maaga akong nagising masarap ang aking tulog, at dahil wala naman akong lakad ng araw na yun, nag decide akong gawin ang matagal ko ng gustong gawin, at matagal ko ng ipinagpapaliban...
nag log-in ako sa manilagayguy.net para hanapin ang address ng pinakamalapit na social hygiene clinic mula sa aking tinutuluyang condominium. nakita ko kasi na may pinost siya na listahan ng mga clinics kung saan makakakuha ng free hiv testing na mabilis ang resulta. dahil walang eksaktong address ang nakalagay sa listahan at meron namang mga landline at cellphone number na nakalagay, tinawagan ko ang numero, nakausap ko si doktora tuaño at madaling nakuha ang kumpletong address, malapit nga. mabilis naman daw ang resulta at wala silang pasyente nung umagang iyon kaya magandang makadalaw na ako para makapagpatest.
sumakay ako ng taxi at ibinigay ang address sa driver. marahil ay mga 15 minuto lang ang layo galing sa aking lugar ng social hygiene clinic. habang nasa taxi ay masaya ako, walang kaba sa aking dibdib, medyo excited dahil matagal ko na nga pinagplaplanuhan ang bagay na ito. kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si migs, sinabi ko sa kanya na nasa taxi na ako at papunta na sa social hygiene clinic, medyo nagulat siguro sya kasi for the last few weeks na kinukulit nya akong magpatest eh hindi nya ako makidnap kidnap, ang lagi kong dahilan eh busy ako at maraming ginagawa, humahanap lang ng tyempo, totoo naman yun eh. siya ang una kong pinagsabihan para matuwa sya, sabi nya tawagan ko agad sya pag lumabas ang resulta at ipinagbilin nya na kahit anu man ang resulta “ walang magbabago”.
dumating ako sa social hygiene clinic, isa pala itong barangay health center sa siyudad namin, kulay dilaw at apat na palapag sa isang maliit na kanto. konti lang ang tao so dumiretso ako sa 2nd floor, yun ang sabi ni doktora tuaño. pagkapasok ko sa kwarto sumalubong sa akin ang isang babaeng receptionist at nakangiti sya, sinabi kong ako yung tumawag na magpapa HIV test. sumagot sya ng magiliw at sinabing ‘ay oo nabanggit nga ni doktora na tumawag ka, dumiretso ka na daw sa laboratory sa itaas sa 4th floor para makunan ka na ng dugo, nasa loob lang si doktora.’
dumiretso ako sa laboratory sa 4th floor at doon sinalubong ako ni elena (isang medtech) at sinabi ko ang pakay ko. hinanap nya yung form ko, sabi ko walang binigay yung receptionist at basta pina akyat lang niya ako para magpakuha ng dugo. pinaupo nya ako sa harap ng table kumuha sya ng isang form. nabangit ni elena na absent ang kanilang nurse dahil nasa burol ng isang kamag-anak at dahil walang mag co-counsel kukunin na lang muna nya ang ilang basic information bago ako kunan ng dugo. pangalan address telepono trabaho at iba pa, sobrang basic information lang at isinulat nya sa kapirasong papel.
kumuha sya ng syringe at inilagay sa ibabaw ng mesa ang aking kaliwang braso. average lang din naman yung size ng syringe at di naman ako natakot. matapos ang pagtusok ng syringe nahirapan yata syang tumbokin ang vein ko at ilang beses pa nyanga nireposisyon ang dulo ng karayom sa loob ng aking balat, hanggang nakita kong unti unting napupuno na ng dugo ang syringe. di naman ako nasaktan matapos nyang hugutin at napuno ang kalahati ng syringe.
pinababa nya ako sa 2nd floor para duon ko na lang hintayin ang resulta matapos daw ang mga 20 to 30 minutos ay ibababa na nya ang resulta. naupo ako sa reception area at inilabas ang aking telepono, kalmado naman ako at walang pangamba. ng makita ako ng receptionist, nakangiti sya at sinabing – ‘lumabas lang si doktora dahil may tumawag ng emergency, umupo ka muna dyan para sa resulta, in-endorse ka na nya sa amin’
matapos ang mga 20 minutos, dumating si elena na may dalang papel nakangiti naman sya nilagpasan ako at dumiretso sa isang kwarto sa loob ng clinic, hinahanap nya si doktora, narinig ko na nagulat sya ng malamang wala si doktora at lumabas at patuloy lang silang nag usap sa loob. makalipas ang ilang minuto, lumabas si elena at tinawag ako sa loob ng kwarto at pinaupo, nakaupo rin sya at nakaharap sa akin. may 2 pang babae sa loob ng kwarto, at nakaharap sa amin, yung receptionist at may isa pa na nuon ko lang nakita. Sinabi ni elena na wala si doktora at dahil duon ay hindi nila mailalabas ang resulta dahil kailangan pa rin ng counseling, kailangan ko raw bumalik bukas ng umaga para andun na ulit si doktora. medyo natigilan ako at andaming pumasok sa akin isipan nung oras na yun. maayos naman at normal ang kanilang pagsasalita, pormal at propesyonal, pero pilit na pumapasok sa isip ko na parang may mali sa prosesong nangyayari. napansin kong hawak ni elena ang papel na resulta sa ibabaw ng table, sa ibabaw nito ay may mas maliit na papel na nakapatong at duon nakapatong ang kanyang kamay. parang sadyang tinatago ang nakasulat
medyo kinabahan ako sa sitwasyon, maraming tanung na pumapasok sa ulo ko pero dahil tatlo sila sa kwarto at biglang natakot akong magtanung sa tunay na resulta, hindi na lang ako nag usyoso sa halip ay kalmado pa ring nakipagusap at nakipagkasundo na babalik ako kinabukasan para sa resulta. sinigurado pa ng receptionist at ipinagbilin na siguraduhing bumalik ako bukas para sa resulta, bagay na lalong nagpakaba sa aking dibdib.
lumabas na ako ng social hygiene clinic at nagsimulang maglakad sa kalye papunta sa main road kung saan kukuha ako ng taxi. inilabas ko ang aking telepono at tinawagan ko agad si migs. ‘tang ina migs, bakit ganun positive yata ako, bakit nila ako pinagbabalik kinabukasan pinaghihintay samantalang hawak na nila yung resulta, ganun ba talaga ang proseso? 30 minutes lang ang rapid test ah?’ ikinuwento ko kay migs lahat ng mga pangyayari sa loob ng clinic, ramdam ko na marami ring katanungan sa kanyang ulo at nagworry din sya sa sitwasyon ko. bumuhos ang malakas na ulan at sumilong ako sa tindahan sa kanto at naghihintay ng taxi habang patuloy ang aming diskusyon sa telepono kung anu anu ang maaring maging dahilan kung bakit hindi nirelease ang resulta sa akin… dahil wala ang nurse at doktora at walang pipirma… dahil wala pa akong proper counseling… dahil positive ang resulta at di nila alam ang kanilang gagawin… dahil talagang standard operating procedure nila na wag mag release pag walang duktor… at marami pang ibang dahilan, mabilis ang aming diskusyon, pilit ako pinapakalma ni migs, palutoy na malikot ang aking pagiisip, maraming sitwasyon ang gumugulo sa aking diwa, mabuti na lang na andyan si migs para may nakikinig sa akin. may pumarang taxi at kagyat na sumakay ako para pumunta sa trabaho.
dahil sa pagaalala ni migs ay napagkasunduan namin na magkita kinabukasan ng umaga para masamahan nya ako sa pagkuha ng aking resulta.
pagdating ko sa trabaho, hindi ako mapakali, kabado ako pero medyo kalmado pa rin, marami lang talagang tanung na pumapasok sa aking isip, bakit ganito, bakit ganyan, pano kung ganito, paano kung ganyan? siguro mahigit 2 hanggang 3 oras akong nakatulala at taimtim na nagiisip lang, nakaupo at nakaharap sa computer pero blanko ang isip. matapos ang magmumuni, kahuli hulihan ay nasabi ko na lang sa aking sarili na magkaroon ng open mind at tanggapin kung anu man ang magiging resulta bukas, maging negative or positive man sya, wala na akong magagawa kungdi ang tanggapin ito at maging positibo ang pananaw sa buhay, marami naman akong kaibigan at malakas pa naman ako, naalala ko ang kwento ng pagpapatest ni migs na kanyang sinulat sa kanyang blog kamakailan lamang, sabi nya sobrang nacomfort sya sa reassurance ng ate nya na doktora na “okay lang yan. harapin na, para magawaan na ng paraan” - somehow ito rin ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para harapin ang sitwasyong ito at para magpa test, nung minsan sinabi rin ng isa ko pang kaibigan, na ang pilipinas ang isa sa may pinagamagandang HIV treatment program sa mundo, na libre ang mga gamot, at ang importante lang ay 'early detection', na yun daw ang key sa quality and lenght of life ng mga HIV positive. tumatak na sa isip ko ang katagang ito kaya alam ko rin na mahalagang nagpatest na ako agad.kaya kampante ako.
para sa akin... wala na tayong magagawa sa nakaraan, kung infected na, e di ganun, kung hindi naman, e di mabuti basta ang importante malaman na ang katotohanan.
para sa akin... wala na tayong magagawa sa nakaraan, kung infected na, e di ganun, kung hindi naman, e di mabuti basta ang importante malaman na ang katotohanan.
Nagsimula akong magtrabaho at pilit na iwinawaksi sa aking ulo ang mangyayari bukas. Kinagabihan nakipagkita ako sa isang bagong kaibigan para tumambay sa mall at magkape, gayundin para pag usapan kung paano tatapusin ang isang matagal ng nakabinbing proyekto – siguro kailangan ng tapusin ko ito, mahigit 6 na buwan ng hindi umuusad ang proyektong ito at biglang naisip ko matapos ang mga pangyayari ngayong araw… kailangang matapos na ito bago man lang ako mamatay. napangiti lang ako, nakakapagbiro pa…
ito ang aking diary
BONG