasiya
na lumalaban para ito ay wakasan, dahil hindi ito makatarungan.

ngunit sa ganang aki'y matagal pa o baka imposible pa sa ngayon na ito'y
mabura sa lipunang ating ginagalawan.

at dahil dito, dapat ay hindi dito magtatapos ang ating mundo, ang iyong mundo.
kung may nagdidiscriminate sa yo, tumayo ka at ipaglaban ang iyong sarili.
o maging matatag ka at wag mo silang pansinin.

ANG POINT KO IS - we cant please everyone, halos lahat ng tao may opinyon sa iba.

QUEBER NA! DONT CARE! TATANDA KA AGAD! PROMISE!
DONT RESTRICT YOUR LIFE. INSTEAD START ENJOYING IT.
LIVE IT.
pagmamahal sa sarili, unang una sa lahat.  ito ang pinaka importante. tanggapin ang sarili ng
walang pag  aalinlangan --- kapag tiwala at mahal mo ang iyong sarili,
walang sinumang tao ang makakasira sa iyo.

totoo ngang maraming taong negatibo,
sila ay dapat iwasan.

ngunit totoo ring mas maraming taong sadyang mababait at positibo ang pananaw sa buhay,
siguro sila ang kelangan mong hanapin at samahan.

unang una na rito ang iyong pamilya lalong lao na ang iyong mga magulang,
naniniwala akong sila ang magiging karamay mo sa hirap at ginhawa.
humugot ka sa kanila ng pagmamahal at lakas ng loob.

gayundin ang iyong tunay na mga kaibigan, magtiwala ka sa kanila.
sila ang unang unang makakaunawa sa iyo at nakikilala kang lubusan.

sa isyu naman ng HIV...
dapat tandaan na ang sobrang "promiscuity" per se ay hindi sapat para sabihin
na ikaw ay siguradong may HIV na.

maaaring promiscuous ang isang tao pero siya naman ay may sapat na kaalaman
at naprapraktis ng safe sex.

maaari ring minsan lang lumandi ang isang tao ngunit dahil naging pabayasiya,
ay buminggo na sya ng bonggang bonnga at confeeeermed na sya.

ang katotohanan - ang risk for HIV ay nakasalalay sa maraming bagay, isa na rito ang
"high-risk" sexual behavior tulad ng unprotected penetrative sex. at marami pang iba.

ang lahat ng ito ay matututunan mo kapag nagpa HIV testing ka.
sapagkat ayon sa panuntunan, kaalinsabay dapat ng HIV Testing ang
1. HIV 101, 2. Pre-Test Counseling, at 3. Post-Test Counseling.
ang prosesong ito ang nagsusulong na maipalaganap ang tama at bagong
impormasyon ukol sa HIV/AIDS at iba pang Sexually Transmitted Infection (STIs).
layunin ng prosesong ito na magkaroon ng 'behavioural change'  ang mga
taong daraan dito para makasiguradong maiwasan na ang paglaganap ng
HIV AIDS sa pilipinas (at least for those people who took the test).

kung lahat ng tao lang sana magpapatest. hayyyyy :(

datapwat subalit, hindi lahat ng HIV testing sites and private clinics ay
sumusunod sa ganitong proseso, lalong lalo na ang mga private testing
and diagnostic clinics (base sa aking mga panayam) - ito ang mga clinics
na hindi naman prayoridad at espesyalisasyon ang STI HIV AIDS.
kalimitan rin sa kanila ay may bayad.

para makasiguradong tama ang proseso at maasikaso ng mabuti ang iyong
pangangailangan hinggil sa HIV AIDS at STI, ang rekomendasyon ko ay pumunta
sa pinakamalapit na  SOCIAL HYGIENE CLINICs (libre dito) narito ang listahan
http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/hiv-test-sites.html

gayundin sa mga NGO and advocacy groups na nagbibigay ng mga special testing dates.
halimbawa :

1. ASP (Aids Society of the Philippines) --- FREE HIV Confidential (with Pre and Post) Counseling and Testing every 1st Friday (5pm - 9pm) and 3rd Saturday (10am - 3pm) of the month - 2/F OTM Bldg. No. 71 Scout Tuason Street - Bgy South Triangle, Quezon City - For more info please call 3762541

2. The Love Yourself Project  - nagsasagawa ng FREE testing every quarter (next one is on MARCH 4). http://loveyourself.ph/

narito ang aking blog entry about these groups:
http://parteeandplay.blogspot.com/2012/01/stakehoders-ngos-advocacy-groups.html

sa aking experience, mas kumportable ang pumunta sa mga social hygiene clinics at advocacy groups dahil ito ang kanilang forte (HIV AIDS STI)  gayundin ay sila rin amg mga aktibo sa pagsusulong mga mga anti-disrimination and stigma campaigns kaya sapat lamang na isa alang alang nila ang mga espesyal na pangangailangan at atensyon nga mga tulad natin na sensitibo rito.

kung gusto mo talaga konti lang tao i highly recommend,

Makati Social Hygiene Clinic (discreet tinted & unmarked room at 7th floor of Makati City Hall),
JP Rizal St. Brgy. :Poblacion, Makati City / 8701615
look for Yoyie or Ms. Tess (Nurse)

or

Mandaluyong Social Hygiene Clinic
Dr. Yolanda TuaƱo - Social Hygiene Clinic Physician
Lerma corner Vicencio Sts., Old Zaniga, Mandaluyong City / 5467799; 2115336
Mobile #: 09178424298

or

RITM Satellite Clinic
#1850 Leon Guinto Street, Malate, Manila
Phone: (+63-927) 704-8646
Contact person: Lean
Clinic hours: Mondays thru Saturdays, 9 AM to 6 PM


kung kailangan mo ng further refferal or gusto mong may makasama
pwede pa rin kitang matulungan, just ask.

bothered lang ako sa claims mo na 99.9% alam mong positive ka.
at nadiscriminate ka ---
do you look sickly?
did you lose a lot of weight?
are there any visible signs & symptoms?

and even if you answered YES on all my questions above, hindi pa rin ibig sabihin na may HIV ka na, dahil marami pang ibang sakit na maaaring iyon din ang sintomas.

HIV test lang ang tanging paraan para malaman mo kaya go ka na bilis.

ukol din sa option mo nag mangibang bansa sa mga bansang walang restrictions, malaking konsiderasyon din na dapat mong isipin na kung HIV Positive ka, libre ang gamot sa pilipinas para sa mga pilipino - pag  nangibang bansa ka, maaring hindi libre ang gamot para sa mga dayuhan at ngayon pa lang ay sinasabi ko ng may kamahalan ang mga ARVs (anti-retroviral drugs) kaya dapat mo itong pag isipan.

unang step. magpatest ka. kung kailangan mo nga makakasama, magregister ka dito:
http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/i-want-to-get-tested.html

salamat at ako napili mong sulatan. touched ako promise ;)

okay sya keep me posted kung anu ng nangyari sa yo.

hiling ko na maging maligaya ka.


BONG


(PS:  hiv is a matter of life and death, the key is early detection, for once you should stop thinking about other people and put yourself on top priority, isa lang ang buhay natin - huwag sayangin dahil lamang sa hiya or sa takot sa sasabihin ng iba)

1 comment:

  1. Good day. I took the test in one of the clinics posted here. It came out non-reactive, which is good. Unfortunately, I miscounted the days from the time I may have been exposed to the time I got tested. I was around 1 week short of three months. Should I be bothered that the test came out false non-reactive since I didn't make it it past the 3-month window?

    PS: No offense, but how accurate and safe are the HIV tests conducted in social hygiene clinics here in quezon city? The one I got tested in didn't seem to practice the usual fresh-from-the-package-needles. When I got there, all the syringes were lined up ready for use. How do I know they've not been used or contaminated? Do social hygience clinics in quezon city test for the HIV-1 and HIV 2 strains?

    Thanks!

    ReplyDelete