Sunday, November 20, 2011

GOD LOVES BAKLA

andito ako sa isang malayong lugar, mag isa lang ako, looking for directions, trying to find peace- i decided to bring ramond's book - matagal ko na rin gustong ipagpatuloy ang pagbabasa nito - raymond gave this personalized signed copy to me when we met in one event.

...at page 58 (god loves bakla), this caught my attention

--------------
God, when i die, i'll have many questions to ask You, but there'll be a most important one which You'll really have to answer well. Because i could never see the logic of why You had done what You had done with me. The biggest burden a man could ever have is n my frail shoulders.  I don't want to fail my friends and family. I know you help those who help themselves, but it seems I can't already help myself.  I need a miracle, Jess. Please... (17 May 1984) - Raymond Alikpala
--------------

p.s.  i'm a non practicing catholic ---  err... agnostic is more accurately i can define it. --- and if that's the case who do i turn to instead???

ito ang aking diary

BONG

Friday, November 11, 2011

KEEPING MY MOUTH SHUT!

sometimes dumadating sa buhay mo yung may nararamdaman kang pain sa iyong puso...

wala sa lugar pero yun ang nararamdaman mo...

sometimes parang gusto mong sumigaw...

pero wala kang magawa kasi sadyang mahina ka...

at maiisip mo na lang... you get what you deserve...

minsan parang andaming salita na gustong kumawala sa bibig mo...

pero alam mong mas nakabubuting itikom mo na lang ang iyong bibig...

dahil wala ka sa lugar...

pero punong puno pa rin ang iyong dibdib...

at wala kang gumawa kundi ang lumuha...

wala kang masabihan...

kahit kaibigan mo...

hay buhay...

tang-ina!

ganito pala yun...


ito ang aking diary

BONG


Wednesday, November 9, 2011

RE: DONATING BLOOD


Hi Bong,


I've started reading your blogs and i can feel na mahirap mabuhay sa sakit na HIV/AIDS, everytime na babsahin ko siya sinasamaan ako ng katawan ( seriously ) parang nahihilo ako and i cant explain yung feeling ko...hindi pa din ako nag papatest kasi im scared but every 3 months nag dodonate ako ng blood ko nakasanayan ko na un mag iisang taon na, wla p naman tumatawag sa akin from blood center... you think enough na un or need ko pa din mag pa HIV text ?


tnxs more power


GODBLESS


ken



____________________


REPLY


thanks for you email ken.


need mo talagang magpatest separately. 


the blood testing centers for donated bloods are not allowed to inform or call the donor kung magpositive ang blood na tinetest nila, bawal sa batas yun. dinidispose lang nila yung blood pero di nila tatawagan ang concerned person (donor).


hiv test can only be done with consent - and in those cases you did not give consent to do hiv test on your blood. they are just doing the routinary hiv test for the purpose of protecting the recipient and making sure that the blood is safe. common misconception yan ng mga nagdonate ng blood. mabuti at nagtanung ka.


kaya mo yan, whether positive or negative ka man, you deserve to know ur status.  early detection is the key. hiv is not a death sentence. it only becomes a death sentence if you find out too late.


i hope u find your strength to take the test. Its for your own good.


safe sex always.


Bong 

Monday, November 7, 2011

SAFE PARTEEEING?

bilang isang aktibong advocate sa hiv/aids awareness, bahagi ng aking mga ginagawa ang bigyang suporta and mga taong nangangailangan ng tulong at impormasyon tungkol sa usapin ng hiv/aids sa pilipinas.  kasama na rito ang magbigay suporta sa mga taong bagong diagnose na hiv positive.

noong isang araw, dahil matagal ko na rin di nakakamusta ang isang kliyenteng newly diagnosed na pusit, naisipan ko syang i-text ---

____________
bong:  hello mike, kamusta ka na?

mike: i am good po! parteed yesterday, but made sure i wore a condom. kawawa naman madadali ko eh. LOL!

bong: thats cool. are you done with ur baseline  lab tests na? are you under arvs na?

(no response)



____________

i felt disappointed with mike, mukhang he's back in his old ways, even his condition does not stop him from changing his ways.

at the same time i felt so helpless, nalulungkot at sobrang naaapektuhan ako, kasi alam ko there's a 90% chance this mode of transmission is exactly how i got infected.

i hope soon i get the chance to talk to him sincerely, i dont know his real story pa mahirap mangaral, he doesnt trust me yet, he doesn't know me.  wish ko na lang pag nangailangan sya ng makakausap at tulong, sa akin sya lumapit.

ito ang aking diary

BONG