Sunday, January 1, 2012

CHLAMYDIA!


hi po ! I'm M 18 yrs . old from pasig..
may tanung po aq sau ..huhuhuhu :(
nkipag sex po kc aq sa foreigner last dec.3 this yr.
at nd po kme gumamit ng condom..
tas after that ... nagkaroon po aq ng rushes at lagnat.. dahil dun
nag pa check up aq sa derma. tas kweninto q ung ngyare sakin
tas sbi nya babalik daw aq after 3months sa march po un . pero pinakuha nya muna ung dugo ko at
ihi pra daw malaman nya kung saan nang gagaling ung lagnat ko ,. then after that
binigay q na ung result sa kanya then he said.. may CHLAMYDIA daw ako..
tas binigyan nya aq ng gamot na INOFLOX 2times a day for 5days..
pero ngaun po ubos na ung gamot.. but still I have fever and rushes.. huhuhuhu
anu po gagawin ko ?plss advice me .huhuhuhu
at takot po aqng mahawaan ang aking family,.
nakakahawa po ba un ? if possible na I have HIV?
is't possible na ..kahit may chlamydia aq ay mag HIV din? huhuhu

thanx po .. god bless



hello M,

maligayang bagong taon, natutuwa ako at may lakas ka ng loob na sumulat at magtanong...

--- Ang klamidia (Ingles: chlamydia) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na sanhi ng isang impeksyong bakterya. Lumalabas ang sakit na ito mula pito hanggang dalawampu’t isang araw pagkatapos na mahawa. Tinatawag din itong sakit na tulo. ----

mas makabubuting komunsulta ka kaagad sa isang Infectious Disease Doctor, at hindi sa dermatologist. mas specialization kasi nila ang STI at HIV. Dahil ang chlamydia ay isang STI (sexually transmitted infection) mas makakatulong ang isang infectious disease doctor sa iyo.

Gayundin ang pagkakaroon ng STI ay isa sa malaking risk factor for HIV kaya mas makakabuting magpa HIV testing ka na rin para malaman mo ang resulta kaagad, para maagapan.

ang pinakaaccessible na maaring puntahan ay ang mga Social Hygiene Clinics sa iyong siyudad o sa mga kalapit na siyudad na rin (kung saan ka mas malapit), karamihan sa kanila ay nagbibigay din ng libreng gamot para sa mga STI.

ito ang mga options mo:

Pasig City --- Social Hygiene Clinic
Dr. Rocylene Roque - Social Hygiene Clinic Physician
Address: Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City / 6400111

Mandaluyong City --- Social Hygiene Clinic
Dr. Yolanda TuaƱo - Social Hygiene Clinic Physician
Lerma corner Vicencio Sts., Old Zaniga, Mandaluyong City / 5467799; 2115336
Mobile #: 09178424298

makabubuting tumawag ka muna sa kanila para humingi ng direksyon at siguraduhing bukas sila.

para sa iba pa pumunta rito:  http://theloveyourselfproject.blogspot.com/p/hiv-test-sites.html

at palaging tatandaan na magsuot ng proteksyon ALL THE TIME.

salamat,

Bong

3 comments:

  1. update email from M,

    Kua bong. Good day :) nagpa hiv test na po aq sa social hygiene clinic sa proj.7 qc city. At non reactive po ung result. hehe tnx god. ang bilis nga ng result e. mga10 mins na lang.


    ___________________________________

    hello M,

    magandang balita yan - ngayon na alam mo na ang iyong HIV status at makahihinga ka ng ng maluwag at ng walang agam agam.

    gusto ko rin ipaalala ang importansya ng iyong natutunan during the HIV 101 pre-test and post-test counseling na naniniwala akong iabigay sa iyo during the testing sa Proj 7... wag kakalimutan ang mga bagay na itinuro sa iyo.

    matutong proteksyonan at alagaan ang sarili, una sa lahat.

    salamat sa iyong pagsulat.

    Bong

    ReplyDelete
  2. hello and good day bong,

    nagkaron din po kasi ako ng similar experience katulad ng reader ninyo na nagkatulo. follow up question ko lang po don kasi sabi ng reader nyo non reactive sya as of january 15, 2012 sabi doon sa email. hindi po ba sabi nila kailangan antayin ang window period na 3 months?

    kasi ganoon din po ang nangyari sa akin nagkaroon ako ng unprotected sex nung december 23, 2011 tapos nagka chlamydia din at nitong march 4 ay nagpa test sa free testing ng love yourself (kung nandon ka baka nakita mo ako) non reactive naman ang result. kailangan ko pa ba ulit magpa retest sa mar 23 (3rd month)????

    sincerely
    JM

    ___________________________________

    hello JM,

    thats great news, na naging non-reactive ka last march4... para lang masunod natin yun 2 weeks to 3 months window period at makasigurado ka... mabuti na rin yung magpatest ka ulit after march 23... base sa kwento mo na december 23 ka nag unprotected sex --- malaki ang posibilidad na talagang non reactive ka na... pero mabuti na ang makasigurado.

    libre naman ang testing kaya hindi mahirap --- at ngayon na marunong ka ng magpatest, nalaman mo na madali lang naman ang proseso (di bah?).

    encourage your friends and partners to come too

    salamat sa iyo

    (yes i was there)

    hehehe

    keep safe always

    BONG

    ReplyDelete
  3. hello po .. ahm kasi po may na dedischarge po kasi sa genital ko somthing green po and ngbabasa po ako nang mga post dito and nabsa ko po na TULO daw po yun !! natatakot po akong mgpa check eh !! tanung ko lang po kung anung mabisang gamot ? salamat po .. pikitmatang tanung eh :) sana po masagot

    ReplyDelete