My name is KOJIE from pque 23. At my age, I also have the same blessing. Dont want to mention the magic word. I have so many thoughts in my mind. After knowing that I have obtained the blessing, my plans in life suddenly changed. I need some pieces of advice if its okay:
I planned to work abroad some day when I reach the age of at least 27-28 but knowing I have it I guess its no longer possible, can it be detected from my requirement?
I planned to establish my own family when I reach 30 but having it made me changed to stay single forever and not to put someone at risk and also to pass this on my child.
I decided to stay with my current job, just worried if it can be detected with CBC.
Sorry for the confusion, I am indeterminate and I have researched o it and its going there after a month so I am just preparing myself. Will have to visit mid of Jan 2012.
Regards,
KOJIE
hello kojie,
maligaya ka sana ngayong pasko at bagong taon, alam ko na matapos ang ganitong 'bad news' eh medyo mas mahirap ng magpakasaya --- pero hindi imposible na sumaya pa tayo, if fact maraming dapat ipagpasalamat sa ating buhay at sangkaterba pa ang dahilan para maging masaya tayo.
working abroad --- oo maaari ka pang makapagtrabaho abroad, pero hindi lahat ng bansa ay pwede, may mga bansang ipinagbabawal ang magtrabaho ang dayuhan na PLHIV (people living with HIV), makabubuting pag aralan mo muna ang batas ng bansang iyong gustong pagtrabahuhan at kung nagrerequire sila ng HIV testing. sa US pwede pwede, sa Singapore at ibang Arab Countries hindi na pwede. pero kung tourist visit lang naman, alam ko na pwede ka pa rin makapunta kahit saan mo gusto dahil wala namang bansa na nagrerequire ng HIV testing sa tourist visa applicants.
establishing a family --- oo maari ka pa ring magkaroon ng pamilya, dahil sa galing ng sensya ngayon ay maari ng magkaroon ng maayos na pamilya ang isang PLHIV. hindi ito madali ngunit may mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang mahawaan ang iyong asawa, gayundin ang inyong magiging anak. maari kang magtanung sa mga duktor na espesyalista sa HIV/AIDS (sa mga treatment hubs) tungkol dito.
keeping current job --- nakapaloob sa ating batas (Republic Act 8504) na bawal ang diskriminasyon gayundin ang pagtanggal sa trabaho ng dahil lamang na ang isang tao at PLHIV. gayundin walang karapatan ang sinuman na pilitin ang isang tao para magpatest ng HIV. dapat ito ay voluntary. dahil dito walang kahit sinong kumpanya sa pilipinas ang makakapag-require ng HIV testing sa kanyang mga empleyado, ito ay labag sa batas sa ating karapatang pantao. ang iyong HIV status ay hindi malalaman sa pamamagitan ng ibang mga blood test tulad ng CBC kaya wala kang dapat na ipangamba. HIV test lang ang makakapagsabi nito.
indeterminate --- nangyayari ang ganitong resulta kung may mga pag-aalinlangan ang resulta ng ating mga test procedures, maaring hindi pa sapat ang mga antibodies sa iyong katawan (window period), at may iba pang kadahilanan. mas makabubuting magpatest kang muli sa itinakdang panahon para malaman kung anu ang tunay na resulta.
maganda ang naghahanda. hiling ko ay maging (negative) ang resulta ng iyong mga darating na tests pero nais ko ring ipaabot sa iyo na kahit positive man ang lumabas, hindi ito katapusan ng mundo. goodluck sa iyo at sana ay matagpuan mo ang kapayapaan at katatagan ng kalooban ngayong bagong taon.
salamat
BONG
TIMELINE (without ARV treatment):